Don't leave

"Are you okay now?" Tanong sakin ni Jared. Kanina pa kasi mabigat ang pakiramdam ko simula nang pagkagising ko.

"Mabigat lang ang ulo ko. My fever already went down. You don't need to worry anymore." Mahina kong sabi sa kanya. Kumuha naman siya nang gamot saka pinainom sakin. Hindi ko din alam kong bakit sobrang bigat nang katawan ko. Humiga siya tabi ko at nilagyan ako nang basang bimpo.

Something is going on. Hindi ko lang alam kung ano pero may hindi talaga tama. Nagising ako kanina nang madaling araw at doon ko na pinost yung mga pictures ko na kinuha dito sa Korea. May mga stolen pictures din si Jared doon habang kumakain kami at nang nagbike kami. Iyon lang ang ginawa ko kanina at natulog ulit.

"Do you want me to call a doctor?" He softly ask me.

Umiling ako sa kanya. "No need. Nanibago lang siguro ako sa panahon dito kaya sumama ang pakiramdam ko." Malumanay kung tugon sa kanya.

"Please rest." He caressed my hair.

"I'm okay. " Sabi ko naman sa kanya.

"You need to rest." Pagpupumilit niya. Kanina pa siya tanong nang tanong kong may masakit ba sakin o gusto ko daw bang magpahospital. I'm the type of person that really hate to be hospitalized. Kahit noong naaksidente ako dati. I never spent a night in hospital.

Hindi na kami masyadong gumala ngayong araw. Nandito lang ako sa kwarto nagpapahinga at si Jared naman ay kaharap ang laptop niya ngayon. He seems so busy. Maya't maya lang kasi may tumatawag sa kanya sa cellphone niya. I check my IG account. Tinitingnan ko yung mga pictures na pinost ko kaninang umaga.

Napangiti naman ako.

May nagcomment sa picture namin ni Jared na nakaholding hands. Madilim at hindi mo din makikilala na kami iyong nasa picture. We look so really happy in here.

:Condolence :(

Gumuho yung mundo ko sa nabasa ko. Bigla kong nabitawan ang cellphone ko at nalaglag sa sahig.

"Baby! What's wrong?" Nag alalang tanong sa akin ni Jared.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin noon pero sobrang natatakot ako na malaman kong ano man iyon. Ito yung pinakamasakit na part. Ayaw kong malaman kung ano man ang nangyayari. Biglang may tumawag kay Jared at agad naman niya iyong sinagot.

Ang sakit nang dibdib ko. Kinuha ko yung inhaler sa table malapit sa bed namin at inalalayan ang paghinga ko. Umiyak nalang ako kahit hindi ko alam kung sino man sa mga minamahal ko. Inisip ko isa isa ang mga tao sa buhay ko. Napapikit naman ako nang mariin. Hindi ko kayang may isa man sa kanila mawala. Hindi ko kaya.

Lumapit sakin si Jared at hinalikan ang noo ko. He hug me.

"You need to be strong. I'm here." I heard his voice crack.

I think he already know.

Patuloy pa din ang pag iyak ko sa dibdib niya .He caressed my back and tapping it to comfort me.

"Your sister."

Napahagulgol naman ako nang malakas sa narinig ko. Ang sakit sakit na sa iba mo pa malalaman. Bakit siya pa? Bakit yung ate ko pa? Marami namang tao sa mundo. Bakit siya pa?

Niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko alam kong anong gagawin ko ngayon. Hindi pa akong handang harapin kung ano man ang meron sa Pilipinas. Kaya pala hindi siya nagrereply sa mga text ko. Kaya pala mabigat yung pakiramdam ko simula kaninang umaga.

"I ca-n't believe it. Baka nagkamali la-ng sila nang sinab-i sa at-in Jared. Paki-che-ck naman u-lit ba-ka hindi yun a-ng a-te ko. Paki-usap hi-ndi pwe-de to." Hinahabol ko ang hininga ko sa tuwing magsasalita ako.

"They were ambushed in Laguna. Nadala pa sa hospital yung ate mo pero wala na ding nagawa ang mga doctor." Nilagay ko yung mga kamay ko sa dalawa kong taenga. Ayaw kong marinig. "She died this morning." Dugtong niya pa. Sumasakit ang dibdib ko dahil pinipigilan ko ang pag iyak ko.

"Cry it loud Alexandra!" He shouted.

"Bakit! Bakit yung ate ko pa! Ang sakit sakit. Ang sakit sakit." Niyakap niya ako at pilit pinupunasan ang mga luhang hindi nauubos sa mga mata ko.

"Mabuting tao yung ate ko! Wala siyang inaapakang tao! Bakit siya pa ang kinuha. Bakit!" Sigaw ko. Hinihimas niya ang buhok ko.

Hindi ko talaga matanggap na wala nayong nag iisang tao na nakakaintindi sa akin. Why does life is so unfair?

Nagbook agad nang flight si Jared pabalik sa Pilipinas. Mamayang gabi na ang lipad namin pabalik. Nakatunganga pa din ako sa maleta kong hindi parin naayos. Simula kahapon nang nalaman ko yung nangyari ay hindi ko ginalaw yung cellphone ko. Nakatulala lang ako buong araw sa kawalan at hindi masink in sa utak ko na wala na siya.

"Did you already pack your?" He asked me. Umiling nalang ako sa kanya.

Lumapit naman siya doon sa maleta ko at siya na mismo ang nag ayos lahat nang mga dala ko. Nag uumpisa na naman akong humikbi sa harapan niya.

"Seeing you cry makes me worry." Pinunasan niya ang luha ko. Tiningnan ko siya sa mga mata niya at hindi ko napigilan na yakapin siya nang mahigpit. Laking pasasalamat ko talaga na siya ang kasama ko dito.

"Thank you." Sabi ko.

"For what?" He ask.

"For everything you've done. Haysssssss I'm acting weird again in front of you. I'm so ugly when I cry." Natatawa ko sabi. Hinawakan niya ang pisngi.

"Just cry. It his how your heart speaks, when your lips can't explain the pain you feel. I can wipe your tears in your eyes but I can't wipe the pain in you heart. Remember this Alexandra broken crayons still colors. I know you are strong."

Hindi ko na talaga makakaya kung pati ang lalaking ito ay mawala sa buhay ko. I would rather die.

"Don't ever leave me. Promise me." I beg him.

He smile. "I won't. Promise." I hope he never breaks promises.

Nandito na kami ngayon sa loob nang NAIA. Tumawag na din si Zem kay Jared na nasa labas na sila nang airport kasama ni Faith at Shane. Ang bigat pa din ang mga hakbang ko papalabas. Inaalalayan lang ako ni Jared kahit dalawa yung bitbit niyang bagahe.

Agad ko namang natanaw yung mga kaibigan ko na parang sinakluban nang langit at lupa. Niyakap nila ako nang makalapit sila sa sakin. Si Zem naman ay tinulungan si Jared para maipasok ang maleta sa sasakyan.

"Are you okay?" Malungkot na tanong ni Faith.

Nagsmile naman ako sa kanya. "Oo naman."

"Plastic." Tipid na sabi ni Shane. Niyakap ko naman siya. "Don't hide the pain Iza. I know you." Humikbi naman ako sa mga balikat niya. Yumakap din si Faith. Para kaming tatlong mga bata dito na nag iiyakan sa labas nang aiport.

"Your ate called me before you go to Korea. She said that she wants ramen for pasalubong. Hindi ko na nasabi sayo dahil busy din kami sa office." Sabi ni Faith.

"Hindi siya nagreply sayo. She promised you right that you will visit Korea together?" Parang tinutusok yung dibdib ko sa sinabi ni Shane. She broke his promise.

How come na hindi ko naalala iyon pagkatapos ay tandang tanda niya pa? Mag hihigh school pa ako noon. Napangiti naman ako nang mapait.

"Let's go." Pumasok na kami sa loob nang kotse.

"Saan ka didiretso ngayon Iza?" Tanong ni Faith.

"Uuwi na muna siguro ako sa amin. Kaya ko naman magdrive papunta doon." I said. Di ko din kasi kayang mag isa sa condo baka atakihin na naman ako nang Anxiety kapag naiwan ako.

"I will drive you there." I heard Jared's voice.

"Huwag na. Kaya ko naman." Sabi ko pa. Baka nakakaabla na kasi ako sa kanya. Nahihiya din naman ako.

"Wag ka nang mag matigas pa." Hindi siya nagpatalo kaya iyon na yung naging daloy namin. Hinatid na naman si Zem sa agency nila Princess saka umalis na din kami.

Inuwi ko nalang yung mga maleta ko sa condo at sinamahan ako nang dalawa kong kaibigan pati si Jared. Dinala ko lang ang mga importanteng gamit at nilagay ko s abag ko.

"Sasama nalang ako." Narinig kong sabi ni Faith.

"Ako din." Sabi naman ni Shane.

"Ano ba kayong dalawa. May mga trabaho pa kayo bukas baka marami pa kayong trabaho na dapat gawin." Ayaw ko din naman kasing makaabala sa mga kaibigan ko. Kasama ko naman si Jared.

"Bahala ka. Basta sasama kami." Pagmamatigas pa ni Shane.

"Let them. I will excuse them to your supervisor. Don't worry anymore." Tumingin naman sila kay Jared at nagpasalamat. I rolled my eyes on them. Wala na din akong nagawa dahil nakatawag na si Jared sa office namin.

I'm not yet ready to go home.

Nakatulog ako dahil sa sobrang pagod nang biyahe. May jetlag pa ako dahil kakauwi lang din namin mula sa Korea. Nagising naman ako na 30 minutes nalang at malapit na sa bahay. Natatakot parin at hindi pa ako handa harapin ang lahat.

Tiningnan ko naman ang dalawa kong kaibigan sa likod. Nakatulog lang din silang dalawa. Bakit pa kasi sila sumama na halata namang pagod din sila. Napasinghap nalang ako.

"Do you want me to drive?" Presenta ko kay Jared.

"Don't worry baby. Just rest. You need to sleep." He just smile.

"Pareho tayong pagod sa biyahe. Mas pagod ka pa nga dahil parang nag aalaga ka nang bata sa sitwasyon ko." Sabi ko naman sa kanya.

"I'm okay because you're here with me. I'm not getting tired." Hinawakan niya ang kamay ko.

I feel ease whenever he hold my hand.