Nakahanda na ang hapag para sa hapunan ng pamilya De la Vega. Nakalapag na ang pagkaing masusustansya at kompleto na ang hanay ng mga silya . Naka ayos na ang table napkin at plate sa na katapat ng bawat silyang yare sa mamahaling kahoy mula sa Europa. Sa gitna ng hapag ay may vase na puno ng mga prutas.
Maririnig ang yabag na pababa ng hagdan.
" señorita Mia, nakahanda na ho ang hapag para sa hapunan." pa abot ni Manang..
"susunod na kami manang! Mga anak pumunta na kayo sa hapag at kakain na! " wika sa mga anak.. " yes ma! " tayo ng mga ito sa kinauupuan nila.
Nasaan na kaya si Carlos? Kanina pa yun bumaba eh!
Tumungo na lamang ako sa hapag kainan.
Aba!! Nauna pa pala siya sa akin.
Ayan oh!! Ina asikaso ang mga anak namin sa hapag.
" Sweetheart! maupo kana! " yaya ni Carlos.
" hmm.. Mukhang ang sarap ng amoy ahh!" takam ko habang paupo sa silya.
" syempre luto namin yan ehh! Diba mga anak? " pa sang ayon ni Carlos..
" yes pa! Saka ma, pina iyak si Maria Carllotta ng sibuyas!" kwento ni Thierce.
" oo nga ma! Si kuya Fierce ang nagluto nong paborito ni Dad na chopsoy!" sabat ni Dierce..
" ma, ako po yung naghiwa ng ingredients! " wika naman ni Alexander..
" kaya pala masarap eh! May recipe pala ng pagmamahal, " puri ko sa kanila..
" nagsihugas na ba kayo ng kamay? " usisa ng papa nila..
" oho! Pa! " tugon ng mga ito..
" pray muna tayo! " wika ng mama nila..
"in the name of the father of the son and the holy spirit, nagpapasalamat ho kami sa mga pagkaing nasa aming hapag sana po wala nang pamilya na nagugutom at namamalimos, sana ho gabayan niyo kami sa lahat ng aming gagawin at ilayo sa kapahamakan, humihingi kami ng kapatawaran sa mga kasalanan na aming ginawa, AMEN." pray ni Mia...
" mga anak!" tawag ng papa nila..
" ok, pa!" tugon ng mga ito at tumayo sa kanilang mga silya at tumungo sa kitchen.
" teka! Saan sila pupunta? " usisa ko.
" Sweetheart! May kukunin ang mga iyon." sabat ni Carlos.
Bumalik ang mga ito na may dalang ulam at dumiretso sa mga mesa ng mga katiwala. "Manang, ulam ho!" lapag ni Fierce ng gulay.
" manang Ana, heto ho! " lapag ng adobo ni Dierce..
" wait ito pa! " dagdag pa ni Thierce..
Namangha ang mga katiwala sa ginaqa ng kanilang mga amo.
" wait, mayron pa!" wika ni Maria Carllotta na may dalang lumpia..
" hintayin niyo! " wila ni Illacaccy na may dalang juice kasama si Alex na may dalang baso..
" maraming salamat ho, mga señorito at señorita! " tugon ng mga katiwala..
Bumalik sina Fierce sa silya nila.
Mapapansing natutuwa ang mama nila sa nakita " mga anak! Ang saya-saya ni mama! Sa ginawa niyo kanina, ito na ata ang pinakamasayang dinner sa boung buhay ko!" wika ni Mia sa harap ng kaniyang mga anak..
" ma, si kuya Fierce ho ang nakaisip non!" wika ni Maria Carllotta.
" saka ma! Maliit na bagay ho yun! Saka tumulong ho si papa sa pagluluto! Saka napaso ho siya ng mantika kanina! " laglag ni fierce sa papa niya..
" grabi, nilaglag talaga ako!" bulong ni Carlos..
" kawawa naman pala yung napaso kanina! " padinig ko kay Carlos..
" oo nga eh, sa halip na i comfort parang iniinis mo pa!" padinig din niya..
" mga anak kumain na kayo, " wika ng mama nila..
Makikita ang paglalagay ng mga kuya nila sa plato ng mga kapated nilang babae. Abot-abot ang ulam at dahan-dahan ibabalik sa pwesto. Makikitang nakatitig si Mia sa mga anak niya habang si Carlos naman ay nakatitig sa asawa niya. " uy! Ilihis mo nga yang mga mata mo! " kurot ko sa kaniya..
"Sweetheart naman! Di mo ba ako tatanungin kong mahapdi ba yong paso ko? " wika sa asawa..
" bakit? Saan ka ba napaso? " usisa ko sa kaniya..
" dito oh! (turo sa dibdib niya) ang lakas ng kabog niya at sinisigaw ang pangalan mo! " lokong tugon sa asawa..
" ahh, diyan pala ahh! " pa simpleng tadyak sa paa ng asawa niya..
" aray! Sweetheart! Nakakalawa kana! " ani Carlos habang nakahawak sa paa niya..
Mababaling ang titig ng mga anak nila sa papa at mama nilang wala pang laman ang pinggan " ma! Pa! Di pa ba kayo nagugutom?" usisa ni Fierce... " ito kasing mama niyo! Tinadyakan na naman ako!" sumbong sa mga anak nila.. " mga anak! Tama lang yun kasi ang loko naman talaga tong papa niyo, kaya tama lang na tadyakan ko siya! " katwiran ni Mia sa mga anak..
Tatayo si Alexander sa silya niya at kukunin ang malaking mangkok na may lamang rice at lalapitan ang papa at mama niya " kain na po kayo ma! Pa!! " lagay nito sa plato ng parents niya.. Sinundan ito ng mga kuya at ate niya. Isa-isa nilang nilagyan ang plato ng mama at papa nila " ma, pa! Ubusin niyo yan ha! " wika ni Illacaccy. "grabi, mukhang challenge ata to! " wika ni Carlos sa plato niyang pinuno ng pagkain ng mga anak niya..
Tatawa ako bigla, mukhang sinadya ata nila na punuin ang plato ng papa nila. Ako naman syempre sakto lang ang pagkalagay ng mga anak ko. Basic lang na ubusin ko to! "Carlos, kaya mo pa? " usisa ko.. " ito kapag naubos ko! May premyo akong matatanggap! " wika niya habang kumakain..
Habang kumakain ay nag uusap ang pamilya.
"ma! May meeting ho kami sa Lunes," paalala ni Maria Carllotta.
" oo nga ma! Saka busy naman si papa!" wika ni Illacaccy Alexies Javiera.
" anong busy? " sabat ng papa nila.
" oh, nguyain mo muna yang kinakain mo! " wika ko kay Carlos..
" mga anak, kaya ni papa na i-cancell ang schedule niya para maka atend, saka alam yan ng mama niyo! " wika ng papa nila..
" so, ibig sabihin non! Kayo ni mama ang mag aatend sa aming tatlo? " usisang tuwa ni Alexander..
" bakit hindi? " tugon ng papa nila..
"yess! " sambit ng tatlong prinsesa
Kakamustahin naman niya ang tatlong binata " Fierce, Dierce at Thierce, kamusta ang pag aaral niyo? May problema ba? " usisa ng papa nila. "pa, ayos naman! Saka wala namang problema diba mga tol?" pasang ayon ni Fierce sa mga kapated. "oho! Pa! Saka Research nalang ho ang problema naming tatlo! " tugon Ni Dierce..
"eh ikaw Thierce? Si Yessa pa rin ba ang iniisip mo? " usisa ng papa niya... "pa, naman!!
Walang ganun!" tanggi nito... "baka nagpapagutom kayo sa school ha! Masama sa health yun! " sabat ng mama nila...
Mangangatwiran ang mga ito "ma, nagmemeryenda naman ho kami sa tamang oras!" tugon ng tatlo.. " eh kayo my three little cute princess?" usisa ng mama nila.. " ma! Di po kami nagpapagutom saka sabay-sabay ho kami minsan pumunta sa canteen para bumili ng pagkain! " tugon ni Maria Carllotta.. "baka nauubos na yong allowance niyo, sabihin niyo lang kay Papa! " sabat ni Carlos..
" pa! Di pa nga ho, nauubos yong allowance na binigay niyo sa amin nong isang linggo tapos nong isang hapon saka dinagdagan niyo pa kahapon!" paalala ni Fierce na di matatalo sa pagsaulo ng mga bagay-bagay..
Matatawa naman si Mia "hayaan niyo na mga anak! Ganun kalimutin ang papa niyo! " inis nito sa asawa..
" teka? Di naman masama yun ah! Ayoko lang magaya yung mga anak natin sa naranasan mo non, halos magkakasaket kana sa kararaket para lang pagkasyahin yung kinikita mo sa tatlo nating cute na mga anak, kaya nong nahanap kita pinangako ko sa sarili ko na di nila dadanasin ang naranasan ng mama nila 19 years ago.." paalala ni Carlos sa harap ng asawa niya..
Nalungkot ako bigla para akong binabalik sa nakaraan ko.
Ang mabahong kalye at mateknolohiya kong katawan na halos walang oras sa sarili. Nagsitayuan ang mga anak namin at lumapit sa amin ni Carlos at yumakap. "ang sarap ng mga yakap ninyo! " wika ko..
" ma! Nagpapasalamat kami dahil ang tapang niyo sa pagharap ng mga pagsubok! Mahal na mahal ka namin ma!" wika ni Fierce habang nakayakap sa akin..
" pa! Salamat po sa pagiging mapagmahal na asawa kay mama at sa pagmamahal sa amin, mahal na mahal ka namin papa!" kiss sa pisngi ng papa niya at niyakap..
" grabi, para akong nilunod sa yakap ng mag ito! " wika ni carlos..
Matapos ang dinner at inilabas na ang desert na ginagawa ng dalawang busnso sa lalaki at babae na sina Thierce at Alex.. Isang matamis na cake with floating of toppings na may rainbow colors na nakalagay sa maliit na cups. Ang bawat cup of cakes ay may pangalan na nakadecorate " ma, pa! Ito yung sa inyo!" abot ni Thierce... "wow, ang creative! Sinong gumawa?" usisa ng mama nila.. " ma! Kaming dalawa ni kuya Thierce!! " sabat ni Alex..
" teka? Mga manang, heto ho ang sa inyo!! " abot ni Thierce..
" maraming salamat señorito! " tugon ng mga ito..
Ang sakap ng pagmamahal ay hindi lamang ginagamit sa pagluluto kundi'y ibinabahagi sa iba at kinakalat. Ang masayang hapag ng pamilya De la Vega ay binuo ng pagmamahal at pagtitiwala sa isat-isa. Dahil di mabubuo ang pag ibig kung walang pagmamahal.
@YhunaSibuyana