(Sweet Care)

   

Sinundan ng tatlong magkakapatid ang mga babae kanina.

Panay ang sunod ng mga ito habang nagbabasa ng mga libro at kunware ay may hinahanap ang mga ito.

Hanggang sa makarating ang mga ito sa Room ng Bussines Management.

Papasok ang tatlo at uupo, " kuya! Dierce! Ibigay muna!" tulak ni Thierce.

" ano ba kayo? Sandali! " tayo nito ng maayos at tamang hawi iang ng buhok sabay porma.

" siguraduhin mo lang na mapapansin! Kundi babatukan ka namin." ani Fierce.

Ayan na si Dierce, pormal itong lalapit sa babae na pumasok sa room nila.

" hi Jenny! " bati ni Dierce.

" ayeyy! Jenny oh! " tili ng mga kasama nito.

Tatayo si Jenny at yuyuko ," hi señorito." wika ng may paggalang.

" can I talk for a minute? " wika ni Dierce.

Sa kabilang side ng room.

Ibinigay ni Dierce ang love letter niyang ginawa sa dalaga..

" para sa akin? " pagtataka ng dilag..

" oo, para sayo!! Eh kanino pa ba? Ikaw lang naman ang nagmamay ari ng puso ko! " tugon ng pagtatapat ni Dierce sa dilag.

" señorito, nagkamali ata kayo! Hindi ako karapat dapat na bigyan ng love letter dahil hindi ako nararapat sa inyong pagtingin." wika ng babae bago umalis..

" sandali, sa tingin mo ba hindi ka nababagay sa isang tulad ko? Yun ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako tatanggapin? Jenny Medez ng senior high Department, from now on, you will be mark as my property. " wika ni Dierce sa dilag..

Walang nasabi ang dilag sa mga sandaling iyon kaya napatakbo na lamang ito papaalis sa Business Room.

Sa seat ng tatlo, "grabi!! When kupido hits you!! " tapik ni Fierce sa balikat ng kapated.

" mukhang, mahuhuli na naman ako! " padinig ni Thierce..

" syempre! Pangatlo ka remember! Kaya ligawan muna si Yessa bago pa may makauna." - Dierce..

" oo nga! Teka? Break time na! " puna naman ni Fierce sa relong suot.

Sa may Canteen.

Pumasok na ang tatlong kamnbal sa Canteen at nagtitilian na naman ang mga girls. " kuya! Wala naman sila dito! " hanap ni Dierce..

" alam kona kung saan pumunta ang mga iyon? " sabat ng kuya nila..

" oo nga no!! Mga scholarship pala ang mga iyon, so sa halip na sa canteen ang punta, nasa library ang mga iyon! " ani Dierce..

Tumungo ang tatlo sa library room.

Isang hudyat lang ang pinakawalan ni Fierce at nagsialisan ang mga naroon sa library. Maliban sa dalawang dilag na nasa bookshelf na naghahanap ng libro.

" Jerimy Mabini, " tawag sa kaniya ng isang binata

Mapapalingon ito, " anong ginagawa niyo dito?" usisa ni Jerimy..

" sis, ito na!" labas naman ni Jenny sa kabilang banda habang hawak ang Math na libro.

Magkakatinginan ang apat samantalang si Thierce ay naka abang sa pintuan ng library.

" mamili kayo? Recess or Offense Slip? " labas ng red slip ni Fierce habang nakacross arm si Dierce.

" aba! Di pwede yan! Kahit supreme council kayo , wala kayong karapatan na disturbuhin kami sa pag aaral." pasumbat na wika ni Jerimy

" fine! " tugon ni Fierce habang nagsusulat sa offense slip.

At kaagad na ibinigay sa dalawa, " both of you have a two weeks suspension." saad ni Fierce bago umalis.

" ano? " anggal ng dalawa.

Agad na binasa ang laman ng slip.

Dear Jerimy,

    Huy! Pangit ang pangalan mo! Magbibilang ako ng tatlong pung minuto kapag hindi ka nakarating sa Canteen ng on time!! Sasabitan na kita ng singsing! .....

   

Binasa din ni Jenny ang laman ng offense slip niya..

    " Huy! Babaeng may regla, sumama ka kay Jerimy. Subukan mong hindi sumama at may kinalalagyan ka!! Your time start now.....

   

Nakangising habang naglalakad patungong canteen sina Fierce, mukhang alam ata nilang pupunta ng canteen ang dalawa.

Pagpasok ng Canteen.

Kaagad na nag order si Dierce, si Thierce naman ay nag oonline habang nasa timeline ng Yessa niya.

Mangingiti ito saglit at pasimpleng kikiligin.

Habang si Fierce naman ay nagbibilang nang bawat nalalabing minuto.

" 30, 29 ,28, 27, 26, 25, 24, 23, 22, 21, 20, 19 ,,,,,,,,,,,,,' mahihinto ng biglang magriring ang phone niya.

(on call)

" yes ma!" tugon nito.

" anak! Baka late kami makakauwi ng papa niyo! Ikaw muna ang bahala sa mga kapatid mo!" bilin nito.

" ok, ma! Ingat kayo diyan! I love u ma!" tugon ni Fierce.

" i love u my 1st, sige na! Mag ingat kayo diyan! " paalam nito..

(call ended)

Titig sa relo si Fierce, " five minutes left." wika nito..

Nang biglang dumating na hinihingal sina Jerimy, " uy! Tamang timing! " lapag ni Dierce ng inorder niyang foods.

" upo na kayo! " utos ni Fierce.

Uupong tahimik ang dalawa habang hinihingal pa.

Kukuha ng tissue si Dierce at pupunasan ang pawis ni Jenny ganun din si Fierce kay Jerimy.

" mukhang lalanggamin tayo dito mga tol ah!" padinig ni Thierce habang nagseselpon.

Kukuha ng foods si Fierce at iaabot kay Jerimy, " Jerimy na pangit na pangalan, kumain kana! " bigay nito.. " salamat!! Señorito!! " tugon niya..

" oh!! Jenny! Wag kang mahiya! Kainin mo yan! " abot naman ni Dierce...

" oo nga pala, tumawag si mama!! Gabi na sila makakauwi kaya kailangan nating sunduin yung mga prinsesa nating mga kapatid " pa alam ni Fierce..

" oh!! Sige!! Basta dumaan tayo sa book store! " pa sang ayon ni Thierce..

" kuya!! May bibilhin rin ako!" ani Dierce

" so?? Pagkatapos nito?? May subject pa ba kayo?" usisa sa mga kapatid.

" ahmm,, wala na!! " tugon ni Thierce..

After the break time.

Inihated nila sa room ang mga dalaga at tumungo sa kabilang building para puntahan ang mga kapatid.

Junior Department Room.

Masyadong magulo at maingay ang bawat room.

Magsisilaban ang mga girls at sisilip sa tatlong napadaan na college students.

" yun ba yong triplets na mga señorito? " bulung-bulungan ng mga ito.

" oo, yun nga! " sang ayon ng iilan..

" grabi, ang popogi!" tilian ng mga ito..

Patungo na room ng Grade 10 ang tatlong binata.

Sa bawat mmakakasalubong na mga students ay napapalingon.

Sa Section A-10, Diamond..

Ang gulo-gulo ng room ng mga ito.

Nagliliparang paper plane, ar scratch paper.

Ang iingay sa loob ng room nila.

Maliban sa tatlong dalaga na magkamukha, nakaupo lang ito habang hawak ang librong Math.

At nagtitinginan sa bawat ginagawa nilang pagcompute.

" yess, I'll got it! " tuwa ni Maria Carllotta.

" ate, patingin naman oh!" ani Illaccacy

" ate, sina kuya! " turo ni Alex ng mapatingin sa labas.

Dali-daling iniwanan ang ginagawa nila at lumabas.

" kuya!! " sabay yakap nilang tatlo..

Magtitinginan ang mga classmate ng mga dilag , " kuya nila ang mga yan?? " pagkagulat ng mga ito..

" kuya!! Ang pogi mo!! " kurot ni Maria Carllotta kay Fierce..

" mas cute ka!! My princess!! " ganti din ng kurot..

" kuya! Dierce!! Yuko ka! " utos ni Illaccacy

" ok!! " yuko nito..

" bat ang gulo na ng buhok mo??" ayos nito..

" ehh,, mahangin kasi! " katwiran niya..

" yan,, pogi kana kuya!! " ngiti niya..

" thank you my Naughty princess." kurot sa pisngi.

" kuya! Sinong mas maganda? Si yessa o ako? " ask ni Alex.

" syempre ikaw! " kurot rito.

" bakit naman ako? " usisa niya.

Hinawakan sa pisngi." because your my little princess"

" talaga ba?? "

" oo, naman! " ngiti ng kuya niya..

" bat andito kayo?? Wala na ba kayong klase kuya?? " usisa ni Alex.

Kring.... Kring... Kring.....

Pagtunog ng bell na hudyat na ng klase.

" kuya!! May last subject pa kami ,bye kuya! " paalam ng mga ito.

" hihintayin namin kayo sa baba! Mag aral kayong mabuti ha!! " pahabol na tugon ni Fierce sa mga kapatid

" yes kuya!" sabat naman ng mga ito.