Zero's Pov
Tulala akong nakatingin sa kwintas na hawak ko habang iniisip parin kung ano ang nangyari kay Jack.
May part sa utak ko na nag aalala sa kanya at may part din na nagsasabing hayaan ko na lang sya.
Haayy..ano bang nangyayari sakin?
Nagtataka rin ako kung bakit b ako masyadong apektado sa benda nya sa braso gayong wala naman akong pakialam sa kanya.
'Pero dapat kang makialam sa kanya dahil kinuha mo na nga ang dangal nya eh!'
Napapikit ako ng mariin nang marinig ang sinabing iyon ng konsensya ko.
'Hayaan mo na lang sya! Pinagbantaan ka nyang papatayin kapag nagpakita kang muli sa kanya kaya wag mo na syang pagtuunan ng pansin!' Sabat naman ng negative conscience ko.
"Hayy..ano na ba talaga ang gagawin ko? Nasisiraan na yata ako ng bait dahil sa kakaisip aa babaeng yun." Napapagod na sabi ko sa sarili saka napahiga sa kama.
"Pero bakit ba kasi sya may benda?! Anong nangyari sa kanya? At bakit ba kasi ako nag aalala?!" Inis na balikwas kong bangon at di malaman kung sasabunutan ko ba ang sarili ko o tatahimik sa isang tabi.
"Anong ginagawa mo?"
"Ay devil!" Bulalas ko at muntik pa akong mahulog sa kama sa sobrang gulat dahil sa nagsalita.
Napabunghalit naman ng tawa si ate Erhis dahil sa naging reaksyon ko.
"Ate naman! Ba't ka nanggugulat?" Singhal ko sa kanya matapos tumayo ng maayos.
Tatawa tawa parin syang lumapit sakin.
"Haha! Eh ano ba kasing ginagawa mo? Bakit mo kinakausap ang sarili mo?" Tanong niya at naupo sa kama ko.
Napakamot naman ako sa batok saka umupo sa tabi nya.
"Wala yun. Nagsasaulo lang ako ng monologue ko sa play namin."
"Ay naku! Wag mo akong lokohin dyan. I know when you're lying and I'm telling you that you're terrible at it. So tell me, sinong maswerteng babae ang nagpapagulo sa batang isip ng bunso ko?"
"Ate naman eh." Himutok ko na kinatawa nya lang ulit. Nakasuot pa sya ng skirt at blouse nya malamang kagagaling nya lang sa ospital.
"Sige na kasi. Magkwento ka naman kay ate. Namis ko na ang kwento mo eh." Aniya at niyakap ako sa beywang saka pilit na binubuhat para umupo sa kandungan nya.
Sya talaga ang isip bata samin. Sa laki kong 'to kakandungin nya pa rin ako.
"Ate wag na. Saka ang bigat ko na wag mo na akong kandungin." Reklamo ko.
"Hayy, halika ka na dito kana sa kandungan ni ate o di kaya higa ka nalang at umunan ka sakin saka mo ako kwentuhan. Si Heart parin ba yan?" Pangungulit niya.
"Hayst! Kung di lang kita mahal." Napipilitang sabi ko saka nahiga sa kandungan nya.
"O teka, hindi mo suot ang kwintas na bigay ko?" Pansin niya.
At dun ko lang ulit naalala na hawak ko pa rin ito.
"Uhh..tinanggal ko kaninang naglalaro kami baka mahulog ko eh." Sagot ko saka itinaas ng hawak kong kwintas.
Napangiti naman siya saka kinuha ito sakin at isinuot sa leeg ko.
"Gusto kong suot mo ito habang natutulog ka. At pakaingatan mo rin dahil gaya ng sinabi ko sayo. Nag iisa lang ito sa mundo." Aniya.
"Oo alam ko. Ginawa ito ng taong hinahangaan mo kaya special 'to sayo." Dag dag ko sa sinabi nya.
Napangiti naman siya saka hinagod ang buhok ko.
"So, now tell me. What happened to your day?" Balik tanong na naman niya. Hindi talaga titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Fine. I'll tell you about it." Napipilitang sabi ko.
Natuwa naman siya at matamang nakinig.
"Meron kasing isang tao na nagpapagulo sa isip ko. And it's not Heart." Panimula ko.
"Wow, there's another girl that caught your attention? That's interesting!" Excited na comment nya.
Napakunot noo naman ako sa tinuran nya saka napabangon.
"Anong interesting dun? Nakakainis ang taong yun at nakakabwisit syang kausap. Kinantahan na nga sya't lahat may gana pa syang sabihin sakin na di daw nya ako mapapatawad sa ginawa ko at nakakainis pa dahil sinabi nyang pangit daw ang boses ko! Kahit si Heart na matagal ko ng gusto hindi ko pa nakakantahan ng ganun. Sya lang ng pinag-effort-an ko ng ganun tapos babastusin nya ako sa mga kasama ko at ipapahiya ako ng ganun? Alam mo ba ang pakiramdam nun Ate? Bukod sa tinapakan nya na ang pride pinahiya nya pa ako!" Inis na turan ko.
Nakatingin lang sakin si Erhis na parang naamused at mukhang lalong naging excited.
"Bakit? Ano ba kasing ginawa mo sa kanya?" Waring kinikilig na tanong niya.
Bahagya akong natigilan sa tanong nya. Kahit close kaming dalawa parang hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ng nagawa ko. At isa pa baka magalit pa sya sakin dahil babae din sya.
"Ah..ano, basta may nagawa akong mali pero pinagsisihan ko na naman yun eh." Di makatinging sagot ko.
"Hmmm...kung nagsisisi kana eh bakit parang mas galit ka pa sa kanya ngayon?"
"Eh kasi naman sya eh. Matapos ang isang linggong di nya pagpapakita bigla nalang syang lilitaw sa harap ko at may benda sa braso. Naiinis ako sa kanya pero nung makita ko sya hindi ko rin maiwasang hindi mag-! Ano...ah.."
"Mag-alala?" Pagdudugtong nya sa salitang hindi ko mabigkas.
Napakamot ako ng batok dahil mukhang kilalang kilala na nga yata ako ng kapatid ko.
"Haay ang baby bro ko. Binata ka na nga talaga." Nakangiting wika niya saka ako niyakap.
"Ate ano ba?" Angil ko.
"Payakap lang si Ate. Namis kita eh. Saka kung ano man yang pinagdadaanan mo sa new girl in your life dapat ikaw na mismo ang umayos dahil una sa lahat ikaw din ang may kasalanan. Hindi mo ba alam na baka kaya nya nasabi sayo na layuan mo sya ay dahil masyado syang nasaktan sa ginawa mo?"
"What do you mean?" Takang tanong tanong koska kumalas sa yakap.
Napangiti siya at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Kaming mga babae kasi may ugali talaga kami na kung ano ang lumabas sa bibig ay kabaligtaran naman ng nais naming sabihin. Baka nasabi nya lang ang bagay na yun dahil sa sama ng loob pero ang gusto nya talagang gawin mo ay suyuin pa sya at ipakita mo na nagsisisi ka talaga sa ginawa mo."
Napaisip ako sa sinabi nya.
Yun nga kaya ang nais mangyari ni Jack? Pero sa paraan ng pagkakasabi nya nun. Parang kung ano ang sinabi nya yun na talaga yun eh.
At kung susuyuin ko naman sya. Paano ko naman yun gagawin??
"Natulala ka na naman. Iniisip mo kung paano syang susuyuin ano? Haha. Binata ka na talaga Zeroin." Pangangantyaw ni Ate.
"Ano bang sinasabi mo dyan. Magbihis kana sa kwarto mo. Ginulo mo lang lalo ang isip ko eh." Reklamo ko at pinagtulakan syang lumabas ng kwarto ko.
"Ano? Teka lang hindi pa ako tapos...Bunso sandal-! Zeroin!" Tungayaw nya parin kahit na nasa labas na ng room ko. Nilock ko agad ang pinto ko para di na sya makapasok pa.
Pero mukhang malaking tulong yung sinabi ni Erhis.
I need a plan. But before that.
I need a back up.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang dalawang kolokoy.
****
"What? You're gonna do what?!" Halos di makapaniwalang bulalas ni Cody nang sabihin ko ang plano ko.
We're here in Jude's bar again in our VIP room. And the old man jerk still not here. Dito ko pinapunta ang dalawa upang sabihin ang plano ko kay Jack. Pero si Cody lang ang dumating dahil may pupuntahan pa raw si Drew pero susunod daw mamaya. And it's kinda deja vu to me.
"What's with the yell Dy?" Medyo iritabling tanong ko.
"Seriously dude? Susuyuin mo si Jack according to your plan? Do you think Jack's will gonna buy that? She's not an ordinary girl dude. Kaya I'm sure na di mo sya makukuha sa mga pasweet effect mo. Remember what happened a week ago?" Nakaingos pang sagot nya saka sumipsip ng juice.
"Well, do you have any suggestion to win Jack's apology?" Turan ko.
"Well I don't know. Hindi ko naman kabisado ang ugali ni Jack eh. Saka alam mo namang hanggang ngayon nahihiwagaan parin ako sa kanila ni Shane." Sagot nya.
"So, what am I going to do then?" I desperately said.
"Tanungin mo si Drew. Sya naman ang nakakaalam ng lahat eh. Pati nga kung paano tumibok ang puso mo alam nya eh." Natatawang sagot nya.
"Tsh! Wala ka talagang kwentang kausap eh no? Bakit ba kasi palaging ikaw ang una kong nakakasama."
"Wow dude, sorry ha? Dahil ako lang naman ang palaging nandyan kapag kailangan mo ng kausap. At palaging maagang dumating kahit na ano pa ang ginagawa ko." May panunumbat na sagot nya.
"Oo na, salamat sa malasakit kahit wala ka naman talagang naitutulong." Ingos ko sa kanya.
"Loko ka talaga. Pasalamat ka hindi ako fan ng gulo. Kundi nagkaroon ka ng 'Draco the second enemy' dito." Asik niya.
"Tsh!" Napailing nalang ako sa sinabi nya saka uminom ng juice ko.
"Did I hear my name just now?"
Sabay kaming napalingon ni Cody sa nagsalita at nagulat pa kami nang makita si Draco na nakatayo sa likod namin.
"D-draco.." Utal na sambit ni Cody.
Bahagya syang natawa sa reaksyon ni Cody. Ngunit nakakapagtaka lang na wala yung halong pang aasar o pananakot at isa pa.
Bakit sya nag-iisa?
"Ano na naman ang kailangan mo?" Agad kong tanong sa kanya.
"Well, sabihin na lang natin na gusto kong magsorry for all the things I did before?" Aniyang nakangiti which is odd.
"Tsh! Whooaa...really? Teka, nabingi ata ako dun ah. What did you just say?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Tch. I know you're not gonna believe me Montero." Aniya saka umupo sa tabi ni Cody. Agad naman napaisod ng upo si Cody.
Ngunit napakunot noo ako dahil parang pamilyar sakin ang nangyayari ngayon.
It's weird. I think it happened before.
"Relax Gregory. I'm not gonna bite you okay?" Natatawang turan nya habang nakataas pa ang mga kamay.
"Ano ba talagang kailangan mo? Ano na namang palabas 'to?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Tulad ng sinabi ko kanina. I'm here to apologize for everything I've done Montero. To you, to Gregory, to Reeze unfortunately he's not here. I'm sorry. I really am." Seryosong wika niya.
Ayaw ko mang maniwala ngunit sa hitsura niya ngayon ay mukhang nagsasabi sya ng totoo.
Which is odd.
"Tsh! You think we'll gonna buy that act? I know you Draco. You're evil. And evil don't apologize." Matigas na turan ko.
"Yeah right. Well, maybe I'm not really evil coz I did just apologized. And I understand if you doesn't want to believe me. I did terrible things to you and to your friends before. Well, if I were you. I wouldn't believe in myself right now. But I really am sorry for, Montero and Gregory. And don't worry, I'm not expecting you to forgive me because I know I'm unforgivable. But I promise you that I will do anything for you to believe me that I really regret all the things I did to you."
Hindi ako nakaimik sa mga sinabi nya. At nang tingnan ko si Cody ay halos malaglag na ang panga nya sa narinig.
I think he's really serious right now. But what if it's just another act to fool us.
"And you expect us to believe you just like that? You know what? You really are a good actor don't you?" Natatawang turan ko sa kanya.
Bahagya din siyang natawa sa sinabi ko.
"Well, maybe I am. But I'm really serious right now Zero. In fact I can do anything for you to make you believe me. Even if I can be your slave... forever."
Napabunghalit ako ng tawa sa sinabi niya. Habang pilit namang natawa si Dy dahil naiilang parin sya kay Draco.
"Did you just say that you can be my slave forever? Hahaha! You know what? This is the first time you make me laugh Draco." Tawang tawang turan ko dahil sa sinabi niya.
"Well, I'm glad to make you laugh, master." Aniyang bahagya pang yumukod.
Natigil ako sa pagtawa at muling sumeryoso.
"H'wag na tayong maglokohan pa Draco. Itigil mo na ang drama mo. Hindi ka nakakatuwa. Sabihin mo na ang kailangan mo." Asik ko sa kanya.
Nawala din ang ngiti nya at nagulat nalang ako nang tumayo siya at lumakad sa harap ko at biglang lumuhod.
"Pakiusap master. Tanggapin nyo ko bilang slave nyo. I will do anything to protect you and I will risk my life just for you. Malaki ang pagkakamaling nagawa ko at hindi rin naman ako matatahimik hanggat hindi nakakabawi sa mga ginawa ko noon. Hayaan nyong pagsilbihan ko kayo nang naaayon sa gusto nyo." Seryosong wika niya at nagulat pa akong muli nang yumukod pa siya sa sahig na animoy sumasamba sa kanyang panginoon.
Nagkatinginan kami ni Cody at parehong di makapaniwala sa nangyayari.
"What the hell are you doing Draco? Sa tingin mo maniniwala ako sayo? You're just wasting your time. Get out of here now!" Asik ko sa kanya.
Dahan dahan naman siyang tumayo at yumukod pa samin ni Cody bago tahimik na umalis.
"Whooa...what the hell-!" Bulalas ni Cody habang hingal na napahinga. At gaya ko ay di rin makapaniwala sa mga sinabi at ginawa ni Draco.
"What the hell did he just up to? Wait...di kaya may mga camera dito at pinapanood tayo ng boss nya?" Inis na sabi ko at bahagyang nagpalinga linga.
Ganun din ang ginawa ni Dy ngunit wala kaming nakitang hidden camera or wires.
"Pero dude, grabe...what did just Draco do? Hindi naman sya mukhang nakadrugs right? Mukha namang nasa tama syang pag iisip pero yung ginawa nya...wooww...you think he's telling the truth?" Di makapaniwalang turan ni Cody.
"Don't be fool Dy. Ikaw narin ang nagsabi he's Draco okay? And he always have a plan to take his revenge on me, on us. And I'm not gonna fall for that act."
"Sabagay tama ka. Pero, grabe yung ginawa nya ha? Muntik na akong maniwala." Bahagyang natatawang saad niya.
Ilang sandali pa kaming nag-usap nang dumating si Drew. And even him can't believe what just happened and to my shocked.
Draco apologized to him also.
"Sa tingin nyo may bagong plano sina Draco?" Di mapakaling turan ni Cody.
"I'm sure he does. He has his way. Maybe he's just following his boss's command." Saad ko.
"Maybe. But what he did is odd. Draco will never do that thing! I mean, the Draco we knew. He's a full of pride man. Mas gugustuhin nyang maghamon ng away keysa ang gawin ang bagay na ginawa nya kanina." Ani Drew.
Napaisip ako sa sinabi nya.
Drew was right. Draco will never dare to do that apology thing he did before. Then what he really up to this time?
"Okay, let's forget about him for a while. What's the matter with you? Why did you gather us here?" Biglang tanong ni Drew.
Bahagyang nawala kay Draco ang isip ko at nalipat kay Jack.
"Eh ano pa ba? Eh di tungkol kay Jack." Nakaingos na sagot ni Cody.
"What about her?" Takang tanong ni Drew.
Napabuntong hininga ako saka sumagot.
"I'm just planning to win her apology again. But I don't know how to do it. Obviously that my first planned was ruined and she ruined my pride too. I should've be mad at her for turning me down that night but I realized that...maybe that's not the way she wants me to apologize to her." I said.
"Well, you're right, kahit naman ako si Jack . Hindi rin kita patatawarin sa ginawa mong pang iiwan sakin sa ere matapos mo akong galawin!" Nakangusong saad ni Dy.
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Pero matagal ko ng gustong itanong dude, how does it feel na si Jack ang nakakuha ng virginity mo?" Nakangising dagdag nya pa.
"Shut up!" Asik ko sa kanya.
Napailing at napahawak sa baba niya naman si Drew.
"You know what? Why don't you just say you're sorry. Maybe Jack doesn't like sweet stuff. And maybe saying sorry with sincerity in it is just enough." Aniya.
"That's it? Just like that? No more efforts?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Sa hitsura kasi ni Jack. Mukhang hindi nya rin talaga gusto ang mga pacheesy way kaya baka ang simpleng sorry lang na sasabihin mo ay sapat na." Sagot niya.
Maybe he's right pero dahil sa sinabi nya ay lalo lang nagulo ang utak ko.
Haay, bakit ko ba sya masyadong pinoproblema?
Eh ano naman kung galit parin sya sakin?
Galit din naman ako sa kanya dahil napahiya ako sa sinabi nya!
Tsh!
"Or maybe, you can invite her to your brother's birthday party." Dagdag ni Drew.
"Birthday party?" Takang tanong ko at dun ko lang naalala ang gaganaping birthday party ni kuya Eros.
"Wow dude ang brilliant mo talaga. Oo nga Zee, invite mo si Jack sa party ng kapatid mo at dun ka humingi ng tawad sa kanya or mas okay siguro na humingi kana ng sorry bago mo sya invite para sure na darating sya."
"You think she'll come? Wala sa itsura nya ang pumupunta sa mga party." Alinlangang sagot ko.
"Well, why don't you just try it? Or si James nalang ang imbitahan mo para sya na rin ang manghikayat kay Jack na sumama." Ani Drew.
Napaisip ako sa sinabi nya.
"Oo nga dude. Isa pa, diba sabi mo nakilala narin sila ni madam nung sunduin ka nila sa bahay nyo. Malay mo naman matuwa pa sayo si madam dahil ininvite mo sila ni Shane. Mukhang mabait pa naman si madam sa kanila." Ani Cody.
"Pag-iisipan ko. Di ko nga alam kung pwede akong mag invite ng bisita eh since it's not my birthday party. It's Eros. And knowing him, he doesn't like a party."
"Well sabagay may point ka. Pero kausapin mo rin si Doc Eros para mas sigurado tayo." Ani Dy saka bumaling kay Drew.
"Maiba ako bro, saan ka pala galing kanina?" Tanong ni Cody kay Drew.
"Just somewhere. It's nothing. Just some stuff that I need to attend to." Aniya.
"Ano namang 'some stuff' yun?" Pangungulit ni Dy.
"Nothing that concerns you Gregory." Bahagyang natatawang sagot ni Drew.
Nagpatuloy lang sila sa kulitan habang iniisip ko parin kung anong gagawin kay Jack.
--