(Keep on loving you)

Kinabukasan maagang nagising si Carlos at nagprepare ng breakfast.

Hindi na niya ginising si Mia sa pag alis niya.

Nag iwan naman siya ng matamis na halik sa mga anak niyang natutulog.

Tinitigan niya si Mia ng may kalungkutan."mahal na mahal kita Mia, hindi ako susuko , tutuparin ko ang pangako ko sayo sa tagpuan, walang sukuan." wika ni Carlos at lumabas na ng kwarto.

Bago siya umalis ay nag iwan muna siya ng note sa gilid ng hapag kung saan nagprepare siya ng simpleng breakfast para sa kaniyang mag ina.

Makalipas ang kalahating oras.

Nagising na si Mia at dali-daling bumaba para magprepare ng breakfast.

Nagulat na lamamg ako sa tumambad sa mesa.

May nakahandang pagkain at sa gilid nito ay may tatlong pulang bulaklak at may note.

Kinuha ko ang note at binasa.

"Keep on loving you Mia, walang sukuan hanggang sa bumalik ang dating ikaw, thank you dahil pinayagan mo ako na mag stay kahit isang gabi lang. Oo nga pala ,susurpotahan ko ang aking mga anak sa financing nila sana iyong tulutan. Hanga ako sayo Mia.

                                                 ---Carlos---

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na iyon.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya matanggap tanggap.

"mama, mama,, si papa po? " hanap ng three little cute kong mga anak..

"ehh, may trabaho kasi siya kaya umalis siya ng maaga! Kamusta ang tulog ng mga baby ko? " aniya ko.

"its very fine mama, alam niyo ba ang saya-saya namin kasi nakatabi namin si papa sa higaan." ani Fierce

"oo nga mama, sana palaging ganun nalang!" ani Dierce

"sana, dito nalang palagi si papa!" ani Thierce

"mga anak, mahirap ang sitwasyong namin ng papa niyo sana maintindihan niyo! " paliwanag nito..

"ok lang yun mama!" hug ni Fierce

"thank you mga baby! Upo na kayo at mag almusal saka may work si mama ngayon kaya maiiwan muna kayo sa bahay! " pa alam ko sa kanila.

"mama sama kami sa inyo! Ayaw na namin dito! " anggal ng mga ito.

"ha? Ehh paano ako makaka work? Kung sasama kayo? " ani Mia.

"pwede ba kaming kay papa nalang. Please mama! " pakiusap nito..

"mama please! " pakiusap ng bunso.

"ok sige! Pero wag kayong makulit don ha!" ani ko.

"yeheyy! Makakasama natin si papa!" tuwa ng mga ito..

Binihisan ko sila isa-isa at tinawagan si Carlos.

"hello! may ipapakiusap sana ako! " hiya kong tugon sa kabilang linya.

"ano yon? Tungkol ba sa mga anak natin? " excite nito.

"oo, gusto kasi nila na pumunta sayo ayaw kasing magpa iwan! " ani ko..

"ok sige! Susunduin ko sila!" baba ng call..

Maria Pov's

Nandito kami ngayon nag aabang sa gilid ng kalye.

Hinihintay ko yong susundo sa kanila.

Sinuotan ko sila ng parehong kulay ng damit at inayusan ng parehong istilo.

Alam kong malilito sila kaya sinuotan ko silang tatlo ng parehong shoes na may numbering .

Si 1st ay Fierce, si 2nd ay Dierce, at 3rd ay Thierce.

They look excited para makasama ang papa nila.

Maya maya pa ay may humintong kotse sa harap namin.

Bumababa si Carlos na naka amerikanang suot na all black.

"hello mga baby kong cute." bati nito.

"hello papa! " isa-isa nilang hug.

"pasok na kayo mga baby!" bukas ng pintuan.

"ingat kayo my three little cute babies." kaway ng mama nila.

"bye mama!" ani ng mga ito

"salamat Mia!" yuko ni Carlos na tila ba lubos ang kaligayahan.

Carlos Pov's

Ang saya-saya ko ngayon at agad kong binalita kay dad.

Kaya napasugod siya agad sa office ko.

Gusto daw niyang ma hug yong mga apo niya.

Tingnan mo nga naman, behave lang silang tatlo.

Mukhang maayos ang pagpapalaki sa kanila ni Mia.

Sa office.

Magsisitinginan ang lahat ng mga employee sa three little cute boy na kasama ng boss nila.

"wow, there so cute! " gigil ng mga ito.

"sir!! Anak mo ba talaga sila? " usisa ng isang employee,

"oo, diba mga baby?? " pa sang ayon nito..

"yess po papa! " sabay nilang sagot..

"sir, paparating na ho ang board of members kayo nalang ang hinihintay." lapit ng secretary niya

"ok, just give me five minutes! " sagot ng boss nila.

Uupo sa sofa ang tatlong cute na baby at sabay-sabay silang titig sa papa at sabay-sabay ring igagalaw ang pilik mata.

"mga anak dito muna kayo! May kakausapin lang ako sa kabilang kwarto, si dad muna ang magbabantay sa inyo, maliwanag ba? " bilin ng papa nila.

"sige po papa! " tugon ng mga ito..

"ito na pala si dad! "

"hi, mga apo! Oh!! My! Kamukhang - kamukha talaga kayo ni Carlos, ako nga pala si Carlos I, ang lolo niyo! " pakilala sa mga ito

Sabay-sabay silang magkakatitigan at sabay ring igagalaw ang mga pilik mata at babati "hello po lolo!" bati ng mga ito..

"pwede ko ba kayong mayakap? " paalam nito.

Isang mahigpit na yakap ang pinakawalan ng tatlong cute ng mga baby.

"anong gusto niyong laruin? " usisa ni Mr. De la Vega

"lolo, nasa bahay kasi yong laruan namin! " ani Fierce..

"oo nga pala no, so anong gagawin natin dito? Anong gusto niyong gawin? " upo sa tabi ng mga apo.

"magbabasa po! " wika ng tatlo

"teka? Hindi ba't five years old palang kayo? So paano kayo natutung magbasa? " takang tanong.

"mama, teach us! " wika ng bunso..

"ganun ba, sino sa inyo yung nauna?" usisa nito.

"ako, look lolo its 1st but my name is Fierce!" pakilala niya.

"oo nga, grabi nahihilo ako sa mukha yong tatlo, pwede ko bang malaman kung anong full name ng mama niyo?" usisa niya..

"its Maria Illacaccy Alexander De la Cruz. " sabat ni Little Thierce..

Nagulantang nalang bigla si Mr. De la Vega.

He's face ay bigla nalang namutla na parang gulat na gulat sa kaniyang mga narinig.

"why lolo kilala niyo ba si mama? " usisa ni Fierce.

"may naalala lang ako kaya pala ayaw niyang matanggap si Carlos dahil ang anak ko ang dahilan sa pagkasunog ng bahay ampunan, ngayon ko lang napagtanto." bulalas nito..

@YhunaSibuyana