Chapter 176

"Matanong ko nga ineng. Meron bang mga kakaibang lugar dito na pwedeng puntahan. May anak kasi akong gustong maglakbay sa mga delikadong lugar." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nasa disguise ito ng matandang lalaki. Hindi naman siya mabubuking lalo na at sanay na siya rito. Imposibleng magpaupa ang magandang babaeng nasa harapan niya ng lugar na ito upang panatilihan niya.

"Oo. Tamang-tama ang punta niyo lolo. May napabalita akong tila mayroong misteryosong paglaglag ng isang bangkay ng isang di kilalang nilalang mula sa itaas ng kalangitan papunta sa gitna ng dalampasigan. Malapit lamang ang pinagbagsakan nito sa baybaying parte ng Red Cloud Sea. Noong nakaraan pang mga buwan ito napabalita. Pinaniniwalaan ding isang kamalasan ang lugar na iyon lalo pa't ang mismong ocean basin ng nasabing lugar. Pinaniniwalaan na isa iyong makapangyarihang nilalang. Napakadelikado nga lang ng lugar na iyon." Mahabang sambit ng magandang babaeng tila labis ang pangamba.

Makikita namang mabilis na gumuhit ang kakaibang mangha sa mukha ng batang lalaking si Li Xiaolong. Kung hindi siya nagkakamali ay isang makapangyarihang cultivator ang bumagsak na iyon mula sa sinasabing Red Cloud Sea. Nakaramdam din ng pagkatakot ang binatang lalaking si Li Xiaolong ngunit alam niyang isa rin itong paglalakbay na maaari niyang suungin. Maaari siyang makakuha ng loots mula sa nasabing bangkay ng isang malakas na nilalang na bumagsak sa gitna ng dalampasigan.

"Pwede bang makapunta doon ang sinuman ineng?! Gusto kasing makita ito ng anak ko para naman makagain siya ng karanasan at insight sa kakaibang pangyayaring ito." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Talagang kailangan niyang gumawa ng kwento para lamang makalusot sa maaaring problema sa pangnagalap ng impormasyon ito.

"Pwedeng pumunta sa lugar na iyon lolo ang sinuman pero marami din ang nasawi ang buhay doon. Ang mga nasa Xiantian Realm Expert at mas mababang mga cultivation level ay nasawi sa pagpunta pa lamang rito. Hindi worth it anf pagpunta doon." Sambit ng magandang babae habang iminumungkahi nito na hindi na makisabay ang sinumang may mababang cultivation level.

"Kaya pala dumadagsa ang mga taong naririto ay dahil na rin sa misteryosong pagbagsak ng isang misteryosong bangkay ng isang nilalang sa kalangitan. Ganon ba yun?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong gamit ang boses matanda nito.

"Napansin mo din pala iyon lolo. Yun nga ang dahilan kung bakit napakaraming mga taong naririto. Napakalayo pa man ng msimong Red Cloud Sea mula dito at masasabi kong napakalawak man ng danger zone dito ay mabilis namang umuusad ang pag-iimbeatiga ng iba't-ibang mga asosasyon at mga iba't-ibang makapangyarihang mga pamilya o angkan upang manguha ng loot mula sa nasabing nilalang na bumagsak." Mahabang sambit muli ng magandang babae na siyang namamahala ng inn na ito na kung tawagin ay Bamboo Inn. Bakas din ang kagustuhan nitong malaman kung ano nga ba ang mga loots na makukuha sa nasabing bumagsak na bangkay mula sa kalangitan.

"Huh? Sumali ang malalakas na pwersa ng Dou  City?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila hindi ito makapaniwala. Kung sasali ang mga ito ay mas bababa ang chance niyang makakuha man lang ng loots mula dito.

"Siyempre naman lo, kailangan din nilang humanap ng kakaibang mga bagay upang mas mapaunlad at mapalakas pa nila ang kanilang mga pwersa. So far ay ang huling balitang nakalap ko ay nasa loob na ng danger zone ang mga grupo ng mga malalakas na mga Cultivators upang puntahan ang mismong mga bangkay ngunit ang karamihan din sa mga ito ay namatay sa brutal na pamamaraan." Sambit ng magandang babaeng namamahala ng ordinaryong inn na ito. Napakagat labi pa ito habang tila mabilis na tumulo ang luha sa mga mata nito.

"O ba't ka napaiyak ineng, may masakit ba sa'yo? Tsaka bakit nga pala sila namatay eh bangkay lang naman ang kalaban nila hindi ba?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang labis ang kaniyang pagtataka lalo na at bangkay lang naman ng nilalang ang nalaglag. There's no fuss about anything lalo na at patay na ito.

"Wala to Lo. Napuwing lang po ako. Patungkol naman sa sinabi niyo Lo ay talagang napakadelikado ng sakop ng Red Cloud Sea lalo na at ang danger zone ay maraming mga Magical Beasts ang nandoon na bigla na lamang naging mabagsik at wala sa sarili ang mga ito. Parang nagkaroon ng malaking pagbabago sa mga ito. Pinaniniwalaan na bangkay ito ng isang immortal." Sambit ng magandang babaeng namamahala ng inn na ito.

Tila nanlaki naman ang pares ng mga mata ng batang lalaking si Li Xiaolong lalo na sa sinabing ito ng magandang babaeng namamahala ng inn na tinutuluyan niya mula ngayon.

Para sa batang lalaking si Li Xiaolong ay there's no such thing an inmortal would die. It will be that it encounter much stronger opponent than himself. Sigurado siyang mayroong itinatagong lihim mula sa bumagsak na bangkay ng isang misteryosong nilalang lalo na kung saan ba talaga ito nagmula.

Natawa na lamang sa isipan niya ang batang lalaking si Li Xiaolong dahil sa sinabing ito ng magandang babaeng namamahala ng ordinaryong inn na ito. Para sa batang lalaking si Li Xiaolong ay nawalan ng specific details ang nakalap na impormasyon ng magandang babaeng namamahala ng ordinaryong inn na ito lalo na at mukhang na-exaggerate niya na ang mga impormasyon patungkol sa nasabing pagbagsak ng isang bangkay sa Red Cloud Sea.

"Maraming salamat sa impormasyong sinabi mo ineng. Hindi ko aakalaing napakadelikado pala ng lugar na sinabi mo ineng. Sasabihan ko nga ang anak ko na wag ng pumunta sa lugar na iyon dahil napakadelikado pala niyon. He can't risk his life sa mga ganong klaseng bagay." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa magandang babaeng namamahala ng ordinaryong inn na ito. Siyempre ay palusot niya lamang ito dahil pupuntahan niya talaga ang lugar na ito upang masigurado noh. Kung susuwertehin siya ay baka makakita siya ng magandang oportunidad sa lugar na iyon.

Napatawa na lamang siya sa kaniyang sariling isipan lalo na at nakisali na sa pagkakaroon ng ekspedisyon ang mga malalakas na mga pwersa sa Dou City upang manghalughog sa lugar na binagsakan ng nasabing bangkay.