Devil 40: The Punishment

Cody's Pov

"I'm sorry if you had to see those horrible things, Sean. But don't worry. Everything's gonna be fine."

Ehh?? Jack? Anong ibig nyang sabihin?

"Dy?"

Teka, nasaan ba ako? At bakit parang may tumatawag sakin?

"Hoy Cody! Ano, patay ka na ba?!"

Napabalikwas ako ng gising nang marinig ang malakas na tawag na iyon at hindi pa man ako nakakahuma nang mahulog ako sa kama.

Blaagg!

"Ouch!" Daing ko at pupungas pungas na nagising.

"What the hell... What happened to you dre?" Ang iritableng mukha ni Zero ang nabungaran ko.

Ehh? Zee? Anong ginagawa nya dito?

"Teka, Zee anong ginagawa mo sa kwarto ko? At saka.." Napatingin ako sa bintana nang makitang maliwanag na sa labas.

"...Umaga na?" Takang turan ko.

Tiningnan nya naman ako ng masama.

"Hindi dude, pagabi na. At kwarto ko ito, bumangon ka na nga! Ano bang tinira mo kagabi at ang dami mong tulog ngayon? Saka san ka ba nagpunta?" Aniya at inayos ang hinigaan ko.

Ayst, daig pa nya ang nanay ko kung manermon ang mokong na 'to ah!

Bahagya kong nilibot ang paningin ko at dun ko lang narealized na kay Zero nga itong kwarto.

Takang napatayo ako.

"Teka dude, bakit ako nandito? Anong nangyari? Ba't dito ako natulog?" Litong tanong ko.

"Tch! Baka dahil pumunta ka ng langit kagabi kasama ang Koreanang pinsan ni Shane? Remember?" Panuyang sagot niya.

"What?!" Bulalas ko at pilit na inalala ang nangyari.

"Shit dude! You mean...hindi na ako virgin?" Gulat na bulalas ko napatingin sa katawan ko.

Nakasando nalang ako at short ngayon kaya lalo akong nagulat.

"Zee, anong-!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang salubungin ako ng unan na binato nya sa mukha ko.

"Loko! Mukha kang tanga! Maligo kana nga!" Natatawang turan niya saka binato na naman ako ng tuwalya.

"Ano ba! Ba't ba ang hilig mong mambato? Hanggang ngayon ba naman nagpapakitang gilas ka parin sa pagiging pitcher mo?" Nakasimangot na reklamo ko.

Natawa siya sa sinabi ko.

"Speaking of that. We need to practice now may laban pa tayo sa monday."

"Oh, oo nga ano? Pero paano yun eh di hindi na natin makakalaban ang West Academy?" Tanong ko.

"Malamang, matapos ang ginawa nila sakin? Expelled narin sila sa West Academy kaya kahit kelan ay di na natin sila makakalaban." Nakangising sagot niya.

"Wow, talaga? Kung ganun, mas malaya na silang galawin ka dahil wala na sila sa school." Giit ko.

"What do you mean?" Kunot noong tanong niya.

"Dude, hindi mo ba naisip? Mas magagawa ka na nilang balikan ngayong hindi na sila pumapasok. At kahit saang lugar ay pwede nilang gawin ang masamang balak sayo." Paliwanag ko.

Minsan talaga, mahina din ang kukuti ng mokong na ito eh!

Napaisip siya sa tinuran ko.

"You have a point. But I don't care. Gawin nila ang gusto nila basta wala lang silang idadamay sa pamilya at mga kaibigan ko." Aniya.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Maligo kana at bumaba. Hinihintay tayo ni Drew." Aniyang palabas na ng kwarto.

"Dito din natulog si Drew?" Takang tanong ko.

"Oo, hindi nga kayo napaghiwalay ng boyfriend mong yun eh." Nakangising turan niya.

Kunwaring napayakap ako sa katawan ko.

"Oh my! Dude, wag mong sabihin? Si Drew ang kasama kong pumunta sa langit?!"

"Gag*! Ang drama mo! Bilisan mo dyan!" Natatawang sabi nya saka binato na naman ako ng kung ano.

"Zee, wag kang magselos! Ikaw talaga ang mahal ko!" Natatawang sigaw ko.

"Shut up!" Asik niya saka tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Tsh! Kunwari pa, seloso naman talaga sya. Haha!

Pumasok na ako sa banyo saka nagsimula ng maligo.

Pero napaisip ako kung ano ba ang nangyari kagabi.

Totoong nakilala at nakasama ko si Jichell kagabi pero ang di ko maintindihan ay san kami nagpunta?

Teka, umupo kami sa fountain kagabi at umiwas sa crowd pero after nun...

Napapikit ako nang sumigid ang sakit sa ulo ko.

Ugh! Awwts! Anong nangyayari sakin? Bakit biglang sumakit ang ulo ko?

Shit! May cancer ba ako sa utak? Nagkatumor ba ako?

O

Bahgya akong natigilan at napatingin sa pinto ng banyo.

Nahawa kaya ako kay Zee?

😱😱

--

Someone's Pov

Last night...

Napatiim bagang si Jack habang nakatingin sa walang malay na si Cody at Heart.

Napabuntong hininga siya saka tumayo at hinarap si Jichell.

"Jeosong hamnida Sunbenim bang-geum nagass-eo!" (I'm sorry Jack! I just carried away!)

Tiningnan siya ng matalim ni Jack.

"Yeogineun cheosnal ppun-iji man-i sungan-ei munjega balsaeng haessseubnikka?" (This is only your first night here and yet you caused this trouble at this instant?) Kalmado ngunit matigas na turan ni Jack.

Napaluhod si Jichell sa narinig.

"Please give me another chance Jack, I just fought back coz he's harassing Cody and his friend." Ani Jichell.

Napabuntong hininga si Jack habang nakatingin dito.

Ngunit natigilan siya nang magising si Heart na noon ay nanumbalik ang kilabot at takot sa mukha habang nakatingin kay Jichell.

Nakita kasi niya kung paano nito pinatay si Jillian.

Napatingin pa siya kay Jillian na noon ay nakahandusay pa sa damuhan.

"J-Jack, k-kilala mo ba sya? I-is she a v-vampire?" Hintatakot na turan niya habang nakatingin kay Jack at sa babae.

Sandaling natahimik si Jack.

"Yes. She is a Cyborg Vampire." Ani Jack na waring hindi man lang kababakasan ng takot o kahit anong emosyon.

"At a-alam mo ito? T-then, w-what about you? W-what are you Jack?" Waring nadagdagan pa ang panginginig at kaba niya sa maaaring malaman sa katauhan ni Jack.

Marahang lumapit sa kanya si Jack.

"What am I?" Ulit na tanong nito saka siya tiningnan while she's tilting her head na waring sinusuri siya.

Hinintay niya itong magsalita habang hindi niya maiwasang mapasiksik sa walang malay na si Cody.

"I am a Devil Ms. Sison. Just like what you said. I am becoming a monster when I get angry. And what you saw a while ago was just a little considerations for what I can do." Marahan at kalmadong paliwanag nito.

Sunod sunod siyang napaluha sa takot.

Sa hitsura ni Jack ay mukhang kayang kaya nga nitong gawin ang ginawa ng babae kanina kay Jillian o baka mas malala pa.

Napatingin siya kay Cody at kay Ethan na noon ay nakahandusay parin sa grass subalit humihinga pa ito. Maaring nawalan lamang ito ng malay.

"Tell me Ms. Sison, what do you think I can do?" Tanong nito sa kanya na lalong nagpakaba sa kanya.

Paano kung patayin siya ni Jack?

Hindi pa naman sila nito magkasundo dahil kay Zero.

"A-are you going to kill me too? W-what about them? They have nothing to do with this Jack, please spare us. Spare us please!" Hysterical na turan niya.

Napatingin siya kay Ethan.

Ayaw na niyang madamay pa ito.

Lalo na si Cody na hindi naman nito sinasadyang mapunta roon.

"Don't worry Ms. Sison. Sean was a nice person and I like nice person. So I'll spare him." Ani Jack na walang emosyon.

"Please, spare Ethan too? I'll take all the responsibility for what I did. Just save him!" Lalo siyang napaiyak sa sinabi.

"Why? I don't know him. And he was the reason why you're cheating to my Natsu. You're treating Natsu like you love him dearly but then you're saying to spare the life of the one you've been cheating with. And now you're asking me to save his life? Don't you think you're being too abusive Ms. Sison?"

Natigilan siya sa sinabi nito.

Tama naman ang sinabi nito. Alam niyang naging unfair siya kay Zeck. Subalit mahal niya si Ethan.

"Please Jack, I'll do everything just save him please. I'll offer you my life. Take my life instead of him, please." Hilam sa luhang turan niya.

Gumuhit ang hilaw na ngiti sa mga labi ni Jack.

"I wonder how would Natsu may look like if you say it to him. Offering your life for his safety. But then, it's just sad to think that he is not the reason why you're offering your life to a Devil. Tss! My poor Natsu." Anitong biglang sumeryoso.

"Well then, for my Natsu's sake. I'll spare your lives. But there is a consequence for asking a favor with a Devil Ms. Sison. Are you willing to take it?"

"Yes Jack, please. Kahit ano gagawin ko. Iligtas mo lang kami. Please." Aniyang nagsusumamo. Wala na siyang pakialam kung anuman ang kapalit niyon ang mahalaga nalang sa kanya ngayon ay ang makaligtas sila.

"Okay then. I'll be kind to grant that wish. But be ready to face the consequence Ms. Sison because after this night. You will never be the same person you used to be." Ani Jack at napangiti.

Napakurap siya at inisip kung ano ang gagawin ni Jack subalit tinakpan ni Jack ang mga mata niya at dun na siya nakaramdam ng panghihina at tuluyan nang nilamon ng dilim.

"Take her to the lab." Utos ni Jack kay Jichell.

"Deh Sunbae." (Yes Jack.)

--

Monday, simula na naman ng Interhigh dahil naputol ang mga laro last week.

Naghahanda na ang lahat upang sumabak na naman sa mga laro.

Napabuntong hininga si Heart matapos ayusin ang mga sched ng mga maglalaro ngayong araw.

"Pres, sasabak na ang basketball team." Anang secretary niya.

"Ah, okay susunod na ako." Sagot niya saka iniligpit na ang mga gamit at sumunod sa gym.

Nang makarating doon ay nasa magkabilang base narin ang mga maglalaro.

Agad niyang hinanap ng tingin si Ethan at lihim siyang napangiti nang makita itong nakikipagbiruan sa mga kasamahan nito.

Normal na itong nakakakilos na waring hindi nakaranas ng pananakit ng katawan.

At mukhang wala na rin itong naalala sa nagdaang sabado ng gabi.

Subalit taliwas sa kanya. Dahil bawat detalye ng nangyaring iyon ay malinaw parin sa isip niya maging ang kasunduan nila ni Jack.

He's having a good life now, isn't he?

Aniyang napangiti ng mapait.

Ngunit bahagya siyang natulala nang magtama ang kanilang mga mata at parang nahihiyang nginitian siya nito.

Bahagya siyang nataranta at mabilis na nag iwas ng tingin.

Hindi siya pwedeng magpadala sa tunay na nararamdaman.

Nangako siya na hahayaan na lamang ito. At hindi na siya makikialam sa buhay nito.

"Ah, Vixie?" Tawag niya sa secretary ng SC.

"Yes Pres?"

"Ikaw na muna ang bahala dito okay? Magbabantay ako sa baseball team." Aniya.

"Oh sure Pres." Anito.

Muli niyang tiningnan si Ethan at bahagya siyang nanlumo nang hindi na ito nakatingin sa kanya.

Please be happy for me Ethan.

Aniya at umalis na sa gym saka nagtungo sa field.

Malayo palang ay naririnig na niyang nagsisigawan ang mga manonood at cheerdance.

Lumapit siya sa committee table na binigyan naman siya ng upuan ng mga ito.

"Kamusta ang laro nila?" Tanong niya sa isa mga committee.

"South ang kalaban natin ngayon at ano pa nga ba ang aasahan natin? Syempre nangunguna na naman tayo." Masayang sagot nito.

Napangiti naman siya at hinanap si Zeck.

Nasa second base ito at humahanda na para tumakbo kapag napalo na ang bola.

Si Drew ang papalo ng bola.

At dahil si Drew ang tumira ay lumampas na naman ito sa field na siyang kinahiyaw ng lahat.

Umingay ang buong field nang makarating sa base si Zero at makahome run si Drew.

Binuhat pa ng mga kasamahan nito si Drew na palaging nakakahome run.

Matapos ang mga hiyawan ay nakangiting lumapit siya sa mga ito.

"Good job guys." Bati niya sa mga ito.

Napatingin naman ang tatlo sa kanya at napangiti.

"Hi Pres." Nakangiting bati ni Cody.

Cody! Parang gusto niyang maiyak dahil tinawag siya nitong Pres at hindi Angel.

"Good morning Ms. Sison." Bati din ni Drew na tinanguan naman niya.

"Hi, Heart." Nakangiti ring bati ni Zeck saka nagwave sa kanya.

Zeck! I'm sorry.

"Hello Zecky. Umm..ang galing ng laro nyo." Aniya habang pinipigilan ang luha.

They don't remember the closeness we had, right? I guess this is my punishment for treating Zeck like a fool.

"Oh, syempre naman Pres, kami pa ba? Sisiw lang sila samin! Right dudes?" Mayabang na sabi ni Cody at inakbayan ang dalawang kasama.

"Ah, sige mauna na ako. Mag enjoy kayo sa paglalaro at wag kayo masyadong magpagod marami pa kayong makakalaban sa mga susunod na araw." Aniyang pinilit na maging normal ang boses.

"Oh sure! Thanks Pres." Ani Cody.

"Okay. Congratulations!" Aniya at mabilis na tumalikod na sa mga ito dahil hindi na niya napigilang mapaluha.

Subalit natigilan siya nang magsalubong ang mga mata nila ni Jack. Kasama nito si Shane at Jichell.

Gaya ng dati ay wala na naman itong emosyon.

"I told you not to get near them again. Are you defying my order agent X?" Mahinang wika ni Jack sa kanya.

"I..uh..I just congratulated them. I'm sorry master. It won't happen again." Atubiling sagot niya.

"Tss, try not to get me mad Ms. Sison. You don't wanna see me angry do you?"

Nataranta siya sa sinabi nito.

"No master. I'm sorry." Mabilis niyang turan.

"Tss!" Asik ni Jack na waring hindi naniniwala sa kanya.

"Jack, calm down. We're in a school." Ani Shane na hinawakan sa kamay si Jack.

Napabuntong hininga si Jack saka tumingin sa kanya.

"We'll talk again later agent X." Aniya at tuluyan ng lumampas sa kanya.

Napahinga siya ng maluwag. Pakiramdam niya ay malalagutan siya ng hininga kanina.

Mas kakaibang takot ang nararamdaman niya ngayong si Jack na ang may hawak sa buhay niya keysa noong si Jillian ang nag mamay-ari sa kanya. Atleast si Jillian ay tao pa rin kahit demonyo ang isip.

But not Jack. She was a demon pretending to be a human.

"Stop thinking about it."

Muntik pa siyang mapalundag sa nagsalita. At medyo nagulat siya nang makita si Shane sa likod niya.

"Jack already spared your life and the one you love. Don't try her patient Angel. Hindi mo gugustuhin kapag nagalit sya. Hindi nalang ang buhay mo ang mahalaga sa ngayon. Isipin mo ang mga taong pinahalagahan mo. Kayang bawiin ni Jack ang buhay na iyon." Aniya.

Alam niyang palaging magkasama sina Shane at Jack. Ngunit hindi niya alam kung isa din ba itong halimaw.

"A-are you one of them?" Lakas loob na tanong niya rito.

Bahagyang napangiti si Shane saka tumingin sa kanya.

"If I am a monster too? Of course not. I'm pure human. I'm just serving a monster. A monster that will have the power to undo and redo the memories of everyone in this planet. And also have a power to eliminate all the living things in this world." Aniya na tumingin kay Jack sa di kalayuan samin.

"So, don't try her patient. And don't even try to questioned her. Of all people you are the least person she will spare. Be thankful that she didn't kill you. And fyi. It's better to serve a monster acting like a human than a human acting like a monster." Anito saka iniwan na siya.

Yes she spared my life. But what is her diffirence to Jillian? Why is she punishing me like I owe her my life? She's just a devil controlling the lives of humans.

Nakaramdam siya ng galit kay Jack. Galit na hindi niya maipaliwanag. Galit na ngayon nya lang naramdam sa buong buhay niya.

May talim sa mga matang tumalikod siya at galit na umalis.

Bahagya namang natigilan si Jack at napatingin sa papalayong si Heart.

Tss! Finally, you've come out.

--