Amber POV*
"Ano ba naman Amber ! Bakit mo naman ginawa yon?" inis na ani Jaja habang papasok kami sa loob.
Walang gana lang akong bumuntong hininga at pumasok sa loob ng opisina. Umupo ako sa swevil chair bago binuksan ang lap top ko.
"Nakakinis ka! Gusto ko lang naman tulungan yong tao!"
"Hindi mo na kailangang gawin yon." sabi ko sabay inom ng calamansi Juice na pinaorder ko kanina.
"Nilait mo pa talaga yong tao!"
"Hindi ko siya nilait. Totoo sinabi ko. Tch! Siya na nga binibigyan ng pera, ayaw pa?"
"Hindi yon yung gusto niya! Naghahanap siya ng trabaho! Ay nako talaga Amber! Wala namang ginagawa yung na tao na masama ha?"
Inis akong bumuntong hininga at tiningnan siya ng masinsinan. Nakahalukipkip siya at todong todo ang pagkakabusangot ng mukha. Napakamot ako ng ulo, hindi ko siya maintindihan.
"May gusto ka ba sa taong yon?" biglang tanong ko.
"Hahahahahahhahaha!" malakas na tawa niya. Hindi siya natigil sa pagtawa, may paghampas pa sa sandalan ng sofa at paghawak sa tiyan. Peke akong natawa at sinabayan siya sa pagtawa niya.
"Ha. Ha. Ha." peke tawa ko sabay napangiwi.
Tumigil siya sa pagtawa at mabilis na umupo sa harap.
"Alam mo kasi hindi yun yon eh! Hindi ko siya gusto! Alam mo namang isa gusto ko eh..." napangisi siya at may pagsuklay pa sa buhok.
-_-
"Nakakaawa kasi yong tao, noong nag punta nga ako doon sa coffeshop aksidente ko siyang nakita kaya kasama ko siya pa pagpunta dito. Naghahanap ng trabaho yung tao! Huwag ka ngang kung ano anong sinasabe! Para namang di mo naranasan yon!"
Unti unting nangunot ang noo ko, napansin niya yon at unti unti ring nag peace sign..
"Sorry, hehehe."
"Wala akong tiwala sa kaniya." sabi ko at pinagpatuloy ang gingawa kong manuscript.
Kapag ito hindi ko pa natapos ngayong araw na to. Sisiguraduhin kong hindi na sisikatan ng araw tong nasa harap ko.
-_-
"Bay naman wala kang tiwala? Mabait naman yung tao!"
"Pwede ba? Kaibigan niya yung Ava na yon, hindi mo masasabi kong mapapagkatiwalaan ba talaga yon. Paano kung may binabalak pala sila? Hindi mo ba naisip yon? Ako naisip ko yon!"
"Baliw ka ba? Paano namam sila magkakaplano?"
"Tch, sabi nga sa report ni Inspertor Delavin, may gusto ang Dimasilang na yon kay Gonzales. Tch! Hindi tayo basta basta magtitiwala, hindi ko hahayaang may makapasok na naman na daga dito sa kompanya ko." mahabanng paliwanag ko bago kunot noong binaling muli ang tingin sa lop top ko.
"Sige na nga... Pero sana di mo na siya sinabihan ng ganon." pagkasabi niya noon ay tumayo na siya at lumabas na ng opisina ko.
Muli akong napabuntong hininga at pinagpatuloy ang gingawa. Oo at nakakaawa nga siya, eh anong magagawa ko? Eto na nga at pinangungunahan ko na nga eh. Binigyan ko na nga ng pera eh. Ayaw pa? Ang arte ha!
Pagkalipas ang ilang oras ay natapos ang ika sampong pahina ng manuscripts ko.
Ang totoo ito ang pinaka una kong libro balak ko itong I published sa baba ng mga ilang copies lang para may pang display dito sa loob ng opisina ko. Ang totoo rin ang napublished na ito noon ng may mga bente sigurong copies at iilan lang ang nagkaroon nito meron ako nito pero hindi ko naman na nakuha, ayaw ibigay sa akin noong coffeshop eh. Kesyo raw iba ang nakapangalan sa libro at binili daw ito at di na nila binebenta. Mga gago ba sila? Eh akin yon eh!
Alas tres ng hapon at may isa akong meeting na aatendan. Balak kasing gumawa ng series ang kalapit naminng kompanya at sa susunod na buwan ang simula ng shooting. Nag offer sila na kung pede pa raw akong maging isa sa mga director. Ayos naman ang sweldo malaki laki rin. Pwede nang bumili ng sariling yate. Kaya tinanggap ko. Gusto ko ng yate eh. Hehehe.
Natapos meeting na yon, maayos naman ang napagusapan. Ewa ko ba pero ayaw ko sa leeding naman. Mukha siyang adik. Pinapakain ba yon ng manager niya? Ang payat payat eh. May naalala tuloy ako.
Umiling iling ako bago sinuot ang helmet. Alas otso na at ready to go home na ako. Balak kong sa mansiyon umuwi ngayon dahil wala roon ang pamilya ng mga dragon. Nice time.
Maayos naman ang byahe habang tintahak ko ang highway nitong Quezon Ave. Marami pa ring sasakyan pero di na ganon ka traffic. Pero ganon na lang pagkunot ng noo ko ng mapansing hindi gumagana ang apaka ng preno. Ang totoo, sa mga ganitong pagkakataon ay nasasanay na ako dahil madalas akong matilapon at mawalan ng preno ang sinasakyan ko. Pero hindi ngayon. Namuo ang kaba sa dibdib ko ng mapansin ang isang matandang babae at kasama nitong bata habang tumatawid. Patuloy ang pag apak ko sa preno. Hanggang sa pinili ko ng lumiko at hinayaan na lang ang motor ko na magdreretso patungo sa damuhan.
Isang malakas na pagbagsak ang mula sa akin ang pumukaw sa atensiyon ng mga tao sa lugar.
Bumagsak ako sa lupa, mabuti na lamang ay sa damuhan ako bumagsak.
Kaagad kong sinubakng tumayo pero hindi magawa! Ramdam ko ang kirot ng kanang braso ko. May mga tao sa lugar na gustong lumapit sa akin pero kaagad ko silang sinenyasang lumayo. Kapag nalaman nila na ako si Director Jeon malaking media na naman ang manggugulo sa akin bukas ng umaga! Ayaw kong mabalita ng ganitong sitwasyon!.
Hingal na hingal ako hanggang sa maramdam ko na lang na may tao sa likuran ko. Hinawakan niya ang braso ko at tinulungan akong makatayo.
Kunot noo ko siyang nilingon, kahit na nakasuot ako ng helmet ay kitang kita ko kung gaano rin kakunot ang noo niya.
"Ayos ka lang?" pagalit ang tono niya pero ramdam ko ang pag aalala niya.
"I'm fine." hinawi ko ang kamay niya sa braso at dahan dahang lumapit sa motor ko.
Sorry Red Bullet. You're in pain again.
"Okay na po! Ayos lang po siya. Kaibigan ko po siya!" bigla siyang sumigaw sa mga taong naroon. Pansin ko rin na dumarami sila. Pero unti unti na silang nagsialisan ng dahil sa sinabi niya.
Sinbukan kong itayo ang motor ko pero di ko iyon magawa ng dahil sa pagkirot ng braso ko. Shit. Sobrang sakit!
" Tutulungan na kita." sabi niya ng makalapit.
"No need I can handle this." mabilis na sabi ko at sinubukang itayo muli ang motor ko.
"Muntik ka na ngang makapatay, mapride ka pa rin?"
Nagtiim ang bagang ko sa kanya at napilitan akong tanggalin ang suot kong helmet.
"Ako yong muntik ng mamatay dito!"
"Alam ko! Sino ba may kasalanan? Tinulungan ka na nga eh!" sabi niya saka mabilis na itinayo ang motor ko.
"Then I don't need your help!" sigaw ko sa kanya.
Galit din ang mga mata niya sa akin at lumapit ng bahagya.
"Yan ang mahirap sa iyo eh, tinulungan ka na nga nakapa mapapride mo pa. Lahat na lang ng tulong sayo akala mo lagi may kapalit!"
"Tutulong ka na lang. Maattitude ka pa!" tama ako diba?
"Kasi maattitude ka rin? Huwag ka ng mag refuse sa tulong ko. Hayaan mong tulungan ka!"
Natahimik ako sa sinabi niya. Para bang gustong gusto ko siyang sigaw sigawan. Ngayon ko lang na ramdaman to! Yong sobrang galit ko, gusto kong ilabas sa harap niya!
"Tingnan mo yang braso mo! Dumudugo na!" lumapit siya sa aki at tiningnan iyon. Masamag masama ang mga mata ko sa kanya. Binawi ko ang braso ko at sinubukang isuot ang helmet ko pero kaagad niya akong napigilan.
"Gagamutin ang sugat mo! Pasaan ka? Magmmaneho ka pa rin? Hindi mo na nakita yang braso mo?"
"Wala akong paki maski maputol yang braso ko at wala ka ring paki!"
"Yan! Pinapairal mo na naman yang pride mo! Tapos ang attitude mo pa!"
Nawawalan na talaga ako ng pasensiya sa kanya! Gusto ko siyang suntukin ng malakas! Ang lakas naman ng loob niya!?
"Sino ka ba ha?"
"Ako si Robert."
Gago! Alam ko!
"Lumayo ka sakin? Kahit masakit tong braso ko masusuntok kita!" banta ko sa kanya.
Pero walang epekto ang pananakot ko sa kanya. Sa halip ay napakamot lang siya ng sintido.
"Sige na. Hayaan mo na muna ang motor mo dyan. Halika maupo ka muna roon sa bench. Sigurado akong masakit yang katawan mo." malumay na sabi niya.
Parang nawala ako sasarili at sumunod na lamang sa kaniya.