Chapter 16 : Job Gone Wrong.

"Robert? Sigurado ka ba talaga?" taning ni bossing.

Wala akong nagawa kundi ang tumango..

Napagdesisyonan ko kasing maghanap ng trabaho na may mad malaking kita. Balak kong bumalik sa pag-aaral, napag usapan rin namin ito kagaabi ni Mama. Sa huli ay ako rin ang tinanong niya.

Oo, desidido akong bumalik sa pag-aaral. Balak kong ituloy ang naudlot kong pangarap. Sa paniniwala ko rin ay mas uunlad ang buhay ng buong pamilya kapag edukado akong tao. Yon ang hinding hindi makukuha sa akin.

Kailangan kong maghanap ng mas maaayos na trabaho yung mas malaki ang kita dahil di lang ang pagkain namin sa pang araw-araw ang iisipin ko kundi na rin ang pag-aaral ko.

"Pasensiya na po bossing.." nahihiyang sabi ko.

"Naiintindihan ko, gagalingan mo ha!? Kailangan may makita akong medalya riyan na nakasabit sa leeg mo!"

Natatawa naman akong tumango sa kaniya.

"Saan mo balak ngayon maghanap ng bagong trabaho?"

"Ah, mag aabot po ako ng mga resume sa mga opisina o di kaya ay mga pabrika, kahit janitor lang ayos na po ako. Basta kakasya yung sweldo sa perang kailangan ko.."

"From driver to janitor ha?"

Parehong kaming natawa sa sinabi niya. Hindi naman ako sigurado kung janitor talaga yung wanted nila no!

Nagpaalam na ako kay bossing saka bumaba. Agad namang sumalubong sa akin ang mga nakabusangot na mukha ng mga kasamahan ko.

"Anong itsura yan?" natatawang tanong ko.

"Aalis ka na?" malungkot na tanong ni Melody, pinaka bata rito sa amin.

"Oo, eh. Kailangan.."

"Masyado bang maliit ang pa-sweldo ni bossing ha?" bulong sa akin ni Tolits. Kunot noo ko naman soyang nilingon saka nilayo ang panget niyang mukha sa gilid ko.

"Hindi maliit, kulang lang talaga!" sabi ko at napa 'ah' naman sila.

"Nakakainggit ka naman kuya.. Mag-aaral ka na.." sabi ni Josh, yung isang kargador rito.

"Pag-iipunan pa." nakangiting sabi ko sa kanya saka ginulo ko ang buhok niya.

"Babalik balik ka naman siguro rito diba?" tanong ng pinaka matanda sa min rito.

"Oo, syempre! Mamimiss ko kayo eh!" pagkasabi ko noon ay nagkatinginan lahat sila bago sabay sabay na lumapit at yumakap sa akin! Halos di ako makahinga sa mga yakap nila!

Pero aaminin ko sobrang sarap ng mga yakap na yon, yakap ng mga tunay na kaibigan.

Ang totoo, di nila alam ang nangyari sa akin. Hindi ko na binalak na sabihin pa iyon sa kanila dahil ayaw kong kaawaan nila ako at bumama rin ang tingin nila sa akin.

Pagkatapos noon ay dumeretso na akong lumabas, saglit pa akong tumigil at muling nilingon ang bigasan. Sorry, pati ang pag ta-trabaho ko rito ay nadamay pa sa kagustuhan kong mag-aral muli.

Nang dahil sa nangyaring iyon, sobra akong nabababaan sa sarili ko. Halos kalahati ng dignidad ko ay nawala ng dahil doon. Pakiramdam ko ay wala akong pinag aralan kaya madali akong nauto.

Bumuntong hininga ako sa pinag patuloy ang paglalakad. Bago ako maghanap ng trabaho ay minabuti ko munang pumunta sa bago kong libangan.

Dito sa may bagong bukas na coffe shop sa City. Maganda kasi rito dahil libre ang pagbabasa. Libre ang mga libro! Nakakatuwa!

Nang makapasok ako roon ay agad akong nginitian ng guwardiyang babae. Alam niya na agad ang punta ko.

Ngumiti rin ako sa kanya pabalik at astang lalakad na sa mga book shelf pero kaagad akong bumaling muli ng tingin kay ate na guard.

"Ahmm, excuse me po?"

"Ano yon?"

"Matanong ko lang po.. Hiring po ba kayo rito?" nahihiyang tanong ko.

"Ahh, naku sa ngayon ay hindi pa eh. Kumpleto kasi kami sa empleyado. Bagong bukas lang kaya wala pa namang nagbabalak na umalis." paliwanag.

Napatango tango ako sa kaniya at nahihiya muling nagsalita.

"Magkano ho kaya ang s-sweldo rito?" hindi niya muna ako sinagot at binuksan ang pinto para makapasok ang ibang customer.

"Bale, kung sa akin. Nakita ako ng pitong libo, isang buwan."

Pitong libo? Isang buwan? Ayos yon ha? Kalahati lang non ang sweldo ko sa bigasan!

"Ahh, sige salamat po.."

Pumunta na ako ng book shelf at doon binalikan ang librong binabasa ko.

"Once A Lonely Girl" yan ang title ng nobela. Grabe! Nasa chapter five palang ako, gustong gusto ko na!

Nakangiti kong kinuha ang libro at saka naupo na sa maliit ba sofa'ng malapit roon.

Kaya lamang nung pagbuklat ko ng libro ay ay nasa ika-10 kabanata na nakasipit ang book mark ng libro.

Nangunot ang noo, may iba pa palang nagbabasa nito? Akala ko ako lang, para kasing hindi siya masyado lang pansinin rito eh.

Nagkibit balikat na lamang ako saka tinuloy ang pagbabasa.

Maganda ang daloy ng kwento. Tungkol siya sa isang babae na wala ng kahit na ano sa buhay kundi ang tatay niyang kasing sama ni satanas! Marami ang nanghuhusga sa kaniya kasi basagulera siya at wala nang mararating sa buhay. Ang di nila alam sobrang bigat ng nararamdaman niya at sobrang lungkot rin ng buhay niya. Hanggang sa may dumating na tao sa madilim niyang mundo.

opss hanggang doon lang. Hehehe.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng may bigla na lamang humablot sa libro ko!

"Once A Lonely girl?" basa niya. Saka kunot noong tumingin sa akin..

"Anong ginagawa mo rito?"

Ngumiti siya sa akin at saka naupo sa harap na sofa.

"Hindi ba dapat 'THANK YOU' yung maririnig ko sayo?"

"Pasensiya na, salamat nga pala..."

Tumango tango naman siya at saka binalik sa akin ang libro.

"By the way ako nga pala si Jaja!" inabot niya ang kamay sa akin at walang pag aalinlangang tinanggap ko naman iyon.

"Narinig ko kayo nung guwardiya kanina. Naghahanap ka ba ng trabaho?" tanong niya na ikinabigla ko talaga!

"Oo, eh.."

"May alam ako!" tuwang tuwang sabi niya! "Doon sigurado akong meron kang trabaho!"

Teka? Nag oofer ba siya? Dapat ko bang tanggapin? Napakamot na lamang ako ng leeg, di ko alam kung papayag ako o hindi.

"A-anong trabaho ba yon?"

Humikab muna siya bago sinuklay ang buhok gamit ang kamay.

"Side kick." sabi niya habang nakatingin roon sa ceiling.

Tiningnan ko rin naman kung ano ba ang tinitingnan na roon. Pero wala naman akong makita kundi ang itim na dingding.

"Side kick? You mean kanang paa? O kaliwa?"

"Yes! Yes! Yes! Mr. Junjun! Side kick, alalay, yaya, assistant! Basta yon na yon! Ika nga sa kanta! Nasa'yo na ang lahat!" napa buntong hininga ako, di ko alam kong matutuwa ba ako o matatakot. Natuto na akong huwag nasta basra maniniwla.

"Ang totoo kasi nyan. Trabaho ko yon. Kaya lang kasi alam mo naman yung nangyari diba? Kailangan ko munang pagtuonan ng pansin ang label ko." naroon ang pagsisisi sa boses niya.

"Magkano ba ang kita ron?"

"Ay walang kita ron!"

"Ano?"

"Biro lang hahahaha!"

"Kung interesado ka sumama ka sa akin." yaya niya.

Napaisip ako kung tama bang patulan ko ang isang to. Mukhang totoo naman yung sinasabi niya.

"Ano tara?" napangiwi ako ng dahil sa ngising aso niya. "Patulan mo na! Sigurado tong trabahong to! Ako bahala sayo! Di kita papahiya!"

Wala akong nagawa ng hinila niya ako at isnakay sa tsikot niya.

"Ano kamusta ka naman?" tanong niya habang nasa una ang tingin.

"Ayos lang..."

"Di madali yung nangyari sayo ha. Sabi nung nanay mo, may gusto ka raw doon sa babae. Grabe kung ako yon kulang ang pagpapakulong sa kaniya. Nakakabawas pagkatao."

Hindi ko alam kung dapat ba akong makipagkwentuhan sa kaniya. Feeling close kasi siya kaagad. Pero nakakatuwa naman, maagan naman ang loob ko sa kaniya.

Makalipas ang ilang mimutong byahe ay nakarating narin kami sa.. Dahan dahang nanlaki ang mga mata ko ng masilayan ang isang malaking building sa sobranng taas nito, mahigit kumulang tatlong pong palapag siguro! Grabe! Ang ganda! Kulay itim ang ang glass ng building at kapamsinoansin rin ang dalwang kumakaway na haligi sa magkabilang likod nito, hindi ito ganon kataas katulad ng nasa harapan ko ngayon.

"Hoy ayos ka lang?" natatawang tanong ni Jaja.

Natikom ang bibig ko at alanganing tumango. Hindi ako naghahangad ng magandang trabaho yung sa tingin ko ay natutustusan lang ang pangangailangan ko. At ito, sa tingin ko ay hindi ako nababagay rito.

"Ahmmm, sa t-tingin ko hindi ko matatanggap ang trabaho ito."

"Bakit naman?" bumaba siya at tinanaw rin ang building na nasa harap namin.

DNK, DARK N' KNIGHT.

"Bumaba ka na dyan!" kinatok niya ang bintana.

Alanganin ko itong hinawakan at astang bubuksan hanggang sa makita ang isang motorsiklong papalipat sa sa amin. Alam kong Ducatti ang tawag sa ganyang motor. Hindi ganon katulin ang pagpapaandar niya hanggang sa tumigil ito sa harap naming di kalayuan.

Dahang dahang bumaba ang driver nito bago hinubad ang su9t niyang helmet. Wingayway ang kaniyang mahabang buhok na may at saktong nagtama ang mga mata naming dalawa!

Kahit na hindi pa nakabukas ang bintana ng sasakyan ay saktong sakto talagang tumama ang mga mata niya sa banda ko!

Napangiwi siya at nag iwas ng tingin. Para bang may sinabi sa kaniya si Jaja kaya ganon na lang ang naging reaksiyon niya..

Muling bumaling ng tingin sa akin si Jaja at muling kinatok ang bintana bago nakangising tinuro ang nasa likod niya.

Napalunok ako bago dahan dahang binuksan ang pinto ng sasakyan. Nag asta akong kalamado at nginitian silang dalawa.

"Grabe ang lamig sa loob ng kotse mo hehehe.." bulong ko Jaja. Pampatanggal kaba. Ewan ko ba kung bakit ako kinakbahan.

"Robert!" inakbayan ako ni Jaja, "Siya si Director Jeon."

Oo, alam ko.

"Amber Jeon ang pangalan niyan. At ikaw naman madam, siya naman si Robert kilala mo naman siya diba?"

Walang reaksiyon siyang nakatingin sa kaibigan at humalukipkip.

Namuo naman ang kaba sa dibdib 100% sure ako na siya! Siya ang amo ko! Diyos ko po! Huwag naman sana!

"What is he doing here?" kunot noong tanong niya sa kaibigan bago tumingin sa akin.

"Kulang pa ba ang tulong?" tanong niya at bahagya pang natawa.

Natigilan ako sa tanong niya at dahan dahang kumunot ang noo.. "Hindi mo ba lahat binigay sa Nanay niyan ang pera?"

Natigilan din si Jaja at ramdam kong sinesenyasan pa niya itong manahimik.

"Look Ja, I don't need anyone. You know we don't trust anybody that fast." sabi niya bago saglit akong sinulyapan at nag iwas ng tingin.

Namuo ang galit sa dibdib ko! Gusto kong maglakas ng loob na sagutin siya pero naunahan na niya ako.

"Pasensiya ka na ha, hindi yata binigay ni Jaja ang lahat ng pera. Sinabi kong ibigay na niya kasi alam ko namang malaki ang pangangailangan niyo. Pero sabi na mga kasama ko, masyado daw malaki ang bigay ko.." nangamot siya ng leeg at napabuntong hiningang,"kaya.. ayun, pinag aaaply ka niya?"

Kumunot ang noo ko ng tuluyan, tuluyan ng namuo ng buong buo ang galit sa dibdib ko! Bago ko nilingon ang katabi ko. Seryoso na siya at bahagyang nakayuko.

"Sorry, di ko kailangan ng... uneducated eh."

Nagababa ako ng tingin sa sobrang kahihiyan.. Bakit ganon? Bakit ganon na lang kadaling sabihin niya iyon? Porke ba siya nakapag aral sa mamahaling paaralan?

Hindi tamang apihin ang mga kagaya kong hindi pa tapos sa pag aaral! Ang sama niya, ang sama sama ng ugali niya!

"Huwag kang mag-alala dadagdagan ko na lang. Magkano pa ba kailangan?" pormal na tanong. Napaiwas ako ng tingin at napasinghal.

"Hindi ko kailangan ang pera mo o niyo. Marunong akong magpasalamat, at Salamat ha! Hindi mo ako kailangang bigyan pera para sa panlalait!" matapang na sabi ko at umalis sa lugar na iyon.