Chapter 25

"Li Xiaolong, gising na" sambit ni Night Spider upang gisingin ang natutulog na batang si Li Xiaolong.

Malayo pa kasi ang nilakbay nila papasok ng tarangkahan maging palengkeng dinaraanan nila ay masasabing nasa dulong bahagi lamang ito ng nasabing teritoryo ng Wind Fury Kingdom. Hindi naman problema sa kanilang dalawa ng dalagang si Li Jianxin ang maglakbay ng malayo dahil sisiw lamang sa kanila ang ganitong klaseng gawain kung baga ay basic training lamang nila ito. Pero nakita rin ng lalaking si Night Spider na nahirapan o napagod din sa paglalakbay ang dalagang si Li Jianxin. Kung susumahin ang kanilang oras na ginugol sa paglalakbay ay halos nasa sampong oras lahat.

Hindi siguro namalayan ng batang si Li Xiaolong ang oras at nakaidlip ito. Himala ngang nakatulog ito sa ibabaw ng kabayong sinasakyan nito at hindi rin angkop na palakarin lamang ito dahil hindi pa angkop ang katawan nito sa basic training na ito ng mga martial artists. Okay lang sana kung ilang mga kilometro lamang ang kanilang paglalakbay ngunit masasabing baka di makayanan ng batang si Li Xiaolong ang ganitong klaseng training.

Ang kabayong sinasakyan ng batang si Li Xiaolong ay masasabi niyang isa sa mga Dragon Horses na mga alaga niya at masasabing kasa-kasama nito sa palagi lalo na sa mga paglalakbay.

Natatawa nga siya sa posisyon ng batang si Li Xiaolong dahil grabe kung makaakap sa likod ng kabayo, kapit-tuko talaga ginagawa nito para lang makatulog.

Maya-maya pa nawala na lamang ang mga iniisip ng lalaking si Night Spider nang biglang napahikab ang batang si Li Xiaolong at mabilis na itinaas ang kaniyang dalawang kamay.

Agad na rin itong tumalon pababa ng nasabing kabayo na isa palang pambihirang Dragon Horse.

"Kuya, bakit di niyo po ako ginising ng maaga, nakakahiya po." Inosenteng sambit ng batang si Li Xiaolong na makikitang mukhang sabog ang malagong buhok nito sa kaniyang uluhan.

Ngunit bigla na lamang nagsalita si Li Jianxin sa isang gilid.

"Aba aba, ako na sana ang gigising sa'yo eh kaso si kuya Night Spider mo nalang daw ang gigising sa iyo eh." Tila nanghihinayang na sambit ni Li Jianxin habang ipinapatunog nito ang kaniyang sariling mga buto sa daliri. Malademonyong nakangisi pa ang magandang dalagang si Li Jianxin na nakatingin sa batang si Li Xiaolong na animo'y parang isa ito sa kaniyang target.

Napayukot naman ang mukha ng batang si Li Xiaolong. Naalala niya kasing ang kaniyang itinuturing na magandang Ate na si Li Jianxin ay kilala sa pagiging amasona at kahit siya ay nakaranas na ng katangian nito. Kapag kasi siya ang gigising sa mga taong natutulog ay tinutulak niya ito ng marahas sa higaan lalo na ang mga tulog mantikang mga tao.

"Wahhhh... Salamat kuya Night, niligtas mo ako sa paparating na delubyo sana huhu...!" Sambit ni Li Xiaolong habang mabilis itong tumakbo at napakapit sa likod ni Night Spider.

Tiningnan naman ng lalaking si Night Spider si Li Jianxin.

"Hmmm... Binibiro lang naman kita Xiao² eh." Natatawang sambit ni Li Jianxin.

Ngunit maya-maya pa ay biglang tumakbo ang kabayo na pagmamay-ari ng lalaking si Night Spider at mabilis na hinawakan sa likod ni Night Spider si Li Jianxin habang tinakpan naman nito ang bibig ng batang si Li Xiaolong.

WHOOOSH!!!!

Sa isang iglap lamang ay naglaho na parang bula sina Li Jianxin at ang batang si Li Xiaolong maging si Night Spider.

Dito ay natagpuan lamang nila ang kanilang sarili sa madilim na parte ng lugar kung saan ay nasa mataas na parte ng isang abandonadong gusali.

"Ano'ng nangyayari kanina Night Spider?! Bakit tayo umalis kanina doon?!" Sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin habang makikita ang labis na pagtataka nito sa pangyayaring naganap kani-kanina lamang.

"Oo nga po Kuya Night, ano po ba ang nangyayari kanina?!" Inosenteng sambit ng batang si Li Xiaolong habang nagtataka sa nangyayaring ito.

Tila mayroong dalawang pares ng matang nagtatakang nakatingin sa kinaroroonan ng lalaking si Night Spider.

"Ah eh... I guess kailangan niyong malaman ito. Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na napakadelikado ng Wind Fury Kingdom dahil ang kahariang ito ay binubuo ng mga martial artists na nagmula sa mga tribo angkan o pamilya ng mga Martial Arts Experts o mga Cultivators. Iyon nga lang ay ito ang dahilan kung bakit hindi matiwasay ang lugar na ito dulot ng mga pasaway o mga kriminal na kumukubli at nanggugulo rito. Ang mga nadaanan o namataan niyong dumaraan kanina ay  puro mga martial artists ang mga iyon at kapag nagpakita sila sa pampublikomg lugar ay normal lamang ngunit ang iba ay mga sikretong mga eksperto ng kaharian ng Wind Fury." Mahabang salaysay ni Night Spider habang makikita ang labis na awkwardness na nararamdaman nito lalo pa't hindi niya na-inform sina Li Jianxin lalo na ang batang si Li Xiaolong.

"Huh?! Kung ganon naman pala eh bakit mo pa kami dinala rito eh napakaraming mga eksperto naman pala ng lugar na sa sakop ng Wind Fury Kingdom bakit dinala mo pa kami rito lalo na si Xiao². Gusto mo ba kaming mapaslang ng buhay dito?!" Sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin habang makikita ang halo-halong emosyon na nakapaskil sa mukha nito maging sa nag-iitimang kulay ng dalawang mata nito.

"Hindi mo kasi naintindihan Jianxin. Ang kaharian ng Wind Fury ay isang tunay na kaharian ng mga Martial Artists. Hindi naman ibig sabihin niyon ay napakaraming 10th Grade Martial Talent ang ipinapanganak kada buwan o taon dito. Ang bawat angkan, tribo at mga pamilya na naririto ay mayroong mga Power Struggle at ang pagrecruit ay talagang pahirapan. Do you think pupunta ako sa ibang kaharian para maglakbay at magpakasaya lamang?!" Sambit ng lalaking si Night Spider habang makikitang pinipigilan nitong maging emosyunal.

Ngunit tiningnan lamang siya ng malamig ng magandang dalagang si Li Jianxin mata sa mata.

"10th Grade Martial Talent?! Nagpapatawa ka ba? Kailan pa nagkaroon ng ganoong klaseng talento ha? May lumitaw bang 10th Grade Martial Talent sa Green Valley? O sa buong kaharian ng Sky Flame Kingdom ay mayroon bang may Martial Talent na ganon?! Napakaimposible ang sinasabi mo dahil walang ganon!" Hindi mapigilang magtaas ng boses ang magandang dalagang si Li Jianxin sa narinig niyang sinabi ng lalaking si Night Spider. Sino ba naman ang maniniwala sa sinasabi nitong 10th Grade Martial Talent? Kahit ang pinakatalentadong Martial Arts Expert na si Li Mo na naglilingkod sa Hollow Earth Kingdom ay isang Superior 6th Grade Martial Talent lamang at siya ay isa lamang Inferior 6th Grade Martial Talent, ano pa kaya ang 10th Grade Martial Talent?! Kung magkakaroon ang sinuman ng ganito kataas na talento ay siguradong magiging super genius ito.

"Hahahaha... Nagpapatawa ka ata Binibining Li Jianxin. Paano makakasurvive ang isang kaharian kung walang ekspertong namamalagi o namamahala sa nasabing kaharian, malamang ay baka isang araw lamang ang nakalilipas ay baka nasakop o nasira na ng tuluyan ang isang kaharian sa isang iglap lamang hahahaha!!!!" Seryoskng sambit ng lalaking si Night Spider habang nakatingin sa mata ng dalaga.

Nanlaki na lamang ang mata ng magandang dalagang si Li Jianxin maging ang batang si Li Xiaolong ay nakikinig lamang sa pinag-uusapan ng dalawang nilalang sa kaniyang harapam. Nangunot pa ang noo nito sa pinag-uusapan ng dalawa dahil maging siya ay tila nabalot ng kuryusidad da pinag-uusapan ng mga ito. Alam naman at matalinong bata si Li Xiaolong kaya alam niya ang tinutukoy ng mga ito kahit na bawal makinig sa pinag-uusapan ng dalawang nilalang na nasa kaniyang harapan.