Di ko namalayan kung anong, araw na? Anong petsa na ba? Kasi ginugulo ako ng isip ko sa ginagawa namin ni Clein. Kahit lasing na lasing ako nun, naalala ko naman ngayon! Pota! Mas mabuti sana kung di kona naalala para hindi ako nagpaparaisip nun!
Si Clein at Ako? Potek! Hindi nako virgin! Hindi rin nagpaparamdam si Clein. Hindi sya nag oonline o magchat manlang. Kung dati madalas syang active, pero ngayon hindi. Naguguilty ako para kay Jessa, parang akong naging kabit! Lasing rin si Clein kaya di kona sya masisisi.
May pasok na! Agad nagpagawa ng New Year's Resolution ang English Teacher namin.
"Hay naku! Kahit naman magpagawa pa nito si Mam, hindi parin naman nagagawa." Ani Carla.
Kung ano ano nalang nilagay ko, nilagay ko pagbubutihan kona pag aaral kahit naman hindi ko talaga yon magagawa HAHAHAHA!
Dumaan ang mga araw namalayan kong bihira ko nalang maalala ang nangyari. Si Rogue ang madalas kong kausap, bestfriend nya si Clein kahit ilang taon pa lang sila nagkakakilala. Wala naman syang nababanggit about kay Clein. Hindi ko rin naman tinatanong.
Akala pa naman namin may Js Prom kami. Kaso wala! Dahil sa nangyaring bagyo. Grabe lakas na bagyo ang nangyari. Halos masira ang bubong namin dahil sa lakas ng hangin. 2 days ang bagyo. Sa Tita ko kami lumipat nila Mama dahil pumapasok na ang ulan sa loob ng bahay.
Balang araw bibili ako ng maganda at maayos na bahay. Mahirap maging mahirap, dahil mahirap yung nararanasan nyo. Ni wala kayong pambili ng kahit anong kailangan sa bahay.
Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay ay halos atakihin ako sa puso sa lakas ng kabog nito. Nakatanggap ako ng chat galing kay Rogue. Parang nawalan ako ng hangin sa loob! Oxygen nga! Pota! Totoo ba to?
Rogue:
Matagal ko nang gawin to. Kaso hindi ko ginawa, gusto kong magkakilala pa tayo ng lubos.
Pwede bako manligaw sayo? Kahit hindi ako gwapo tulad ng gusto ng mga babae. Kaya ko namang ibigay ang pagmamahal sayo. Ipaparamdam ko sayo kung ano ang tunay na pag ibig.
Me:
Manligaw? Bakit ako? I mean, bakit ako eh hindi ako maganda bakit ako?
Rogue:
Maganda ka! Ako nga ang hindi gwapo eh. Kung hindi pwede ok lang naman mag iintay ako kung kailan ka handa😊
Sa totoo lang, gwapo sya. Gwapo talaga sya. Sya yung tipo ng lalaki na ma-appeal. Sa tangkad at ma-muscles nyang katawan hindi nako magtataka kung pati bakla ay pagpapantasyahan sya.
Me:
Ok lang naman sakin. Ang inaalala ko, ikaw! Sure ka ba?
Rogue:
Ang tagal ko ngang mag intay na masabi to sayo eh! Sa tuwing nagkakasama tayo. Hindi ko masabi sabi dahil walang tyempo para masabi ko to sayo. Matagal na kitang gusto.
Payag ka ba? Ligawan kita?
Potekkkk! Sure ba to? Papayag na ba ako? Sa totoo lang parang gusto ko na rin sya eh. Sya lang naman talaga ang iniintay kong magsabi.
Me:
Sige. Hahahaha...
Nanginig pako sa pagtipa non ha!
Rogue:
Talaga!? Sure? Salamat Rizavin! Hahahaha... Napakasaya ko!
Agad kong chinat si Carla na umamin at manliligaw na si Rogue.
Carla:
Talaga? Masaya ako hahahaha... Sana totoo na yan! Seryoso na siguro yan kasi antagal pala nag antay hahahaha... Haba ng hair mo kahit short hair ka naman in re life hahahaha...
March 1, 2019 sya umamin at nanligaw. Noon pa man nakakaramdam na ako na may gusto sya sakin. Hanggang sa namalayan kong gusto ko na rin pala sya.
Me:
Bakit mo nga pala ako nagustohan? Hindi naman ako maganda. Bakit ako?
Rogue:
Walang pinipili ang puso pagnagmahal. Kahit hindi ka maganda o maganda ka pa, pagtinamaan ang puso wala ka nang magagawa pa kundi sundin ito.
Potaaaa! Kenekeleg ekesh!
Ganon ang naging ganap sa mga nagdaang araw. Mas lalo syang nagkaron ng care sakin. Minsan nagkikita kami sa court ng Manlapaz. Nag uusap kami at habang tumatagal mas nagiging close kami. Naron rin si Clein akala ko hindi sya mamamansin. Ako pa unang pumansin sa kanya at namansin rin naman sya. Nakisali sya samin ni Rogue sa pag uusap. Hindi pala alam ni Clein na nanliligaw si Rogue sakin. Kaya sinabi agad ni Rogue kay Clein.
"Tol! Nanliligaw ako dito kay Rizavin. Hindi ko nasabi sayo kasi baka mabasted ako hahahaha..."
Nakitawa naman si Clein. Siguro ginawa nyang kalimutan yung nangyari nong New Year, para kasing wala syang maalala o ayaw nya talaga alalahanin. Mas mabuting ganto kami. Mas dapat kalimutan ang pagkakamali. Nag oonline na rin si Clein sa Facebook. Nakakapag usap na rin kami tulad ng dati. Madalas nyang kamustahin kami ni Rogue. Nalaman ko ring wala na sila ni Jessa.
Tinanong ko si Clein bakit sila nagbreak ni Jessa sabi nya nagkakalaboan na raw.
Sabado ngayon at walang pasok, wala na rin kami masyadong ginagawa sa School dahil test na sa lunes. Nakatanggap ako ng chat kay Rogue.
Rogue:
Kung maging tayo ba ngayon payag ka? Handa ka na bang maging Girlfriend ko?
Agad akong kinabahan. Kailangan ko nang oxygen Potek!
Me to Carla;
Besh! This is it! Gusto na ata akong maging jowa ni Rogue! Hayop! Besh! Help!
Carla:
Gagoooo!!! Hahahaha... Go Besh Go! Sa personal ka besh dapat para makita mo ang reaction nya. Hahahaha... Dali!
Me to Rogue:
Ha? Maging Girlfriend? Ngayon? Sure ka?
Rogue:
Oo kung pwede ba?
Me:
Nandito ako ngayon sa Labo. Pupunta ako sa Manlapaz. Kita tayo sa Court.
Wala talaga ako sa Labo. Nandito ako sa Calabasa. Nagmadali akong magbihis ng damit at mag ayos. Pumara agad ako ng tricyle. Sa loob ng 30 minutes ay nakarating agad ako sa Manlapaz. Nakita kong nagcecellphone sya habang nag iintay.
Naglakad ako ng walang ingay. Nang makalapit ako sa likod nya ay agad kong tinakpan ang mata nya. Mariin ang tikom ng bibig ko dahil natatawa nako. Pinipilit nyang tanggalin ang kamay ko sa mata nya. Hanggang sa napahalakhak ako sa tawa kaya tinaggal ko nalang at tumabi na sa kanya.
Namumungay ang mata nya dahil sa ginawa ko. "Bakit antagal mo? Akala ko nandito ka sa Manlapaz eh! Tumakbo pako papunta dito para hindi ma-late." Ngumisi sya.
"HAHAHAHA! Sorry. Nagpunta kasi ako kala Carla." Ngumiti ako.
Kahit hindi naman talaga HAHAHAHA! Pumunta ako para sayo. Nagastos pako ng pamasahe para makita ka lang. Ganto ako bilang girlfriend. Isang tawag lang OTW agad ako.
"Kumain kana ba? May pimples ka pating patubo oh" turo nya sa kanang pisngi ko.
Umirap ako at ngumuso "Nagkain nako. Ikaw ba?" Tinapik ko ang pimple ko gamit ang point finger "Ikaw to! Hahahaha" sabay hampas ko sa kanya.
Nanlaki ang mata nya "Tsss... So, ano? Payag ka na bang maging tayo?"
Halos mabilaukan ako sa sariling laway sa bilis nyang nasabi yon! This is it! I need air. Pinagpapawisan ata ako!
Mariin ang pagkakakagat ko sa lower lip ko at unti unting tumango sabay ngiti. "Oo, Boyfriend na kita!" Sabi ko at agad ko syang sinunggaban ng yakap.
Ramdam ko ang init ng dibdib nya. Ramdam ko ang bilis ng kabog ng puso nya. Ramdam ko ang bilis ng mainit na hinga nya sa balikat ko. Mas hinigpitan nya ang yakap sakin. Napangisi ako.
At nang kumalas ay hinawakan nya ang kamay ko. Pinaglaroan nya yon. "Ito talaga yung gusto kong mangyari. Yung maging tayo. Mahal kita. I love you... Love." Anya at ngumiti sakin.
"I love you more, Love." Ngumiti ako.
"Halika!" Agad nya akong hinigit patayo, palabas kami ng Manlapaz. Nauunahan nya ako. Ang bilis ng lakad nya. Napapangiti ako. Nagfleflex ang biceps nya.
Tiningnan ko ang cellphone ko. 3:46pm. March, 16, 2019. Naging kami. Hindi ko malilimutan tong araw na to.
Tumigil kami sa isang ice cream-an. "Anong gusto mo?" Anya.
"Cookies and Cream." Sagot ko.
Halos tumalon ang puso ko. Hahahaha...
Naglahad sya ng palad "Bayad mo?" Ngumisi.
Medyo gulat ako. Ako magbabayad? Hahahaha.
Ang nakalahad nyang palad ay tinapik ang pisngi ko "Joke lang! HAHAHAHA!" Halos lumagapak ng tawa. "Dalawang cookies and cream." Anya.
Nang binigay na ang ice cream ay naglakad kami pabalik sa Manlapaz. Panay ang joke nya. At panay ang hampas ko sa kanya dahil sa kabaliwan nya.
Masaya... Sobrang saya...
Last week of March, hindi nako nagpasok dahil puro events nalang ang mangyayari. Maganda sana yon kaso wala na yung mga magagaling umarte sa entablado. Dahil Senior High na sila.
Habang tumatagal, mas lalo ko syang minamahal. Habang tumatagal. Mas tunatatag kami. At habang tumatagal... Mas ipinaglalaban ko sya.
"Besh, feel ko magtatagal kayo!" Ani Carla.
Ok lang hindi nako pumasok sa nagdaang araw dahil wala namanang tinuturo.
Nagpapahatid lang ako kay Papa kala Carla. At pagkatanghali ay pupunta akong Court para magkita kami ni Rogue.
"Hi Miss, anong pangalan mo?" May nakasaalubong akong binatilyo. Ngumisi sya. Kinabahan ako.
Nagmadali akong maglakad. Agad may humawak sa wrist ko at hinigit ako. Halos takbohin namin ang court. Sa bilis ng kabog ng puso ko dahil sa pagtakbo, mas bumilis pa to dahil si Rogue tong kasama ko. Napangiti ako dahil... Sa kaba at takot ko. Dumating sya para tulongan ako.
Pero, nagkamali ako. Pinaupo nya ako sa upuan. Tumabi sya sakin.
"Sa susunod, wag ka nalang pupunta kung may mga lalaki don!" Turo nya sa pinangyarihan kanina. "Tangina! Mahirap pagmaganda girlfriend! Nakakafrustrated!" Napahawak pa sya sa batok nya.
Natawa ako "Hahahaha... Sorry na. Hindi ko naman alam na may mga lalaki ron." Puna ko.
"Ayaw ko sa lahat yung mababastos ang Girlfriend ko!" Pumikit sya ng mariin.
"Yieee... I love you." Ngumiti ako at hinawakan ang braso nya.
Napatingin sya sa hawak ko kaya agad nya akong hinigit sa kanya at hinalikan ako sa labi.
Mariin yon. Naramdaman ko ang pagbahagi nya sa labi ko at napatalon ako sabay hawak sa braso nya papunta sa balikat nang kagatin nya ang lower lip ko. Halos dumugo yon sa pagkakakagat nya.
Tumikal sya at ngumiti.
"Gusto sana kitang ipakilala kay Mama sa personal kaso wala sya ngayon sa bahay." Malungkot nyang sabi.
"Ayos lang... May next time pa naman." Ngumiti ako.
Marami kaming pinagkwentohan.
"Sayang... Uuwi kana. Gusto pa sana kita makasama ng matagal." Ngumuso sya.
"Magpagawa kana bahay." Sabi ko at kiniss sya ng mabilis sa pisngi sabay kaway ko papunta kala Carla. Don kasi ako susundoin ni Papa.
Minsan naman sa tricyle ng Calabasa ako sumasakay dahil hindi nakakasundo si Papa. Madalas kaming magkasama ni Rogue. Nang sumapit ang April. Hindi na ako madalas makapunta sa Manlapaz dahil wala na akong perang pangpamasahe pauwi. Maaga na kasi naalis si Papa pagmatrabaho. Kaya, nagpapamasahe nako. Bihira nako makapuntang Manlapaz.
Pinipilit ko pang bigyan ako ni Mama kaso wala na raw syang mabibigay.
"Si Carla naman papuntahin mo dito! Ubos na pamasahe ka ng pamasahe! O baka naman si Rogue lang pinupuntahan mo ron?" Nanliliit ang mata ni Mama nang sabihin yon.
Napaiwas ako ng tingin dahil totoo.
"May Boyfriend kasi ay!" Si Nanay.
Alam na kasi nila ang tungkol samin ni Rogue. Madalas ko syang ikwento sa kanila.
"Rogue? Di na yon nag aaral diba?" Sabi ni Mama nang minsang ikwento ko sa kanila, gabi.
Ngumuso ako. "Oo. Pero sa June sa CNC raw sya mag aaral." Puna ko.
Tumango si Mama "Ok lang naman kung di nag aaral basta mabubuhay ka nya. Baka madropt uli yan ha?"
"Bat ba yun pa ang binoyfriend mo? Eh mukhang adik yon!" Si Nanay.
"Mabait yon Nanay." Pagtatanggol ko.
Nang mag 1 monthsarry kami hindi ako nakauwi kaya nagvideo call nalang kami. 2hours and 49 minutes ang tagal ng Video Call namin. Nasa Manlapaz sya sa court at ako naman ay nasa kama at nakaupo.
"Nag aano ka dyan?" Tanong ko.
"Kahit wala ka dito, iisipin ko nalang na kasama kita." Ngumiti sya at pumikit.
Tumatawa ako at panay ang paalala nya sakin.
"Mag ingat ka dyan ha? Wala ako dyan para alagaan ka."
"Mag ingat ka rin! I love you, Love." Ngumiti ako.
"I love you... Uwi kana!" Anya.
Marami pa kaming pinag usapan. Sana hindi sya magbago. Sana hindi magbago kung ano kami ngayon. Madalas ko syang ikwento sa mga kaibigan ko. Ganon ko sya kamahal.
One time, umuwi kami sa Manlapaz ni Mama. Nagpagamot kami dahil laging natigas ang tyan ko, parang may hangin sa loob. Tumungo kami sa Manlapaz ni Mama. Nakita ko si Rogue na kasama si Clein. Lumapit ako kay Rogue at hinampas sya. "Di ka nagmano kay Mama!" Umirap ako.
Nakala Ate Kim si Mama. Nakipagkwentohan.
Nagkamot sya sa batok na parang nahihiya "Nahihiya ako eh... Next time maglalakas loob ako" ngumiti sya ngumiti rin ako.
Si Rogue yung tipo ng Boyfriend na gagawin ang lahat mapasaya ka lang.
BLACKxNEON