Chapter : 14 AVA

Mahirap ang mag isang nagtataguyod sa sarili. Lalo na at mayroon kang isang taong dapat ay alagaan mo ng husto dahil siya na lamang ang natitira sa buhay mo.

Maraming nagsasabing ang swerte swerte ko raw dahil biniyayaan ako ng ganda at magandang katawan. Pero ang totoo hindi ko alam kung saan ako lulugar sa mundo dahil kapag sinabihan ka nila ng ganon kaakibat naman noon ang pagiging bobo at tanga. 'Puro lang ganda pero wala namang alam sa buhay.' Yan an madalas sabihin ng iba.

Kahit pa sabihin ko sa sariling kong kaya ko, masakit pa rin sa damdamin dahil ang akala mong mga taong susurporta sa iyo ay unti unti ka ng iniiwan.

"Babe, saan mo gustong kumain?" tanong ko Martin.

"Maybe later....i just want to stay here and finish this.." he coldy said, habang doon pa rin nakatingin sa librong binabasa niya.

Napabuntong hininga naman ako. Siya si Martin dalawang buwan palamang kaming mag boyfreind. He is the most smart guy here in our university. Pareho na kaming graduating student, mayaman ang pamilya niya at may ari ng isang restaurant sa city. At ako naman ay pinagsasabay ang pag-aaral, pag-tatrabaho sa isang fast food chain at pagiging trainee sa DNK.

"Gusto mo palagi dito sa library." nakangusong sabi ko. "You always reading, at parang di mo na ako pinapansin ...."

Agad niya namang sinira ang libro at tumingin sa akin. "I'm sorry alam mo namang malapit na ang examination diba? I'm sorry kung palagi na lang libro ang hawak ko." sabi niya saka kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon ng magkabila. "I'm sorry babe..I promise babawi ako after..."

Napangiti naman ako at saka alanganing kinuha ang kamay ko sa kanya. "Sige na..your forgiven ..baka may makakita pa sa tin dito eh..."

He smiled at me, saka binalik muli ang atensiyon sa binabasa.

Kahit medyo cold si Martin, alam ko naman na ganon ang ugali niya because he's an introvert, at isa siguro iyon sa nagustuhan ko sa kanya. He is so sweet kapag ganitong nagtatampo ako sa kanya.

Araw araw ganito ang pamumuhay ko. Papasok sa school pagkatapos ay sa DNK pagkatapos rin non ay dederetso ako sa Fast food chain na pinagtatrabahuhan ko.

At doon maraming nakakikilala sa akin. Madalas kasi akong nag e-extra sa mga commercial at napapasama rin sa mga local na palabas. Pangarap ko talaga ang mag-artista at maging isa sa pinaka sikat sa mundo ng film industry.

Bata pa lang ako ay mahilig na akong umarte. Hanggang sa naghighschool ako doon ko nakilala si Robert. Isa siya sa mga kaibigan ko at nagbibigay rin ng inspirasyon sa akin.

Mabuti siyang tao, napaka matulungin at mapagbigay rin. Medyo maattitude lang siya pero nakakatuwa naman iyon sa kaniya. Noon ay pansin ko na na may gusto sa akin ni Robert noong high-school pa lamang. Nagpapasalamat ako at meron akong kaibigan na kagaya niya. Kung tutuusin hindi naman siya mahirap gustuhin kapag nakasama mo siya ay siguradong mapapasaya ka niya dahil sa mga jokes niyang bentang benta.

Pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya dahil alam ko kung sino talaga ang gusto at mahal ko. Alam kong maiintindihan niya iyon pagdating ng panahon na malaman niya. Kaya lang ay hindi ko alam kong kailan dahil ayaw ni Martin ng masyadong maraming nakakaalam ng relasyon namin.

Dumaan pa ang mga araw at buwan, pakiramdam ko ay mas nanghihina ako sa buhay. Nagkulang kasi ang pera ko para sa graduation. Marami akong naisip na pasukang trabaho, lumalakas ang loob ko dahil meron mga sumusuporta sa akin pero pakiramdam ko ay unti unti na sipang nawawala dahil madalas na akong di makapasok sa DNK, mas kinailangan kong maghanap ng trabahong makukunan ng pera. Meron akong tito sa DNK kapatid ni Mama, kumpara sa amin ay ibang iba ang pamumuhay niya. Nakatira siya sa isang five star hotel sa city.

Magkapatid sila ni Mama sa Ama, siya ang tunay na anak at si Mama naman ang anak sa labas. Alam kong ayaw niya sa akin dahil galit na galit siya kay Mama. Ang totoo ay ayaw niyang nasa DNK ako. Pasalamat na lamang ako at sa Red Label ako napunta dahil baka mas lalong lumala ang inis at galit niya sa akin. Hindi ko na lamang iyon pinapansin dahil ayaw ko ng gulo sa pagitan niya, wala akong laban. Ni minsan ay di ko sinubukang humingi ng kahit na anong tulong sa kanya maging ang pagpasa ko sa audition sa DNK ay sariling sikap ko.

Kung ako ang tatanungin hindi mo maiintindihan ang ugali ng mga mayayamang tao roon. Totoong magagaling silang managers, writers at directors. Maging ang presidente nila.

Ang totoo wala akong mukuhang kahit na anong sweldo na galing sa kompanya, syempre mula noong paminsan minsan na lamang akong pumasok. At mukhang napapansin iyon ng sub ni Miss Hidalgo kaya sinsadya niyang pabayaan ako para kapag dating ni Miss Hidalgo galing Batangas ay isusumbong niya ako. Kaibigan siya ng tito ko kaya hindi na ako magtataka sa mga susunod na mga mangyayari. Marami ring may ayaw sa akin sa DNK, alam ko dahil nararamdaman ko iyon. Lalo na sa mga taong kasama ko sa training.

Dumaan pa ang mga araw at nagsimula na muli akong pumasok sa DNK , at kamalas malas pa naman ay bumalik na galing Batanagas si Miss Hidalgo. Isa rin siya sa kinatatakutan rito bukod kay Director Jeon, kapag nagsalita siya ay tiyak na masakit at didibdibin mo talaga. Pagkarating ko roon ay mga mukhang manghusga na agad ang sumalubong sa akin.

"Good morning ho Miss, Syra. Pasensiya na po kung hindi ako nakapasok nitong mga nakaraang araw." sabi ko sa sub nito na naroon sa harap ng pinto ng opisina ni Miss Hidalgo.

"Mabuti naman at pumasok ka na." naroon ang sarkastimo sa boses niya.

"Pasensiya na ho..." halos bulong ko na.

"Nireport ko na ito kay Miss Hidalgo. Alam na niya at hindi ko lang ko alam ang masasabi niya ngayon." she chuckled.

"Gusto ko s-sana siyang makausap.." pag mamakaawa ko.

"Hindi na kailangan, mukhang ayaw niya na rin namang magsalita sayo. Mukhang napapagod na rin siya sayo. Umalis ka na! Get out, we don't need you here. No one's need you here!" inis na sabi niya at saka sinarhan ang pinto.

"Miss.." pagmamakaawa ko, kinatok katok ko pa ang pinto pero hindi na ako pinapansin. "Parang awa niyo na po, huwag niyo po akong alisin sa label!" hindi na talaga niya binuksan ang pinto kaya wala na akong nagawa.

Halos iyak ko lamang ang maririnig ko sa buong hall. Hindi ko na kaya, pakiramdam ko ito na ang katapusan ng pangarap ko. Hindi ko pa matanggap ang sagot kahapon sa akin ng Head ng university. Mukhang malaki raw ang tyansa na hindi ako makagraduate.

Lalo akong naiyak.. Paano na lamang si Mama? Paano na ang buhay niya, stroke siya at hindi niya kayang mabuhay mag-isa.

I heard my phone rang, and it was Martin. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko bago inayos ang sarili.

"Hello!" masayang bati ko.

"Ava, what is this?" may halong galit na tanong niya! Na alarma kaagad ako!

"B-babe? W-what happened?" alalang tanong ko!

"Nag mama-ang maangan ka pa! Hindi ka gagraduate? At bakit? Sinabi ko kasi sa iyong mag-aral! Ano bang mga pinag-gagagawa mo?"

Hindi ako nakapagsalita sa sa mga sinabi niya. Kasalan ko ba?

"Martin.. k-kasi..."

"Tanggap kong mahirap ka! Pero yon na nga eh! Dapat maging mas masipag!! Ava, alam mong ayaw ko nito! Kilaka mo ang pamilya ko at ayaw nila sa mga un-educate person!!"

Halos tumurok lahat ng mga salitang binitawan niya sa puso ko.

"P-pagod na ako... pagod na p-pagod n-na pagod na a-ako..." hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha ulit.

"Huwag mo muna akong kausapin." he coldy said at pinatay ang tawag.

What is happening to me? Parusa ba ito? Para saan? Ano bang nagawa kong mali? Masama ba akong tao?

Tuluyan na akong umalis sa building at malamig na hangin kaagad ang sumalubong sa akin. At maya maya ay bigla na lamang umulan. Wala kasi akong pamasahe kaya naman lakad ako pauwi, basang basa ako ng sumilong sa isang shade malapit roon.

Maraming tao sa paligid at may kaniya kaniyang mga payong. Marami ring dumadaang sasakyan sa harap ko. Pero hindi ko inaasahan na may bigla na lamang titigil na itim na sasakyan sa harap ko at binuksan ang bintana nito.