(Pagmamahal ng isang ina)

Napanood din ang balita ni Ms. Yhuna na noo'y nagdadalangtao na unang baby nila ni Yhuan.

Nasa sala ito habang nakikinig sa ulat.

" manang! Ano bang nangyare don sa anak nila? Bat ba siya nawala? " usisa ni Yhuna.

"ganito kasi yun, sabi ng mga nakakita ninakaw daw sa hospital ang bagong silang na sanggol ng señora, may iilan namang nagsabi na patay na daw kasi may hawak na bravelet yung sanggol na nakitang wala ng buhay pero nong pina DNA eh di naman nagkatugma kaya di pa rin nawawalan ng pag asa ang mag asawa na buhay pa rin ang anak nila.  " kwento ng manang..

Napahawak na lamang si Ms. Yhuna sa tiyan niya " anak! Wag kang mag alala di ka tutulad sa akin na walang magulang na kinagisnan, aalagaan ka ni mommy at daddy mo saka maglalaro kayo at sasamahan ka sa school mo araw-araw walang mamimis ang mommy at daddy mo na pangyayare sa buhay mo, magiging malakas ako pangako!" wika niya sa kaniyang sinapupunan..

Nagring ang telepono sa bandang hagdan...

Sasagutin ito ni manang " hello sir Yhuan! " sagot niya..

" kamusta ang señoita? Maayos ba ang gising niya? Kumain na ba siya ng breakfast? Naligo na ba siya? " usisa agad ng sir niya.

" sir! Magbreakfast na ho siya, ibibigay ko ba ang telepono sa kaniya? " ani manang..

" sige!! " tugon nito..

" señorita, kakausapin kayo ni Sir Yhuan! " bigay ng telepono..

Tumayo siya sa kinauupuan at kukunin ang phone.

" my yhuna! Maayos ba ang gising mo? " usisa ng asawa niya sa kabilang linya..

" medyo ok naman!" tugon niya..

" anong medyo ok? Masakit pa rin ba ang ulo mo? Kailangan mo ba ng Magpahospital? Uuwi ako? " worry nito..

" ano ka ba, ayos lang ako! Saka inaantok ako ehh! " ani yhuna

" anong inaantok? Wag kang matutulog? Uuwi talaga ako kapag nalaman kong natutulog ka na naman! " ani Yhuan..

" wag muna akong alalahanin ayos lang ako rito saka napanood ko yung breaking news kanina, nakakalungkot pala yung nangyare don sa anak ng señora at señore ng Errose. " wika ni Yhuna na tila malungkot rin sa sitwasyon.

" oh! Nararamdaman ko ang pagkalungkot mo, wag kang papa apekto sa paligid ha! Saka malapit na akong umuwi, nagleave muna ako mga 1 week! " pa alam nito sa asawa..

" bat ka naman nagleave? Ayos lang naman ako eh! "

" ano ka ba? Ayokong ma mis ang bawat sandali ng pagdadalantao mo! Sige na ibababa ko na to, bye my yhuna! See you!" paalam nito..

Ibinaba na rin ni Ms. Yhuna ang telepono at nagpaalam na tutungo siya sa kwarto..

Sa kanilang silid.

Inilabas niya ang lumang gamit at siya'y naiyak ng tuluyan na parang may naalala mula sa nakaraan.

Ang pagsalpok ng jeepney sa isang itim na van at nahulog sa bangin.

Nagpagulong-gulong habang nagsisigawan ang mga lulan nito.

Mga bata at matatanda ay nagsusumigaw ng tulong.

"ahhhhhhhhhhhh!! Ayoko na! Tama na! Tama na! " hagulhol niya parang mabaliw sa pagka alala..

Yhuna Pov's..

Para akong binabalik sa nakaraan.

Nawalan ako ng isang ina ng isang tunay na ina, nawalan ako ng mga magulang sa sandalimg iyon.

I was 5 years old ng mahulog sa bangin ang sinasakyan naming jeepney.

Kawawang ina ko, ang nag iisang ina na bumuhay at nag alaga sa akin.

Sinalo niya ang lahat ng sakit na sa akin sana tatama.

" ma, di niyo man lang naipakilala sa akin ang papa ko, di niyo man lang ako nahated sa bahay niya, alam kong lagi niyo akong binabantayan at ginagabayan, ma! Pangako di magagaya sa akin ang magiging baby ko! Di siya lalaki na walang mga magulang. " wika niya sa harap ng lumang litrato ng ina niya.

Sa Sentro ng bayan.

Nakarating na ang private plane lulan ang señore at señorita ng bayang Errose.

Ngunit hindi ito nag pa unlak ng pag interview at agad itong tumungo sa Headquarters.

" señore Casphian IV, and señorita Casheandra. " yukong salubong ng kapitan.

"kapitan, narito kami para hindi makipagbatian at hindi rin para nakipagkwentuhan kundi para buksan muli ang kaso sa paghahanap sa aming anak! " prankang tugon ng señore.

" señore Cashpian IV, ang kasong ito ay matagal nang hindi nareresolba halos lahat ng tauhan ko ay nasubok muna pero wala silang nahanap kaya iminumungkahi kong ibigay ang kasong ito kay Mr. De la Vega II, " mungkahi sa mag asawa..

" sa bayan ng aking kaibigan! " bulalas ni señora Casheandra, ang malamorenang asawa ni Señore Cashpian IV.

" kung ganon, kailangan kong makausap si Mr. De la Vega! Saan ko ba siya pwedeng puntahan? " usisa ng señore..

Ibinigay ang address sa señore at señorita at agad nila itong pinuntahan.

Sa mansiyon ng San de la Vega.

Nasa sala ang lahat ng anak naglalaro ng dama.

Mukhang seryoso ang bawat isa sa paglalaro, ang grupo ng mga binata ay si Fierce ang nakipaglaban, sa grupo ng mga babae naman ay si Maria Carllotta ang nakipaglaban." go ate Maria Carllotta, mmukhang talo na si kuya Fierce! " puna ni Alex.

" go, kuya Fierce! Round 1 palang yan, " cheer naman ni Dierce.

"mga anak! Wag kayong mag aaway sa larong yan saka tapos na ba kayong maglinis sa kwarto niyo? " tanong ng mama nilang pababa ng hagdan.

" ma, pangpalipas oras lang ho! " tugon ni Fierce

" ma, naglinis na ho kami ng room!" wika ni Alex.

" saka ma! Naglaba na rin ho kami ng uniform namin!" wika ni Illacaccy Alexies Javiera..

" teka? Kinacareer niyo talaga ang paglalaba ahh!" lapit ng mama nila..

Ding...dong....

" ma, ako na ho ang magbubukas! " aniya Alexander Charleston..

Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa kaniya ang dalawang panauhin.

" tuloy ho kayo!" yaya ng munting dilag..

" ang ganda-ganda mo eha! " ang tanging nasambit ng señorang panauhin..

" di naman ho, ma! May bisita ho! " pa alam sa mama niya.

Tumayo si Mia at binati ang panauhin samantalang naglalaro pa rin ang mga anak niya at nakapokus ito.

" maupo ho kayo!" paupo nito..

Ngunit ang señora ay di maalis ang titig sa mga anak ni Mia.

" napakaganda at napakagwapo nila saka pare-pareho sila ng mga mukha, napakapalad mo at biniyayaan ka ng ganiyang mga supling, napakaswerte mo at kasama mo sila sa kanilang paglaki." puri ng señorang bisita.

" maari ko bang malaman kung sino ang inyong sadya? " usisa ni Mia..

" iminungkahi ang pangalan ng iyong asawa ni Kapitan Javier, kaya tumungo kami rito para personal siyang makausap para sa paglutas ng kaso sa nawawala naming anak!" ang tugon ng señore na panauhin...

" paumanhin ngunit mamaya pa siya darating!" tugon ni Mia..

Malilingat ang dalawang panauhin sa mga magkakapatid na magkamukhang naglalaro

" yes, talo si kuya Fierce! " sabay dagan sa mga kuya nila at pingot ng tenga.

"aray! Aray!" sambit ng mga ito ng pinngutin ang tenga ng mga kapated nilang babae.

" panalo si ate. " hug sa ate Maria Carllotta nila.

" mga anak! " tawag ng mama nila..

Aayusin ang kanilang upo at sabay-sabay na babatiin ang panauhin.

" magandang araw ho sa inyo! " yuko ng pagbati ng mga ito..

" magandang araw din naman sa inyo, mga magagandang señorita at mga gwapong señorito, nakakainggit mahal!! " wika ng panauhing señora..

" napakagandang supling, señorita Mia ng Spanya! Tunay ngang nag iisa lang ang inyong lahi. At mukhang napakapalad mo dahil si Carlos ng San de la Vega ang iyong napangasawa." manghang puri ng señore na panauhin..

"im home!" tinig na nagmumula pintuan.

" si papa!'" wikang sambit ni Alex..

Magugulat si Carlos sa kaniyang madadatnan sa sala.

" señore Cashpian IV, at señora Casheandra?" pagtataka niyang tanong.

" we need your help, " tugon agad ng señore.

" tungkol ba sa anak ninyo? " upo ni Carlos.

" oo, kailangan naming malaman kung bahay ba talaga siya! " tugon ng señore.

" makaka asa kayo señore Cashpian IV, anong gusto niyo? Wine, coffe or tea? " alok ni Carlos.

" wag na carlos, aalis din agad kami," ani señore.

" ganun ba! " aniya Carlos.

" oh, siya! Mauna na kami! Maraming salamat señorita Mia at Sir Carlos, magpapa alam na kami! " paalam ng mga panauhin.

Nagsiupuan ang mga anak nila sa kanilang tabi matapos maka alis ang mga panauhin.

" ma, pa! Sino ho sila? " wika ng inosenteng si Alexander.

" anak, may mga bagay talaga na dapat nating ipa ubaya sa tadhana! " tugon ng mama niya.

" nakakalungkot naman ang nangyare sa kanila mama!" malungkot na wika ni Maria Carllotta.

" ano nga ang sabi ni mama?" ani Mia..

" dadagan si papa ng yakap!" sabay lapit ng mga babae sa papa nila at nilunod sa yakap.

" grabi, yan ba talaga ang salubong niyo kay papa??" usisa nito..

" i miss u papa! " kiss ni alex sa pisngi ng papa nila..

" papa, sabi mo bibilhan mo kami ng books, " singil ni Illacaccy Alexies Javiera.

" oo nga, sinabi mo yun papa! " ani Maria Carllotta..

" wag na kayong malungkot, di kaya nakalimutan ni papa! " bawi nito..

" yehey! " tuwa ni Alex..

" ma! pa! Akyat muna ako sa taas!" paalam ni Fierce..

" ako din pa, ma! " paalam ni Dierce..

" ma, ililigpit ko lang ho to!" ayos ni Thierce ng pinaglaruang dama.

Sa kabilang banda.

Habang nagmamaneho ang ginoong si Cashpian IV..

" naiinggit ako mahal, nasasaktan ako sa tuwing nakakakita ng ganung kasayang pamilya, buo at matatag, nasaan na kaya ang anak natin? Nakaka kain kaya siya ng maayos? Nakapag aral ba siya? Hindi ko mawari sa isipan ko na buhay siya, gusto ko siyang alagaan! Gusto ko siyang yakapin! " wika ng inang nawalan ng anak.

" tahan na! Mahahanap din natin siya! Mahal, pangako hahanapin ko siya!" halik sa kamay ng asawa niyang lumuluha sa gitna ng pangungulila..