Chapter 29

Hahaha... Hindi naman iyon malulugi o ikalulugi ng bawat mga kaharian dahil mayroong tinatawag na tax o buwis na binabayaran ang mga iba't ibang sektor lalo na ng mga Sect, mga negosyante, mga auction houses, mga maharlikang mga pamilya, mga maliliit o malalaking tribo at mga angkan at marami pang iba nang sa ganon ay hindi lamang ang paaralan ang pinagkakagastusan nito maging ang mismong kaharian at mga taong nangnagailangan ng tulong." Seryosong pagpapaliwanag ng lalaking si Night Spider habang makikita ang labis na pagtataka sa mukha ng batang si Li Xiaolong. Hindi niya aakalaing matalino din ang batang ito ngunit sa hirap ng buhay ng angkan ng mga Li at pili lamang ang maaaring matuto sa kanila lalo pa't kapos ang kanilang mga resources.

"Pagpasensyahan mo na siya Ginoong Spider. Alam mo namang wala pang alam ang batang si Li Xiaolong patungkol sa mga bagay-bagay lalo na sa sistema ng distribution ng bawat pagpapatakbo ng isang kaharian hehe..." Sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin. Hindi siya nahihiya sa ginawang pagtatanong ng batang si Li Xiaolong ngunit nakakahiya siya sa kaniyang sarili lalo na sa kalagayan ng kanilang angkan. Yung tipong gipit talaga sa kaalaman at Cultivation Resources ang Li Clan. Hanggang ngayon ay halos kaunti laamng ang naging contribution niya sa kaniyang angkang pinagmulan. Hindi maipagkakailang may inis at galit siya sa Sky Flame Kingdom. Kung hindi dahil sa panggigipit ng mga ito ay tiyak na makakaraos pa kahit papaano ang kanilang angkan lalo na ang mga batang henerasyon na naisisilang buwan-buwan o taon-taon. Hindi niya mapigilang makaramdam ng panliliit sa kaniyang sarili ngunit pinipilit niyang wag ipakita ito.

"O siya umalis na tayo rito at magsimula ng maglakbay papunta sa paaralang aking kinabibilangan. Wag kang mag-alala batang Li  Xiaolong dahil masasagot ang tanong mong iyan sa oras na makapasok ka sa loob ng paaralan at maging ganap na estudyante."nakangiting sambit ng lalaking si Night Spider sa batang si Li Xiaolong. Nilapitan niya pa ito at ginulo-gulo ang buhok nito.

Matapos niyon ay nauna na itong maglakad.

Sumunod na lamang sa paglalakad ang dalagang si Li Jianxin kasama si Li Xiaolong na nag-umpisa na ring maglakad sa likuran ng lalaking si Night Spider.

Maayos naman at matiwasay nilang binaybay ang daan sa pasikot-sikot na daan sa bangketa. Medyo nalito lang ang batang si Li Xiaolong sapagkat nakita niyang halos pare-parehas ang mga disenyo ng bahay na nadadaan nila sa bangketa ngunit tahimik lamang itong sumunod sa likuran ng lalaking si Night Spider.

Namalayan na lamang ng batang si Li Xiaolong na biglang tumigil ang lalaking si Night Spider maging ang kaniyang magandang ateng si Li Jianxin.Nasa paa ng lalaking si Night Spider ang pares na mata ng batang si Li Xiaolong kaya nalaman nito ang bagay na ito.

Unti-unti nitong itinaas ang kaniyang panangin mula sa kaniyang pagkakayuko at doon ay bumungad sa kaniyang ang napakataas na pader maging ng malapad ngunit naglalakihang dalawang gate.

"Nandito na tayo batang Li Xiaolong. Kailangan na nating magmadaling pumasok dahil may naghihintay na sa atin sa loob." Mahinahong sambit ng lalaking si Night Spider habang mabilis nitong nilingon ang batang si Li Xiaolong.

"Totoo ba to?! Napaka-napakalaki ng gate na ito. Malaki at malawak kaya ang loob ng paaralang ito?!" Sambit naman ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang. Namamangha siyang tingnan ang every corner ng gates maging ng napakataas na pader.

"Ah eh... Opo Kuya hehe..." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis itong lumapit sa pwesto ng lalaking si Night Spider.

Tump! Tump! Tump! ...!

Nag-umpisa namang maglakad ang lalaking si Night Spider habang nakasunod sa kaniya ang batang si Li Xiaolong. Tanging tunog lamang ng footsteps nila ang maririnig sa paligid.

Ngunit parang nakaramdam ng mali ang batang si Li Xiaolong. Parang may nakaligtaan sila.

Hindi nga nagkakamali ang batang si Li Xiaolong at mabilis nitong nilinga-linga ang kaniyang paningin kung saan ay napansin niyang wala sa kaniyang tabi ang kaniyang Ate Li Jianxin.

Doon ay nakita niyang nakatalikod sa kaniya ang kaniyang Ate Li Jianxin.

Bago pa makapasok ng gate ang batang si Li Xiaolong maging ang naunang maglakad na si Night Spider ay bigla itong tumakbo pabalik sa kinaroroonan ng kaniyang Ate Li Jianxin.

"Ate!!!!!!" Malakas na sigaw ng batang si Li Xiaolong.

Napabalikwas naman ng tingin ang magandang dalagang si Li Jianxin nang marinig nito ang sigaw ng batang si Li Xiaolong ngunit mabilis din itong tumalikod.

Naramdaman na lamang ng batang si Li Xiaolong na mayroong humablot sa kaniya at tinangay siya papalayo.

Napakabilis ng mga pangyayaring ito. Nakita na lamang ng batang si Li Xiaolong na nasa loob na siya ng paaralan. Tatakbo pa sana ito papalabas ng gate ng biglang...

PAHHHHH!!!!

dumagundong ang tunog ng pagsara ng nasabing malapad na gate ng nasabing paaralan kasabay nito ang pagkawala ng pigura ng kaniyang Ate Li Jianxin sa kaniyang paningin mula sa labas.

"Ate Jianxin!!!!!!!" Malakas na sigaw ng batang si Li Xiaolong matapos na naglaho sa kaniyang paningin ang kaniyang ate Li Jianxin.

"Halika na Li Xiaolong, naghihintay na ang taong mag-eeksamin sa'yo." Sambit ng lalaking si Night Spider.

Hindi naman umimik ang batang si Li Xiaolong. Makikitang malungkot ang batang si Li Xiaolong at parang nanunubig-nubig ang mata nito na animo'y parang iiyak na.

"Oy, wag kang umiyak Li Xiaolong, andiyan lang ang ate Jianxin mo sa labas. Walang mangyayari sa kaniyang masama." Tila pagpapakalma na sambit ng lalaking si Night Spider sa batang si Li Xiaolong. Dahil alam nitong iiyak na ito anumang oras.

"Eh paano niyo nasabi iyon. Ibalik niyo na ko sa labas. Palabasin niyo ko dito Kuya parang awa mo na. Di ako sasama sa'yo kung di ko kasama ang ate Jianxin ko!" Sambit naman ng batang si Li Xiaolong. Tila may himutok ito sa ginawang biglaang pagdampot sa kaniya ng kaniyang Kuya Night Spider.

Tila lumambot naman ang puso ng lalaking si Night Spider nang makita ang reaksyon ng batang si Li Xiaolong. Ganitong-ganito rin siya noon maging ang iba pang bata rito ngunit mas malala lamang ang pangyayari sa batang ito lalo pa't first time nitong mawalay sa pamilya nito o itinuturing nitong kamag-anak katulad ng dalagang si Li Jianxin.

"Naintindihan ko ang gusto mo bata ngunit hindi maaaring pumasok sa paaralan na ito ang estudyante ng ibang paaralan lalo na ng estudyante mula sa ibang kaharian." Malumanay na pagkakasabi ng lalaking si Night Spider. Maging siya ay nahihirapan mag-explain rito.