CHAPTER 3 PART ONE✨

CHUL'S POV

Nakita ko ang kahihiyan sa hitsura ni Zira kanina, bat ko kasi sinabi yon? Isa lang ang dahilan. Natatawa kasi ako sa sinabi niya sa akin kagabi, PAGMAMAHAL? Tinulungan ko lang naman siya magbuhat kasi iisa lang pupuntahan namin.

-In Deck Room

Maaga kaming nag-start ng practice. Nakausap ko na si Junho about sa mga plano ko. Nakastart na rin kami ng bago naming game plan. Napag-usapan nga namin yung bagong single na ilalabas ng karibal niya sa showbiz e, paano ba naman kasi lagi nalang ginagaya yung style niya. Mamaya magkakaroon ng secret party sa place niya, kami kami palang ng staffs yung nakaka-alam.

Nagpunta ako sa dressing room after mag karoon ng short break at nasalubong si Zira, di naman ako naiilang sa kaniya e. Ewan ko sa kaniya. Wala naman siyang masamang nasabi kagabi, kaya di ko alam kung bat siya nag kaka ganito. Nakita ko nanaman yung marami niyang dala kaya naisipan ko na tulungan siya.

"Hi, gusto mo tulungan na kita? Pero... di kita mahal, ok?" ,natatawa kong sabi. Nainis naman siya sa akin. Pero, wala naman siyang magagawa e.

Humarap siya sa akin at tumingin ng nakakaloko.

"Hello Chul oppa! Alam mo, pagkakamali yung nasabi ko kagabi. At, please naman wag mong seryosohin yun. Di ko kasi maiwasang mailang sa iyo habang nag wowork e. Tsaka, di mo ako binigyan ng chance makapag paliwanag, makapag- EXPLAIN, kaya please naman. Umalis ka kasi agad. Kaya ngayon, sana malinaw na ang lahat.", napakabilis niyang paliwanag with matching taranta at inis.

"HAHAHAHAHA! big deal? sayo? yung kagabi? wow, kaya pala umiiwas ka.", natatawa talaga ako. Totoo nga na big deal sa kaniya yun. Kaya pala iwas na iwas siya sa akin kanina.

"Y-yun na yung sasabihin mo. Ok. We're done. I'll get back to the PR. Sumunod ka na din baka hanapin ka na nila.", sabi niya.

"DI PALA KITA MAHAL!", sigaw niya habang naglalakad sa hallway, baliw.

'Ang cute niya. Ang sarap niyang maasar.'

ZIRA'S POV

Sino yung pumapasok, hala! Si Chul nanaman, parang inaasar ata ako ngayon ah.

Umalis kaagad ako ng makita ko ang kailangan kong dalahin sa Practice Room ni Junho. Ang dami nanaman nitong bubuhatin ko e hindi naman ako assistant, tsk. Nagmamadali ako at papalabas na ng tanungin niya ako kung gusto ko na tulungan niya ko, at yung loko tumawa pa.

Sinabi ko na hindi na, nakakuha na rin ang ng chance na magpaliwanag sa kaniya nung sinabi ko kahapon.

Ngayong nalaman ko na wala naman pala yung mga sinabi ko sa kaniya, nakampante naman ako. Grabe, thank you naman at di na ako maiilang.

Papunta na ako sa 2nd floor para kunin naman yung pagkain namin ni Junho ng biglang may tumawag ng pangalan ko.

"Zira Valdez!", sabi nung lalaki.

"Huh? Oh, hi...", sagot ko pabalik. Si Jerome pala yung tumawag sa akin. Siya pala yung gusto ni Julia simula High School namin sa St. Paul's.

Nagkausap kami ng medyo maikli lang. Natanong ko rin siya kung bakit bigla nalang siyang nawala after h.school, napaliwanag niya naman. Sabi niya kinuha siya sa States ng Tita niya at bumalik siya dito para mag-work. Nalaman ko rin na nauna na pala siyang mag-work sa akin dito din sa Bright. Mag ka work department na pala sila ni Julia pero di ata niya nakwento sa akin yun. Nagpaalam na ako sa kaniya kasi naman short break lang ang binigay sa amin at kakain palang kami ni Junho.

-At Practice Room

"Bat naman ang tagal mo dumating Z? Kanina pa nakapag start sila Sir. Junho doon sa loob, di pa siya nakakakain.", sabi sa akin ni Ellise.

"Ha? Ano? Di pa kumakain si Junho?", pagtataka ko habang tumingin ako sa orasan, hala late na ako ng 25 minutes. Patay na ako nito di pa pala siya nakakakain. Napatagal ata yung maikli naming pag-uusap ni Jerome.

Pumunta agad ako doon sa hall ng PR pagkatapos ng 3rd round nila ng practice. Inabot ko sa kaniya yung Bibimbap na pinaluto ko sa kanina Cafeteria, lumamig na nga ito kasi antagal nilang natapos.

"Salamat nalang.", sabi niya sa akin.

Galit ba siya sa akin? Na late ako, so ako yung may kasalanan. 25 mins. lang naman yun e. Tsaka excuse me, di naman ako yung assistant niya no. Edi sana si Jane nalang yung pinakuha niya non, tutal naman manager niya naman yun e.

"Ahm, Junho! Sorry ah kasi nalate ako ng 25 mins.", sigaw ko sa kaniya kasi lumabas na siya pupunta ata sa Food Square, kaya di niya na kinuha yung food na dala ko kakain siya sa labas.

"Ok lang yon, pwede na kayo umuwi. Kailangan maaga bukas.", sabi niya naman sa akin.

Di naman na ako nag pumilit sa kaniya. Pumunta muna ako ng mall saglit para mag grocery ng needs namin ni Julia.