Robert pov*
Tulala, hindi maintindi ang sarili, ni hindi makakilos ng maayos. Lumipas ang ilang linggo at hanggang ngayon ay di ko parin makalimutan ang buong nangyari.
Hindi ko lubos maisip na ganon ang ginawa sa akin ni Ava, hindi siya naderetso sa kulungan kung hindi sa Mental Hospital; sabi ng mga pulis ay kinailangan siyang ipasok roon para magamot, napagtanto kasi na may sakit siya sa pag-iisip na kahit kailan di ko naisip, pati na rin ng mga kaibigan namin.
"Anak..Robert.." katok ni Mama sa pinto.
Bahagya ko lamang iyong nilingon at hinintay ang sunod niyang sasabihin. Sobrang sumasakit ang ulo ko halos buong katawan ko.
"Anak....kain ka na rito..w-wala kasing kasalo si Mama e, w-wala yung mga kapatid mo..miss na miss ka na r-rin nila..." madamdaming sabi niya.
Hindi ko naman napigilang bumagsak ang mga luha ko..Sobra..sobrang sakit. Parang mamatay na ako sa sobrang sakit, mahal ko si Ava eh, bakit? Paano? Ano bang kasalan ko?
Pumikit ako ng mariin at pinigilang maglikha ng ano mang hikbi. Sinaklob ko ang kumot sa ulo ko at doon pinilit na makatulog.
Ayaw ko munang lumabas. Ayaw ko muna ng may kausap. Ayaw ko na sa mga taong ipapahamak lang ang buhay ko.
Ilang saglit lamang ay nakatulog rin ako. Pero ilang saglit lamang iyon, muli ay naalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin ni Ava. Mula sa simula, mula sa umpisa noong minahal ko siya di lang kaibigan kundi magiging babae ng buhay ko. Pero ang lahat ng masasayang ala-alang iyon ay naglaho ng muling pumasok sa isipan ko ang nangyari noong nakaraan.
"Anak?papasok ako ha?" nawala ang isip ko roon ng magsalita si mama.
Narinig ko ang pagbukas at pasgsara ng pinto at maya maya ay dahan dahan nang lumapit si mama at tumabi sa akin.
"Anak.....alam kong masakit...alam ni mama yon..Nagagalit pa nga ako eh, dahil nagtiwala ako sa kanya. At alam kong ikaw rin..." pagkasabi noon ni mama ay aagd akong bumangon at niyakap siya ng parang bata.
"Mama!" parang batang iyak ko!
(T____T)
Sobrang sakit kasi! Hindi ko alam kung paano niyang nagawa sa akin yon..
"Sige anak iiyak mo lang...para kahit papaano mabawasan ang sakit anak..."
"Mama, bakit niya yon ginawa sa akin?" iyak na iyak na tanong ko.
Siguro kong may ibang tao na makakakita sa akin ngayon , iisipin non na para akong batang inagawan ng candy!
"Hindi ko rin alam anak, nanagalit ako sa kanya! Pero iniintindi ko dahil may sakit siya...."
"Ano ng gagawin ko ma?" tanong ko sabay punas sa pisngi ko.
Hinawakan niya ako sa dalawang balikat at saka maiging pinakatitigan.
"Anak, ituloy ang buhay mo!"
Natahimik ako sa kakaiyak at pilit na isinisiksik sa utak ko ang mga sinsabi ni mama.
"Huwag mong itigil ang pagtakbo ng buhay mo ng dahil lang sa kanya anak...kahit na kaibigan mo siya kailangan pa rin niyang pagbayaran ang ginawa niya sa iyo.." ani mama sa ako inihilig sa balikat niya. "At kailangan mo ring pasalamatan ang mga taong tumulong sa iyo..."
Kunot noo akong napa angat ng tingin sa kanya. "Pasalamat ma? Sino?"
"Ay sorry anak, di ko pa nga pala nababanggit sayo iyon, ang sabi ng babae ay magkakilala raw kayo?"
"Po?"
"Teka ano nga ba nag pangalan niya..Am? Amber! Tama yon nga ang pangalan niya, kapangalan pa siya ng kapatid mo anak!"
Natameme ako sa sinabi ni mama, Amber? Siya yon diba? Ibig sabihin...siya ba yung narinig ko noong gabing yon?
Bakit di ko kaagad naalala!?
"Kaya tumayo ka na dyan anak! Ang baho mo na! Maligo ka na roon at pasalamat ka roon sa tao!" ani mama at tumayo saka ako pilit na hinihila patayo ng kama!
"MAMA AYAW KO NAKAKAHIYAAAAAAAA!"
"TUMAYO KA NAAAAAAAA!"
"MAAAA!!!"
Wala akong nagawa ng itulak na ako ni mama papsok ng banyo. Pagkapasok ko roon ay para akong nabigyan ng kaunting enerhiya.
Pabor na rin ako kay mama. dahil mukhang ang baho ko na nga nung makita ko ang sarili sa alamin. Para akong di nabiling gulay dahil sa sobrang kalantayan.
Mukha rin akong kahoy na nagatong at hinayaan na lang na mabasa ng ulan pagkatapos magatungan.
Pero siya? Ang dami pa ring tanong sa isip ko. Noong una ay naisip ko na siya, dahil kahit sa kaunting panahon na naririnig ko ang galit niyang boses ay tanda ko na agad ang tono nito.
Pero bakit niya yon ginawa?Siguro...
Hindi ko mapigilang mamula sa mga naiisip ko! Tsk! Robert ano ba! Huwag ka ngang ganiyan! Tinulungan ka lamang nung tao eh!
Muli akong nalungkot ng sobra ng biglang pumasok sa utak ko si Ava..gusto ko siyang makausap..ang kaso, umiinit na kaagad ang dugo ko. Gusto kong tanungin kung ano ba nag mga kasalan ko sa kanya!
Ayaw na kitang isipin..masyado mo akong sinaktan ava..Kakalimutan na muna kita kung iyon ang makakatulong sa akin ngayon. pasensiya na..
Amber Pov*
Minabuti kong hindi ipakita sa Telebisyon ang nangyari nitong nakaraan. Ayaw kong mabalitaan pa ito ng ibang kamag anak namin sa Seoul. Dahil sobrang nakakahiya, mabuti nalamang at marami akong kaibigan sa broadcasting at napakiusapan ko sila na ibahin ang balita sa akin. Alam kong pagmamanipula ito, pero dahil wala akong pakialam. Ay wala talaga akong pakialam.
Total ay pakiusap rin ito ni Daniel, hindi ko alam na pamangkin niya pala iyon, siya rin ang nakiusap na sa mental dalhin ang babaeng iyon. Para raw gumaling sa sakit nito sa utak, siguradd
uhin niya lang na gumaling kaagad dahil, gustong gusto ko nasiyang ipakulong!!
Lumipas ang mga linggo na wala nga akong kahit na anong napapnood sa Tv ang tungkol roon at laking psasalamat ko naman.
Bumalik na rin ang dati kong sigla sa pag-shoshooting at nasimulan muli ito na kasama ako.
Laking gulat ko rin na hindi na ako masyadong ginugulo ng ulol na Jonathan na iyon, at sobrang pasasalamat ko rin. Na may halong kirot.
Hayop na yan! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko masabi kung galit pa ba ako sa kanya, o ayaw ko lang na kinukulit niya ako pero gusto kong..nandiyan siya.
Napansin ko nga rin iyon sa sarili, at nakakinis sobra! I'm totally insane!
Malayo ang tingin ko ng bigla na lamang tumunog ang bagong telepono na binili ko. UNKNOWN NUMBER lamang ang nakasulat.
Kunot noo ko iyong sinagot, "Who is this?"
"B-baby.."
Parang tumigil sandali ang paghinga ako at di malaman ang sasabihin sa kaniya.
Hindi ko binaba ang telepono, hindi ko alam pero, hinihintay ko ba ang sasabihin niya?
"I'm so sorry for everything..Kung pinipilit kita na makipag balikan sa kin, the reason was I really love you Amber..I'll take the risk just to make you mine again.." doon ko na narinig ang mahihinang hikbi niya.
Kumirot ang puso ko nang dahil roon. Ang marinig ang iyak ng taong mhal mo ang siyang pinakamasakit. "Pero, alam kong ayaw mo na kaya...hindi na kita pipilitin..but I always here for at the far..."
Hindi uli ako nakasagot..Sie magsaloita ka lang..gduto ko lang marinig ang boses mo.
"Im going back to US , gusto kong ibalik ang lahat sa dati, gusto kong magsimula sa kung saan dapat..Patawarin mo ako...Mahal na mahal kita.."
Umiwas kaagad ako ng tingin nang dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, tumayo ako sa couch at sumilip sa bintana sa labas..Bakit ang liwanag na kalangitan?
"You're forgiven..." yon nalamang ang tanging nasabi ko saka kusang pinatay ang tawag.
Yon ang sa tingin ko na dapat kong sabihin sa kanya. At noong nasabi ko iyon ay doon na gumaan ang pakiramdam ko.