Quarrel

We are all in shock when Kuya Zac really did that. Hanggang ngayon ay gulat parin kami. We didn't expect that he will really do this. Tiningnan ko naman ang mga kasama ko. Ganoon din ang expression nila sakin pero si Faith ay nakangisi lang at si Felix naman ayon tahimik lang din.

"Done!" I heard Kuya said. Medyo dumistansya na din siya kay Lorraine after nang dare. Parang wala lang kay Kuya yung nangyari. Si Lorraine naman ayon nakatulala parin. Kuya spinned the bottle and this time kay Faith ulit tumama yung bote.

"Truth or Dare?" Tanong ni Patrick kay Faith. "Truth."

"Sinong lalaki ang huli mong naka- sex?" Tanong ni Patrick sa kanya. Kinuha ni Faith yung dalawang shot glass na may black label at ininom iyon. Hindi niya ata gusto aminin ngayon and I support him.

"Ang unfair pala talaga." Tugon ni Patrick. Tinawanan naman namin siyang lahat. May naamoy yata ako sa dalawang ito. Pinaikot ulit ni Faith.

"Nakakairita naman." Reklamo ko nang tumama sakin yung ulo nang bote.

"Ano kayang magandang ipagawa kay Iza." Sabi ni Lorraine habang umaaktong parang nag-iisip. Natakot naman ako nang si Lorraine yung nagsalita.

"Ayusin mo lang talaga. Baka makalbo kita." I grin at her.

"Truth or Dare muna." Sabi ni Kuya Zac. "O'h sige. Truth or Dare?" Tanong ni Lorraine.

Napaisip naman ako. If I will choose Truth, I know that Lorraine knows a lot of secret from me. It's a lot safer if I'll choose Dare.

"Dare."

"Sige, tawagan mo si Jared and invite him for a sex." Napalaki naman yung mata ko sa sinabi ni Faith. Nagtawanan naman silang lahat except kay Felix. Seryoso lang itong nakatingin sa baso.

"Ang proteksyon Iza." Napasapo nalang ako sa ulo sa sinabi ni Kuya Zac. Pati ba naman yung pinsan ko ganito.

"Seryoso ba kayo sa mga pinagsasabi niyo? Nakakahiya kayo." Reklamo ko. They look happy when they see me angry. Ang sarap sipain isa-isa. Mas mahirap pa pala to sa truth. I choose the wrong one. Kinuha ko yung cellphone sa ilalim nang table at dinial ang number ni Jared.

"Go Iza! Go Iza." They cheer me. I rolled my eyes on them.

After five rings, sa wakas sumagot nadin siya.

"Hello." I greeted. Si Lorraine naman ay ngumingiti nang nakakaloka.

"Hey. Why did you call?" He asked on the line.

Nakatitig naman silang lahat sakin at hinihintay ang sagot ko. "Kumain ka na ba?" Tanong ko muna.

"Yea- " Naputol yung sinabi ni Jared at may narinig ako nang boses babae.

"Blaze. Come on let's do it." I heard Jane's voice. I suddenly felt hurt. What they are doing right now?

"Busy ka pala. Sige na." Binaba ko na yung cellphone at ininom nalang yung dalawang shot nang black label. Napapikit naman ako sa lasa at kumuha nang lemon.

"Akala ko pa naman sasabihin mo." Dismayang sabi ni Faith. Ngumiti naman na parang walang nangyari.

"Iikutin ko na ha!" Mapait kong sabi.

Tumayo ako para mag CR. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya Zac.

"CR muna ako. Kayo muna." Paalam ko. Naglakad na ako at tinignan yung phone ko. Nakita ko naman yung pangalan ni Jared sa screen. Pumasok ako sa CR at doon ko na lahat iniisip yung narinig ko kanina. Kaya ba nagmadali siyang umuwi dito sa Manila dahil magkikita sila ni Jane.

I smile bitterly even though I'm alone. It really hurts my pride. How dare he flirt with someone when we are in arrangement. I don't care if I'm not in the position to be like this. Naghilamos muna ako bago lumabas. Naglalaro parin sila nang truth or dare paglabas ko.

"Iza may tao sa labas." Sabi ni Faith.

Pumunta naman ako sa pinto para makita kong sino iyon. Pagbukas ko ay wala namang tao kaya lumabas ako nang condo at naramdaman ko na may humila sakin.

"Bitawan mo nga ako!" Sabi ko sa kanya.

"Let's talk." Cold niyang sabi.

"Ano pa bang gusto mong pag-usapan? Sana pala hindi mo na ako sinama kahapon. You're so shameless." Hindi parin siya tumigil sa paglalakad at hinila parin ako.

"Get in the car." Utos niya.

"E' kong ayaw ko? May magagawa ka b-" Binuhat niya ako at pinasok sa shotgun seat. Napamura naman ako nang malakas. Agad siyang umikot para makapunta sa drivers seat. Hindi na ako nakareklamo nang pinaandar niya yung kotse.

"Ano na namang pakulo ito Jared? Kung gusto mong umalis huwag mo akong isama. Pwede ba!" Sigaw ko sa kanya. Hindi parin siya sumasagot. Napahawak nalang ako sa seat belt .Ang bilis nang takbo nang kotse. Tiningnan ko naman siya at seryoso lang ang mukha niya. Pumikit nalang ako at makalipas ang ilang minuto himinto na siya.

"It's far as we can go. We can't drown in the sea." I heard his voice kaya dumilat na ako. Nasa isang tulay kami at parang dead end na siya.

"Let's drown. I don't really want to live. Mamatay na lang tayo kung yan ang gusto mo." Hindi siya umimik. "Hindi mo din pala magawa-gawa. What a coward." I said. Tumingin mo na siya sakin bago inistart yung kotse. Nataranta naman ako at agad pinindot yung stop.

"What are you doing!?" Sigaw ko sa kanya.

"I thought you wanted to die?" He said.

"What a crazy punk. Die alone if you want to!" Lumabas ako anng kotse at naglakad paalis.

"Where are you going?!" Sigaw niya. "Iza!" Hindi ko siya pinansin at patuloy parin ako sa paglalakad.

Namumuro na talaga siya sakin. Napaluha naman ako sa sobrang inis. Hindi naman ata yung ginagawa niya sakin. Napahawak nakang ako sa dibdib habang naglalakad. Nawala ata yung hilo ko dahil sa sobrang inis. Pumasok ako sa convenience store at kumuha nang limang soju saka binili. Nakita ko naman siya sa labas na nakatayo lang.

Nagkatingin kami pero hindi ko siya pinansin at naglakad nalang paalis. Naramdaman ko naman na nakasunod siya sa likod ko. I walk towards the sea side. Umupo ako sa buhangin saka binuksan yung soju. Nilagok ko iyon kahit walang ice at baso.

Makalipas nang ilang minuto ay naubos ko na ang apat na bote nang soju at ramdam ko talaga na hilong hilo na ako. Nandoon pa din siya sa likod ko at nakatayo parin. Kinapa ko yung cellphone ko at napasinghap nalang ako nang wala iyon sa bulsa ko.

"Give me your phone." I said. Binigay naman niya iyon sa akin. Dinial ko yung cellphone number ni Felix. Mabuti nalang at saulo ko iyon.

Isang ring pala ay sinagot na niya agad. "Felix." I call. Napasinghot naman ako.

"Iza? Ikaw ba to?" Sagot niya sa kabilang linya. Tumawa naman ako.

"Crush mo ako diba?" Sabi ko sa kanya at napatawa ako. Lasing na nga talaga ako. "Alam kong sa iyo yung number na nagsend sakin nang emoji kanina." Napapikit ako. "Sana ikaw nalang yung gusto ko. Hindi mo naman ako sasaktan diba?" Nakaramdam ako nang kirot sa dibdib.

Nagulat ako nang hinila ni Jared yung cellphone. "Ano ba! Ibalik mo nga sakin yan! I'm not done talking with him.!" Sigaw ko. I tried to get the phone pero masyado siyang mataas. "Sabing ibigay mo sakin yan eh!" Sigaw ko ulit.

"You made a fool of yourself again! Stop it!" Hindi niya parin binibigay yung phone. Uminit naman yung ulo ko sa sinabi niya.

"Tanga nga talaga hindi ko din alam kong bakit mo ako napa-oo sa arrangement nato 'e". Sabi ko.

"Ibalik mo sabi eh!" I was shock when he throw the phone in the sea out of anger. Tiningnan ko siya nang masama. Parang wala lang sa kanya na sa dagat na yung cellphone niya. Sabagay, mayaman kasi. Tanginang buhay kasi, saan ko ba naiwan yung cellphone ko.

"Go and get the phone." Utos ko sa kanya.

"It was mine not yours." Seryoso niyang sabi.

"I said get the phone! I wasn't done talking with him!" Nagsisigawan na kaming dalawa dito. Buti nalang at mukhang wala naman tao dito sa lugar na ito. Wala din kasing mga kabahayan dito.

" Kung gusto mong makuha! Go and get yourself then!" Sigaw niya din sakin. Tumingin muna ako sa dagat at nag umpisang maglakad. Umi' ekis na iyong paglalakad ko dahil sobrang nahihilo na ako. Naramdaman ko na ang tubig sa paanan ko. Umakyat ang lamig sa katawan ko at sinabayan pa iyon nang malamig na hangin.

"Tanga ka na ba talaga Alexandra! Gusto mong magpakamatay para lang makausap yung lalaking iyon!? Are you out of your mind!" Sigaw niya sakin .Hindi ko siya pinansin at patuloy parin ako sa paglalakad. "What a psycho." I heard him say.

Naramdaman kong lumapit siya sakin at binuhat ako nang parang bigas. Hinampas ko naman yung likod niya habang buhat pa din ako. Pero masyado siyang malakas kumpara sakin.

"Let me go!" I said.

"Put me down!" Sigaw ko ulit pero parang wala siyang narinig.

Nang nasa kalsada na kami ay doon niya pala ako binitawan. Napaupo nalang ako sa semento. Hingal na hingal naman ako. Sa semento lang ako nakatingin at hindi siya pinansin. Naramdaman ko ulit yung malamig na ihip nang hangin.

"Magpapakamatay ka talaga para lang makuha yung cellphone at makausap yung lalaki mo?" Iritado niyang tanong sakin.

Tumingin naman ako sa kanya at kita ko talagang galit na galit ang mukha niya. Namumula din ang mukha niya sa sobrang galit at ang mga salubong niyang kilay. Anong sabi niya? Lalaki ko daw?

"Ano naman sayo ngayon kung magpapakamatay ako? Hindi lang sayo umiikot ang mundo ko. May sinabi ba ako sayo nang alam kong magkasama kayo ni Jane?" Natahimik naman siya. "Hindi ka makapagsalita diba? Tama nga ako." I look at him.

"We are having an appointment Alexandra. Kahit ano nalang kasi yung pumapasok sa isipan mo. We are together because of some matters. " Paliwanag niya.

"Appoinment mo ulol! Hindi ako tanga Jared. Nakakapansin din ako. Explain mo din kong bakit tayo maagang umuwi diba dahil magkikita kayo ni Jane? Ang galing mo din talaga." Sigaw ko sa kanya. Mukhang nairita siya sa sinabi ko.

"What are you thinking? I already explained to you that Jane and I are over. Hanggang kailan ko ba uulitin sayo yan? I saw your IG post. " He said. Napatingin naman ako sa kanya. He looks hurt. "You didn't followed me on IG. Tapos makikita ko yung litrato niyong dalawa. What's with that 'Hi Love'?" Sarcastic niyang sagot.

"We are playing truth or dare in my condo with my friends and Kuya Za-"

"Bakit nandoon yung Felix na yon?" Hindi na niya ko pinatapos.

"Ano naman sayo kong nandoon siya? Arrangement lang ang meron tayo diba? Atleast ,hindi ako humaharot sa iba." Sabat ko sa kanya. Kahit ano nalang ang mga salita na lumalabas sa bibig ko ngayon. Mas mabuti na yong lasing ko sasabihin lahat nang nararamdaman ko.

Hindi na siya nakaimik. Hindi ko na ata kayang tumayo dahil sobrang hilo na talaga ako. Sa dinami dami ba naman nang ininom ko. Sino ang hindi malalasing doon.