Unexpected

Isang linggo na matapos nakilala nang mga bata yung tunay nilang ama at naging masaya naman sila. Si Alex ay nandito parin sa hospital dahil sa mga chemotheraphy niya. Nakapag opera na din si Mama at naging matagumpay din ito. Isa na lang ang iniisip ko ngayon.

"Daddy, I want orange." Alex said to his father.

"Right away." Masayang sabi ni Jared.

They look happy together. Nagsusubuan silang dalawa nang prutas. Mabuti na rin iyon dahil bumabawi na nang oras si Jared para sa mga anak niya at araw-araw na niyang nakakasama yung kambal. Wala si Zarex ngayon dito at binilin ko muna kina Shane. Natatakot din kasi ako na maexpose siya masyado sa hospital.