Zero's Pov
Napatingin nalang ako kay Jack habang naglalakad ito palayo nang biglang may bumusina sa likod. Gulat na napalingon pa ako dito para lang makita ang dalawang kumag na nakasakay na sa kanilang kotse.
"Dude! Anong nangyari? Bakit mo nilapitan sina Jack? Anong sinabi mo?" Sunod sunod na tanong ni Cody.
Habang nakatingin lang sakin si Drew na animoy alam na niya ang ginawa ko.
"I ask her to teach me to drive a motorbike." I said while heaving a sigh.
"What?!/ Knew it!" Panabay na bulalas ng dalawa.
"Ano? Bakit kay Jack? Diba ayaw mo sa kanya? Nagrerace ba sya? Anong sabi nya? Tuturuan ka ba nya? Saan kayo magtetraining? Wala ba kayong lakad ni Heart? Sinabihan mo na ba sya at bakit-!"
"Shut the fuck up Cody!" Sabay na suway naman namin ni Drew sa kanya. Para syang armalite sa dami ng tanong nya.
"Bakit? Nagtatanong lang naman ako ah!"
"Eh kung makatanong ka daig mo pa si Dean eh." Asik ko sa kanya.
Napanguso naman sya na parang bata.
"Anong sabi ni Jack?" Drew ask.
"Pumayag naman sya at -!" Dalawang magkasunod na busina ang narinig namin at napalingon kami rito. Nakaupo si Jack sa kanyang motor habang waring hinihintay ako.
Seryoso talaga syang magpadrive sakin?
"Sasabay ka sa kanya?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Drew.
"Yun nga sana ang sasabihin ko eh. Tuturuan nya na ako ngayong gabi. Pero sinabi nyang ako daw ang magdadrive ang motor nya at idadaan ko muna sya sa bahay nila. Like seriously? I don't even know how to start her motorbike. Sa klase pa naman ng motor nya mukhang nagmana sa kanya...hindi gagawa ng mabuti." Himutok ko habang nakatingin kay Jack na medyo malayo samin.
"Wow, riding in tandem ang labas nyo nyan bro.. haha!" Sinamaan ko nalang ng tingin si Dy.
"Pero mas mabuti narin siguro na ngayon palang matutunan ko na yun. Beside, I only have two days to practice. Tawagan ko nalang kayo mamaya." Paalam ko sa kanila.
"No, we'll convoy you. Baka kung san ka pa dalhin ng dalawang yun eh." Ani Drew at inistart na ang kanyang sasakyan.
Napatango nalang ako saka nakipag fist bomb muna kay Dy saka umalis.
Habang naglalakad palapit kay Jack ay di ko mapigilang tingnan ang porma nya.
She's wearing a purple shirt covering a leather jacket and fit rip jeans and boots. Para syang gangster kung tingnan. Nakalugay ang kanyang buhok at nakasuot ng salamin.
Tsh, astig sana mayabang lang.
"I heard that." Nagulat pa ako sa sinabi niyang iyon nang makalapit ako.
"What?" Takang tanong ko.
"You're insulting my bike. Raygun will punish you for saying that." Nakangising sabi niya.
Lalo lang naman akong naguluhan sa sinabi nya.
"What are you talking about? And who's Raegan?"
"Tss. Never mind. C'mon, I need to go home first." Aniya saka pumwesto sa hulihan ng motor.
"Do you really think I'll drive that? I told you, I don't know how to operate it. Susundan nalang kita at sa kotse ko ako sasakay." Inis na sabi ko saka akmang tatalikod nang marinig ko ang palatak nya.
"Tsk.tsk.tsk.. just to remind you Natsu that you're the one who's asking a favor here. So whether you like it or not. You will follow my lead."
Napatingin ako sa kanya para lang maasar sa mukha nyang nakangisi sakin.
Kung hindi ko lang talaga kailangan ang serbisyo nya. Bwisit!
Napabuntong hininga ako.
"Fine. Do you have extra helmet?" Tago ang inis na tanong ko.
"Nope. Use mine." Aniya at bago pa ako makapalag ay naisuot nya na sa ulo ko ang kanyang helmet at halos manlaki ang mga mata ko dahil sa napakalapit niyang mukha sakin habang sinusuot ang helmet sa ulo ko.
Napangisi pa siya sakin dahil sa pagkatameme ko kaya lalo lang kumulo ang dugo ko sa kanya.
"Start the engine first. Just push this button and pull this handle to accelerate the gas." Seryosong sabi nya.
Napatingin naman ako sa tinuro nya. Ganun lang ba yun kadali? Akala ko ba pinipedalan pa yun para umandar. Sa klase pa naman ng motor nya mukhang pangrace talaga.
"Try it." Napatingin pa ako sa kanya nang sabihin nya yun.
"Gagawin ko ba talaga 'to ngayon? Hindi ba pwedeng ikaw muna ang gumawa para makita ko at-!" Natigil ako sa pagsasalita ang bigla niya akong hawakan sa braso at pilit na pinasakay sa motor nya.
Dug dug..dug dug...
Shit! What's happening to me? Hinawakan nya lang ako pero parang nagrace ang heartbeat ko.
At dahil wala narin akong nagawa ay umayos nalang ako ng upo at hinawakan ang handle.
Bahagya akong lumingon sa kanya upang itanong kung paano ko ba ulet paandarin iyon ngunit hindi pa man ako nakakapagsalita ay dumikit na siya sakin at inabot ang kamay kong nakahawak sa handle.
Mabilis akong napalunok sa ginawa nya lalo na at halos gahibla lang ang layo ng mukha ko sa mukha niya.
"Eyes on the road." Aniya nang mapansing tila namatanda na ko sa ayos namin.
Muli niyang inulit ang instruction nya.
Sinubukan ko ang sinabi nya. Ngunit ganun nalang ang pagkagulat ko nang bigla kaming umabante ng malakas at halos mahulog kaming dalawa sa motor.
"Bullshit!" Bulalas ko pa sa nangyari.
Nakita ko pang napatigil sina Drew at Cody at bahagyang sumilip sa bintana ng kanilang mga kotse dahil sa nangyari.
"Relax Natsu. H'wag kang magmadali. Pull the handle slowly and step on the gas." Ani Jack na parang wala lang sa kanya ang nangyari. Ni hindi nga siya nataranta sa ginawa ko.
Shit. Pinapahiya ako ng bwisit na motor na 'to ah. Mana nga talaga siguro ito sa nagmamay ari sa kanya.
"Stop thinking. Paandarin mo na dahil mapanganib kapag inabot tayo ng dilim."
"Tch." Inis na palatak ko saka bahagya syang sinamaan ng tingin.
Nang sumubok ako muli ay naging maayos naman ang pagpaandar ko. Ngunit nang tapakan ko na ang gas ay namatay ulit iyon.
"Damn!" Inis na asik ko.
I heard her sigh at nagulat pa ako nang muli syang dumikit sa likod ko ay may pinindot na kung ano sa unahan ng motor.
Dagling umilaw ang motor at kusa na iyong lumakad na para bang may sarili itong pag iisip.
"What-!" Natigilan akong muli nang bigla syang naglagay ng headphone sa ulo ko at dun ay narinig ko ang boses ng operator na nagtuturo kung paano patakbuhin ang motor na sinasakyan ko.
What the...daig pa nito ang kotse ko ah!
Bahagya ko ulit syang nilingon ngunit nakahalukipkip lang sya sakin na para bang disappointed.
"I told you, hindi ako marunong." Defensive na sabi ko sa kanya.
"Whatever. Just listen carefully to Raygun. Tell her to bring us home." Walang ganang sabi nya lang.
"What? Paano ko naman-!" Naputol ang pagtatanong ko nang marinig ang sinasabi ng operator.
"Hello Master Natsu, where do you want to go?"
What the heck! Master Natsu??
Lilingon pa sana ulit ako kay Jack ngunit tinusok nya ng kanyang hintuturo ang pisngi ko upang pigilan ako sa paglingon.
Inis na sinagot ko nalang si Raegan.
"Take us to Jack's home."
"As you wish Master Natsu."
Pakiramdam ko ay nakikipag usap talaga ako sa isang tao.
Nang lumakad na ang aming motor ay sumunod narin samin si Shane pati na si Drew at Cody.
Feeling ko ay ako talaga ang nagdadrive dahil nakahawak parin ako sa handle habang nakikinig sa mga sinasabi ni Raegan.
Magaling syang operator. Naiintindihan ko ang mga sinasabi nya.
Pakiramdam ko ay nakikipag usap ako sa isang transformer.
Hindi kaya transformer talaga si Raegun?
Normal lang ang takbo namin ngunit nang makalampas kami sa traffic at mataong lugar ay unti unti nang bumilis ang takbo ni Raegan. At di ko maiwasang kabahan dahil medyo matarik ang daang tinutungo namin.
Hindi ko alam kung nasa City pa ba kami o hindi na.
Lalo pang bumilis ang takbo namin na halos di na makasabay samin ang tatlong nasa huli.
Halos mahilo hilo ako nang biglang tumigil ang motor.
"We have reach your destination Master Natsu." Magiliw paring sabi ni Raegan.
"Come inside." Anang walang pakialam na tao sa likod ko na cool na cool parin habang ako naman ay maduduwal na dahil sa bilis ng takbo namin kanina.
"Raygun, wait them here." Aniya pa na parang tao lang kung kausapin ang motor.
"As you wish Jack." Sagot naman ni Raegun na waring nagloudspeaker dahil hindi ko na sya narinig sa headphone ko.
"Come on Natsu." Aniya na hinila pa ko.
"Teka lang naman. Nahihilo pa nga ang tao eh." Angal ko pa ngunit parang wala lang syang narinig. Ni hindi ko na magawang tingnan ang paligid dahil sa pagkahilo ko ngunit alam kong nasa bakuran na kami ng kung kaninong bahay man ito.
"Teka nasan na ba tayo?" Tanong ko nang makapasok kami sa loob ng bahay.
Hindi nya ako sinagot bagkus ay marahan nya lang akong tinulak at napaupo na lang ako sa malambot na sofa.
"Wait your friends here. I'll be back in a minute." Aniya saka umalis na.
Ramdam ko parin ang pagkahilo ko kaya bahagya ko pang ipinilig ang ulo ko saka nilibot ang tingin sa paligid.
Una kong napansin ang malaking monitor sa harap ko at ang hagdan sa gilid nito.
Simple lang bahay ngunit malinis at mukhang di masydong materyalistik ang nakatira.
"Shane! Ikaw na ba yan-! Oh hi!" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang lalaking pumunta noon sa school as guardian nina Jack.
He's wearing an apron at medyo maputi ang mga kamay na waring inilubog sa harina.
Takang nakatingin lang sya sakin na parang iniisip kung paano akong napunta roon.
"Hello." Tipid kong bati rin sa kanya.
Lumapit sya akin at naupo sa harap ko.
"We've met yesterday right? Sinong kasama mong pumunta rito?"
"Si Jack. I asked her to teach me how to ride a big bike." Deretsong sagot ko.
Napataas ang mga kilay niya na waring hindi maabsorb ang sinabi ko.
Magsasalita pa sana sya nang bumukas ang pinto at pumasok si Shane kasunod sina Drew at Cody.
Natigilan si Mr. Rider.
"Whoa, am I hallucinating this or you just did come home with two guys beside you?" Halos di pamakapaniwalang bulalas niya kay Shane.
Shane gave him smirk.
"Don't ask me. It's Jacks' decision." Ani Shane at sumalampak sa tabi ni Mr. Rider.
"Good evening po Mr. Rider." Bati naman ng dalawa at tumabi sakin.
Nagpalipat lipat naman ang tingin niya samin nina Drew at Cody.
"Are you telling me that it's Jack's idea to bring these guys here? Why did she do that? And why did you let her?" Baling niya kay Shane.
"Ask her not me." Tamad na sagot naman ni Shane.
"Is there a problem?" Napatingin kaming lahat sa itaas ng hagdan nang magsalita si Jack.
Saglit akong natigilan nang makita ang ayos nya.
She's wearing a purple tank top shirt and fitted leather jeans. Her hair is dripping wet and she's not wearing an eye glass exposing her purple eyes to us.
Shit, bakit parang biglang uminit?
"Jack, you're wearing your bea-!" Natigil si Shane sa pagkataranta nang takpan ni Mr. Rider ang bibig nya at pasimpleng tiningnan kami.
I know they're hiding something.
Pero wala roon ang focus ko dahil hindi yata mapoknat ang mga mata ko sa makinis niyang braso at maliit niyang beywang.
She walked to us at parang nag slow motion ang paligid. Tumahimik at tanging ang malalakas na kabog lang ng puso ko ang naririnig ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sakin.
Hindi ako makapagsalita. Parang naumid ang dila ko at napako ang mga mata ko sa kanya.
Her lips slowly curl into a smirk habang nakatingin sakin.
"I told you. Never fall inlove with this face kung gusto mo pang mabuhay ng matagal." Nakangising saad niya.
Hindi agad ako nakahuma sa sinabi nya at nang umalis sya sa harap ko ay parang doon lang nag sink in sakin ang lahat.
"What the heck! I will never fall inlove with a salamander like you!" Sigaw ko sa kanya.
Nilingon nya ako. Pero mas lalo lang akong nabwisit sa sinabi nya.
"Really? Well, I doubt it. You seems to love my eyes. But I'm telling you, looks can be deceiving Natsu. I maybe beautiful in your eyes but I'm not an angel you're dreaming of."
--
-itsmejollytheminion