Chapter 9: SHOCKED!!

Robert's PoV*

Isang magandang umaga para sa akin. Nakasabay ko lang naman kasi si Ava my labs! Yes! Pinaka da best talaga yon sa lahat! Akalain mo yon? Hehehe.

Masayang naglalakad ako ngayon papuntang bigasan. Wala na kasi akong pera, tipid tipid muna! Exercise din yon. Ganon na lang ang kunot ng nuo ko dahil wala pa ako sa harap katabing tindahan ay kita ko na ang maraming tao roon.

Bakit andaming mga naka set na camera? Bakit andaming mga taong nakaitin tapos may suot sila sa ulong headphones, at iba naman ay may hawak hawak pang mga papel! Andami ring malalaking lights. Bakit meron non? Nadidiliman ba sila? May araw kaya! Heler!

Lumapit ako sa mga kasamahan kong nasa gilid at gaya ko ay nagtataka rin.

"Hoy! Anong meron? Bakit may mga ganyan?" tanong kay Tolits, yung tropa kong abno. Katrabaho ko rin siya dito.

"Itong bigasan raw ang kinuhang location para sa gaganaping shooting. Alam mo ba yung bagong romantic comedy na movie na, Gigi and Tony?!"

Napailing ako. Malay ko ba don?

"Hay! Kala ko naman alam mo! May libro kaya non! TV adaptation to! Ang lupet ano?"

"Nagbabasa ka pala?" nakangiwing tanong ko.

Mukha siyang adik promise. Kaibigan ko siya, pero mukha talaga siyang adik. Mas payat pa siya sa akin tapos ang itim niya rin, meron din siyang mga tattoo sa leeg na mga langgam. Nangangati leeg ko kapag nakikita ko yon!

"Aba! Oo naman!"

"Oh eh nasaan si Boss?"

"Umalis siya saglit, babalik daw siya mamaya."

"Ahh."

Muli kong tiningnan ang mga tao sa paligid. Yung mga naka itim. Grabe ang lupet naman nila. Sobrang seseryoso ang mga mukha nila. Talagang ginagawa nila ng maayos ang trabaho nila. Mahirap kaya trabaho ng mga yan?

Sa hindi namin inaasahang pangyayari bigla na lang naghiyawan ang mga taong nanonood, sigurado akong fan yun ng artisita na magshooshoot dito. Yung mga taong wala namang ambag gaya ko nakatanga lang.

Mula sa isang maliit na tent lumabas ang isang magandang babae. Nakasuot siya ng puting T-shirt at pantalon lang. Kahit ganon ang suot niya namumukadkad ang itsura niya, sana all maputi. Sumunod naman sa kanya ang isang lalaking nasisiguro kong leading man niya.

Naenganyo tuloy akong manood! First time kong magkita ng ganito eh. Nakakatuwa pala!

Maya maya lang ay naka set na ang lahat, pero ang ipinagtataka namin ay kung bakit hindi pa sila nagsisimula?

Ang tagal naman! Excited na ako eh!

"IN FIVE MINUTES DAW SABI NI DIREK! STAND BY MUNA!" sabi nung lalaking malapit roon gamit ang isang megaphone.

Lahat ay excited na. Pero ako? parang biglang nangamba nung marinig ung salitang DIREK. Napakamot na lang ako ng ulo. Parang ayaw ko nang manood.

"Lits, una na muna ako. Balik na lang ako mamaya." paalam ko bago tumalikod.

"DIRECTOR JEON!"

O_O?

Awtomaitko akong napatigil sa paglalakad! Parang akong nag slowmong lumingon sa likuran ko.

Bakit? Bakit siya nandito? Malamang, direktor siya! Pero bakit siya? Sa di ko inaasahang pagkakataon na NAMAN.

Nagkita na naman kami, saktong pag-angat ko ng tingin ay mga mata niya kaagad ang sumalubong sa akin. Kahit ang layo ng agwat naming dalawa ramdam ko ang lamig ng titig niya.

Pero bakit niya ako tinititgan? Tinititigan niya talaga ako! Okay na kami diba?Naibigay ko na yung BlackCard diba? Tapos na diba? Bakit may ganito pa? Bakit kailangan pang magtagpo ng landas naming dalawa!?

Lintik na landas yan! Lagi ka na lang problema!

Sa isang iglap ay nawala na ang mga paningin niya sa akin.

At nagsimula na shooting. Sa kalagitnaan noon ay umalis na ako. Di ko na kayang magtagal roon! Kinakabahan talaga ako! Ewan ko basta kinakabahan ako! Kita ko palang yung mga mata niya parang may delubyo na!

Hay! Pabayaan ko na nga yon!

Dito lang ako nakatambay malapit sa may burgeran, pero bago iyon nagpapit muna ako ng puting T-shirt. Sayang kasi yung uniform ko, maya ko na lang susuot ulit. Hinhintay ko na lang silang matapos. Gusto ko pa nga sanang hanapin si Boss, kaso di ko naman na makita. Nakakapagod lang, ang init! Pati dito sa may burgeran ang init na rin. Pumunta ako sa isang silong malapit roon.

"Amber, please.. Nagbago na ako.. sana magbago na rin ang nakikita mo sa kin. I'm not like before. I can't hurt now. Nagsisisi ako roon. Please maniwala ka sa akin."

Nangunot ang nup ko sa narinig, di ganon yon kalakas pero dahil wala mdyong tao dito ay maririnig mo talaga.

Nakanguso akong lumingon-lingon sa paligid.

San naman kaya yon? Hindi ko na lang iyon pinansin. Kailan ba matatapos tong mga to?

"Please Amber... Please...forgive me." muli na naman akong napalingon lingon. At napagtanto kung galing iyon sa tent malapit sa kinatatayuan ko.

Natahimik na lang ako. L.Q. ba tawag don?

"Get out of my way." sabi naman nung kausap niya. Teka lalaki ba yon? Huwag mo sabihing lalaki sila pareho sa loob ng tent!?

Sa sobrang katsismosohan ko sa buhay. Lumapit ako malapit ron. Pero ganon ba lang ang gulat ko ng biglang hinawi ng nasa loob ang tela na nagsisilbing labasan ng tent!

"AY PALAKA!"

"WHAT THE!?"

SIGAW NAMING PAREHO! NAGULAT RIN SIYA!

Si.. Yung babaeng pusit. I mean yung Director pala.

"Ay sorry, sorry.."

Grabe nakakahiya! Yumuko ako ng yumuko sa kanila para humingi ng tawad sa kanilang dalawa.

Pasimple akong nag-angat ng tingin sa kanila. Yung mga narinig ko kanina.. Ang ibig sabihin. Syota niya ba to?

"I'm sorry, who are you?" tanong nung lalaki. Syempre sa akin.

"Ahh.. Eh.. Wal--"

O_O! - - ganyan ang itsura ko ng biglang hawakan nung bababeng pusit ang mga BRASO ko!!

ANO TO?? ANO TO??

"He's my boyfriend."

Boyfriend niya nga ak--TEKA ANO???

Kumot nuo akong nakatingin sa kanya! Nakangiti pa siya habang sinasabi yon sa kausap habang nakatingin sa akin!

"Boyfriend? Are you serious?"

"Oo nga, seryoso ka ba? " tiningnan niya ako ng masama!

Para akong akong yelo rito, sobrang lamig at sobrang tigas! Ano ba tong mga nangyayari! Kailangan ko ng matinding explanation!!

"Amber?" hinarap siya ng babaeng pusit at hinila niya naman ako palapit sa kanya.

"And we're getting married!"

O_O!!

Yung kanina kung mukha akong yelo, ngayon naman para akong nakatira sa Antartika!

"Makakarating to sa daddy mo, Amber." sabi nung lalaking, at bago umalis ay sinamaan niya ako ng tingin.

Napanganga ako habang nakatingin sa kanya.

Di ko na alam ang nangyari para akong na trauma! Napagtanto ko na lang na nasa loob na pala ako ng tent. Nakaupo, wala aa sarili. At pilit na si-sink in sa utak ko ang mga nagyayari.

Kanina lang pagkarating ko sa bigasan may mga taong di ko kilala, yun pala may shooting lang. Tapos hindi ko alam na nandito pala ang babaeng pusit. Umalis ako dahil ayaw ko siyang makita tapos tumambay ako sa may burgeran, pero dahil mainit na roon ay umalis ako at dito naman ako sumilong sa malaking open tent, katabi ang maliit tent na may lalaking nagsasalita. Tapos... Boyfriend.. Tapos..were getting married.. Nanaginip ba ako? ! LORD, PAKIGISING AKO PLEASE!!!

"Hey, idiot man."