Jealous

"Pag sa inuman, inuman lang wag mong gawing hapunan ang pulutan." Reklamon ni Patrick kay Faith. Nandito kami ngayon sa Bambusa. Isa siyang bar which is made of bamboo. Naging succesful kasi yung project namin ni Shane. Kaya napagdesisyonan namin na mag chill muna kahit papaano. Niyaya namin si Felix at Patrick. Busy din kasi si Jared kaya hindi siya sumama.

Ang problema ko lang ngayon ay hindi niya alam na kasama ko si Felix baka kasi mag alburuto na naman ang isang iyon.

"Ano naman sayo ngayon? Marami ka namang pera, ikaw nalang ang bumili. " Kanina pa sila nagsasagutan sa harapan namin. Kami naman ay walang pakiealam.

"Bakit hindi nalang kayong dalaw-" Hindi na natapos ni Megan ang sasabihin niya nang bigla silang tumayo dalawa.

"NEVER!" "NEVER!" Sabay pa silang sumigaw. Napahalakhak ako nang sobra.

"Kayo ha. Iba na ata ang naamoy ko sa inyo. Huwag nga kayong magpahalata. Magpakipot din kayo kahit papaano. " Pang aasar ni Lorraine. Tiningnan lang siya nang masama ni Faith. Tinawanan lang siya ni Lorraine.

"Alis muna ako ha. Nandito yung mga chika babes ko . Babushhhh." Sabi ni Megan saka tumayo na at umalis. Nagkatingin naman kaming apat. Alam na namin kung saan ang punta noon. Nagkailingan naman kami.

"Ikaw talaga Megan! Minsan na nga tayong makumpleto aalis ka pa." Sabat ni Shane.

"Safety first!" Pahabol ni Faith.

Tumaas lang ang kamay ni Megan na nakatalikod habang naglalakad. Napatawa nalang kaming lahat doon. Hindi naman kami against sa ginagawa ni Lorraine. Basta alam niya ang ginagawa niya wala siyang maririnig samin.

"Felix ,kailan ang disbandment niyo?" Bigla nalang inopen ni Lorraine ang tungkol doon. Gusto ko din kasing malaman. Chismosa na ang lola niyo.

"Maybe after this year or it might be extended. I'm not sure." Sagot ni Felix.

"Sayang naman pala yung grupo niyo. I never seen you perform. I'm curious about your voice." Lahat naman kami dito hindi nakitang kumanta man o sumayaw si Felix.

"Since I left Korea. I decided not to sing." Mapait niyang sabi. Nalungkot naman yung mukha niya.

"Ano ba naman kayo. Ang lungkot naman nang pinag uusapan niyo. Hindi ba pwedeng magsaya muna tayo dito." Sabat naman ni Patrick. Umiiba na kasi ang atmosphere dito sa loob nang bar.

Maganda dito sa pwesto namin ngayon. Makikita mo ang iba't ibang mga building sa labas pati na rin kung sino ang papasok dito sa loob. Nakakaginhawa din ang simoy nang hangin. Napapikit naman ako at nilanghap yung hangin.

"Walang mag lalasing ngayon ha. May trabaho pa bukas." Napadilat naman ako nang mata nang narinig na si Shane ang nagsalita.

"Himala yata ha." Sabi ko at uminom nang alak.

"People change." Then she rolled her eyes.

"Awit sa inyo." Narinig kong sabi ni Faith.

Tumayo si Felix at Patrick. "Bibili lang kami nang alak." Sabi ni Patrick at naglakad.

"Damihan niyo ha. Yung mga more than one." Pinakyuhan naman ni Patrick si Faith bago umalis. Napatawa naman ako sa dalawa. Palagi nalang silang nababarahan at hindi nagkakasundo. Hindi na ako magugulat kong sila yung magkatuluyan.

"Ayos na ba kayo ni Jared? " Tanong ni Lorraine na kasulukuyang nag reretouch nang lipstick.

"Oo, kahapon pa. Akala ko nga hindi na niya ako papansinin. Potek, grabe yung dinanas ko sa kanya bago kami nagkabati. Daig pa namin mag jowa." Sabi ko sa mga kaibigan ko. Tumaas naman ang kilay sakin ni Shane habang hawak hawak ang baso niya.

"Ano nga ba talaga kayong dalawa? Nag sesex pero wala label. Ano yon? Sex with benefits." Pinalo ko naman si Shane sa hita niya. Magkalapit lang din naman kasi kami dalawa kaya abot na abot ko. "Aray! Masakit yon ha!" Reklamo niya.

"May label man o wala. Masakit yun kapag nawala." Rinig kong sabi ni Faith.

"Makapagsalita ka akala mo naman hindi mo ginagawa yan. Don't act like you are clean Shaneya. " Tiningnan ko yung expression nang tinawag ko yung first name niya. Namula naman agad yung mukha niya.

"Screw you." Napatawa naman kaming tatlo.

"Restroom muna ako." Tumayo ako saka kinuha yung bag ko. Tumango naman sila habang si Faith naman ay naglalaro nang ML sa cellphone niya. Napailing naman ako. Kaya naman pala ang tahimik niya pagkatapos umalis nila Patrick.

Mabilis akong nakapunta sa restroom dahil wala pa namang mga nagsasayaw sa dancefloor kaya hindi pa masyadong crowded. Pumasok ako sa isang cubicle. Narinig ko namang may mga pumasok doon dahil sa tunog palang nang mga heels nila ay rinig na rinig ko na. I started to do what I need to do.

"Did you know that bitch is here? How dare she kiss my boyfriend in front of her friends. Fuck her." Rinig kong sabi nang babae. Mukhang maarte talaga, sa pananalita niya palang hindi ko na ata gusto. Hindi ko naman kasalanan na marinig ko sila dito ngayon.

"Yeah, she's with her friends and your boyriend's cousin. She is using her friends to be close with Zac." Nangati ata yung taenga ko nang narinig ko yung pangalan nang pinsan ko pero hinayaan ko muna iyon. I'm not sure and I don't want to act recklessly.

"Huwag ko lang siya makasalubong sa daanan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." Rinig ko talaga na seryoso siya sa pinagsasabi niya.

Makalipas nang ilang minuto ay mukhang wala na sila kaya lumabas na ako. Nagretouch muna ako doon at naghugas nang kamay. Hindi pa rin maalis sa isipan ko kung sino ang mga babaeng iyon kanina.

Nakita kung tumawag si Jared kaya agad kung sinagot iyon.

"Where are you?" Tanong niya.

"Nandito ako sa Bambusa .Kasama yung mga kaibigan ko. Bakit?" Inayos ko yung lips ko habang nakaharap sa salamin. Okay pa naman yung mukha ko.

". . . Sino pa?" Matagal siya bago nakasagot. Sasabihin ko ba?

"Wala na. " Tipid kong sagot.

"Okay." Then he hang up the call.

Naguilty naman ako sa sinagot ko. I don't want to lie. Baka kasi mas lalo siyang mainis kapag sinabi kong kasama namin si Felix. It's not my intention. Sana maintindihan niya. Tumingin muna ako sa salamin bago lumabas.

Ilang minuto lang ako sa loob ha pero bakit dumami na ata yung tao dito sa loob nang bar. Nakikita ko na parang may pangkat nang mga tao doon malapit sa table namin. Parang iba yung pakiramdam ko dito ha.

"ANG LANDI MO! HINDI KA BA NAHIHIYA? ALAM MO NAMANG MAY GIRLFRIEND YUNG TAO! HAHALIKAN PA!" Sigaw ni Jhorelyn na pinipigilan ngayon ni Patrick at Felix.

Nakita ko naman si Lorraine na basang basa ang mukha at magulo yung buhok. Bakit hindi siya nanlalaban? Si Shane naman ay mukhang nagpipigil pa. Sila pala yung narinig ko kanina sa restroom.

"Huwag mong matawag tawag na malandi yung kaibigan ko ha! Ikaw itong pokpok!" Malakas na sigaw ni Faith. Sinampal naman siya nang girlfriend ni Kuya Zac. Sasampalin din sana siya ni Faith pero nakita niya ako. Mukhang iiyak na siya sa sitwasyon ngayon.

Biglang nagsitaasan naman ang mga dugo ko sa katawan. Naglakad ako palapit sa kanya. Nanlaki naman yung mata niya nong nakita ako.

"I-z-" Sinampal ko siya nang malakas. Namanhid naman yung kamay ko sa sobrang lakas nang pagsampal ko.

"Hindi ka ba nahihiya? Dito ka pa talaga gagawa nang iskandalo sa harap nang maraming tao! Mga kaibigan ko pa talaga yung pinuntirya mo!" Wala akong pakielam kong sino man ang makarinig sakin ngayon. Sasakit ang dibdib ko kapag pipigilan ko ang galit ko. Tiningnan niya ako. "Huwag kang umiyak sa harapan ko." I added.

"Alam mo naman na boyfriend ko ang pinsan mo! Pero hindi mo man lang pinigilan yang kaibigan mo!" Sumbat niya sakin.

"Hindi ka niya girlfriend at walang nararamdaman sayo si Kuya Zac. Kung hindi lang dahil sa mga magulang niyo walang kayong relasyon ngayon. Itatak mo yan sa utak mo." Sabat ko naman. Nagulat siya sa sinabi ko. Wala na talaga akong pakielam.

"You know that I love him very much Iza! Hindi ka ba manlang naawa saakin? " Tumulo na ang mga luha niya.

"Sana naisip mo yan bago mo saktan yung kaibigan ko!" Tiningnan ko si Lorraine at iyak padin siya nang iyak. Nilapitan ko siya at pinunasan ang mga luha niya.

"What are you doing?" Napatingin naman kami sa nagsalita. What is he doing here?

"Jared." Kumalas naman siya sa pagkahawa ni Felix at Patrick. Lumapit si Jhorelyn sa kanya at yumakap. Napailing nalang ako. Umiyak naman ang gaga sa harapan ni Jared. Best actress ha ,sana pala nag artista nalang siya hindi nag model.

"What's wrong?" Tanong ni Jared.

"They are bullying me." Napataas naman ako nang kilay sa sinabi niya. Si Shane naman tumawa nang parang demonyo. Hindi ako makapaniwala na isa din palang hudas ang isang to. Napatingin naman si Jared kay Felix.

"Ano ginawa niyo?" Seyosong tanong ni Jared kina Patrick at Felix.

"Chill bro! Taga-awat lang kami sa kanila. Yung pinsan mo sinugod si Lorraine at tinapunan nang alak." Sabi ni Patrick habang nagtataas nang kamay.

"It's not like that. They started me first." Deny na sabi ni Jhorelyn.

"Sige, magsinungaling ka pa.Marami ang nakakita sayo dito. Huwag kang mag alala sa impyerno ka pa rin naman pupulutin. " Sabi ko. Napatingin naman sakin si Jared at mukhang galit na naman. Tapos tinuon niya ang pansin kay Felix pagkatapos tumingin ulit sakin.

"What are you doing here?"

"I told you I'm here with my friends." Sabat ko naman. He didn't buy it.

"She slapped me Jared. I didn't do anything wrong." Sumbong niya kay Jared habang dinuduro ako. Binelatan ko naman siya.

"Come with me." Hinila niya ako.

Pumiglas naman ako sa paghawak niya. "Ayaw ko." Sabi ko naman. Kailangan ako nang mga kaibigan ko ngayon. Alangan namang iwan ko sila dito.

"There's no way of being stubborn here Alexandra." Hinila niya ulit ako. Napatigil kami nang hinila ako ni Felix pabalik kaya nabitawan niya yung kamay ko. "You are making her uncomfortable. Ayaw niya ngang sumama diba." Sarcastic na sabi ni Felix.

Oh no.

I can feel the danger.

Tiningnan ko naman si Jared. Namumula na ang mukha niya at nakakuyom yung mga palad niya. Kinuha ko yung kamay ni Felix na nakahawak sa braso ko. "I will go." Ngumiti ako sa kanya. Baka masuntok pa kasi siya ni Jared.

Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko. Mabuti nalang at kumalma na si Lorraine. Sinabihan ko naman si Faith at Shane na ihatid siya sa condo niya at huwag hahayan mag isa.

"What about me Jared?" Iritang tanong ni Jhorelyn.

"Umuwi ka mag isa mo. May paa ka at hindi ka na bata." Naglakad na paalis si Jared pagkatapos niyang sabihin iyon. Naiwan naman si Jhoreyn mag isa doon kasama ang mga alipores niya.

Sumunod ako nang tahimik sa likod niya.

"I thought you're with your friends." Tanong niya nang makapasok kami sa kotse niya. Ang tigas nang paghinga niya parang hinahabol siya nang pitong kabayo dahil sa bilis nang paghinga niya.

"Yeah. Felix is my friend. What's wrong with that? Wala naman kaming ginagawang masama para ikagalit mo diba." Galit kong sabi. Napalo naman niya ang manibela. Pulang pula ang mukha niya ngayon.

"You know that he is not looking you like that. He likes you and I knew it. Manhid ka ba talaga?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Felix is just my friend and I'm sure he doesn't like me.

Like hell.

"Ano naman ngayon kung may gusto siya sakin? Hindi ka naman siguro mamamatay kapag nalaman mong may nagkakagusto sakin diba?" Sabat ko naman sa kanya. Natahimik siya nang ilang minuto bago nakasagot.

"Hindi siguro ako mamamatay sa sakit. I will die because of jealous." Tumingin ako sa kanya kung seryoso siya sa sinabi niya. Nakatingin lang siya sa daan.

"What did you just say?" Ulit ko.

"I'm jealous! Can't you see?"