Chapter 10 Unexpected

Amber POV

Dali dali akong bumaba ng floor at sumakay sa taxi'ng naghihintay sa akin sa baba. Di ko akalain na merong family dinner ngayon, alam kong nandito ang ibang kamag anak namin.

Kung tutuusin ay wala akong paki-alam sa iba sa kanila. Pero kasi yung kapatid ni Haraboji na pinaka panganay na si Mr. Jeon Jihoon.. Medyo nakakatakot siya. Kaya nahihiya akong di umattend baka kung anong isipin kasi.

Hindi ako natutuwa sa suot ko ngayon napilitan akong magsuot ng bistida ng dahil sa kaba. Kahit naman pa petiks-petiks lang ako. Kinakabahan rin ako ano!

Wala akong kaide-ideya kung anong magaganap sa dinner. Pero bahala na. May tiwala naman ako sa sarili ko at kay Haraboji. Alam kong back-up ko siya eh. Hehehe.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang pumasok sa utak ko ang mga nangyari kanina. Mukha talaga siyang tanga, yung idiot man na yon. Masyado siguro siyang naniwala sa mga pinagsasabi ko kanina. Wala sa sarili akong tumawa ng mahina. I'm just using him wala akong makitang paraan para mapalayas sa harap ko ang Jonathan na yon eh, huwag niya sanang paniwalaan ang mga sinabi ko kanina sa harap nila. Dahil wala akong kabalak-balak na gawin yon kahit sa bangungot. Nakaka bwisit ang pagmumukha nila pareho, naiimbyerna ako.

Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa restaurant. Isang sikat na Korean Restaurant, di ako madalas kumain sa ganito pero sometimes kumakain rin naman ako ng mga korean foods, di ko lang masyadong tipo. Mas gusto ko pa rin ang mga pagkaing pinoy, lalo na kapag libre. Hahaha!

"Kuya dito na lang." sabi ko sa taxi driver, tinabi niya naman ang sasakyan bago ako bumaba.

Nakakainis, gusto kong maglakad ng depende sa kung saan ako komportable, kaso hinde eh! kailangan kong maglakad angkop sa kung anong suot ko! Damn it!

Pagkapasok ko sa loob di ko aakalaing ang unang taong makikita ko. Napangiwi ako saka kunot noong nag-iwas ng tingin. Bakit ba nandito ang taong to?

"Good evening beautiful. You look gorgeous." nakangiting sabi ni Jonathan na ulol.

Gusto ko sanang tanungin kung bakit nandito siya ang kaso hanggat kung maaari kasi ay ayaw ko siyang kausap.

Di ko siya pinansin at nagdereretso na lang papunta sa mesa nakita ko kaagad don si Haraboji. Lumapit ako sa kanya bago nakipagbeso.

"Akala ko di ka pupunta eh." bulong niya.

"Akala ko rin eh hehehe." maupo ka na.

Umupo ako sa tabi niya tipid na nginitian at tinunguan ang ibang naroon sa lamesa.

"Nice to see you here, Amber. You're so beautiful." tiyahin ko yan kapatid ni dad, echosera.

"Good evening po." bati ko sa kanya.

Bale, anim lang kami ngayon sa mesa katabi ko si Haraboji at katapat naman namin ay ang mag-asawang Park. Si Elizabeth at Nino. Katabi naman nila yung nakababatang kapatid nina Haraboji, si Mr. Jeon Yeon Jun.

Nakakatawa siya dahil hanggang ngayon, napaka isip bata pa rin niya. Nasa 60's na kaya siya. Hahaha, ang liit liit pa niya. Hahahaha! May problema siya sa utak hahahaha. Ang sama ng ugali ko. Stop the bad comments Amber.

Naguusap usap sila gamit ang aming lengguwahe, pero hindi ko alam kung bakit parang kanina ko pa naririnig ang pangalan ko sa kanila. Hindi ko na lang iyon pinansin at saka lumingon lingon sa paligid, bakit naman ang tagal ng mga pagkain?

Gusto ko sanang kulbitin si Haraboji ang kaso busy naman siya sa pakikipag-usap. Makalipas ang ilang sandali ay dumating ni ang medyo kinakatakutan ko. Oo, medyo natatakot lang ako di naman sobra.

Tumayo kaming lahat at nag bow sa kanya bilang paggalang. Hindi siya gaya ni Haraboji na sobrang yaman. Si Haraboji at ako ang dahilan kung bakit nakilala ang Jeon.

Di talaga siya mayaman, pero sa awrang dala niya kasi nakakatakot siya! Lahat ay takot sa kanya maliban sa akin syempre. Pero dahil siya rin kasi ang matanda.

Umupo na kaming lahat at kasabay naman noon ang pagdating ng mga pagkain. Pero isang sandali na naman ay bigla na lamang dumating si dad! Bakit siya nandito? nangunot ng bahagya ang noo ko ng makita ang kasunod niya.

Gusto kong matawa, mag-bestfriend ba sila!?

Ngumiti na naman siya ng sobrang lawak sa akin. Napangiwi ako at nag-iwas ng tingin. Di ko matagalan ang mukha niya.

He really look so insane and desperate.

Ano bang ginagawa ng mga yan dito?

"Good evening to everyone." bati nang magaling kong ama.

"Please be seated." ani Mr. Jeon Jihoon.

Umupo silang pareho, pero di ko akalain na biglang umalis ang tiyahin ko at doon naman naupo si Jonathan ulol.

Sinamaan ko siya ng tingin. Akala niya ay natutuwa ako?

"I wanna seat beside you.." sabi niya at hinaplos ang pisngi ko. "Miss me baby?"

"Dont touch me, kung ayaw mong mabawasan ang bilang ng mga daliri mo."

"Grabe nakakatakot.." ngising aniya.

Nabubwisit ako.

"Your dad knows what happened." alam ko ang tinutukoy niya.

"Gumagamit ka na naman ng tao. Para makuha ang mga bagay na gusto mo." bahagya siyang natawa.

Wala kang paki! Hindi ko na siya pinansin. Wala namang kwenta ang mga sinasabi niya.

Katahimikan ang nabuo sa paligid ko, malayo na kasi ang ibang kumakain kasama namin sa loob. Ni hindi ko nga rinig ang ibang tao. Abala ako sa pagkain at kita ko ang paminsan minsang pagsulyap sa akin ng mga kasama ko.

Hindi na ako nataiis kaya ako na ang nagsalita. "Excuse me, para saan ba ho itong biglaang dinner na to?" pormal na tanong ko.

Hindi na ako magtataka dahil di manlang sila nagulat sa taning ko, edi ibig sabihin para sa akin ang dinner na ito. Gusto kong matawa sa kanila, ano bang gusto ng mga ito? Bakit pati si Haraboji?

"Kita mo naman siguro anak, kung gaano kaiimportanteng tao ang narito diba?" tanong ng magaling kong ama.

I sarcastically look at him. "Eh bakit ka nandito? Importante ka ba?" bahagya pa akong natawa at saka nilingon ang katabi ko.

"Akala niyo ba ay isa akong tanga na di malalaman kung para sa saan to?" hindi ko talaga alam kung para saan to. Sinubukan ko lang sila.

"Apo." mahinang saway sa akin ni Haraboji, bahagya ko lang siyang nilingon at muling humarap sa mga tao.

"You're at the right age to get married." sabi ng tiyahin ko.

Tss, sinasabi ko na nga ba eh.

Hindi ako nakapagsalita at saka kunot noo lang na nakatingin sa harapan. They are pissing me!

"Oh? Oh eh anong ginagawa nito dito?" turo ko kay Jonathan.

"Oras na para pag-usapan ang kasa--"

"B*llsh*t!" pigil ko sa tatay ko! Pero bago pa man ako makatayo ay agad nang nakatayo si Haraboji at isang malutong na sampal ang binigay niya sa akin.

"I told you not to curse! Maria Amber!" sigaw niya!

Napaamang ako at saka dahan dahang nag-angat ng tingin sa kaniya. Nangungusap ang mga mata niya. Hindi ko nakikitaan iyon ng paghingi ng tawad, parang sinasabi pa ng mga mata niya na deserve ko ang malutong niyang sampal!

Hindi ko mapigilan ang kirot sa dibdib ko! Ngayon ako nasampal ni Haraboji , at sa harap pa ng mga taong ito. Na wala namang kinalaman sa buhay ko. Ang gusto lang nila ay maambunan ng pera! Mga mukha silang pera! They are trash! B*llsh*t!!

"Sorry po, a-ako na po ang kakausap kay Amber." akma akong hahawakan ni Jonathan sa kamay pero agad ko iyong tinabig!

Isa-isa ko silang tiningnan lahat, lahat sila ay kunot ang noo maliban sa panganay na kapatid ni Haraboji. He's looking at me, yes. But, it looks like he's pitying me.

Ha! Curse you tanda!

Nginisian ko na lamang sila, "Wala kayong magagawa, di niyo ako mapipilit sa mga gusto niyo!" galit na sabi ko.

Naglakad na ako palabas ng resto. Hindi ko na kaya ang presensiya nila at lalong ayaw ko ng presensiya ng taong sumusunod sa akin!

"Amber! Let's talk!!" pigil niya sa akin at hinawakan ako sa braso!

Agad ko siyang nilingon at sinapak!

"Don't you ever touch me!"

Napahawak siya sa pisngi at parang naluluha pa. At sa tingin mo ay maaawa ako? Asa sa bato!

"Please... Baby... C-comeback to me.." di ko akalain na bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko! "I still l-love you Amber... gagawin ko ang lahat.. p-para maibalik lang ang tiwala mo."

Hinawakan niya pa ang likod ng palad ko at hinalik halikan iyon! Pero di ko alam kung bakit? Bakit di ako makagalaw? Bakit di ko siya mapigilan? Bakit ka bumibigay Amber?

Nagbaba ako ng tingin sa kaniya. At parang madudurog ang puso ko.

"Amber... I.. I really m-miss you.." tumayo siya at hinawakan ang pisngi ko. "I want.. I wanted to kiss y-you....."

Gulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya! Bakit ganito? Hindi talaga ako makagalaw! Ito na ba yon? Sa lahat ng mga nangyari, sa ganito na lang matatapos iyon?

Sa loob ng anim na taong pangunguli ko sayo. Bakit ngayon lang? Marupok ba ako?

Do I still love you?

Wala na akong nagawa ng unti-unting maglapat ang mga labi namin.