––
Grammatical errors ahead, enjoy reading.
––
"Alexaaaa aba sobrang tagal mo naman ata bumaba riyan? Naghihintay yung kaibigan mo dito oh, nako baka ma-late ka sa interview" oh panis umagang umaga nag ra-rap si mader, charot lang HAHHA.
"Opo pababa na po, matatapos na po ako" kainis kasi hindi ko kasi alam yung isusuot ko.
"Ay nako kanina mo pa 'yan sinasabi hindi ka pa rin bumababa hanggang ngayon, ay nako Aubrielle akyatin mo na nga doon si Alexa" rinig kong sabi ni mader ka Aubrielle.
"Sige po" napaka plastik talaga netong kaibigan ko kunwari magalang pa -,-.
"Hoy babae, buksan mo 'tong pintuan nako ambagal bagal mo"
"Eto na po madame, aga aga ang init ng ulo niyo ni mama hmmpp" sabi ko.
"ako na nga pipili ng damit mo, andami daming damit na maganda riyan oh, oh eto bagay sayo yan pag naka black na dress ka nako sobrang ganda mo" nambola pa nga -,-.
Agad 'kong kinuha yung damit na hawak hawak ni Aubrielle at pumasok na sa CR, pagka tapos ko isuot ay agad akong lumabas at naabutan ko naman na naka higa ang bruha.
"Hoy bruha ok na ba 'to?" sabi ko at umikot ikot pa
"Perfect, oh tara na sa kotse ka nalang mag lagay ng make up" Aubrielle.
"Teka lang anong susuotin ko na sandals? yung white, black or maroon?"
"Yung maroon tapos ilugay mo na yung buhok mo tapos eto ang gagamitin mong bag, ok? sige hihintayin nalang kita sa kotse ah?!"
So ayun na nga sinunod ko yung mga sinabi ni Aubrielle, syempre bago bumaba ay tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin, ang ganda ko pala?
(A/N: Hoy Alexa ako lang maganda dita aba)
Ay oo nga pala si Author lang pala yung maganda dito, so hindi ko na 'to patatagalin pa kaya bumaba na ako at nag paalam na kay mader ert syempre bago lumabas ay binola pa ko ni mader syempre binola ko din siya para may ibigay.
Pag labas ko ay agad akong pumunta sa kotse ni Aubrielle at pag pasok ko ay galit na mukha at bunganga ni Aubrielle ang sumalubong.
Kesyo antagal ko daw, kesyo ambagal ko daw kumilos, parang pagong daw etc.
Habang nasa byahe ay daldal ng daldal si Aubrielle pinayuhan pa nga ako ng bruha eh sabi kailangan daw laging nasa tabi ako ng boss ko kailangan daw maganda para matanggap kailangan daw mabait etc.
By the way hindi ko pa pala nasasabi sainyo na dating nag ta-trabaho si Aubrielle don sa kompanya na papasukan ko, kaso natanggal siya kasi boplaks daw siya sabi ng superior niya.
So eto na nga nandito na ko sa harap ng kompanya grabe sobrang laki naman netong kompanya na 'to, bago ako pumasok ay binasa ko muna kung anong pangalan ng kompanya 'Del Fiero Company'.
Bago ako maka pasok ay kinalkal pa ng guard yunh bag ko, buset ma yan tapos sabi ng guard ay pumunta daw muna ako ng front desk para maka kuha ng pass para maka pasok, syempre ginawa ko yung sinabi ng guard, masunurin ako eh.
Pagka tapos ko kumuha ng pass ay dumiretso na ako sa elevator, habang nasa elevator ay binasa ko ulit yung nasa flyer 'Now Hiring New Secretary for Mr. Ace Del Fiero'.
Pagka tapos ko basahin 'yon ay bumukas yung elevator para sa mga taong papasok, nakita ko naman yunh isang lalaki na hirap na hirap mag buhat ng sobrang daming papel kaya naman ay lumabas ako para tulungan siya.
Ng makarating na kami sa elevator ay tsaka ko binaba yung mga papel at tsaka tinanong ko kung anong floor siya.
"Anong floor?"
"5" maikling sagot ng lalaki, aba ansungit neto ah?! 'di man lang nagpa salamat nung tinulungan ko siya, hampasin ko siya ng bag ko dyan eh.
Grabe sobrang awkward, buti nalang bumukas na yung pintuan hudyat na nasa 5th floor na kami.
"Tulungan na kita riyan" pag aalok ko sa lalaki
"No thanks" sabi nung lalaki tsaka lumabas na, aba ang sungit talaga non.
Pagka dating ko doon ay sobrang haba ng pila at halos lahat ay babae, meron pa nga ko nakita na halos panty at bra nalang sa sobrang revealing ng suot.
Ilang oras din akong nag hintay doon at sa wakas ako na.
"Ms. Alexa Gonzales, kayo na po, good luck po" sabk ng isang babae sakin habang naka ngiti at tinuturo ang daanan, syempre ngumiti din ako, crush ata ako ni ate eh.
Pag pasok ko ay agad akong yumuko bilang pag galang pag angat ko ay nakita ko yung lalaki na madaming dalang papel sa elevator yung napaka sungit, agad akong lumapit sakanya at binigay yung resume.
"Name? Age?"
"I'm Alexa Gonzales, 19 years old"
"Your hired" sabi nito na ikinabigal ko, yun na yon?
"Po?"
"I said you're hired, you're now my secretary" sobrang naguguluhan ako at the same time natutuwa, naguguluhan kasi sobrang bilis I mean hindi man lang ako tinanong ng kung ano ano yung pangalan ko at yung age ko lang yung tinanong and masaya kasi may trabaho na 'ko.
––
Thank you for reading.