Chapter 11: The Suspect.

Robert POV*

Napakasaya sa pakiramdam na yung taong gusto mo na mismo ang lumalapit sayo. Madalas kasi ay gusto akong makasabay palagi ng Ava. Hindi ko alam kung bakit pero sadyang napakasaya! Ang akala ko ay sumpa ang araw na ito ay hindi pala. Niyaya lang naman ako ng Ava ko na kumain kami sa labas.

Oo, hindi ako nag e-imagine o kaya naman nanaginip! Totoong totoo!

Ewan ko ba kung ano na ito! Pero nararamdaman kong... parang gusto rin kaya ako ni Ava? Sana oo na lang... sana oo na lang.. dahil ayaw kong mapunta sa iba sa kanya lang...

Nakatanggap ako ng malupet na trabaho! Dito sa malapit sa may Korean Restaurant. Nandito sa 5 star hotel na katabi niya. Kailangan ko lang naman mag alok ng ibat ibang uri ng chocolates sa mga taong nasa loob. May event kasi roon hindi ko alam kung ano. Wala naman akong paki!

Hindi basta basta tong inaalok ko! Imported to from spain. At gustong gusto ko rin tong brown suit na suot ko lakas maka empleyado. Kailangan ko rin talaga ito para sa date namin bukas ni Ava! Hihihihi!!

Abala kami ng kasama ko sa pag-aayos ng bigla akong mapatingin sa taxing tumigil malapit sa harap namin.

At agad akong nakaramdam ng pangangatog ng katawan ng makita ang babaeng bumaba mula roon! Bakit ganon? Ibang iba na suot niya! Pero bakit nakilala ko pa rin siya!

Ang akala ko ay mapapansin niya ako, pero dali dali rin siyang pumasok sa loob.

At hindi ko na siya muling nakita.

Tsk!

Hinayaan ko na lang iyon at di na pinansin! Tsk! Baka mawalan ako ng focus sa kanya eh. Tch!

Pero..... bakit ganon?

Nakalipas na ang ilang minuto.... at.. BAKIT KO BA SIYA HINIHINTAY NA LUMABAS HA????? BAAAAAKIT???

Panay ang tingin ko sa pinto nung Korean Restaurant. NA HINDI NAMAN DAPAT DIBAAAA???!!!

"Robert, tama?" napalingon ako don sa kasama ko.

"Ahh oo, bakit?"

"Mga bandang alas unse raw ay pwede na tayong umuwi."

"Ah, ganon ba? Sige."

Saglit pa akong lumingon sa Restaurant at napangiwing umiling iling. Hindi ko dapat siya pinag aaksayahan ng panahon ang babaeng yon.

Hay. Ipinagpatuloy ko na lang ang trabahong ipimunta ko rito. Sayang rin kasi yung sweldo kung walang saysay ang trabaho, diba?

Umalis saglit ang kasama ko, nagpaalam siyang mag babanyo lang siya saglit kaya ako naman ang naiwan rito.

Ngunit ilang saglit lang ay may narinig na naman akong lalaking nagmamakaawa! Parang narinig ko na iyon kanina!

Agad akong lumingon sa mga iyon.

Nakita ko kung paano lumuhod yung lalaki sa harap nung babae. Nang ma-angat ako ng tingin sa babae ay nangunot ng sobra ang noo ko. Siya?

May relasyon silang dalawa? Hindi ko lubos maisip ng nag boyfriend siya ah...

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang parang tangang hinihintay kung ano na ang sunod na mangyayari.

Hindi ko maaninag kong ano ang itsura niya ngayon pero bakit parang wala siyang magawa? Lalo na nng may ibulong ang lalaki sa kanya at dahan dahan nitong nilapit ang mukha don sa babae!

Agad kumuyom ang kamao ko ng hindi ko alam kung bakit! Parang gusto kong sugudin siya at suntukin mismo sa mukha!!!!

Pero bago pa man ako manggigil ng sobra ay ganon na lamang kabilis ang mga pangyayari!!!!!

Nakarinig ako ng isang malakas na pilantik at nasisiguro kong doon nangagaling sa dalawa iyon. Nakahandusay na ang lalaki sa lupa at siya naman ay pinapagpag ang kamay sa kanyang damit na alam kong ginamit niya iyon sa pagsapak sa lalaki!!!!

"Don't you ever come near again! Beacause I'm going to kill next!!" duro niya doon sa lalaki!

Agad niya itong tinalikuran at hindi ko inaasahan na mag tatama ang paningin naming dalawa. Pinilit ko!!! Sinikap kong maging pormal ang mga mata ko sa kabila ng masasama niyang tingin na may halong pagtataka.

Maya maya lamang ay umalis na siya at pumara ng taxi!

Agad kong nilingon ang lalaki at iiling iling naman siyang bumalik sa loob ng restaurant.

Grabe....kailangan ba ay lagi kong makikita ang pag-aaway ng dalawang to? Mabuti na lang at hindi ako nadamay ng gaya kanina.

Nasa malalim ako ng pag-iisip ng biglang tumunog ang keypad ko. SI AVA TUMATAWAG!!!!

BAKIT KAYAAAA??

"Hello, Ava?"

(^_^)

"Robert!!"

"Bakit napatawag ka?" para akong baliw! Kanina ay ngunot na ngunot ang noo ko pero ngayon naman ay nagpipigil ako ng ngiti!!!

"Wala paaalalahanan lang kita na may date tayo bukas..."

"D-date? Date ba yon??"

"Oo, ano pa bang tawag mo sa ganon?"

"Ava...."

"Hihintayin kita bukas ha? Good night!!" naputol na ang tawag pero nakatulala pa rin ako..

Totoo ba ito!!! D-date ba yon????? Hindi ba lalabas lang? Waaaaaahhhhhh!!! Hindi ko na kaya EXCITED NA AKOOOOO!!

HANGGANG SA DUMATING NA ANG ALAS UNSE.

At nauwi na rin kami ng kasama ko.

(-_-) kala ko don na kami titira eh.

Pag-uwi ay syempre ay tulog na sina Mama. Kaya nagpahinga na rin ako.. Masayang masaya talaga ako. Kasi siya dahilan non.

Ayaw ko talagang mapunta sa iba.. Si Ava lang ang gusto ko kasi siya na ang pinaka mabait na babaeng nakilala ko. Yung tipong kahit kaunting pagkakamali ay hindi ka niya gagawan.

Kilala ko si Ava... Mula nung napasok pa ako ng highschool. Hirap na hirap siya sa pag-aaral nang dahil sa Mama niyang stroke. Sobrang mapagmalasakit niyang babae, kahit mahuli siya sa eskwelahan basta mapakain, mapaliguan niya lamang ang Mama niya, ganon niya ito kamahal.

Pareho kaming nangarap na maka-angat sa buhay. Pero okay lang sa akin na ngayon ay mas nauuna siyang tuparin iyon, mananatili ako sa likod niya.

Ganon ko siya kagusto... at kamahal.

=========================================

Amber POV*

Maganda ang bungad ng umaga sa akin ngayon.

Ito na ang araw mong hay*p ka! Mahuhuli at mahuhuli rin kita. Napakarami kong ebidensiya. Pwede siyang mamili kung alin ron ang gusto niya.

===LAST NIGHT===

Nang makarating ako sa unit ay biglang tumunog ang telepono.

I answered it.

"Yes, Hello. Amber Jeon, speaking."

"Director Jeon, si Inspector Delavin ito."

Awtomatiko akong napaayos ng tayo. "Ano? Anong balita?"

"May good news kami. Nakilala na namin kung sino ang manipulator sa loob ng kompanya ninyo."

"Come to my office now!" agad kong pinatay ang tawag at dali daling nagpalit ng iconic kong damit at... sakay na naman ng taxi syempre.. I really miss REDBULLET. HIS the only one I need right now! Kailangan ba yon e-rerelease kasi! Damn it!

Pagkarating ko sa DNK ay sumalubong sa akin sa hallway si Jaja at sinabayan ako nitong makapasok sa opisina.

"Good evening, Director Jeon." umupo ako sa swivel chair ko at sinenyasan itong magsalita.

Ipinatong niya sa akin ang isang folder at binuklat ko naman iyon. Napangisi ako ng malaman kung kaninong identifications ang naroon.

"Pwede na tayong humingi ng warrant of arrest. At siguradong hindi nila tatanggihan iyon dahil may dalawa tayong witnesses at marami tayong ebidensiya. Meron kuha ng nga CCTV na nasisigurong siya iyon."

"Agad rin naming nalaman sa mga witnesses kung paano sila ene-engganyo nito. Halos pareho sila ng pinagdaan sa babae. Lumalapit siya sa mga ito. Kinukuha ang loob at nagpapakita ng kagandahan ng loob. Niyaya raw sila nito at dinadala sa magagandang lugar. Ang kwento ng isang binatilyo ay dinala raw siya nito sa mall at pagkatapos ay pumunta sila sa Motel. At doon raw ay may pinainom ito sa kanya na nagpawala ng wisyo niya. Pornography. Manipulation, and Against with Human Rights. Don't worry Director Jeon because we will do anything para hindi madawit ang pangalan mo rito."

Tama, dahil pangalan ko ang nasa BlackCard. Mapapatay ko talaga siya, kapag nagkataon.

"Inspector gawin niyo ang lahat para mahuli siya, maliwanag?"

"Yes, Director Jeon."

Kumuyom na kuyom ang kamao ko.

Isa siyang hayop!

=======End=======

Napaka hayop niya!

Mayhintay ka lang My dear crazy brat! Mahuhuli na rin kita. Nagpakasaya ka muna dahil hindi ka na magiging masaya sa susunod na mga araw mo.

"Ja, let's go."

"Eh teka may shooting ka ngayon eh. Saan tayo pupunta?"

"Sa prisinto, gusto kong makausap ang mga witness." serysong sabi ko at nangunang maglakad.

"Hay, cancel na ulit." nawawalang pag-asang sabi niya.

Ayaw ko munang magtrabaho dahil alam ko sa sarili kong hindi rin ako mapakali. Baka hindi lang maging maganda ang kalabasan ng shooting. Babalik ako sa trabaho sa oras na maresulba na ang lahat.

"Hindi mo ba ipapaalam ito sa kay Haraboji?" tanong niya sa akin habang nasa biyahe kami.

"Magkagalit kami ngayon.."

"Ha? Bakit naman?"

Hindi na lang ako nagsalita at malalim na bumuntong hininga. Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin. Hindi rin siya sanay na magkagalit kami ni Haraboji.

I'm sorry, Haraboji. After this, I'll promise ako ang unang unang hihinhg ng sorry.