Chapter 113

Layunin at tungkulin kong gabayan ka lamang at limitado lamang ang maituturo ko sa iyo dahil nakadepende naman ang lahat ng mangyayari sa iyo sa iyong sarili mismo." Seryosong sambit ng magandang babaeng walang pangalan na siyang Spirit Artifact ng pambihirang lugar na ito. Masasabing tila naging magaan na ang atmospera ng lugar na ito lalo na at naging malumanay ang tono ng pananalita nito. Nawala na rin kasi ang tila mabigat at negatibong emosyon ng magandang babaeng walang pangalan. Isa siyang Spirit Artifact ngunit ang kaniyang kawalang kaalaman ay isa sa naging kamalian niya kaya marapat lanang na maging mabuti at mabait siya sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

"Opo Magandang Binibini. Aalalahanin ko ang iyong sinasabi." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakatingala ito sa magandang babaeng nasa harapan niya. Masasabing glaing sa puso ang kaniyang sinasabi at gusto nitong baguhin ang kaniyang sariling pananaw sa buhay sa mas mataas na lebel na pagkatuto at pagkaunawa.

Pumantay lang kasi ito kanina sa kaniya upang mapingot siya. Napakasakit pa naman ng pingot nito. Sa malapitan ay talagang napakaamo ng pagmumukha nito na parang isang doyosa ng kagandahan at napakatangkad pala nito.

"Mabuti naman at inilalagay mo sa kukute mo ang sinasabi ko sa'yo bago ka umalis. " Natatawang sambit ng magandang babaeng walang pangalan tila half joke ang sinasabi nito.

Namula naman sa sobrang hiya ang abtang lalaking si Li Xiaolong at napatango na lamang ito.

Maya-maya pa ay biglang nagsalita na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong.

"Uhm, patungkol sa mapang nasa aking isipan mismo nakalagay. Sigurado po ba kayong totoong mapa ito?!" Tanong ng batang lalaking si Li Xiaolong sa magandang babaeng walang pangalan na nakatayo lamang sa harap njya. Napakaawkward lang kasi at kailangan niya pang tumingala para pumantay lamang ang tingin niya rito.

"Aba, aba... Ako pa tinanong mo iyan eh nasa iyo naman ang memorya ng cultivator na iyan." Sambit ng magandang babaeng walang pangalan sa batang lalaking si Li Xiaolong habang nakataas pa ang kanang kilay nito. Hindi niya magets Kung bakit ganito ang batang lalaking si Li Xiaolong lalo na at tila masasabi niyang napakaignorante pa rin nito pero nang malaman niyang tunay na wala itong alam ay hindi na ito naiinis pa lalo na at hindi naman nito kasalanang wala itong alam diba lalo na sa mga pambihirang bagay na akala lamang nito ay ordinaryo lamang kagaya ng mapang na-acquire nito.

Sa totoo lang ay talagang hindi Basta-basta ang halaga ng impormasyong ito lalo na't napakapambihira ng lugar na nakasulat sa mapa. Ang mga manlalakbay na Cultivator na ito ay hindi rin basta-basta ngunit sa kasamaang palad ay nasawi ito bago pa ito makapunta sa mismong lugar na gusto nilang galugarin. Ngunit life is really unfair at hindi naman masisisi kung ganito ang nangyari dahil na rin siguro sa mga factors na nakakaapekto sa nasabing plano sana ngunit nauwi lamang sa malagim na trahedya.

Napatahimik na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong habang napakamot pa ito sa kaniyang batok dahil sa labis na pagkapahiya.

Sa totoo lang ay gustong pa sana niyang sabihin ang patungkol sa apat pang Soul Fragments ngunit ayaw niyang sabihin dahil baka mapahiya lamang siya at lalong mainis sa kanjya ang magandang babaeng nasa harapan niya.

Napatunayan niyang totoo ang magandang babaeng walang pangalan at masasabi niyang wala itong ekspektasyon na malaki sa kaniya which is he find it easy to say dahil alam naman nitong nasa maliit na lugar lamang sila na insignificant place sa pambihirang lugar na pinagmulan nito.

"Paano po ako makakaalis sa pambihirang lugar na ito?" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong nang maisip niyang makaalis na sa lugar na ito. Masyado na nga matagal ang pananatili niya rito. Ayaw niyang maging abusado noh isa pa ay baka mainis ng tuluyan sa Kaniya ang magandang babaeng walang pangalan na siyang Spirit Artifact ng buong lugar na ito.

Tila napangiti naman ang magandang babaeng walang pangalan sa sinasabing ito ng batang lalaking si Li Xiaolong. Malamang ay wala pa itong karanasan sa pagpasok o paglabas sa lugar na ito. Mukhang sapilitang hinigop lamang siya ng mismong pambihirang lugar na ito papunta rito.

"Ipikit mo lamang ang iyong sarili at magconcentrate ka. Pakiramdaman mo ang natural na daloy ng enerhiya sa labas ng lugar na ito na siyang reyalidad. Kusa mo lamang mararamdaman na nasa reyalidad ka na." Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang tila napangiti pa ito. He find Li Xiaolong na parang musmos na batang walang muwang na nagtatanong sa kaniya.

"Eh paano naman kung gusto kong bumalik dito? Mayroon bang restrictions?!" Tanong muli ng batang lalaking si Li Xiaolong sa magandang babaeng walang pangalan na nasa harapan niya.

"Pakiramdaman mo lamang ang enerhiyang nagmumula sa lugar na ito. Pakaingatan mo ang kwentas na anyo ng lugar na ito dahil kapag nawala mo ito ay hindi ka maaaring makapunta sa lugar na ito kahit na ano man ang gawin mo." Paalalang sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang tika nagbabala pa ito sa maaaring mangyari lalo na sa pisikal na anyo ng lugar na ito. Masasabi niyang pambihira ang lugar na ito pero sa reyalidad at labas ng lugar na ito ay isa lamang itong kwintas.

"Hmmm... Ang buong akala ko ay mapa lamang ito. Hindi kaya nagakakmali ka lamang magandang Binibini?!" Tila nagtatakang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila mataman itong nakatingin patingala sa magandang babaeng walang pangalan na nasa harapan niya lamang.

"Hahaha... nagkakamali ka, Dahil pagmamay-ari mo na ito ngayon at nakabond na ito sa'yo at magiging kwintas na ito na siynag tunay nitong anyo sa reyalidad. Asahan mong sasamahan ka nito sa iyong paglalakbay sa labas ng mundong ito." Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang nakangiti ito ng matamis sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

"Mabuti naman kung gayon. Aalis na muna ako magandang Binibini, sigurado akong hinahanap na ako ni Inay at Itay." Nag-aalalang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila nagpapaalam na ito.

"Sige, hanggang sa muli nating pagkikita batang Xiaolong at sana ay nakatulong ako ng malaki sa paglutas ng iyong problema." Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang makikita masaya itong namamaalam sa papaalis na batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

Napatango na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong habang mabilis itong napaupo ng maayos sa ere. Mabilis nitong ipinikit ang kaniyang sariling pares na mga mata at nagconcentrate.