Chapter 24: Know

Robert POV*

Hindi ko mabilang kung ilang minuto na siyang naroon. Tahimik lang akong naghihintay sa kanya habang nakasandal sa may pader. Andito na ako malapit sa Ferari niya at katabi lang nitong nakaparada ang Motor niya.

Aaminin kong halos manigas ako sa sobrang gulat ng makita yung Ferari niya. 1998 Ferari 355 ang disenyong yan marami akong magazine ng mga kotse kaya alam ko.

"Sorry, natagalan." gulat akong lumingon sa kaniya.

"Hindi okay lang!" kahit na gustong gusto kung tanungin kung anong nangyari don at kung ano ba talagang meron sa kanila kahit na obvious naman!

Bumuntong hininga siya at tumango, "Ilagay mo na sa compartment ang mga gamit.."

Masaya akong tumango at sinunod ang utos niya. Maingat kong inilagay ang mga gamit niya roon na medyo may pagkabilis na rin, baka kasi matalakan na naman ako nito!

"Mauuna ako, sumunod ka."

Kaagad akong sumakay ng sasakyan at hindi pa rin makapaniwala. Paano bang hindi kasi? Ikaw kayak magdrive ng pangarap mong sasakyan? Kung hindi ka mahimatay!

Umakarangkada na ang motor niya at sumunod naman ako. Grabe, hindi ko masyadong ma concentrate ang sarili ko sa pagdadrive! Paano ba naman kasi , lahat ng makakita sa min ay tingin na tingin! Akala mo naman ngayon lang nakakita ng ganito! Mga poor! Hahahaha!

Halos kalahating oras ng makarating kami sa location. Nagpark ako katapat ng motor niya. Nang bumaba siya ay ganon na rin ang ginawa ko. Hinintay ko siya hanggang sa makatawid. Ngayon ko lang napansin na may katangkaran nga siya. Bagay na bagay sa kanya ang trabahong ito. Pero kahit ano sigurong trabaho malalahian ng coolness niya o kayabangan ba ang tawag doon? Nagiging magandang tingnan, at kinakainis ko yon.

"Done of fantasizing me?"

Ngumuso po ako at umiling sa kanya.."H-hindi kita pinapantsya no!"

"Sinabihan lang kita ng huwag mo akong gamitan ng 'po' at 'opo', medyo nawawalan ka na kaagad ng galang ha?"

"Naku hindi! Ang sabi mo mas matanda ako sayo..kaya sinusunod lang kita.." nakanguso akong nag-iwas ng tingin. "Ikaw ang may sabi niyan.."

"Tss, kunin mo na yang mga gamit at sundan mo ako. Feeling close ka!" sinamaan niya ako ng tingin bago umalis.

Ha! Sino kaya ang humingi ng pabor? Ako ba? Ako ba? Ako? Tch! Pasalamat ka babae ka eh!

Pareho ang gulat namin ng pumasok sa mismong set.

"What the hell?!"

Halos bilang lang ang mga tao roon! Wala ring masyadong naka ayos na props, walang make up artist at walang artista walang mga tent! Kitang kita ko ang pagtiim ng bagang niya! Hindi ko alam kung anong nagyayari pero sigurado ako ngayon lang to nangyari sa talang buhay niya!

"B-bakit walang tao?" lakas loob na tanong ko.

Tiningan niya lang niya ako at halos hindi na makapagsalita sa sobrang galit! Madaming beses ko na siya makitang magalit pero galit sa mukha niya ngayon parang sobrang lalim.

Nasa ganon kaming sitwasyon ng tumunog nag telepono niya. Galit niya iyong kinuha sa bulsa.

"What is this? Are they making fun of me?" sigaw niya sa kausap. "YAH YAH! I know! Andyan sila? Wala sila hahawakan dyan! Susunugin ko ang mag kamay nila! Sabihin mo yan!" sigaw niyang muli at pinatay ang tawag!

Naglakad muli siya palabas. Sumunod ako sa kanya at halos sabay lamang naming pinaandar ang kanya kanyang sasakyan. Masyadong mabilis ang pagpapaandar niya! Para siyang may hinahabol na magnanakaw! Gusto ko sana siyang sigawan pero mabilis na nakalusot ang motor niya sa sasakyang nasa unahan niya.

Pinilit ko na lang pakalmahin ang sarili kahit sobra na akong nag-aalala sa kanya! Baka naman kasi mamaya imbes na maabutan niya yung mga taong naroon sa kompanya ay madisgrasya siya!

Hindi ko alam ang nangyayari, alam kong wala ako sa lugar. Pero kinakabahan ako, pakiramdam ko kasali ako roon at dapat kong mag-ingat.

Paglaan ng ilang sandali ay narating ko ang basement. Naabutan ko pa siyang tinanggal ang kanyang helmet at isinabit iyon sa kanyang motor. Mabilis naman akong bumababa at sinundan siya.

Kitang kita ang takot sa mga mata ng mga empleyadong nadadaanan namin. Ang ilan sa kanila ay nakakunot ang mga nuo at umiiyak. Gusto ko silang tanungin ngunit bago pa man kami makasakay ng elevator papunta sa opisina niya ay nahagip na ng mga mata ko ang mga taong pababa ng hagdan. Isang matanda ang nangunguna sa kanila, nakasombrero ito na ka terno ng suit niyang suot. Hawak hawak niya rin ang tungkod sa kanang bahagi niya at ang mga mata nito ay anaki'y moy tigreng nakatingin kay Amber.

Ramdam siguro nito ang presensiya ng mga tao roon na imbes na pumasok sa elevetor na nagbukas ay sa mga tao roon siya ay napalingon.

"Why are you here?" kalmado niyang tanong.

"So, ito pala ang kompanya mo?" tanong ng matanda habang sinusuri ang buong paligid. Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng tumingin siya sa akin! Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Gusto ko nang umalis sa kinatatayuan ko!

"Why are you here?" tanong niyang muli. Ramdam ko ang pasimpleng paghawak niya sa laylayan ng T-shirt at marahan akong hinila nito papunta sa likod niya.

Napatingin ako sa kaniya bago napatingin sa kamay niyang nakakapit sa damit ko. Binitawan niya ito at humakbang ng isa pauna.

Ang mga tao sa likod, ay derertsong matang nakatingin sa akin na akala mo naman ay ninakawan ko ng tig sa-sampung milyon!

Umabante rin ang matanda ,"Well...I just want you to know that I sent your Lolo to Seo--"

"WHAT?"

Muntik na niyang kwelyuhan ang matanda kundi lamang napigilan ko!

"Y-you s-sent him to Seoul?" halos maiyak na siya! "Are you really planning this right?"

Bumuntong hininga ang matanda. "Wala akong masamang balak, ayaw mong sumunod sa kasulatan..ayaw mong magpakasal."

Napakurap-kurap ako. Magpakasal? Magpapapkasal dapat siya? Ito ba iyong gabing nakita ko silang dalawa? Wala ako sa sariling napatingin sa kanya.

"Mukhang wala kang balak pahalagahan ang mga bagay na dapat sayo!" nagmamalaking anang matanda. "Ang akala ko pa napakalaki ng utang na loob mo sa Lolo mo? Why you doing this to him? Nagkasakit siya ng dahil sayo..."

Kumuyom ang kaniyang kamao at ramdam na ramdam ko ang pagpipigil niyang saktan ang matanda.

"Ah...tama na po s-siguro.." hindi ko na napigilan ang sarili ko! "Hindi po magandang nag aaway sa harap mga nang e-empleyado.." humina ang boses ko.

Natawa naman ang matanda at tatango -tango. "Tama! Tama ka riyan! Ano ang pangalan mo?"

"Ah...ako p-po si R-robert D-dimasilang.." kabado ako. Hindi ko naman kasi siya kilala mas maganda nang maging mabait ka!

"Aba! Mabuti pa itong lalaking ito naiintindihan ako." aniya na ani moy may pinaparinggan.

"Get out." ani Amber sa kaniya.

"Okay, I'am..pero hindi pa ito ang huling pagpunta ko rito." tinapik niya ito sa balikat at may ibinulong.

Masama na ang mukha ni Amber nang naka alis ito kasama ang mga kasamahan niya.

Kumalma naman ang mga empleyado roon at halata rin na gusto nilang malaman ang mga nangyayari. Wala ako masyadong naintindihan yon lamang na dapat magpakasak si Amber ngunit ayaw niya. Kaya narito ang matanda dahil gusto niyang ipaalam na ipinadala na niya si Mr. Jeon pabalik sa So--ay! Basta kung saan man yon! Alam kung hindi lang hanggang doon iyon! At ayaw ko nang makisali! Ayaw ko nang malaman.

"Ah..Direk..b-babalik na po ako sa trabaho.."

Tumango lang siya hindi na nagsalita. Tahimik akong umalis roon at bumalik sa locker room para makapagpalit ng damit.

Alas sais na nang matapos ako at hanggang ngayon gumugulo pa rin s akin ang mga nangyari kanina. Kinakabahan ako ng sobrang , alam kong may hindi magandang nangyayari.

Nasa labas na ako ng building ng lingunin ko ito. Hay, bakit nabaliktad yata ang tingin ko sa mayaman at mahirap? Noon ang buong akala ko at kapag mayaman ka wala ka nang dapat ipag-alala kasi napakayaman mo na! Kami kasi , kahit walang pera at kung minsan at isang beses lang kumain sa isang araw ay hindi kami nakakaramdam nang ganon kagaya kanina.

Mas mahirap pala ang buhay nila.

Napabuntong hininga ako at napahaplos ng leeg. Muling pumasok sa isip ko ang ginawa niya kanina.

"Bakit kasi niya ginawa yon?" inis na tanong ko!

"Pwede niya namang sabihin...'tabi dyan!' " ginaya ko ang boses niya sa huling linya. "Oh, diba pwede naman yon?" Napakagat ako ng labi! "Bakit kailangang hilahin niya pa yong damit ko?"

Napapikit ako sa sobrang inis at pag-iisip! Mababaliw na ako!

"Eh, bakit naman kasi andoon pa ako? Sana hindi ka na lang sumunod!" para tangang pangaral ko sa sarili!

Nakauwi na ako at nakapag pahinga na lahat-lahat pero para parin sirang plakang paulit ulit sa utak ko yung nangyari! Yon yata ang pinaka highlight sa akin!