Chapter 116

Hindi sa nagiging insensitive sila pero tumatak sa kanila ang pagiging tunay at maaasahan ang makukuha nilang impormasyon mula sa mga ito at masasabing tila ang mga nakukuha nilang impormasyon rito ay mahalaga pero ang di lang nila lubos na maisip ay may isang musmos na batang nasa edad lima hanggnag pito ang tila nag-stroll lamang o namamasyal sa lugar na ito na dapat sana'y hindi katanggap-tanggap sa kanilang paningin.

Nagmumukhang joke yung mga nababalitaan nila noon sa Feathers Guild. Hindi naman nila masisisi ang kanilang sarili upang baliwalain dahil karamihan sa kanila ay unang beses lamang silang nakakapunta rito.

Magkagayon man ay marami rin namang nanatiling tikom na lamang ang kanilang mga bibig sapagkat takot ang mga ito sa mismong Feathers Guild at meron ding walang pakialam at nagbingi-bingihan na lamang. Mahalagang impormasyon lamang ang gusto nilang makuha rito at hindi mga tsismis na walang kwenta para sa kanila.

Nang marinig naman ng mga nakaunipormeng mga nag-aassist sa kanilang customers ang naging pahayag ng mga customers nila ay mabilis silang nagtipon sa isang tabi.

"Ano'ng gagawin natin? Mukhang hindi natin maaaring balewalain ang pangyayaring ito."

"Oo nga, bakit ba kasi may batang lalaking rito na napakalampa kung titingnan. Mabuti sana kung labindalawa pataas ang edad nito ay katanggap-tanggap pa pero hindi eh."

"May tama ka sa iyong sinasabi, masyado namang napakamura ng edad nito para pumunta sa ating Feathers Guild dito."

"Nagcu-cultivate na ba ang batang lalaking iyan na kasama ni Lu Lan? Sigurado akong malilintikan siya sa manager natin!"

"Sinabi mo pa, kung di ba naman tanga. Di ba nito alam na agaw atensyon siya lalo na ang batang lalaking nakasunod sa likuran nito."

"Unang beses ko pa lamang na nakita ang babaeng si Lu Lan ay hindi ko na nagustuhan ang pag-uugali nito."

"Oo nga, biruin mo bata lamang ang nakita nito mukhang papasok pa sila sa Interrogation Area?!"

"Hay naku, may pagkatanga rin yang babaeng Lu Lan na yan. Mukhang gusto siguro nitong masisante ng maaga."

"Edi mabuti para mabawasan ang tanga at di nag-iisip ng tama!"

"Kawawang Lu Lan, nagmamagaling kasi kala mo naman ay magaling."

"Ganon naman talaga siguro, kung sino ang mukhang maganda sila pa yung may sira sa utak!"

"Mana sa nanay niyang may sira sa utak!"

"Parang may pagka-linta kasi yang Lu Lan na yan, palaging dumidikit sa manager natin!"

"Papapel kamo, ang kapal ng pagmumukha niya!"

Tila marami pang mga negatibong mga pahayag ang mga empleyado na nag-aassist sa loob ng Feathers Guild na naririto. Tila ba hindi nila mapigilang mag-usap-usap laban sa ginawa ng babaeng nagngangalang Lu Lan. Ang isyung patungkol sa batang lalaking nakabuntot rito ay tila naging daan para mas sumiklab ang galit at pagkainis ng mga ito sa babaeng nagngangalang Lu Lan na kapwa nila empleyado sa loob ng Feathers Guild.

Matagal na silang nagtitimpi sa magandang babaeng si Lu Lan lalo na sa kung paano kagiliw sa kaniya ang nasabing Manager maging ng higher-ups rito.

Usap-usapan din kasi na malapit na raw itong mapromote sa mas mataas na posisyon sa loob ng Feathers Guild na siyang mas iminagagalit ng mga kapwa nito empleyado na nag-aassist rito lalo na ang mga kababaihang mga katrabaho nito.

Lahat ng mga paninira at nalaman nilang impormasyon na kasiraan para sa magandang babaeng si Lu Lan ay ginawa at hinukay nila para mayroon silang mapangbato rito laban sa Babaeng nagngangalang Lu Lan. Mahirap namang ibato rito sa magandang babaeng si Lu Lan ang kanilang mga kasiraan para rito dahil wala pa naman itong kapalpakang ginawa pero ngayon na maraming saksi sa kapalpakang ginawa nito ay natitiyak na nilang walang promotion na magaganap sa kapwa babaeng kinaiinisan nila at masisisante pa ito.

Sa kabilang banda...

Nakarating na sa loob ng nasabing malawak na silid ang dalawang nilalang na walang iba kundi ang batang lalaking si Li Xiaolong at ang nag-aassist sa kaniya na magandang babaeng si Lu Lan.

Masasabi naman ng batang lalaking si Li Xiaolong na napabilib siya sa katangian ng magandang babaeng nass harapan niya. Masasabi niyang kumpara sa ibang nakikita niyang mga nag-aassist rito ay mukhang ito lang ata ang maituturing niyang disente.

Maayos na ambiance, walang katao-katao ang maliit na silid na ito at makapal pa ang bawat pader ng nasabing room rito. Hindi naman siya tanga para hindi malaman na kakaiba ang materyales na ginamit sa pader at hindi Basta-basta itong makikita lamang sa kahit saang supok ng lugar sa loob ng kaharian. Hindi man siya sigurado kung ano ito ay wala siyang pakialam pa.

Napakalawak ng Interrogation Area at nahahati ang mga ito sa iba't-ibang maliliit na silid. Hindi niya alam kung bakit napakaraming mga silid pero siguro ay para sa maraming mga eksperto na magbigay ng impormasyon?!

Nalalaman mo kasi kaagad na hindi Lang basta-basta itong branch ng Feathers Guild, talagang pinag-isipan talaga ng mabuti. Yun nga lang ay disappointed siya sa mga kapwa niya customer at mga empleyado ng Feathers Guild dahil bago pa sila makarating sa loob ng Interrogation Area ay maraming mga nilalang o mga eksperto ang nagsasalita behind their backs.

Sensitibo siya sa tunog o anumang mga emosyon ng nilalang dahil sa isa na siyang Xiantian Realm Expert at alam niya bumasa ng emosyon sa pamamagitan ng kanilang aura. Nakakalungkot lang isipin na ang mga ito ay puro negatibo ang binabato sa kaniya na gusto niyang turuan ng leksyon ang mga nialalang na ito.

Ang mas nakakainis o nakakagalit pa sa kaniya ay ang mismong empleyado ng Feathers Guild lalo na kung paano ito magsalita ng masama sa magandang babaeng nag-aassist sa kaniya na kapwa nila empleyado ay sinisiraan at pinag-iisipan ng masama sa likod nito. Imposible naman kasing marinig ito ng magandang babaeng ito dahil nasa Early Pulse Condensation Stage lamang ito. Liban sa pagcondense ng enerhiya nito sa paligid papunta sa katawan nito ay wala pa itong kakayahang marinig sa malayo ang pinag-uusapan ng mga kaempleyado niya o talagang nagbingi-bingihan lamang ito.

Natigil lamang sa malalim na pag-iisip ang batang lalaking si Li Xiaolong nang marinig niyang nagwika ang magandang babaeng nasa gilid niya lamang.