( Thierce and Yessa)

"Sweetheart, bumangon kana diyan!! May pupuntahan tayo!" bangon ni carlos at pumunta sa closet..

Magtataka naman si Mia "saan ba tayo pupunta? " hawak ko sa leeg kong mahapdi..

"sa San El Vador, teka?? Wag mong sabihin na nakalimutan mo? " lingon niya sa akin..

"oo, ikaw naman kasi panay ang kagat mo sa leeg ko ehh! " katwiran ko..

Sandali niyang lalapitan ang asawa " Sweetheart!! Ano di ka pupunta? " usisa ni Carlos.. "sinong nagsabi? " baba ko sa kama at impake ng mga gamit..

"mga anak! " tawag ni Carlos

"papa!" takbo ng mga ito papasok sa kwarto ng mag asawa..

"upo kayo ritong tatlo! At may sasabihin si papa! " utos ni Carlos

"papa! Bat nag iimpake si mama??" puna ng kuya

"kasi mga anak, pupunta tayo ng San El Vador, para magbonding! " pa alam sa mga anak..

"yeheyyy!! Makikita kona si Yessa! " tuwa ni Thierce

"papa, may bago ba kaming makakalaro doon? " usisa ni Fierce..

"oo naman mga anak, saka triplets din yong anak nila, at guess what isa lang ang babae at yon ay Yessa na crush ng kapated niyo! Diba Thierce? " ani papa nila..

"papa naman! Walang laglagan! I want to marry her paglaki ko papa! " Seryosong tugon nito..

"grabi talaga ang tama mo kay Yessa! Sweetheart! Tapos kana ba diyan? " usisa ng asawa niya..

"ito na tapos na! " sarado sa bag..

"mama, paano po yung damit namin? " usisa ng tatlo

"bakit?? Di pa ba kayo mag iimpake?  " harap ko sa kanilang tatlo..

"mag iimpake na po mama! " unang baba ni Thierce at tumakbong papalabas ng kwarto..

"kami din mama! " baba ni Fierce at Dierce sa kinauupuan..

"oh, ano? Ikaw ba ay naka impake na rin? " usisa ko kay Carlos..

"Sweetheart naman! Syempre nakahanda na ako! Ayon oh! " turo niya ng black bag sa nakapatong sa drawer..

" alisto ka talaga! " kurot ko sa face ni Carlos..

Aba ang lintik may balak na namang kagatin ang leeg ko " teka? Baba na tayo! " pigil ko agad sa kaniya... "Sweetheart naman! " angal niyang humahabol sa akin..

" kontrolin mo nga yang pagka adik mo! " wika ko sa kaniya

" paano nakaka adik ang leeg mo! " katwiran niya..

" umayos ka nga carlos,, puntahan mo na ying mga anak mo para maka alis na tayo! " utos ko sa kaniya..

" Sweetheart, basta may premyo ako mamaya! " hirit niya bago umalis..

Ito talagang asawa ko ang sarap lagyan ng tape yong bibig para di mangagat..

Sa san El Vador

Makalipas ang isa at kalahating oras ay nakarating na sina carlos sa bayan ng kaibigan. Sinundan naman ito ng isa pang sasakyan na mula pa ng Errose.

Magkakasalubong sa sala ang tatlong war freak sister..

Sabay-sabay silang sisigaw ng kanilang mga pangalan.

At magsasabunutan ng buhok ang bawat isa na ikinaworry na kanilang mga husband at aawatin "teka? Wag mong sabunutan ang asawa ko, 4 months pregnant to! " awat ni Carlos..

"Sweetheart naman,, baka nakakalimutan mo! One month pregnant ka kaya!" paalala ni Nathane..

"my yhuna naman! Ganyan ba talaga ang batian niyo! " usisa ni Yhuan..

Magtitinginan na lamang ang tatlong magkakaibigan at sabay nilang tatadyakan amg mga asawa sa paa...

"lintik kang babae ka!" reklamo ni Yhuan sa na napaupo sa lapag

"Sweetheart! Ito ba ang premyo mo sa akin tadyak? " wika ni carlos na iniinda ang sakit ng tadyak ng asawa niya..

" grabi mga tol, alam niyo bang inipit ako ng asawa ko nong honeymoon namin saka binangga pa niya ako sa pintuan." kwento ni Nathane habang nakahawak sa paang masakit..

" buti nga inipit ka lang, eh ako sinapak niya! " reklamo ni Carlos.

" buti nga di pa ako kasal, " padinig ni Yhuan..

Titingin naman sa kanila ang kanilang mga asawa at mukhang may binabalak. " tara sa taas." yaya ni Maria..

" alam mo ba Maria, yang anak kong bunso si Thierce, my ghadd inlove sa Yessa mo! " ani Mia..

" so ano?? Pag uusapan natin yun! " usisa ni Maria..

Mapapansin naman nila si Yhuna na tahimik lang at nakikisabay sa pag akyat "oh, yhuna? Anong ganap sa inyo ni Yhuan? " usisa ni Mia..

"ayon!! Natulog sa kama ko at ikinulong niya ako magdamag sa bisig niya! " kwento nito..

"ayeyy!! So ano may nangyare ba? " usisa ni Mia

"wala no! Saka di pa kami kasal. " tugon nito

"ehh, problema ba yon? Eh di ipapakasal namin kayong dalawa, diba Mia? " ani Maria

"sure! Bakit hindi." sang ayon ni Mia.

" saka wait, di ko alam kung mahal ko siya! " pag aalinlangan nito..

" ano ka ba? Kami din naman ah! Nagpakasal ng di namin mahal ang husband namin! Saka Yhuna, matututunan mo din siyang mahalin! " ani Maria.

" oo nga, basta magtiwala ka lang kay Yhuan at nasa mabuti kang kamay." dagdag pa ni Mia..

" ayy, namis ko talaga yang mga payo niyo, mga bruha! " hug sa kaniyang dalawang kaibigan..

" syempre,.magkakapated tayo kahit di kadugo, " wika ng dalawa..

" so? Magninight swimming ba tayo? " usisa ni Yhuna..

" sige, pero bawal sa amin ang mababad sa tubig, alam mo naman?" wika ni Mia..

" samahan niyo nalang ako, " pilit nito..

" oo na, Yhuna! " sang ayon ng dalawa..

Sa sala

Naroon ang tatlong ginoo na nakikipagkuwentuhan At sa kabilang banda naman ay naroon sa carpet naglalaro kasama ang mga anak nina Maria. Maliban sa nag iisang rosas, tila ba ay wala roon si Yessa.

"papa! " tawag ni Thierce..

Mahihinto ang kanilang usapan at mababaling kay Thierce na tumatawag ng atensiyon.."wait lang mga tol! " lapit ni Carlos sa kaniyang anak..

"papa!! Wala naman po si Yessa dito! " ani Thierce..

"ikaw talagang bata ka! Halika ka nga dito! " buhat sa anak..

"papa, ibaba muna ako! Nakakahiya ehh! " ani Thierce.

Dadalhin niya ito sa usapan... "oh! Carlos, hinahanap ba niya si Yessa? " usisa ni Nathane... "oo eh! Mukhang nagayuma ata ni Yessa? " upo nito..

"papa naman ehh, " inis nito..

" carlos, mukhang nagmana ata sayo! Teka? Pupuntahan ko lang siya sa taas baka kasi nahihiya lang yun! " alis ni Nathane at umakyat sa stairs..

Madadaan siya sa kwarto kung saan naroon ang tatlong war freak "Sweetheart! " tawag niya sa asawa,,,

Tatayo si Maria at lalapit sa asawa "may problema ba? " usisa nito..

"nasaan na pala yong munti nating señorita? Kanina pa kasi siya hinahanap ni Thierce! " ani Nathane

"Mia, Yhuna! Maiwan ko muna kayo! " paalam nito sa mga kasama..

Pinuntahan nila ang anak sa kwarto "baby Yessa! " katok nito sa pintuan..

"teka? Baka naman nagkulong na naman to sa kwarto! " bukas sa pintuan..

"mama, papa! Im fine po!" tugon ng munting señorita na si Yessa habang may hawak ng books.

Lalapitan naman siya ng mama at papa niya "what's wrong my baby? Ayaw mo bang makita si Thierce? " usisa ng papa niya..

"ayoko po! Galit po ako sa kaniya! " wika ng cute na cute na si Yessa..

"Sweetheart!! Ikaw muna ang kumausap sa kaniya, nagmana kasi sayo yan! " ani Nathane..

"halika nga my baby! Ano bang pinag awayan niyo ni Thierce? " usisa ng mama niya..

"ehh, may kasama po siyang iba mama, di niya po ako pinansin sa school kaya nagtatampo ako sa kaniya! " paliwanag ni Yessa..

"then, mag usap kayong dalawa! " payo sa anak..

" ehh mama! Ayoko! Bahala siya! " tampo pa rin nito.

"ano? Diba nagmana sayo ganiyan ka rin kasi nong sinusuyo kita!! Ang tampuhin mo! " sabat ni Nathane sa asawa..

@YhunaSibuyana