WebNovelGOOD BOY84.85%

CHAPTER 28: ONE SERIOUS TALK

Michelle's POV

"Ken? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot kundi lumingon kay Black. Hindi sila nag-usap pero nagkaintindihan sila sa tinginan. Iniwan kami ni Black kaya umupo na sa kama si Ken, Umayos ako ng upo bago ulit magsalita.

"Uulitin ko, Anong ginagawa mo dito?"

"She broke up with me!" Nagulat ako sa sinabi nya pero anong pakielam ko? Yung sarili ko ngang break up hindi ko mahandle tapos dadagdag pa sya.

"Anong paki ko? Mas malaki pa dyan ang p-----"

"Dahil sayo kaya sya nakipagbreak sakin!" Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya yun.

"Anong kinalaman ko sa relasyon nyo?" Lalo tuloy napakunot ang noo ko.