Robert Pov*
Makulit talaga siya, napaupo ko siya sa bench pero ayaw niya naman tingnan ko ang braso niya. Nagulat ako sa nangyari kanina. Noong una ay di ko akalaing siya pala yon pero nung tingnan ko ng mabuti ay nakilala ko siya. Muntik niyang mabangga yong maglola kanina. Nakakaawa naman.
"Maghintay lang tayo darating na yung sasakyan." sabi ko sa kaniya at mabilis siyang sinulyapan.
Hindi niya ako pinansin kaya napilitan akong lumingon sa kaniya. Nakatulala siya sa harap habang nakadikwatro at nakahalukipkip.
Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko sa kaniya. Ni hindi manlang siya humingi ng tawad don sa maglola at mag pasalamat sa akin.
Ganon ba talaga ang ugaling meron siya? Bakit ba ganiyan ang ugali niya?
"Saan ka ba magpapahatid?"
Bahagya naman niya akong nilingon ng nakakunot ang noo.
"My lolo's mansion." mabilis na aniya.
Napatango tango ako at ipinagpatuloy lang ang paghihintay.
"Ayaw mo ba talagang gamutin ko Ang sugat mo?"
Tingnan niya lamang ako at walang alanganing inilingan.
Masyado ng matagal ang paghihintay namin mabuti na lang at hindi na inabot si King sa pagdating. Mas nauna pa siyang tumayo at sumakay sa tricycle ha? Ang buong akala ko ay may mag iinarte pa rin siya eh.
Sumakay ako sa likuran samantalang siya naman ay mag isa sa loob.
"Bakit naman ang tagal mo?"
"Sorry naman, pahirapan pang makahiram ng tricycle kay erpats eh!"
"Siya sige na, alis na tayo. May sugat kamay niya kailangan mapagamot."
"Ha? Teka. Sino nga ba yan?" kita ko ang ngisi niya sa may side mirror ng motor.
"Wala basta, tara na!"
"Alam mo parang pamilyar siya eh." sabi niya at pa simpleng sinilip ang babaeng pusit sa loob.
"Tara na!" hinawi ko ulo para mapaharap sa una. Bwisit na to, gusto pa ata kami madisgrasya!
Ilang saglit lang ay nakarating na rin kami sa harap ng mansiyon ni Mr. Jeon. Dali dali akong bumaba ng maramdaman ang pagbaba niya. Ni hindi niya ako nilingon at nagderederetso lang siya papunta sa gate.
Pinindot niya ang doorbell at kita ko kung paano niya tiniis ang sakit ng braso niya. Naaawa ako kaso ang pride naman niya!
"Ms. Amber kayo pala!" bati ng guard sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin at sabay tinanguan. "Ms. Ginabi na po kayo."
"Yah.. Where's my harab-----"
"MY APOOO! Why take you so long?" biglang lumabas ng pinto si Mr. Jeon at walang alinlangang niyakap ang apo niya.
Bahagya nanlaki ang mga mata ko.... So totoo nga talaga... Naniwala na ako nung umpisa pero iba pala talaga kapag nakita na ng dalawa kong mata. Mag lolo nga sila. Bakit hindi ko yon napansin? Halos parehas lang silang manamit.
"I really miss you so much!!!! My Apo!!!" masayang masaya pa siyang hinigpitan Ang pagyakap sa Mahal niyang apo. Ang clingy ah. Bumitaw siya sa pagkakayakap at pansin ko naman ang bahagyang pagtawa ni Amber.
"Hey! Why are you here?" nakangiti bati niya sa akin, ngayon niya lang naramdaman ang presensiya ko.
"Ah... Ano po kasi naak-----"
"Hinatid niya ho ako, nakita niya kasi ako sa kanto. Hiniram kasi Jaja si Red bullet eh." nangunot ang noo ko ng unahan niya akong magsalita. Nilingon niya pa ako ng maaliwalas ang mukha. Para bang sinasabi niya na sakyan ko ang kasinungalingan niya.
Tinaasan niya pa ako ng kilay... Bigla akong nakaramdam ng takot sa mga mata niya kaya ngali ngali akong tumango.
"Opo.. Kawawa nga po siya. Mukhang wala ho siyang masakyan... Hehehe.."
"Ah ganon ba. Ano ba naman yang si Jaja, bakit hindi pa kasi siya bumili ng sarili niyang motor?Edi ba baby mo yung Redbullet? Bakit mo naman pinahihiram?." anang Lolo niya.
Baby? Dapat pala my tawag rin ako sa truck ko non? Bat di ko iyon naisip?
"Hehehe... Oho.." mukhang mahina ang babaeng to pagdating sa Lolo niya. "By the way, ready na po ba ang dinner? Tara pasok na tayo na loob." sabi niya sa lolo bago humarap sa akin. "Sige ha, salamat sa paghatid ha..baka gabihin kayo sige na pwede na kayong uma---"
"Teka kayo? May kasama ka pa?" singit ng Lolo niya.
"Ahh.. Opo... Hehehe.."
"Eh kung ganon, halika na kayo sumabay na kayo sa amin kumain!!" masayang sabi niya at siya pa mismo ang lumabas para tawagin si King sa labas!!!
"Hoy Hijo! SAMA KA NA KUMAIN NA KAYO DITO NG KAIBIGAN MO!!" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla itong sumigaw at tatawa tawa pa!
"Napaka hospitable naman ng Lolo mo hehehehe.." bulong ko kay Amber ngayon ay nakangiwi habang ngunot na ngunot rin ang noo. Ngayon ko lang nakita ang ganyang itsura niya. Para bang hiyang hiya siya sa ginagawa ng Lolo niya.
"Ano bang nginingti ngiti mo pa dyan?" inis na bulong niya pa akin. Bigla akong napaiwas ng tingin. Bakit ko ba siyang tinitingnan?
"Ah, talaga ho?" tingnan mo tong taong to pag pagkain ang bilis!
"Ay naku hindi na po! nakakahiya naman po kung dito pa kami makikikain." singit ko.
"Tama ho siya haraboji.."
"Hindi naman magandang aalis kayo ng wala man lang kapalit Ang kabaitan niyo sa apo ko." halos lahat kami ay natahimik sa kanya.
Ayos lang naman eh.
"Oo nga po ser." bigla namang basag ni King sa katahimikan. Halos sabay namin siyang nilingon ni Amber. Parehong masama ang tingin namin sa kanya. "Huwag tanggihan ang grasya ika nga." walang kwentang bulong niya.
Wala kaming nagawa kaya heto at nasa hapag kaming dalawa. Grabe sobrang nakakapagpatigil ng hininga ang mansyon na ito! Wala bang ibang nakatira rito? Hindi ba sila rito naliligaw!? Itong lamesang nasa harap ko parang kasya kumain ang limang pamilya ng may tig lilimang anak. Sobrang presko sa paningin ang paligid. Punong puno rin ng mga frame ang mga pader lalo na yung sa may hallway. Puro camera ang nakalitrato roon at ilan ay ibat ibat litrato naman ng malalaking building.
Pareho kaming napangiti ni King pero patago lamang iyon. Baka isipin kasi nila may masama kaming balak eh.
"Grabe ang ganda rito.....buti na lang pinagbigyan kita sa pabor." mahina siyang tumawa.
"Baliw. Tumahimik ka nga. Nakakahiya nga eh, at tsaka si Amber, tiyak na galit na iyon." bumigat ang pakiramdam ko. Alam kong ayaw niya akong nakikita at ayaw niya sa presensiya ko. Ano na naman kaya ang masasakit niyang sasabihin pagkatapos ng hapunang ito?
"Alam mo feeling ko lucky charm ka eh hehehe. Ang daming chocolate sa sala kuha tayo?" tinampal ko siya at sinenyasang manahimik dahil palapit na ang mag lolo sa amin.
Agad na tumama ang mga mata ko sa babaeng nasa likod niya. Si Amber, iba na ang suot niya. Nakaputi na siyang waggy pants at simple White T-shirt. Kanina lang ay itim na itim ang suot niya ngayon naman ay mukha siyang anghel na ayaw nang pabalikin sa langit dahil busangot niyang mukha.
"Kumain lang kayo ng kumain!" masayang anyaya ni Mr. Jeon.
Napatingin naman ako sa mga potaheng nasa harap namin. Grabe! Sobrang sarap siguro ng mga to! Tapos ang dami dami pa! Mukhang mabubusog yata ako ha? Hehehehe.
Masaya kong kinuha ang kutsara at aksidenteng napasulyap sa kaharap ko na masamang masama pa rin ang tingin sa akin. Ano bang nagawa kong mali sa taong ito? Puro na nga kabutihan ang ipinapakita ko, para mawala lang yang anger issue niya sa akin. Tss.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.
"Maraming maraming salamat po ha!! Mr....." ani King bago biglang bumulong sa akin. "Mr. Ano nga?"
"Jeon." bulong ko.
"Jun?"
"Jeon nga sabi!" inis na bulong ko.
"Ahh.. Hehehehe Jeon..." bumaling muli siya ng tingin sa matanda. "Mr. Jeon, salamat po ng marami."
"Ahh Mr. Jeon.. Si King nga po pala. Bestfriends po kami." singit ko.
"Ah, ganon ba? Nako! Walang problema iyon King!"
Tatawa tawa kaming nagpatuloy sa pagkain. Samantalang ang isa riyan ay hindi pa rin maka move-on. Masyado ba kaming kahihiyan sa Mansyon niya?
"By the way. Wala ka na nga pala sa bigasan? Balita ko sa mga kasama mo roon ay umalis ka na raw." muntik muntikan na akong masamid!
"Ah, ano po...."
"Umalis po siya kasi mag-aaral na po siya. Kailangan niya po ng mas magandang trabaho." dahan dahan akong nag-angat ng tingin kay King at tinaasan siya ng kilay. "Para po ano..." sineyasan ko siyang isara ang bibig niya!
"Talaga ba iho? Sana lumapit ka sa akin. Mabibigyan kita ng trabaho!" aniya bago bumaling ng tingin sa apo niya.. "Apo, bigyan mo siya ng trabaho sa DNK. Huwag ka mag-alala iho may trabaho ka na."
Malapit na sana ako ngumiti ng bigla... "Sorry to say Haraboji.. But I only accept educated person." ani niya saka seryoso akong tinitigan. "But if you really need a job.. You can... Do want to be a janitor?" tanong niya at bahagya pang natawa.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi. Hindi ko alam kung nanlalait ba siya o pero sa loob loob ko. Totoo ang mga sinabi niya. Ang sabi ko kahit anong trabaho basta legal at kikita ako ng sapat sa pag - aaral ko at sa pamilya ko. Pero bakit ako nasasaktan? Hindi ba totoo naman. Yon ba talaga ang nararating ng mga taong hindi tapos sa pag-aaral? Maari bang lait-laitin na lang kamiat tanggapin iyon? Kahit masakit?
"Ayos lang po.. Marami pa naman pong ibang trabaho riyan.. makakahanap pa po ak----"
"Alam niyo ba kung bakit marami akong kompanya? Alam niyo ba kung bakit ako nagpayaman ng husto? Hindi lang dahil sa pamilya ko... Kundi para bigyan ng pagakakataon ang mga kapos palad na magkaroon ng trabaho at maswelduhan ng angkop sa pinag hirapan nila.. Yoon ang tunay ng mga kompanyang itinayo ko.. " natigilan kami sa sinabi niya. Maging ang apo niya ay natulala rin." I really wanted to help people.. " aniya sabay tayo sa kina-uupuan." I'm sorry I have important meeting to go. Maiwan ko na kayo."
Wala kaming imikan ng maka-alis siya. Kinukulbit na rin ako ni King kung ano ba dapat ang gagawin... Kahit ako ay hindi ko rin alam.
" Ahh.. Am.. ber.. Salamat sa pa dinner.. Mauuna kami.. " sabi ko at dahan dahang tumayo sa kinauupuan.
Tulala pa rin siya sa kung saan bago nag-angat ng tingin sa akin.. "Tommorrow morning, 6:00 am. Ayaw ko ng late." mabilis na sabi niya bago tumayo at nakapamulsang naglakad sa hallway...
Edi hindi male-late!
Akala ko naman kung an---!
Ha?
Ha?
Ano raw?
'Tommorrow morning, 6:00 am. Ayaw ko ng late.'
'Tommorrow morning, 6:00 am. Ayaw ko ng late.'
'Tommorrow morning, 6:00 am. Ayaw ko ng late.'
Halos hindi mag sink in sa utak ko ang mga sinabi niya...
May?
May trabaho na ba ako??
"King???" hinawakan ko siya balikat at inalog alog!
"Yong sinabi niya!!"
"Ha? Alin? English eh!"
"MAY TRABAHO NA AKOOOOOO!!!"