PAGE 14: ALAMIN MUNA

"CLEIN!" Sigaw ko dahil sumugod sya sa malakas na ulan. Potek! "MAGKAKASAKIT KA!" puna ko pa. Lakas ng ulan. Tinaas lang nya ang kaliwa nyang kamay.

Nagsilong kami dito sa harap ng botika. Tumawid sya at pumasok sya sa loob ng Mercury Drug. Potek Ka Clein! Ang lakas ng buhos ng ulan.

Ilang minuto lang ay lumabas na rin sya at may dalang maliit na sopot ng Mercury Drug. Napakunot ang noo ko. Ano naman kaya binili nitong Gago na to.

Tumakbo sya patawid pabalik habang nakasilong ang mukha sa pamamagitan ng kamay.

"Ano yan?"

"Biogesic at Neosep! Ang init mo oh!" Hinawakan pa nya noo ko. "Saka sinisipon ka." Anya.

"Sumusugod ka sa ulan bigla bigla! Mamaya ikaw naman magkasakit." Bumusangot ako.

"Ayieee... Concern hahahaha..." Inabot nya akin ang gamot "Oh! Inomin mo na." Binigay pa sakin ang mineral water na binili rin nya.

"May botika dito oh!" Turo ko sa likoran namin.

Napatalon ako sa biglaang lapit nya sa tenga ko. Ang lamig nya sa tuwing lumalapit sya sakin. Para bang tumira sya sa Alaska ng ilang taon.

"Sa Mercury Drug, gamot ay laging bago. Ayaw ko bumili sa botika na gamot ay laging gago..." Anya at hinarap nako.

Hinampas ko ang braso nya "Gago! Ikaw yung gago! Hahahaha... Tangina! Nakakademonyo ka."

Humalakhak sya at kinuha ang neozep sa kanya. Pinagbuksan pa nya ako ng tubig. Ininom ko yon. Humupa na rin ang ulan ilang sandali.

"Biogesic rin inomin mo." Anya.

Bumuntong hininga ako kasabay ng pagsakit ng ulo ko. Pota! Magkakasakit nga ko nito! Potek talaga! Bakit ngayon pa. Christmas Party na sa Sabado eh.

Binigay nya sakin yong biogesic at ininom ko. Ayaw ko naman magkasakit sa Christmas Party no!

Inaya ko si Clein kumain sa nakita kong karenderya. Ako na naglibre. Inunahan ko pa! Kakahiya naman puro sya ang nagbabayad.

Naglakad na kami papuntang Manlapaz. Nang makarating kami ay nag online ako para sana ichat si Papa na sundoin ako dito sa Manlapaz kaso hindi sya online. Wala naman akong load para itext sya. 4Pm na at 5Pm uuwi si Papa.

"Kanina ka pa nakabusangot dyan? Mukhang problemado ka? Hahaha..." Si Clein. Nandito kami sa Tambayan, sa Court.

"Eh kasi, si Papa hindi online! Papasundo sana ako. Mahirap sumakay sa paradahan ng tricycle ng Calabasa dahil maulan. Baka punoan na ron." Ngumuso pako.

Inakbayan nya ko "Edi itext mo!".

"Wala ko load no!" Sabi ko. "Ay teka! May pera nga pala ako." Tumayo ako para sana pumunta sa tindahan sa likod ng court kaso hinila nya ko at napaupo ako sa hita nya. Agad kaming nagkagulatan kaya napatayo ako. Tumayo rin sya at inayos ang sarili. Kumurap kurap pa.

"Ako na! Number mo?" Anya.

Hindi pa ako maka get over dahil sa naramdaman ko sa gitna nya. Kanina kasi pagtayo ko ay napahawak ako sa gitna nya. Nahawakan ko yong... Pota! Parang matigas eh! Parang bato na di ko alam. O baka naman yung inuupoan lang nya. Prro hindi eh! Kasi may tela panga. Kaya siguro napatayo rin sya. Nabalik ako sa ulirat nang makita syang hawak ang cellphone ko palabas ng court. Hindi na ako sumugod dahil sa kahihiyang nagawa ko. Ang tigas! Pota! Anyayare?

Pa- jog ang takbo ni Clein pabalik. Sumasayaw ang buhok nya pababa at pataas. Parang nag slow mo ang takbo nya. Ewan ko kung naging matulin o mata ko yung nag slow mo. Basta ang alam ko lang... Parang may kabayong nakawala sa hawla at nagpapadyak sa dibdib ko kasabay ng pagtakbo non ay ang pagkabog ng mabilis ng puso ko.

Nilahad nya sakin ang cellphone ko nang makabalik. Napakurap kurap ako at kinuha ang cellphone ko. Nakita ko ang load na "90 PESOS LOAD?!!!" Nagulat kong sabi.

Ngumisi sya "Giga90 mo ha! 1week yan. Diba gusto mo yong songs ni Lany at Lil Eddie? Sige na! Manuod ka non. Tapos sendan moko ng VM mo sa chat."

I can't believe. Akala ko 10 lang iloload nya!

Agaran kong nitext si Papa.

Me to Papa:

   Pa, nandito ako sa Manlapaz. Bumili ako ng damit kasama ko si Clein.

Papa:

   👍🏻

Pota! Kung di lang kita Papa blinock na kita hahahaha...

Tahimik si Clein habang nagcecellphone. Nakita kong kachat nya si Jessa. Siguro ok na sila. Nakikita ko kasing ngumingiti sya habang nagtitipa.

Dumating si Papa at sumakay na ko ron. Kumaway pa si Clein samin.

"Ingat Po!" Pasigaw nyang paalala.

Tinaas lang ni Papa ang kamay nya at may sinabing "Grabe si Clein! Kung yan magiging Boyfriend mo. Kasalan agad."

Uminit ang pisngi ko sa sinabing yon ni Papa.

"Papa, magkaibigan lang po kami ni Clein."

"Malay mo magka-i-bigan na sa sunod hahahaha..." At humalakhak sya.

Nakarating kami sa bahay at binigay ko ang natirang 900 kay Mama. 100 kasi ginastos ko sa pagkain namin kanina.

"Oh bakit? 100 lang nagastos mo?!" Nanlaki pa ang mata "Patingin nga ng binili mo!". Kinuha nya ang bag ko.

"Libre ni Clein. Hahahaha..." Tumawa ako.

"Hah? Bakit ka naman ililibre non? Baka Boyfriend mo yon ha?"

"Magkaibigan lang." Puna ko.

Tiningnan nya yon at pinasadahan ng tingin. "Ganda nito ah!." Anya.

"Alin ang maganda Mama? Yan o yung magsusuot?" Tumatawa pako sa biro kong yon.

Pabalik balik ang tingin ni Mama sa damit at sakin. Di pa sumasagot "Parehas lang."

Sumimangot ako at tumawa sya.

Narinig ko ang sinabi ni Nanay na "Asa naman!" Anya. Medyo nainis ako. Pero pagsilip ko nakita kong si Kyla na pinsan ko ang kausap nya. "Asa ka namang makukuha mo yan? Ang ang hirap nga!".

"Madali lang to Nanay." Sagot ni Kyla. "Oh diba! Nakuha ko! Candy Crush Saga! Whoa!"

Pota! Akala ko ako yong sinabihang asa! Candy Crush Saga pala ang nilalaro HAHAHAHA!

Kinabukasan, Friday na! Bukas ang Christmas Party na.

Hapon ang pasok namin kaya nagpahatid ako sa bahay nila Carla. Nakita kong naron din sa kanila si Damzel.

Naghaharotan yong dalawa. Nakabihis na si Damzel samantalang si Carla naman ay hindi pa.

Napatingin sila sakin. "Oh! Aga mo naman besh! What's new?" Anya at humalakhak sa kiliti sa kanya ni Damzel.

"Walang new! May old lang pero wala na hahahaha..." Biro ko.

Lumapit sya sakin at bumulong "Wrong timing ka naman besh! Sayang hahahaha... Ang landi pala nito ni Damzel! Pero nakakakilig hahahaha... " Pumunta sya sa pinto nila at "Bihis muna ako!" Anya at tumalikod na.

Mga 30 minutes bago nakabalik si Carla. Tumungo kami palabas ng kalsada at naglakad na. Nasa likod ko sila.

"Dito nga kayo sa unahan!" Puna ko.

"Wag na! Buti na yong wag mo kaming makitang sweet baka mabitter ka hahahaha..." Si Carla.

Umirap ako at naglakad nalang habang sila naman ay maingay na naglalampongan sa likod ko.

Nagulat ako dahil nasa Munisipyo na kami ay may humarang na bata sakin. Maglalakad sana ako sa tabi kaso mariin ang tingin nya sakin at hinarangan ang dapat na dadaanan ko. Dadaan sana ako sa kanan nya kaso humarang pa rin sya. Ngumisi sya. Bumuntong hininga ako.

Pogi sana nitong bata kaso parang Gago umasta.

"Ate, may Boyfriend ka?" Anya.

Alinlangan pako sumagot. Bat naman tinatanong nitong bata na to? Luminga linga ako sa paligid baka may umutos lang sa kanya na tanongin ako. Tulad ng napapanuod ko sa pelikula.

Tumigil ako at nasa right side kona si Carla at Damzel.

"Wala bakit?"

"Wala? Bakit naman Ate? Eh ang ganda mo? Jowain kita? Hehehe" anya.

Pota! Ayaw ko makasuhan ng child abuse no! Ok lang sana kung isang taon o dalawang taon ang agwat namin pero parang Grade 4 palang sya.

"Bata ka pa. Ok sana kung malaki kana. Ilan taon kana ba?" Nagbend ako para magpantay lang ang mukha namin. Ngayon ay diretso na syang nakatingin sakin, di tulad kanina na nakatingala.

"10 years old po! Kung ayaw nyo po sa bata edi yung kuya ko nalang... KUYA!" tawag nya sa kanan nya. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa motor at may kausap na isang matandang lalaki.

Napatingin yung Kuya nya samin. Halos mapatalon ako dahil ang pogi! Shit! Kung pogi na yong bata, mas pogi pa tong Kuya nya.

Lumapit yung Kuya nya samin "Ano yon, Hambz?" Kumunot ang noo ng Kuya nya nang tumitingin samin.

Hinawakan nung batang si Hambz ang baba ng damit ng Kuya nya. Parang nasa 17 years old yon.

"Kuya, jowain mo muna sya!" Turo nya sakin. "Tapos paglaki ko, aagawin ko sya sayo. Gusto nya kasi yung malaki na raw eh! Magpapalaki muna ako Kuya!" Ngumisi pa si Hambz.

Tumayo ako ng tuwid.

Narinig ko ang bungisngis  ni Carla.

Umiling ang Kuya nya "Hindi pwede Hambz... Mas gusto ko yung isa..." Kumagat labi pa at tiningan ang katabi kong si Carla.

"Girlfriend ko to!" Ani Damzel.

Hinawakan ni Carla ang braso ni Damzel para pigilan. Baka magkagulo. Nasa harap pa naman kami ng Munisipyo.

Ngumisi ang Kuya nya at tumingin sakin "Pasensya na."

Tumango ako at nagsimulang maglakad. Naramdaman ko pa ang pagtama ng kamay ng bata sa palda ko. Narinig ko ang hagulhol non. "Gusto ko syang maging jowa Kuya! Kuya, habolin mo! Huhuhuhuhu... Hmmm.. uhmmm... Kuya!... Gusto..." Pumihit ako at nakita kong binuhat nya si Hambz. Tumingin si Hambz sakin "Hahanapin kita Ate! Papakasalan kita!".

Naglakad na kami sa tulay. Hinampas ni Carla ang braso ko at tumatawa "Besh! Baka bata talaga ang para sayo hahahaha..." Biro nya.

Nakarating na kami sa School. Pumasok kami sa room at kwenento ko kay Carla ang nangyari kahapon.

"Bait talaga ni Clein no? Sayang lang at may jowa, sayo nalang sana hahaha..."

"Ang ulan nga eh! Tapos napahawak pa ko sa---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang napatayo si Carla at nagulat saking sinabi.

Nakahawak pa bibig. Gulat! "Sa... As in sa pagkalalaki nya? Nahawakan mo!? Matigas ba? Malamang matigas yon at maulan. Pero mas lalo yung titigas kung---"

"Gago! Ang bastos ha! Hahahahaha..."

"Hindi! Ganon talaga yon. Sabi sakin ni Mama pag malamig o maulan daw tumitigas ang pagkalalaki nila. Hahahaha...  Buti hindi ka naano hahaha...".

Nagsimula ang klase namin. Pagkauwian naman ay dating gawi lang. Nasa court ako at nag aantay kay Papa.

"Maayos kana ba? Wala na sipon" anya sabay hawak sa ulo ko "buti di kana mainit hahahaha... Bangkay kana ulit!".

"Anlamig ng kamay mo ha!" Untag ko.

Nilagay nya yon sa pisngi nya "Ha? Hindi naman ah!" Anya.

Umiling nalang ako. Nagcellphone ako at nakatanggap ako ng chat galing kay Rogue. Lagi kaming magkausap ni Rogue. Marami kami napag uusapan. Hindi naman sa nag aassume pero para kaming mag M.U lang!.

Napatalon ako sa gulat nang makita ang nakalahad na ice cream sa harap ko. Napatingala ako kay Clein na kumakain rin.

"Oh! Binilhan na kita. Dati pa naman binibilhan na kita nito!"

Tinanggap ko yon. Natulo na dahil kachat ko si Rogue. Ano ba naman yan! Anhirap kumain ng may kachat, pero ganon paman ay kaya kong magtiis makachat ka lang. Astig ko diba! Jowain nyo na ko hahaha...

Me to Carla:

   Besh, parang naiinlove ako kay Rogue. Pota!

Carla:

   Sumugal ka!

Me:

   Pano ako susugal kung ako nanaman yung susugal saming dalawa? Ako nanaman yung lalabang mag isa. Habang sya hindi man lang ako maipaglaban?

Carla:

   Gago ka! Hindi panga nanliligaw sayo! Tapos di pa kayo, yan na agad sinasabi mo! Malay mo naman, lumaban na sya. Antagal na ninyong nag uusap tapos hindi kapa rin nililigawan hahahaha... Baka seryoso na yan.

Me:

    Pano pagnanligaw na?

Carla:

   Ede sabihin mo, Bahala ka!. Simple!... Hindi ka naman ibibigay ng diyos sa isang tao kung hindi magiging kayo.

Me:

   Pano kung maging kami nga pero laro lang rin pala ang lahat.

Carla:

   Pano kung totoo na? Pag binasted mo saka ka mag-ngangawa dahil hindi seryoso pala? Alamin mo muna ang lahat besh, alamin mo muna ang lahat sa kanya bago maging kayo.

Alamin ko muna ang lahat! Aalamin ko!...

BLACKxNEON