(Haciendero y Haciendera)

In an hour....

Naglalakad na ang mag ina sa patungong Hacienda. Ang mga binata ay nakasuot ng pang Hacienderong damit at pantalon. Samantalang ang mga babae naman ay nakakintaking damit at pants na gray at nakatack-in. Nakayakap si Alex sa mama niya habang naglalakad " ma! Maganda ba si Yessa? " usisa ni Alex na ikinahinto ng lahat sa paglalakad. Matatawa si Mia " syempre naman, diba Thierce? " pasang ayon ng mama niya.. " ma! Naman! Nakalimutan na ako non! " tugon ni Thierce.. " ayeyy! Thierce! Di pa nakakamove on sa first crush niya! " tukso ni Fierce.. Sasali si Dierce sa usapan.

" oo nga, saka alam niyo ba ma! Ang ganda-ganda na ngayon ni Yessa! Look! " pakita ng online photos ni Yessa..

Mag aagawan sa phone ni Dierce para lang makita ang pic ni Yessa " wow! Ang ganda niya pala! Saka ang kutis niya, parang hindi Pinay? " puna ni Maria Carllotta..... " syempre nagmana yan sa mama niya, saka yong mother niya Pure Spanish at ang papa niya Pure American " pa alam niya sa mga anak.... " kuya! Thierce, kailan mo siya ipapakilala sa amin? " usisa ni Alex.... " wala akong balak na ipakilala siya sa inyo, ang suplada kaya nun, saka sabi niya sa akin dati, if u truely admire me then set me free! " wika ni Thierce bago nagwalk out..

Magtitinginan ang magkakapatid at sabay-sabay na magtatanong sa mama nila " ma? Ilang taon nga nong nagka crush si kuya? " usisa nina Alex...

" teka! Magsisix years old ata yun ehh!!Tama ba Dierce?" pasangtanong sa anak..

" oo ma, saka si Yessa five years old palang, saka 19 na kami ma! So! Ilang taon na palang di nakikita ni Thierce si Yessa! " wika ni Dierce na nag iisip.

" ma! " tawag ni Alex na nakahawak sa braso ng mama niya.

" bakit my Little princess? " usisa ng mama niya..

" malayo pa ba tayo? " tanong nito..

" no, my Little princess! Nandito na tayo! " bungad sa bahay pahingahan ng Hacienda..

Namangha na lamang ang mga anak sa nakita.

Isang malawak na plantasyon na binubuo ng limampung Ektarya na nahahati sa ibat-ibang pananim.

" ma! Ang daming manga! " tuwa ni Alex...

" teka! Diba bawal sayo ang maasim? " paalala nito..

" ma! Next time nalang po! Saka ang lawak pala ng Hacienda, look ate my taniman ng dalandan don! " turo ni Alex..

" ma! Pwede ba kaming pumitas? " paalam ni Maria Carllotta..

" Fierce! Samahan mo yong kapated mo! Saka bumalik kayo rito! Tuturuan ko kayo kung paano maging Haciendero y Haciendera!" payag ng mama nila..

" ma!! Sama kami! " wika ni Illacaccy

" oh sige! Dierce samahan mo! Eh ikaw Thierce di ka ba sasama? " usisa ng mama niya.

" dito lang ako ma! Saka maganda ang view mula dito sa Rose plantation!" upo ni Thierce habang nakatanaw sa dalawang pung ektarya ng rose garden....

Nagsilapitan ang mga Katiwala ng Hacienda at babati sa señorita " magandang araw señorita, prinsesa Alexander at Prinsepe Thierce! " bati ng mga ito ng may paggalang..

" kamusta kayo ginoong Sillo? " bati ng señorita na nakaupo..

" ayos lang naman señorita, saka!! Nagpupunla kami ng bagong buto ng mga mais sa dakong silangan ng Hacienda." pa alam nito.

" kung ganun, pwede niyo bang turuan ang mga anak ko sa pagpupunla? " ani Señorita..

" sige ho señorita! " sang ayon ng mga ito..

Makalipas ang kalahating oras.

Tumungo na ang mga Haciendero y Haciendera sa kabilang silangan ng Hacienda.

Malayo naman sa nagpupunla si Alex at ang mama niya.

" ganito mga señorito at señorita, dapat ang pagpupunla ay kailangan ng boung tiwalang pagmamahal dahil kapag sinamahan mo ito ng maling emosyon at hindi tutubo ang inyong ipupunla. " paalala ni Manong silo,...

" ganun po ba! Kuya Thierce! Bawal daw ang sad! " bulong ni Maria Carllotta..

" ako na ang mauuna Manong! " volunteer ni Thierce..

" mahal na mahal kita Yessa! " bulong ni Thierce habang hawak ang seed at ipupunla na niya..

Sumunod naman ang iba pang kapated niya at kuya.

Lahat sila ay may sari-sariling hugot sa pagpupunla.

Pero ang pinakamasayang muka ay si Maria Carllotta na nakangiti habang pinupunla ang seeds na hawak.

Pagkatapos non ay dinala sila sa kwartel ng mga kabayo.

Nagtago na lamang si Maria Carllotta sa likod ng mama niya..

Mukhang takot siya sa kabayo " ma!! Uwi na tayo! " nginig niyang tago sa likod ng mama niya.

" ano ka ba my Princess! Kabayo lang yan! " wika sa anak..

" but mama! Takot ako sa horse! " yakap pa rin sa mama niya..

Sisigaw sina Fierce habang pinapaliguan ang kabayo " Maria Carllotta! Halika dito! " yaya nito..

Makikitang masayang pinapaliguan ang mga kabayo habang nakapaligid ang mga kutsiro sa mga señoroto at señorita na naglalaro na sa tubig.. " ma! Nadapa si kuya Fierce! " sigaw ni Dierce... Maghahabulan ang mga ito mukhang basa na ang mga damit.

Game na game din si Alex na may dalawa pa, panay ang basa sa mga kapated niya .

Tawanan at hagikhik ng mga ito ang maririnig samantalang nakayakap si Maria Carllotta na tila ba takot na takot sa mga kabayo.

Lalapit ang dalawa niyang kuya at kakalasin ang yakap ng kapated nila sa mama at pipiliting dalhin sa kwartel. " kuya! Ayoko! Ayoko! " pagpupumiglas ni Maria Carllotta

" ano ka ba! Ilapat mo ang kamay mo! Then just calm! " payo ng kuya niya..

Sinubukan niyang gawin ang payo ng kuya niya " hi, takot ako sa kabayo ehh! " wika niya habang sinusubukang haplusin ang kabayong puti..

" oh! Diba? Mabait nga sila! " ani Fierce..

" ma! Look? " tawag niya sa mama habang nakahawak sa ulo ng kabayo..

" mga anak! Magbihis na kayo! " tugon ng mama nila.

Aalalayan ang mga kapated sa maputik na kwartel at ihahated sa bahay pahingahan ng Hacienda at magbibihis.

" mga anak, magmeryenda muna kayo! Bago tayo pumunta sa bodega! " wika ng mama nilang nakaharap sa laptop..

Lalapit si Alexander Charleston na nakabihis ng dress na pink " ma! Ano ho yan?" usisa nito..

" halika anak! Ito yong sales and net Income nang Hacienda! Yong green na line that is our sales." turo sa anak..

" wow ma! Ang taas ng sale! " puna nito..

" saka itong red yan yong net Income. " turo sa anak..

" wow! Mas malaki po pala ang net income! Eh ma! Wala po bang net loss? " usisa ni Alex..

" ikaw talagang bata ka! Wala tayong net loss kasi lahat namang mga produktong inaani natin ay naibebenta agad maliban lang kung pasko! " tugon sa anak.

" ma? Ano pong maliban lang kong pasko? " pagtataka niyang tanong..

" kasi kung pasko! Lahat ng inaani nating produkto ay ipinamimigay sa lahat ng mga tao kahit sa ibang bayan at sa mga pulubing naninirahan sa tabi ng kalsada. " paliwanag nito..

" wow! Ma! Ang galing non! Nakakapagpasaya pala tayo ng tao kahit sa simpleng paraan." tuwa ni Alex..

" magmeryenda kana, my little princess! " wika sa anak..

Magsisilabasan ang mga kuya at ate niya sa silid ng bahay pahingahan " ma! Ayos lang ba to? " wika ni Fierce, suot ang red na pantaas..

Napatawa na lamang si Alex. " kuya para kang si..... " di maituloy ang sasabihin ng biglang barahin ng kuya niya... " ma! Si kuya oh!"  tago ni Alex..

" kayo talagang magakakapated, heto magmeryenda na kayo bago pumunta sa bodega! " alok ng mama nila..

" Wow ! My favorite! Toron!" takam ni Maria Carllotta.

" penge! " wika ni Illacaccy Alexies Javiera..

" uy! Tirahan niyo ako! " ani Thierce..

" ma, ang luwag ng damit ko!! " puna ni Dierce..

" ang cucute niyo mga anak! Para kayong sili na namumula." tuwa ng mama nila..

Matapos ang meryenda sa bahay pahingahan ay agad na tumungo sila sa bodega. " mga anak! Mag ingat kayo maraming daga at ipis sa loob! " paalala ng mama nila.. " ma! Wala namang takot sa ipis at daga sa amin eh! " sabat ni Fierce..

Sasalubungin sila ng katiwala sa bodega.

" señorita Mia, mga señorito at señorita! Maalikabok sa loob kailangan niyong suotin ang face mask " paalala nito..

" salamat manong, oh! Alex! Di ganiyan! " pagtatama sa anak..

" ma! Wala bang ilaw doon?" usisa ni Maria Carllotta

" mayron naman! Saka tuturuan lang kayo ni mama sa pagfifinance ng mga produkto. " wika sa anak..

" mukhang mahirap ata yun, " kamot ni Thierce..

" ano ka ba Thierce! Yong pagfifinance parang relationship its complicated kapag di mo naayos ang gusot at matututu kung masasaktan ka. " wika ng mama niya..

" so you mean ma! Kailangan kong lutasin ang di namin pagkakaintindihan ni Yessa? " usisa ni Thierce..

" oo, anak! Pagmahal mo! Ipaglaban mo ! Eh kung di talaga siya para sayo eh di hayaan mo siya kung saan siya masaya, love is not always a happy ending is about to free someone in order to make them happy! " payo ng mama niya..

" ma! Eh kayo ba ni papa! Diba wala kayong relasyon dati? Kahit na may nangyare sa inyo? " usisa ni Fierce..

" kayo talaga oh! Hayyss, yong papa niyo! He loves me kaya pinili ko siya kasi I've realized na matutunan ko rin siyang mahalin someday at pinaramdam niya yun sa akin, ito lang ang masasabi ko sa inyo mga anak! Piliin niyo ang taong mahal na mahal kayo kasi balang araw matuutunan mo din siyang mahalin." pangaral sa mga anak niya..

" hayaan niyo ma! Kakauspin ko si Yessa! " wika ni Thierce..

" ma! Tara na po!! Excited na ako magbilang ng mga produkto! " ani Maria Carllotta..

Sa loob ng bodega.

Nasa harap nila ang kahon - kahon na mga produktong may laman na mga dalandan, orange, Mais, at iba pang prutas na nasa kahon na at di pa nadedeliver sa mga buyer.

" tingnan niyo ang mga kahon mga anak! At bilangin ang laman saka itatake note sa hawak niyong papers, at icompute niyo na rin ang magiging net income and sales saka itake niyo na rin kung may net loss, may tanong pa ba? " paliwanag ng mama nila..

" wala po ma! " tugon ng mga ito habang nagbibilang sa mga kahon.

Mia Pov's

Natutuwa ako sa aking mga anak..ayan oh! Abala sa pagbibilang mukhang kinacareer ang pagiging Haciendera y Haciendero.

Si Fierce  Carlos Charles naman ay nag iisip at halatang nagsosolve sa utak niya.

Si Dierce  Carlos Charles na panay ang bilang at solve sa scratch paper.

Si Thierce Carlos Charles na sinusubukang intindihan ang finance kahit di pa nakamove on kay Yessa.

Si Maria Carllotta na mukhang nag eenjoy sa ginagawa.

Si Illacaccy Alexies Javiera na di mawawala ang paglukso habang nagtatake note ito.

At si Alexander Charleston na di mapakali sa pagchecheck ng kaniyang dalaw at babalik uli sa ginagawa.

Sabay-sabay silang Nagpapaunahan makarating sa kinauupuan ko at sisigaw " Im done mama!" sabay nilang sambit..

Mangingiti ako sa aking kinauupuan.

" mahirap ba mga anak? " usisa ko. Magtitinginan sila at sabay na magsasalita.

" mas mahirap kapag di sinubukan! " sabay tawanan..

Hayy, they look so cute at masaya ako dahil gusto nilang matutunan ang mga bagay sa labas ng Mansiyon.

@YhunaSibuyana