Jaja"s POV*
NANG makausap namin ang mga witnesses na ngayon ay nasa prisonto rin ay personal na nagpaliwanag ang mga ito sa amin.
Kilala ko ang dalawang binatilyo. Ang mas matanda ay galing ng Gray Label kay Karlos at ang isa naman ay... sa akin.
Pakiramdam ko tuloy ay napakawalang kwenta kong manager! Bakit ko hinayaan na mangyari iyon sa alaga ko? Napakawalang kwenta! Hindi pa ito alam ni Karlos Miguel. Siguradong magagalit rin iyon.
Ang totoo gusto kong magalit kay Amber, dahil ngayon ko lang ito nalaman. Edi sana nagawan ko ng paraan, natanong ko sana ang estudyante ko.
Pero dahil alam kong may dahilan siya ay naiintindihan ko iyon. Ayan si Amber Jeon hindi basta basta nambibintang, naghihinala, oo.
At iisa lang talaga ang may kagagagwan ng lahat ng ito. Malupit siya ha! Ang galing niya! Grabe nakakahanga ang sobrang kagalingan niya. Amateur ba siya!?
Hindi namin siya nahalata! Ginawa niya kaming tanga! Sira ulo siya! Gusto kong ipasok ang ulo niya sa bahay ng mga bubuyog!!!
"Ano bang ginagawa natin dito ha?"
Hindi siya sumagot at seryoso lang na nakatingin sa kung kawalan.
"Hoy!" sinundot ko ang tagiliran niya pero ang babaeng ito, wala manlang reaksiyon!! "Pinakansela mo ba ang shooting mo para tumabay lang tayo dito sa mall ha?" biro ko.
Hindi pa rin siya nagsasalita, tikom na tikom ang bibig niya at nakatingin sa kung saan. Sinubukan kong sundan ang tingin niya pero di ko naman mahuli huli!
Hinayaan ko na lang siya. Baka nag de-daydream na naman siya.
-_-
Nandirito kami ngayon nakaupo sa isang bench malapit sa fountain. Maganda rin ang mall na to, hindi mainit kahit na glass ang bubong na katapat ng fountain.
Humikap ako at saktong pag-unat ko ay may nakita akong hindi kaayaaya!
"Hoy!!" inuga uga ko si Amber!
"What?" inis na tanong niya.
"Tingnan mo yon oh!!" turo ko.
Robert POV*
Sobrang abot tenga ang ngiti ko ng makapasok na kami ng mall!!!
(^_^)
"Grabe palang tao sa mall ngayon ano!?"
"Oo nga eh!" halos hindi kami magkandarinigan ni Ava dahil sa sobra ngang daming tao!
"Ava, saan mo gustong kumain?"
"Ahhh, may bago kasing bukas na restaurant dito. Masasarap ang pagkain don, sabi nung kaibigan ko sa trabaho. Kaya don na lang tayo kumain."
"Oo sige! Libre ko!"
Ganon na lang ang gulat niya na napalitan ng magagandang ngiti!
"Talaga ba?"
Tumango ako sa kanya at ngumiti rin ng bahagya.
Ewan ko ba... Parang bigla akong na nakonsenya.. Kanina kasi napakinggan ko na naman si Mama na may kausap sa keypad niya, pero sa sandaling iyon ay umiiyak siya. Nang tanongin ko naman ay na-ospital raw si Lolo sabi ng Ninang Alen ko sa pronbinsiya.
Pero, hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko na pagsisinungaling sa kanya na wala akong naiuwing pera kagabi.
Kahit na naawa ako. Nakakaramdam pa rin ako ng galit kay Lolo. Pagkatapos niya kaming palayasin. Nawala na ang tiwala ko. Ngayon malayo siya, ligtas kami sa mga masasamang salita galing sa bibig niya.
Dumeretso kami ni Ava sa sinasabi niyang bagong restaurant. Hindi lang masaya, masayang masaya!! Ngayon ko lang kasi siya nakasabay kumain sa ganitong uri ng kainan. At mukhang perpect na perpect pa dala ng interior ng restaurant!
Pagkatapos namin kumain ay nag-arcade kami ni Ava. Kahit madaming tao ay hindi kami nagpaawat! Nung nakaramdam naman kami ng pagod ay kumain ulit kami sa isang foodcart.
Mukhang date na date ang dating! Perpect ang lahat! Masaya kami, maganda si Ava gwapo ako hehehehe bagay na bagay.
"Robert saglit lang ha, punta lang ako ng washroom." paalam ni Ava sa akin ng makalabas kami ng isang botique.
Bumili kasi siya ng baging mga damit at gagamitin niya iyon sa mga photoshoot, at bilang isang mabuting boyfriend..-,-
KAIBIGAN NA LALAKI! ay binitbit ko ang mga shopping bags.
Nakatayo lang ako sa gilid ng labas botique at matiyagang hinihintay si Ava.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na rin siya. Ang tagal niya naman sa banyo. Hay, naku Robert ganyan talaga ang mga babae! Hehehe.
"Oh, ano? Saan mo pa gustong pumunta?"
"Ahh, R-robert?"
"Oh?" tanong ko.
Para siyang nababalisa na parang nauutal na ewan!
"Ava? Ok ka lang ba?" alalang tanong ko.
"Ahh, Oo naman!" sabi niya saka kinuha ang lahat ng mga shopping bags na bitbit ko.
"Ahh, Ava ako n--"
"Hindi ako na. Nakakahiya na sayo e." sabi niya at nagpangunang maglakad.
Kaya wala na akong nakagawa... napanguso naman ako nang dahil sa kaniya, bakit naman ganon? May problema ba? Galit ba siya? Saan naman?
Medyo madilim na rin pala nung masilip ko ang labas. Mukhang pagod na si Ava, dapat pala ay hindi ko na lang siya tinanong.
T_T mukhang nagalit tuloy siya.
Nang nag-hihintay kami sa labas ng masasakyan. Hindi ko na natiis kaya ako na mismo ang kumausap sa kanya.
"Robert." bago pa man ako nagsalita ay tinawag na niya kaagad ako.
"Bakit?" ngting ngiting tanong ko naman.
"Pwede mo ba akong s-samahan sa Unit ko?"
Unit niya?
"I mean unit nung katrabaho ko, doon kasi ako minsan tumitigil. Naiwan ko kasi yung make up na bigay nung tito ko. Pwede mo ba akong samahan kunin iyon?"
"Oo naman syempre!"
"Ok."
Maya maya lamang ay may dumating naring taxi at agad rin kaming sumakay. Hindi naman pala ganon kalayo ang pinuntahan namin. Mga one hour lang ang biyahe, hehehee.
Nagulat ako ng makita kong gaano kalaki ang building. Woooow!!! Ang yaman siguro nung katrabaho niya? Eh, bakit pa nagtatrababo kung mayaman naman pala? Nagsasayang siya ng pawis.
"Room, 456." rinig kong sabi ni Ava don sa babae. Tiningnan ko naman iyon at grabe yung tingin niya! Seryoso g seryoso! Wala naman akong ginagawang masama sayo ah!?
"Wala ba dito ang kaibigan mo?" tanong ko nang marating namin ang pinto.
"Ahh Oo, wala siya umuwi ng Cavite. Pinaiiwan niya ang susi sa cashier sa baba. Para kung s-sakaling pupunta ako rito pwede akong pumasok." paliwanag niya. "Gusto mo ba ng Juice? Ipagtitimpla kita?" nakangiting tanong niya.
"Ahh, sige ikaw ang bahala."
^_^
Pumunta siya sa kusina at ako naman ay naupo sa sofa. Tiningnan ko ang buong paligid. Bakit wala masyadong gamit? Dinala rin ba ng may-ari?
Maya maya lamang ay dumating na si Ava bibit ang tray na may
nakapatong na dalawang baso ng Juice.
"Oh ito." inabot ko naman iyon at dere-deretsong ininom.
" Robert? " ewan ko kung bakit ganon na lang bigla ang naging reaksiyon ko sa ininom ko. Bigla akong nahilo na nalalasing. Tiningnan ko ang baso at saka muling uminon roon.
"Robert.."
Hindi ko masyadong mainitindihan ang mga sinasabi ni Ava. Dahil umi-ikot ikot ang paningin ko! Parang sumasakit rin ang ulo ko dahilan para mahawakan ko iyon at mapatuon sa lamesa sa harap...
Hindi ko alam kung paanong naitayo ako ni Ava at nailakad papuntang kama..
Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang antok.. pagod at hirap. Naisip ko nung mga panahong nagtatrabaho ako.. Bakit hindi ako nakaramdam ng ganitong pagod!?
Sinubukan kong bumangon sa kama pero muli rina akong napahiga. Muli ay narinig ko na naman ang boses ni Ava.
"Magpahinga ka na muna...." maya maya ay naramdaman ko na lang na wala na ang presensiya niya sa kama at rinig ko pa ang pagbukas at pagsara ng pinto...
Hirap ako sa paghinga pero sa kabilang banda ay masarap sa pakiramdam iyon..langong lango ako samantalang Juice lang naman ang ininom ko.. Ano bang meron? Ano bang nangyayari?
Maya maya ay rinig kong bumukas muli ang pinto. Pero kahit hirap ako sa pakiramdam ko ay pinilit kong ibaling sa kabila ang ulo ko at doon munting minulat ang mga mata ko...
Gusto kong magtanong kong bakit may naaninag akong dalawang lalaki... nasisiguro kong nakatingin sila sa akin at pinag-aaralan ang kalagayan ko.
Pero ang lahat ng iyon ay unti unti ring nawala ng tuluyan na akong mawalan ng wisyo...