Grocery

Isang linggo na ang nakalipas since ang birthday ni Lorraine. Ganoon padin ang arrangement samin ni Jared.

Nagkakasundo na kami sa mga bagay bagay maliban nalang sa issue kay Jane at Brett. Walang nagbabalak na magbanggit nang pangalan kahit sino man saming dalawa tuwing magkasama kami.

And about sa issue ni Jared and Jane? Well it's not even true. Matagal na pala ang picture na yon at ang time na nakita ko sila sa Italian Restaurant. Nagkaroon pala sila nang appointment.

Nalipat nadin siya nang office a few days ago at hindi narin ako ang assistant niya. Hindi na kasi bagay sa career ko at naging busy na din ako sa mga project namin.

"Naipasa mo na ba ang blue print sa research engineer?" Tanong sakin ni Angelica, isa sa mga katrabaho ko.

"Oo, kahapon pa." Sagot ko naman sa kanya.

"Pakicheck nalang ulit yung site kasama nang Architect. Nasho-short na daw kasi sa trabahador kaya bumabagal parin yung construction." Paliwanag niya naman at umalis na. Hindi man lang nagpaalam.

Napuntahan na din naman namin ang site last two days at mukhang okay naman. Ewan ko ba kung bakit nagshort na naman kami sa mga trabahador. Nilapitan ko naman ang dalawa kong kaibigan.

"Hindi ba dapat sa project engineer niya sinasabi yon? Bakit sakin siya nagrereklamo?" Mataray kung sabi.

"Just think about it. Palagi maganda ang trato sayo ni Jared at close kayong dalawa. Sino sa tingin mo ang hindi magseselos?" Naka crossed arms na sabi ni Shane.

Tinaasan ko naman siya nang kilay. Ano naman sa kanila?

"I'm so tired of dealing with other people. How can I even do I better job kung ginaganyan nila ako. What am I supposed to do?" Napairap nalang ako.

"Don't worry my friend may paraan pa, magresign ka nalang. Mabuti pa." Pang aasar naman ni Megan. Kinuha niya naman ang face powder niya at nagretouch.

"Alam mo tumahimik ka nalang jan at ako na ang bibisita sa site mamaya. Ang dami mong sinasabi. Marami pa akong ginagawa." Tinulak naman niya ako nang mahina. Hinila ko naman yung buhok niya.

"Maattitude ka sis ha. Parang may sinabi ka naman sakin kahapon." Pagbabanta ko naman sa kanya na ikinalaki nang mata niya.

Tingnan natin kung sino talo ngayon. Tumayo naman siya at aakmang babatuhin ako. Agad naman akong nakailag sa binato niyang eraser.

"Hoy hoy hoy, may hindi ata kayo sinasabi sakin!" Usisa ni Megan.

"Ikaw naman. Nagbibiro lang si Iza." Pakipot ni Shane.

Tumawa naman ako sa naging asta niya. Kahapon kasi kukuha sana ako nang cellphone ni Megan sa bag ni Shane nang nakita kung may supot doon. Hindi pala siya supot kundi condom na may lamang tamod. Agad ko namang tinanong kung kanino. Syempre deny siya nang deny pero sa huli napaamin ko siya.

"Kapag ako may nalamang kabalastugan. Humanda kayong dalawa sakin." Inis na sabi ni Megan habang naglagagay nang tint.

Tumahimik na kaming dalawa dahil mahirap na kapag sumabog sa galit si Megan. Hindi nagpapaawat yan. Kaya kahit kaming dalawa ni Shane ay natatakot din kapag tinopak siya.

Bumalik na ako sa mesa ko at inayos yung mga gamit ko.

"Una na ako sa inyo. May dadaanan pa kasi ako." Paalam ko naman sa dalawa.

"Siguraduhin mong matino yang dadaanan mo Alexandra ha." Sabi ni Megan. Hindi ko na siya sinagot at umalis na. Nakita kung medyo umuulan sa labas. Wala pa naman akong payong na dala.

Tumakbo ako papunta sa kotse ko kahit nakaheels. Malakas pa naman ang mga tuhod ko sa edad ko na to. Nagmaneho na ako papunta sa isang grocery store. Malapit lang naman iyon sa opisina namin. Bumaba na ako at kinuha ang pouch ko.

Kumuha naman ako nang ibat ibang kakailanganin pero bago yun kumuha muna ako nang push cart. Ubos na kasi ang iba kong stock sa pagkain kaya naisipan ko nalang na bumili. Inuubos na kasi nang magagaling kong kaibigan.

Jared:Where are you?

Ako: Grocery.

Jared: Want me to come there?

Ako: Ikaw bahala.

After nang ilang minutes ay dumating na siya. Nakamaong pants, Lacoste at white shoes. Pinitik niya kaagad ako sa noo nang nakita ako.

"Aray! Ano na naman ang problema mo?" Reklamo ko at hinihimas yung noo ko.

"Going to grocery na nakaheels? Are you dumb?" Tumingin naman ako sa heels ko. Ano namang problema dito.

"Gusto mong pumunta ako sa trabaho na nakatsinelas? Tanga ka pre." Sabi ko habang naka crossed arms.

"Hintayin mo ako dito." Sabi niya at lumakad na. Saan naman kaya pupunta ang isang iyon.

Mabuti nalang at nandito siya para naman may magbuhat nang plastics mamaya. Napag isipan ko pa naman na damihan yung bili ngayon.

"Iza!" Narinig ko namang may tumawag sakin. Nagulat naman akong papalapit dito si Felix.

"Felix! Kamusta?Sayang noong last time hindi tayo nakapag usap nang maayos." Tugon ko.

"I have an emergency that time. Are you with someone?" Tanong niya.

"Ah yes. May binili lang siya." Sagot ko naman. Nagpaitim pala siya nang buhok. Mas lalo namang tumingkad ang kulay niya.

"I want to grab a meal with you . If it is okay, can I have your number?" He ask. Binigay ko naman yung number ko.

"I got to go may kasama kasi ako."

"Sure. See you." Sabi ko at umalis naman siya.

Mabuti naman at dumating din itong isa. May bitbit siya paper bag na brown. Bakit parang may kaaway ang isang ito. Nakakunot kasi yung noo niya.

"Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya naman ako sinagot at kinuha niya lang ang cellphone niya.

"Sino yon?" Tanong niya din. Anong tinutukoy nito.

"Sinong yon?" Balik kung tanong sa kanya. He stare at me said. "Yong kausap mo kanina."

"Si Felix, kaibigan ni Lorraine." Sagot ko at tinulak na ang cart.

"Magpalit ka muna nang heels. Nandito ka para maggrocery." Dumuko naman siya at nilabas ang milk chocolate na flat sandals. Sinuot niya sakin yon at nilagay yung heels ko loob nang paper bag.

Naglakad na kaming dalawa at nanguha nang mga kakailanganin. Kinukuha niya rin kung anong makita niyang bet niya. Ang taas niya naman.

"Alam mo kaya gusto kung magheels?" Sabi ko.

"Why?" Tipid niyang sagot.

"Nagmumukha kasi akong pandak sa height mo." Sarcastic kung sabi. Ngumisi naman siya.

"Hindi ko na kasalanan kung pandak ka talaga." Sabat niya naman at kinuha ang isang set nang kitkat. Tiningnan ko siya.

"Pandak pa ba ang 5'7 para sayo? Pinagpala ka lang talaga sa height mong 6 footer." Sabi ko at binilisan yong lakad habang tinutulak ang cart. Iniwan ko naman siya doon sa chocolate section.

Papunta na sana ako sa counter para magbayad nang may nakasalubong kaming masamang hangin. Bakit kailangan pa namin magkasalubong . Tumingin naman ako sa kanila, tinaasan ako nang kilay ni Stella. Lalakad na sana ako nang harangan nang kapatid niya ang daan. Napasinghap nalang ako.

"Problema mo? " Mataray kung sabi.

Napatakilid naman ang ulo niya at parang nanghahamon. Akala niya siguro aatrasan ko siya. Diyan siya nagkakamali.

"Ikaw! Peste ka kasi sa buhay namin. Mamatay ka na sana." Napatawa ako sa sabi ni Stella.

"Ako ba ang peste? Ikaw itong higad sating dalawa, sino ngayon ang peste?" Napaigting naman ang bagang niya sa sinabi ko. Kahit dalawa sila ,hindi ko sila uurungan.

"Sumasagot ka pa talaga ha?"

"Pikon ka rin naman pala. Ulol."

Aakmang sasampalin niya ako nang may sumalo sa kamay niya.

Tiningnan ko naman kung kanino ang kamay. Mabuti naman at dumating natong hinayupak nato. Baka nakalbo na ko.

"Ano ba!Bitawan mo ako!" Sabi ni Stella pero hindi parin iyon binitawan ni Jared. Tinulak niya naman ito.

"Don't dare to touch ,what is mine." Jared said.

"Niloloko ka lang nang babaeng yan. Sa huli ikaw din ang uutuin." Sagot naman nang kapatid ni Stella.

"Hoy!FYI ! Hindi ako nang uto. Yang boyfriend mo ang sabihan mo na wag akong habulin. Aso ba siya?" Sabat ko naman sa kanya. Hindi naman siya nakasagot. Kita ko talaga sa mukha niya na nanggigil na siya. Sino ngayon talo.

"Let's go Kate." Mabuti naman at napag isipan na nilang umalis.

"Are you okay?" Tanong ni Jared at tiningnan kung may masamang nangyari sakin. Alalang-alala naman siya. Pafall ang yawa.

Tinulak ko naman siya nang mahina.

"Wag kang OA. Hindi naman ako magpapasapak sa kanila. Ano sila?Siniswerte? " Kibit balikat kung sabi at dumiretso na sa counter.

"I'll pay ." Presenta ni Jared.

"Huwag na. Baka sabihin nila, pineperahan kita." Kinuha ko na ang wallet ko. Nakita ko namang tingin na tingin ang cashier kay Jared.

"Miss?" Tawag ko sa cashier. Natauhan naman siya at kinuha yung credit card ko. Mabuti na lang at hindi na umangal si Jared. Palagi nalang kasi siya ang nagbabayad. Baka ano pa sabihin nang ibang tao,

As usual si Jared ang nagbitbit nang mga plastic bags at nilagay iyon sa likod nang kotse ko. Tinulungan ko naman siya doon sa paglagay.

"Jane." Rinig kung tawag ni Jared.

Here we go again.