Kinaumagahan, ang lahat at naghahanda para sa pamamasyal. Nasa sofa na ang dalawang ginang na nagdadalangtao maliban sa kaibigan nilang bagong kasal.
"teka?? Saan na si Yhuna? " hanap ni Maria... Malilingat sila sa taas sabay na magtatawanan "baka nalockdown? " sabay nilang sambit...
Maya-maya pa ay maririnig ang mga yabag pababa ng hagdan "oh!! Kamusta ang bagong kasal?? May ganap na ba? " usisa ni Mia.. Mukhang nakasimangot ang pambungad ni Yhuna "wag niyo akong ganyanin!! Saka kahit anong gawin non, di siya makaka score no! " masungit nitong tugon..
Sa Kitchen..
Naroon ang tatlong ginoo nag uusap "oh! Ano yhuan? May nangyare na ba? " usisa ni Nathane... "ayon!! Alam niyo ba kung anong ginawa niya sa akin kagabi? " aniya Yhuan
"eh ano nga? " usisa ng dalawa... Mauupo na lamang si Yhuan at titingala sa kisame "ayon! Tinulugan niya ako!! " malamig niyang tugon.. Lalapitan siya ng kuya niya este kambal "ikaw naman kasi, suyuin mo !" payo ni Nathane... Gagatungan naman ni Carlos ang usapan "Yhuan, gumaya ka kasi sa akin!! Ilockdown mo kaya sa kwarto! " payo ni Carlos..
"paano kung sapakin ako, ehh ang suplada kaya non!!" ani Yhuan..
"teka? Di bat ikaw ang suplado sa ating tatlo !!baka nakakalimutan mo! Nanapak ka ng babae!! " paalala ni Nathane...
"oo nga, sinapak mo kaya yung nang away kay Yhuna dati? " dagdag pa ni Carlos
"ano ba kayo?? Mahal ko si Yhuna eh!! Saka basta ako ang bahala! " wika nito..
"tara, ihain na natin baka gutom na yong mga asawa natin! " yaya ni Nathane..
Sa hapag..
Nakaupo ang triplets na sina Ethan, Athan at Yessa sa kanan banda kasama ang parents nila na sina Maria at Nathane...
Sa kabilang banda naman ay naroon sina Fierce, Dierce at Thierce na nakaupo kasama ng parents nila.
Mapapansin naman na magkatabi ang bagong kasal...
Samantalang nakatitig lang si Thierce kay Yessa na kumakain..
"Thierce,, di ka mabubusog kapag nakatitig ka lang kay Yessa! " puna ng mama niya..
"sana nga pagkain nalang siya para kapag tumitig ako sa kaniya mabubusog agad ako! " wika ni Thierce
"manang mana ka nga sa akin anak! " konsente ni Carlos
Sa side ni Yessa.
"my Yessa!!galit ka pa rin ba sa kaniya? " baling kay Thierce
"mama,, pabayaan muna siya!! " tugon ni Yessa
"Yessa anak!! Magbati na kayo ni Thierce saka di pa siya kumakain oh! " wika ng papa niya..
"pa! Na uncrush ko na po siya! " wika ni Yessa..
Mapapayuko na lamang si Thierce at hahawak sa mama niya "ok!! Lang yan my Thierce! " comfort sa anak..
Sasali sa usapan Si yhuan "ano kaya kong pag usapin natin silang dalawa! " suggest nito.
"oo nga no! "sang ayon ni Carlos..
"oh!! Thierce and Yessa mag usap kayo mamaya ha! Dapat pagbalik namin galing ng hacienda magka ayos na kayo! " ani Nathane
"ok, po papa!" sang ayon ni Yessa..
Natapos ang umagahan sa Mansiyon ni Nathane ay agad na nagbihis para sa pamamasyal.
"my yhuna! Nasa kama na yong mga damit na pinabili ko, kaya itapon muna yong luma mong damit! " ani Yhuan
"bat ko naman itatapon?? Eh pinaghirapan ko yun! " katwiran nito..
"basta itapon muna!!! Mga kupas na yon! Kaya kong bilhan ka ng maraming damit saka ito na ang wallet mo! " abot sa asawa ngunit tinanggihan niya ito..
"may pera pa ako no! Saka may raket kaya ako! " mag iiba ang mukha ni Yhuan at isasandal ang asawa sa wall " kapag di mo to tinanggap kakagatin kita sa leeg! " banta ni Yhuan
Yhuna Pov's
My ghadd!! Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
Grupo ng mga lalaking nangangagat ng leeg ang binatang pinakasalan ko.
Ayokong magaya kay Mia na halos mamaga ang leeg pati kay Maria na halos punuin ni Nathane ang leeg niya ng kagat kasi pasaway.
Bat ba kasi di ko siya magawang sapakin,, naiinis na talaga ako..
Ayan siya nakatingin sa akin!! Paano ko ba tatanggapin ang mga binibigay niya.
Eh di naman yun ang gusto ko...
"ano? Tatanggapin mo ba o hindi? " titig niya sa mga mata ko..
" di pera ang kailangan ko, at mas lalong hindi kayamanan ang magpapasaya sa akin kundi oras, oras na kung saan malaya akong nakakagawa ng gusto ko! Oras na pinagkait mo sa akin ngayon! Oras na ninakaw mo! Oras na ikinulong mo ako bilang asawa mo! Yhuan kailangan ko ng oras, kailangan ko ng kalayaan! Alam mo bang hindi materyal na bagay ang makakapag pasaya sa akin kundi oras at kalayaan! " mahinang tugon ni Yhuna sa asawa..
Parang itinali sa kinatatayuan si Yhuan, siya din ay nagulat sa nais ng asawa kaya napa alis na lamang siya sa harap ni Yhuna.
Makikitang lalapit si Maria at Mia sa kaibigan " grabi, ang tapang mo talaga, Ms. Yhuna de katapangan " tapik ni Mia sa kaibigan..
"ikaw palang ang nakasabi ng ganiyan sa asawa mo! " dagdag ni Maria..
"so? Di niyo pa yun nasasabi sa mga asawa niyo? Natatakot ba kayo? " usisa nito..
"hindi! " sabay nilang sagot..
"yhuna, di sa ganun!! Di naman mahigpit yong mga asawa namin saka hinayaan lang naman kami na gawin yong gusto namin maliban nalang kong nagwoworry sila ,diba Mia? " pasang ayon ni Maria..
"oo, mas lalo na si Carlos, nong sinapak ko siya dahil gusto kong pumunta ng Spanya, alam niyo ba pag uwi ko, di niya ako pinansin hanggang kinabukasan! " kwento ni Mia
" kaya pag usapan niyo nalang saka alam mo ba Yhuna, sinapak pala ni Yhuan yong babaeng nagpapahiya sayo dati" paalala ni Maria
"teka? Saan niyo yan nalaman?" usisa nito
"kanina kasi habang papunta ako ng kitchen narinig ko silang nag uusap. " bulong ni Maria..
"ikaw na talaga ang matalas ng pandinig! " Ani Yhuna
"tara na guys!! Mamasyal na tayo! " yaya ni Mia..
Naiwan sa Mansiyon ang kanilang mga anak. Sa sala, naroon si Yessa may hawak na books nagbabasa ito ng lapitan ni Thierce." hi Yessa! Can we talk? " wika ni Thierce..
" di mo ba nakikita nagbabasa ako? " sungit na sagot nito
" kahit ilang minuto plz, " pakiusap nito
"fine, " baba niya ng books na binabasa.. Mauupo si Thierce sa tabi niya at hihingi ng paumanhin "gusto ko sanang humingi ng tawad sa school kasi di kita pinapansin ayoko lang kasi na awayin ka nina Keña, kaya nilayuan kita! " paliwanag nito..
Magcocross arm si Yessa " then wala na tayong dapat na pag usapan! " tugon nito..
" totoo bang inuncrush muna ako!" usisa nito
"oo, sinaktan mo ko ehh!! Mabuti na sigurong di kita crush para walang magselos na iba! Saka gusto ka ni Keña so pinauubaya na kita sa kaniya! " wika ni Yessa
" six year old palang tayo pero parang matanda kana kung magdesesyun! Wala na ba akong pag asa, alam mong gusto kita! Sinabi ko kina papa na papakasalan kita paglaki ko! Pero paano lumalayo kana sa akin! " ani Thierce..
"its not my fault because you did! Kung mahal mo talaga ako then set me free para sa own sake ng iba, if you truely admire me then hayaan mo ako and accept the truth because that is the essence of love" paliwanag ni Yessa..
@YhunaSibuyana