Amber POV *
Padabog kong isinara ang pinto ng opisina. Paanong hindi? Nakatanggap na naman ako ng imbetasyon galing sa pamilya ni Jonathan. I know I already forgive him. But I don't want this kind of scenario. I know what's gonna happen. Pag-uusapan na naman ang kasal na yan ng paulit ulit! Kung ano-ano na naman ang sasabihin nila sa akin. Kesyo para sa akin din yon! Like the hell I care!
Kaya anong ginawa ko? Hinayaan ko sila! Bakit naman ako pupunta ron? Bahala sila maghintay sa wala. Para maramdaman talaga nilang wala akong interes sa fix marriage na yan!
"Amber! Bakit nandito ka pa?" gulantang na tanong sa akin ni Ja ng makapasok ito. Ngumuso naman ako ng kibit balikat, ano bang sinasabi nito? "Kaya naman pala tawag ng tawag sa kin si Jonathan! At napakaraming email sa kin ni Haraboji! Hindi ko sinasagot!"
"Good." binitawan ko ang kinakain kong pizza ang binuksan ang laptop ko. This is gonna be so exciting! My friend from different entertainment invite for a dinner with his artist!
"Look Ja, Ellison emailed me. He wanted mo to come to their tomorro---"
"Kailangan ka ng pamilya mo sa dinner ngayon. Why didn't you come?" seryosong tanong niya. Aaminin kong medyo naalarma ako ron. Minsan lang kasi siya magganyang ugali kapag talagang importante ang pinag-uusapan.
"Hindi ba alam mo naman?"
"Pero kahit na. Sana um-attend ka pa rin?!"
"Sa bawat dinner na kasama sila. Yon at yon lang ang pinag uusapan! Sawang sawa na ako! Nakakainis!" tumayo ako at galit na lumapit sa kaniya! "Sa bawat presensiyang pinapakita ko! Mas lalo nila akong tinutulak na gawin ang bagay na ayaw ko! Hindi mo ba naiintindihan? Napaka hirap bang intindihin Jaja?"
Wala siyang imik ngunit gaya ko ay nakikipagtalo rin siya ng tingin.
"You guys don't get it!" sigaw ko at muling bumalik sa pwesto ko kanina. Hingal na hingal pa akong itinuon ang kamay sa lamesa. "You don't know them. Kahit sinasabi nila na pamilya ko sila! Hindi ako makaramdam ng pagmamahal Ja! Napaka hi--"
"Pero yon ang nasa usapan Amber!" pigil niya sa akin. Natulala ako.. "Nakakalimutan mo na yata Amber? Ito ang kapalit sa lahat. Mawawala ang lahat sayo, alam mo yan!"
Napakurapkurap ako. Kasabay noon ang dahan dahang pag-upo. Parang bumigat ang loob ko hindi lamang sa mga sinasabi niya kundi kasabay rin noon ang unti unting pagbalik ng nakraang ko. Anim na taon mula ng mangyari iyon. Halo halong emosyong.
"I can handle this. I know I can. Kami ni Haraboji ang nagka-usap tungkol rito. Miintindihan niya ako!"
"Amber , makinig ka mu-----"
"Get out of my office now!" malakas na sigaw ko! Alam kong maging ang mga tao sa labas ay napatigil rin. "Get out now! Huwag mo nang ipaalala pa.." tumalikod ako at pilit na itinago ang galit sa aking mukha. "Sa susunod na bangitin mo ulit yan..Hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ka. Sa kompanya ko..."
Walang imik siyang umalis. Umupo ako sa swivel chair at pilit na hindi isipin ang nangyaring iyon. Sa oras na naaalala ko iyon ay pagsisisi, pandidiri at galit sa sarili lang ang nararamdaman ko.
At sa hindi ko inasahang pagkakaton..After a years of forgetting everything, I felt my tears fell down. Dali dali ko iyong pinunasan gamit ang likod ng palad ko. Galit pa akong kumuha ng tissue at pinunas iyon dahil ayaw niya talagang tumigil! That's why I hate crying, it's not fit for me and I can't handle it!
Robert POV*
"Ano ba naman tong si Den! Umabot na lang ako dito sa tenth floor wala naman yo----"
Napatigil ako sa paglalakad ng biglang bumukas ang pinto! Kaagad akong nagtago sa telang itim na naroon. Una kong nakita ang suot nitong sapatos. Parang kilala ko na agad?! Sinilip ko pa mula paa hanggang mukha kung sino iyon. Confirm! Akala ko ba hindi sila pumupunta rito? Napaka ganda kaya ng Penthouse nila? Kung sa bagay kanila naman ano bang paki ko?
"M-may tao ba dyan?"
"Wala!"
Agad akong napataklob ng bibig sa sobrang gulat! Ang tanga! Kita ko ang kunot niyang nuo na nakatingin sa banda ko! Mukhang narinig niya ako! Kuryoso ang mukha niya ngunit wala siyang kilos. Naka upo lamang siya sa may generator habang may hawak hawak na isang lata ng ...beer?
Ngumuso siya at nagkibit ng balikat. "Huwag ka mag-alala..Naniniwala ako sa mga multo..at hindi ako takot sa inyo." humagikhik pa siya. "Multo ka lang no! Akala mo talagang nakakatakot!" tumawa pa siya ng parang baliw!
May sapi ba to? Ano nang nangyari sa amo namin? Lahat ng pagtataka at kunot kong nuo ay napalitan ng malumanay na tingin ng marinig ko ang mahihinang hikbi nya. May kung anong tumusok sa puso ko nang marinig ko iyon. Naninibago ako, hindi ako sanay ng ganyang asta niya. Malayong malayo sa Director Jeon na kilala ko.
"Anong pangalan mo"? sigaw na tanong niya. "Sorry..di ko alam na may multo pala dito....." aniya bago uminom ng alak.
"C-casper.....yon ang pangalan ko." huminga ako ng malalim..sana paniwalaan niya. Tsk! Pareho na kaming baliw! Casper? Si Casper ka na? Tanga?
"Casper? Okay..."dumighay siya at tumingin sa kawalan. "Kailan ka pa dito Casper?"
"A-ano ...nung last week lang.."
"Last week? Paano nagkamulto dito? May namatay ba last week?" tanong niya sa sarili. "Whatever.."
"Ikaw? B-bakit ka nandito?" tanong ko naman sa kanyan.
Tumingin siya sa kawalan at itinuro ang sarili. Natatawa ako sa kanya, ganito ba siya kapag may tama? Napailing iling ako at pigil tawang nagbaba ng tingin. Hindi ka naman pala masungit , minsan cute din.
Agad kung nasampal ng mahina ang pisngi ko! Gago! Ano bang pinag-iisip ko? Kailangan ko nang makaalis rito! Kaso paano? Hindi ako makakaalis basta sa likod nitong tela! Makikita niya kaagad ako! Huminga ako ng alalim ng maka isip ng paraan, susubukan kong maglakad ng dahan dahan sa may parteng likuran niya. Sa tingin hindi niya ako mapapansin dahil mukhang tulala naman siya. Sa likod ako daraan para hindi niya marinig an---
"I'm a liar.."
Awtomatiko akong napatigil sa paglalakad at kaagad napalingon sa kaniya. "I'm an arrogant person..I'm so bad..I'm so weak..and I hate myself."
"I'm here beacause of that reasons..hindi ako tumutupad sa usapan..ang gusto ko lang ay panindigan ang mga bagay na gusto ko at alam kong iyon ang makakabuti sa akin...pero walang maka intindi sa akin. I want to protect the Jeons by myself..I don't need anybody else. I live 15 years by myself, I don't need anybody else.."
Napabuntong hininga ako sa problema niya. Alam kong wala naman akong karapatang manghimasok sa problemang meron siya. Pero sa tingin ko hindi niya naman sasabihin ang mga iyon kung hindi niya kayang panindigan. Sa taong kagaya niya, hindi nga malabo na kaya niyang mabuhay ng mag-isa.
''Andyan ka pa ba?" tanong niya habang namumungay ang mga matang lumingon sa banda ko. Umatras ako nang mapansing nakikita pala ang kalahati ng katawan ko sa likod ng itim na tela. Hindi ako nagsalita , wala akong masabi. Hindi ko alam kong ano bang mga salita ang dapat na sabihin sa taong kagaya niya kapag nasa ganitong sitwsyon. Kase kung sabihin ko man, sabihin na nating makikinig nga siya..ngayon. Pero bukas wala na, alam kung makakalimutan niya rin.
"Umalis na rin yata.." malungkot na aniya at sinaid ang natitirang alak sa latang hawak niya. Wala pang ilang segundo ay narinig ko na naman ang hikbi niya. Napakagat ako ng labi ng dahil sa kaduwagan! Gusto ko siyang lapitan pero pinipigilan naman ako ng katotohanang saglit lamang iyan. Inisisip ko in ang reaksiyon niya, alam kung hindi iyan matutuwa! Kahit siguro ay lasing siya ay makikilala niya pa rin ako. Baka nga masampal pa ako niyan kapag nalaman niyiang ginawa ko lang siyang tanaga kanina!
Naalarma ako ng nakayuko na lamang siya. Nabitawan niya pa ang can beer at naglikha ito ng ingay ngunit pa rang hindi niya iyon narinig? Tulog na yata siya? Sinubukan kong lumabas sa likod ng kurtina at sinubukang magpakita. Sinilip ko pa ang mukha niya kahit medyo hindi ko maaninag kung nakapikit na ba siya.
Maya maya ay gumewang gewang na ang katawan niya at mukha itong mahuhulog mula sa generator na inuupuan niya. Kaagad akong tumakbo at sinalo ang mabigat niyang katawan!
Bwisit! Ano ba naman ito? Hindi naman pala kaya ang sarili bakit nag inom inom pa? Ngayon ko lang rin namalayan na mukhang kanina pa siya umiinom dahil sa amoy niya! Hindi mo ba alam na ang pangit sa isang babae ang umiinom!?
Mukhang tulog na tulog nga siya. Ang lakas pa nang harok nakakarindi! Paano na lang kung sa ibang lugar siya inabutan ng kalasingan?
"Ang yabang mo na nga, burara ka pa!" bulong ko mismo sa mukha niya.
Napakurap kurap ako ng mapansing ang lapit ng mukha namin sa isat -isat. Gumewang gewang din pa ang ulo niya at bumagsak ito sa dibdib ko! Ngayon, ano namang gagawin ko dito?!
Napakaraming CCTV sa baba! Magtataka siya kung sa opisina niya ko siya dadalhin at kung sa penthouse naman ay ganon rin! Mahihirapan akong ilabas siya! Malalaman niya na ako ang naglabas sa kanya, ang ipinag-aalala ko kasi ay ang ugali niya! Alam kung kung ano-ano na naman ang iisipin niya kapag nagkamalay siya bukas!
"Hayss!" inayos ko siya ng higa sa may genetor. Magandang dito ko na lang siya iwan. May bubong naman at hindi naman uulan. Inayos ko ay kanyang higa. Ngunit gumalaw siya at tumagilid sa paghiga.
Sa mga oras na iyon ko nalaman na ang kagaya niya palang tao ay may malungkot na parte rin sa buhay. Para sa akin kase, kung mapera dapat wala ka nang problema!
Kinuha ko ang balabal na nasa loob ng bag ko at ikinumot iyon sa kaniya.
"Huwag ka mag-alala.. Hindi ka iiwan ni Casper. Basta sabihin mo lang.."