Chapter 20 : Lollipop

Nakakapagod ba ang magtrabaho? Hahahahaha syempre naman! Yon ngang nakahilata ka lang maghapon napapagod ka e yon pa kayang magtrabaho ka?

Hahahahahaha grabe.

Parang gusto ko na agad mag resign.

-_-

Mula ground floor lang naman hanggang tenth floor lang ang kailangan kong i mop araw-araw. Sama mo pa yung naglalaking kwarto nung mga amo rito.

Hay.

Pero, okay lang yan. Ganyan talaga ang trabaho. Walang nakakapagod na trabaho, walang trabahong nagrereklamo sa labor kaya wala akong karapatang magrekalamo sa trabaho! Medyo magulo pero yan

Motivation Word ko today!

"Hay, grabe! Nakakapagod!" ani Den, pagod siyang humilata sa sofa.

Inisip ko lang sino kayang kasama niya rito? Wala ba siyang ibang ka shift?

"Den?"

"Oh?"

"Wala ka bang ka shift dito? Pansin ko ikaw pa lang nakikita ko rito."

"Meron."

"Ah? Ano siya pang gabi?"

Lumapit na naman siya, at alam kong bubulong na naman to!

"Umiiyak nga lang siya tuwing ga----"

"Yan ka na naman eh!"

"Hahahahahaha! Joke lang! Wala akong ka shift!"

"Paano yon? Edi sobrang pagod ka? Halos araw araw mong nililinis tong building? Di ka napapagod?"

"Ibat iba naman ang taga linis ng bawat label. Kaya kapag pagod na pagod ako nagsasabi lang ako kung pwedeng sila muna ang maglinis, okay naman pumapayag naman sila."

"Ahh... Teka anong label?"

Dahan dahan niya akong nilingon. "Di mo alam yon?"

Nakanguso akong umiling. "Hindi eh.."

"Hayss, Meron limang label ang kompanyang ito. At may kaniya kaniya rin itong boss. Kilala mo ba si Miss Jaja?"

"Ahh oo."

"Siya nag mamanage nang BlackLabel. Si Mr. Karlos naman, kung hindi mo pa nakikila siya naman ang nagmamanage ng Green label." hindi ako nagsalita, kaya pa tuloy lang ang pagkwento niya.

"Meron pang Grey label, isa siya sa parang bestfriend dito ni Direk, close kasi sila. Si sir Migs."

"Teka? Pala kaibigan pala siya?" parang gusto kong matawa, sa ugali niyang yon? May bestfriends pa siya ha? Funny.

"Aba oo naman! Ang bait kaya ni Direk! Ang cool pa!"

Okay.

"Tapos meron pang Red ang Pink Label, si Miss Anne ang nagmamanage ng Red at si Producer Jojo naman ang sa pink."

"Teka yon bang mga yon ang may ari ng mga kwartong nililinisan ko?"

"Oo." simpleng sagot niya, walang alinlangan. Para bang ako lang ang nagtataka.

"May kwarto na sila? Tapos meron pa silang opisina , hindi ba ako nagkakamali?" natatawang tanong ko.

"Aba syempre! Ganon sila kayayaman! Mababait din ang mga yon sa kagaya nating mga janitor lang. Kaya wala kang dapat ipag-alala."

Sa kanila wala, pero don sa isa meron.

"At si Director Jeon syempre ang leader ng lahat! Boss ng mga boss!! Siya ang may ari ng buong DARK N' KNIGHT... Tapos siya pa ang mag ma may-ari ng lahat ng airplines pati lahat ng mga kompanya ng Haraboji niya sa buong mundo. Sa sobrang dami, di mo na mabibilang!!! "

Di ako nakapagsalita. Paano? Alam kong totoo yon eh. Hay, mahirap palang kalabanin ang taong kiniinisan ko. Sa sobrang yaman niya, kaya niyang bilhin ang buong mundo.

Alas singko na nang hapon ng simulan kong linisan ang apat na kwarto, inabot din ako ng isang oras at kalahati kakalinis roon. May isa pang kwarto, sasaktuhin kong tapusin iyon ng alas syete. Pagkatapos noon ay tapos na ang duty ko, kaso nakiusap si Den na kung pwede ko bang linisan yung penthouse, naawa naman ako kaya umuo na lang ako total may libreng oras pa naman ako.

Dinala niya ako roon kahapon, walang masyado kalat dahil wala namang tao. Pero itinuro niya rin sa akin kung ano ang mga nililinisan niya roon kaya naging pamilyar na rin ako. Depende na lang raw kung naroon nakatambay ang mga boss.

Huwag ko na raw hiniling na sana naroon, kaya yon ang ipinagdadasal ko. Akala ko ba mababait sila? Tinanong ko iyan sa kaniya. Oo naman raw, kapag hindi lasing o kaya hindi nasasapian ng mga masasamang elemento. Idinagdag ko iyon sa prayers ko.

Gaya nga ng plano ko, sakto akong natapos ng alas syete. At sa ngayon kabado ko ng binabaybay ang hallway papuntang penthouse.

"Diyos ko Lord! Naging mabait naman ako sa inyo, alam kong may nagagawa akong kasalanan, pero mild lang naman yon.... Lord... Parang awa mo na ayaw ko ma expose.. Lalo na sa mga boss! Naway namamahinga na sila sa mga bahay nila ngayon...." taimtim na dasal ko.

Nang buksan ko ang pinto ng penthouse ay ganon na lang ang pasasalamat ko!

" Yes! " napapalakpak ako at napasuntok pa sa ere sa sobrang tuwa!

Ang sarap sa pakiramdam ng natupad ang wish!

Hahahahahaha hooooo!

" You're right."

(0_0)!

Dahan dahang nawalang ang mga ngiti ko sa labi. Ang akala ko wala sila... Naroon lang pala sila sa may salamin habang nakasilip sa labas. May kaniya kaniya silang hawak na wine glass.

"Hahahahahaha! Ang saya natin Robert ha?" si Miss Jaja. "Tagay ka!"

"Ah.. Hindi po... maglilinis lang po ako... Magandang gabi po sa inyo..."

Tumalikod ako saka kinuha ang walis tambo tsaka dustpan! Kasabay noon ang pagpikit ko sa sobrang kahihiyan!

"So, siya iyon? He's related to her?"

Napatingin ako sa lalaking katabi ni Director Jeon. Hindi ito nakatingin sa kausap kundi sa labas lamang.

"A girlfriend? I don't know." sagot nito.

Hindi ko na lamang sila pinansin at ipinagpatuloy ang paglilinis.

"Kawawang tao." tawa pa ng lalaking kausap niya.

Napa tigil ako sa pagwawalis. Oo tama ka, kawawang tao nga. Sobrang kawawa. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis.

"You know what Karlos, hindi ka talaga marunong magtago ng nararamdaman mo at itikom yang mouth mo!" ani Jaja bago sumulyap sa akin. Kita ko ang pag kindat niya.

"What? I'm I saying it wrong? ....."

"The wrong is you saying that... habang nandito yung tao." anang isa pang babae. Siya ata yung Miss Anne.

"At kailan pwedeng pag-usapan? Kapag wala yung tao?"

"Yes."

Sabay pa silang natawa. Sa sobrang panginginig ko ay muntik ko pang matabig ang isang paso roon. Mabuti at kaagad ko iyong nakuha.

Nakuha niyon ang atensiyon ng lahat kaya naman nadagdagan na naman ang kahihiyan sa katawan ko!

Sorry Den! Ngayong gabi lang ako papayag sa pabor mo!

"Be careful!" galit na ani Director Jeon. "Galit ka ba?"

Taranta akong harapan sa kanila at umiling iling.

"Naku! Hindi! H-hindi po! S-sorry po..."

"Bilisan mo na dyan!"

"Opo!"

Binilisan ko na ang paglilinis. Sobrang hiya ang nararamdan ko na may halong sakit hindi ko alam kung paano ko na kakayanang maglinis habang pinapanood nila ako.

"ANAK! KAMUSTAAA?" agad akong niyakap ni mama ng makapasok ako sa bahay.

"Ayos naman po."

Nginitian niya ako bago hinalikan sa pisngi. Alam kong lagi niya yang ginagawa kahit ganito na edad ko pero may iba. Alam no yon? Nangangamoy nangangailangan?

"Mukhang pagod na pagod ang baby boy ko ha?"

"Ma! Anong baby boy? Hindi niyo ako baby no!"

Lalo niya pa akong hinalikan sa pisngi!

"Hay! Pagod na pagod ang baby ko! Magpalit ka na at nang makapag hapunan na tayo! Tawagin mo na ang mga kapatid mo." utos niya bago tumayo. Pero kaagad niya akong nilingon.

"Kaya mo yan nak! Alam kong marami kang kayang gawin sa sarili mo! Masipag ka eh, alam kong wala kang hindi kaya! Ngitian mo lang ang may bad vibes okay?"

Napangiti naman ako bago tumango. "Opo.."

"Sige po tatawagin ko na sila."

Bitbit ang bag sa balikat ay inakyat ko ang maliit na kahoy naming hagdan. Naroon ang mga bata sa kama at naglalaro.

"Hi! Tuyaaaa!!!!"

"Hi, Sana! Kamusta ang baby ni Kuya?" lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Ganyan lagi ang eksena. At aaminin kong sobrang nakakatanggal ng stress ang dalawang batang ito.

"Tuya, ni away ti ati am-am ta labas.." (Kuya, inaway si ate Am-am sa labas)

"Talaga? Sinong umaway?" tanong ko bago nilingon si Am-Am sa maliit na lamesa at may kung anong sinusulat. "Am? Sinong umaway sayo? Gusto mo resbakan ni Kuya?"

Inosente niya lang akong tiningnan at umiling.

"Bakit ka inaway?"

"Ako po ang nang away." walang kahirap hirap na pag amin niya.

"Diba turo ni kuya, na huwag makikipag awag? Amber?"

"Eh... Kuya... Kinuha niya kase yung kendi ko eh.... Akin yon eh... Ako unang bumili noon kay Aleng Pasing eh..."

"Nakipag away ka dahil sa kendi lang?"

Ngumuso siya at tumango.. "Sabi mo kasi kahit mahirap tayo... dapat pa rin nating ingatan yung mga bagay na meron tayo..."

"Pero kendi lang yon.." sabi ko bago lumapit sa kaniya.

"Akin pa rin yon, hindi basta basta kendi yon..."

Pinunasan niya ang kaniyang mga mata ng kamay, mukhang malapit na siyang umiyak. Tama siya sinabi ko yon sa kaniya, pero di ko alam na sa ganitong edad ay maiintindihan niya na ako.

"Ito kuya oh..." pinakita niya sa akin ang isang Lollipop na kinuha niya sa kaniyang bulsa. "Sabi kasi nung iba... may powers ang Lollipop na to.."

"Talaga, anong powers?"

"Kaya niya magpagaling ng may sakit... Kaya niya ikaw pasayahin.... kaya niya ikaw bumait..."

"YEHEY! MAY POWERS NA TI ATI AM-AM!" masayang sigaw ni Sana.

"Yung Lollipop yun Sana." aniya sa kapatid.

Nakangiti kong pinanood ang dalawa na sabay binubuksan ang Lollipop na hawak nila.

Isa siguro sa pinasasalamat ko ay iba ang mga kapatid ko sa ibang mga bata. Pinapangalagaan nila ang mga sinasabi namin ni Mama at bilang kapatid, sobrang nakakatuwa iyon. Alam kong lalaki silang mabubuting tao.

Amber POV*

"Bullsh*t! That jerk! I want to squeeze his face!" inis na sigaw ko bago padarag na umupo sa sofa!

Naagawan ako ng spot! Isa na sana sa pinaka magandang pagkakataon ang makuha ang Romeo and Juliet Project! Pero wala! Wala akong napala! Sobrang sayang ang panahon na inilaan ko para sa Film na yon! Gusto ko, ako ang mag direk don!

Bullsh*t talaga!

Sobrang nakakainis!

Malalim ang bawat paghinga ko. Nang akma akong tatayo ay saka ko lamang napansin ang isang Lollipop sa gilid ng laptop ko! Sinong nag- iwan nito?

Inis ko iyong kinuha, itatapon ko na sana pero kaagad kong napansin ang note na naroon.

What the hell?

To: Direk

Always find a way to smile - ☺️

From : Am-Am.

Who is Am-Am?

Kunot ng noo ko at napailing na lang.