8 장: Jaja's plan

Robert POV*

Makalipas ang ilang araw di ko mapigilan isipin kung ano ang mga nangyari noong nakaraan. Grabe, di ko talaga inaasahan na siya yung Director Jeon. Kasalan ni Google, wala kasing picture na pinakita eh.

Wala akong diniliver ngayong maghapon kaya dito lang ako sa harap ng bigasan, nagbibilang ng sasakyan. Biro lang.

Napag isip-isip ko rin na ayaw ko ng makita ang babaeng yon. Kaya hanggang ngayon di pa rin ako pumupunta sa Dark N' Knight na to. At di ko parin naibibigay ang gusto niya. Pakiramdam ko kasi malaking problemang dala niya sa buhay ko eh. Mahirap na. Eh ano naman kung sikat siya? Tong mga cards na hawak ko, buti pa sunugin ko na lang. Balak ko sana  yan kagabi gawin, kaso bigla akong inantok. Wala na akong nagawa.

Di naman niya alam kung saan ako nakatira. Hehehe, di ko na siya makikita ulit. Yes woooo!!

"Ahmm, excuse me!"  agad akong lumapit sa sasakyan na tumigil sa harapan ko. Grabe, isa pa tong astig! Ang lupeet!! Parang uri ng mga race cars na nakikita ko sa mga TV!

"Ano pong hanap niyo? Dinorado, Sinandomeng, o Marice?" alok ko sa kanya ng buksan niya ang bintana.

"Ahh hindi akong bumibiling bigas." naka ngiting sagot. At saka tinggal ang shades niyang suot.

Napakamot naman ako ng noo. "Ano pong kailangan niyo?"

"Ikaw ba si, Roberto Jun Jun Dimasilang?"

Ay pano niya nalaman name ko?

"Opo, ako po yon?"

Di siya sumagot sa halip ay nginisian niya lang ako. Ano naman kayang trip ng babaeng ito?

Kita ko sa side vision ko ang pagbukas ng bintana ng sasakyan sa back seat kaya kaagad akong tumingin roon. Pero halos malaglag ang mga mata ko sa nakikita ko!! P-paanong?

"Hi! There. Kailan mo balak magpakita ha?" tanong niya at seryoso akong tinitigan! Tinitigan niya ako!!!

"I-ikaw?"

Ang totoo. Ngayon ako nakaramdam ng takot sa mga mata niya. Grabe, para akong may utang na milyon na di ko na babayaran! Yung mga mata niya parang mga mata ng bwitri makatingin. Para lalamunin ka ng buo!!

"Are you going to stare at me forever?"

Ikaw kaya itong tumitingin!

Para akong batang umuling iling at lumayo ng kaunti sa sasakyan nila.

"Hop in the car." utos niya.

"Naku, hindi pwede. May trabaho ako. Bawal iwa--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nag-angat ng baril at kinasa iyon sa harap ko..

Teka, bakit may baril siya! Halos mapigil ang hininga ko! Konti na lang parang maiiyak na ako! Pinagtatangkaan niya ba ang buhay ko???

Sa sobrang takot ay sinunod ko ang gusto niya.

Pansin ko namang tumatawa ng bahagya ang babaeng kasama niya. Umiling iling siya at parang sinasabing huwag akong mag-alala! WOW! HUWAG MAG ALALA HA?

"Where's the BlackCard?" awtomatikong tanong niya.

Halos mangatalngatal ako habang kinakapaan iyon sa bulsa ng pantalon ko. Pero di ko pa man naaabot sa kanya ay bigla niya itong hinablot sa akin!

"Ay ano yan?" tanong nung babaeng kulot. Nakapula siyang jacket, itim ng pantalon at nakasuot rin siya ng itim na gloves.

Hindi maipinta kung gaano kaseryoso ang itsura niya habang nakatitig sa BlackCard na hawak niya. Makikita mo sa mga mata niya ang galit.

Bakit ano bang meron sa babaeng ito?

"Ja, make sure na hindi mo sasabihin ito sa iba."

"Bakit ano ba kasi yan?"

"May human trafficking na nagaganap sa loob ng kompanya. Tawagan mo si Inspertor Delavin at SPO1 Francisco may pa i-imbestiga ako." ma-awtoridad na utos nito sa babae.

Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng balingan niya ako ng tingin!

"Why are still here?" may inis na tanong niya.

"Ahh. eh," wala na utal na!!

"Get out!" sigaw niya! Lumabas naman kaagad ako! Baka di na ako makalabas roon kapag nagsalita pa ako!

Ang babae namang driver ay sinaluduhan ako bago nya pinaharurot ang sasakyan!

"Woooh! Lintik na yan! Ano bang meron sa mga yon? Bakit?"hay! Hindi ko masagot sa sarili ko!

Ganon ba kamisteryoso ang babaeng yon? Nakakatakot siya, para siyang halimaw! Daig niya pa ang tunay na lalaki! Ganon ba talaga siya tumingin? Ganon ba talaga siya magsalita? Prangka kung prangka! Nakakatakot ang mga lumalabas sa bibig niya! Pati na rin ang mga kinikilos niya!

Oo, natatakot ako. Pero bakit parang nakakaramdam ako ng awa? Bakit ko naman siya kakaawaan? Eh, siya nga ata itong walang awa eh.

Ang babaeng iyon. Di ko na naman nakuha ang pangalan niya!

Yung ugali niya parang nakuha ko na, pero yung pangalan niya di pa rin? Ang hina ko naman.

Ano bang mg pinagsasabi ko ha? Tss. Wala na akong pake sa kanya. Malay ko ba sa buhay niya no! Sana ito na huli naming pagkikita, ayaw ko na ring magtagpo ang landas naming dalawa.

Amber's PoV*

"Sigurado ka ba talagang ayaw mo?" pangungulit na naman niya. Ilang araw na ang nakalipas at hangang ngayon yon pa rin ang bukambibig niya!

Nailing na lang ako sa walang kwentang suhestiyon niya. Ano ba naman klaseng utak ang meron ang baabeng to? Insane women.

"Mukha okay naman siya sa paningin ko eh. May itsura rin naman siya kahit papaano eh."

Kunot nuo akong tumingin sa kanya.

"Hindi ako magpapakasal kung kani kanino lang! Ano ba yang mga naiisip mo!?" I'm so pissed!

"Eh kasi nga close sila ni Haraboji, pwedng pwede siya. Kapag siya ang pinakasalan mo mas madali kasi tanggap kaagad siya ni Haraboji! Ayaw mo nun? Di ka na mahihirapan! Tapos ang problema mo!"

Napangiwi ako sa mga sinabi niya.

"He's not even in my standard. Isa siyang kadiring mahirap. Hindi ako pwedeng magpakasal sa taong di ko kilala at literal na tanga." walang ganang sabi ko.

I'm not in my mood now. Kailangan na ulit kasi naming mag shooting next day. Kailangan ko ng lakas. Kailangang mapuno ang mood ko.

"Sa problema mong to, hindi mo na dapat iisipin ang standards standards na yan! Pwede ka ngang kumuha sa mg artista mo eh! Kaya lang sa tingin ko talaga, si payatot ang sagot sa problema mo. Ano?"

Para siyang asong nagmamakaawang makipaglaro sa kin. She's literally look like a dog.

Wala pa ring kwenta. Kaya kong makaisip ng ibang solusyon wala lang sa lintik na pagpapakasal na yan.

Buti naman tumigil na ang bunganga niya. Di ko kaya ang mga pinagsasasabi niya. Tsk, I'm not stupid no. Kaya kong harapin ng mag isa itong problema ko. Kaya tinawagan ko ngayong araw si Att. Choi, siya ang kailangan ko ngayon.

Makalipas ang ilang oras ay dumating na rin siya. Agad ko na rin siyang pinapunta sa secret room.

"Good morning Att. Choi. How was your day?"

"I have a very good day, Miss Amber."

Kinawayan namin ang isa't isa bago sabay na naupo.

"How can I get the many?" di na ako magpapaligoy ligoy pa.

"You mean, the whole Jeon's treasure?"

"Yes."

Umubo siya ng bahagya, "Miss Amber. Alam mo ang patakaran."

"Pero walang kwenta yon! Paanong mapupunta yon sa magiging asawa ko, eh ako ang Jeon sa aming dalawa!? Ako magbibigay ng apelyido sa kanya!" di ko na naman mapigilan ang sarili kong magalit! "Hindi ba natin pwedeng pag usapan to Att, Choi?"

"That's why I'm here, nag-uusap na tayo."

"Magagawan mo naman siguro ng paraan ang gusto ko diba?"

"Miss, Amber. Alam mong walang pwedeng bumangga sa Lolo mo. Kay Mr. Jeon Seung jin."

"Get out." nawawala ng pasensiyang sabi ko.

Sumasakit ang buong kawatawan ko! Di ko na alam ang gagawib ko! Ang hirap labagin ang patakaran ni Haraboji.

Bakit kasi kailangan na sa taong yon pa mapupunta ang mga kayamanan?

Nagunot lalo ang nuo ko hanggang sa maalala ang mga pangungulit si Jaja sa akin.

Ang lalaking tatanga-tanga na yon. Mapakikinabangan ko nga ba siya? Napangisi ako, alam ko ang mga kagaya noyang uri ng tao. Tatanga tanga sila sa mga bagay bagay pero kapag dating sa pera, matatalino sila. Ugaling eskwater nga.