"One last push Miss Hera, push!" Sigaw pa ng ob gyne ko. Konti na lang ay pakiramdam ko'y malalagutan na ako ng hininga sa pag ire.
"Urggggggggggggggggh!" Pagkatapos kong umire ay narinig ko na ang pag iyak ng bata. Lumingon ako sa ibabang parte ng hinihigaan ko para makita ang batang nailuwal. Tumulo na ng tuluyan ang luha ko ng dahil sa tuwa.
"Your baby girl is so healthy miss, congratulations!" Tska nila inabot sakin ang kambal na anak ko. Nang mahawakan ko sila, ay parang natutunaw ang puso ko dahil sa tuwa. Iyak at tawa ang nagagawa ko ngayon dahil nahawakan ko na sila.
Lahat ng pinagdaanan kong sakit ay parang naglaho bigla dahil sa tuwang nararamadan ko.
"Smiel anak" sabi ni mommy, habang kinukuhanan kaming tatlo ng first ever picture namin ng ng mga anak ko. Ngumiti ako sa harap ng camera kahit alam kong haggard na ako. Pagkatapos ng ginawa ni mommy ay mangiyak ngiyak na rin siyang lumapit sakin para kunin ang dalawa sakin.
"We'll let the nurse clean up them first, rest ka na muna anak. You did great" hinaplos ni mommy ang noo ko at ngumiti sa akin. Dahil sa ginawa niya'y naramdaman ko na rin ang pagod kaya sa pag pikit ko ay nakatulog na akong agad.
—————————
Napapangiti na lang talaga ako pag naalala ko ang araw na iyon. Napalingon ako sa pinto ng office ko at nakitang nagtatakbuhan ang mga anak ko.
"Mommy!" Elisse, ang bunsong anak ko. Tska ko napansing nakabusangot ang lalakeng nakasunod sa kanya.
Tumakbo sa akin si Elisse at niyakap ako ng pagka higpit higpit tska na rin sumunod na yumakap ang isa sakin.
"Oh my gosh! I missed you two so much!" Tska sila pinanggigilan at hinalikan sa pisngi nilang dalawa. Narinig ko naman ang hagikhik ni Elisse.
"Mom! It tickles me!" Reklamo niya sa akin kaya binitawan ko siya at inabot ang bewang ng kakambal niyang lalake.
"Why are you so grumpy mister?" Tanong ko at sininghot ko ang bandang leeg niya. Napaka bango talaga niya.
"Si kuya mom, he doesn't want to share his games to me" pag susumbong ni Elise tska pa siya umirap sa kapatid at humalukipkip at bumusangot ulit.
Ughhh, I can't get enough of their cuteness! Natuwa ako sa reaction ni Ced kaya napayakap ako sa likuran niya tska lumingon si Elisse.
"Kuya, diba I told you to share bunso with everything? Bat hindi mo pinahiraman ng game?"malumanay kong kausap sa isa pang anak.
"Eh kase mommy, she didn't want me to play with it! When its my turn to play na, she didn't let go of it agad. She played with dad naman na for hours eh" lumungkot rin ang mukha niya.
"Cedrick?" Tanong ko. Nagkukunwaring walang naririnig.
"Ced"pag ulit ko at pinilit ko pa siyang iharap sa akin pero di siya lumilingon.
Binitawan ko siya at humalukipkip. Ilang sandali lang rin naman ay humarap na siya sa akin. I heard him sigh for defeat.
"Urgh fine. Im sorry! I know I'm at fault but I just want to finish that mission. Im sorry" sabi nito at ngumuso pa. Napa ngiti ako ng bahagya dahil ang cute cute cute nila.
"Hay, its okay na nga kuya. Basta next time! Share ha?? Or let's play it together" Tska siya inakbayan ni Elisse.
Kaya napasandal ako sa swivel chair ko at tinitignan silang nagkukulitan na. Pano ko naman hindi mamahalin ang buhay na ito. Sobra sobrang blessing na ang binigay sakin ni Lord.