Chapter 236

"Hehe... Hindi naman maaaring ikaw ang makakakuha ng bulaklak ng White Lily. Hindi kami makakapayag!" Sambit ng babaeng Early Pulse Condensation Realm Expert habang makikita sa mukha nito ang ibayong inis. She don't want to be taken advantage again. Not this time for sure.

"Tama, pare-pareho tayong pumunta rito but in the end, you just only benefit tapos kami hindi?!" Mapait na saad ng lalaking Early Pulse Condensation Realm Expert habang makikita ang labis na galit sa tumatayong lider nila.

"Nagpapatawa ka siguro? Hindi ka namin lider. No one wants you at mas lalong ayaw naming sayo mapunta ang premium herbs na ito!" Sambit ng isang babaeng Middle Pulse Condensation Realm Expert. Walang ni isa sa kanila ang gustong galamay lamang ng lider nilang ito o sinumang nilalang.

"Hahaha... Nagpapatawa siguro ang pesteng lider daw natin. Kung alam mo lang kung gaano ka namin kinamumuhian!" Sambit ng isang lalaking Middle Pulse Condensation Realm Expert. Hindi siya makakapayag na utos-utusan o susunod na lamang sila sa anumang ipinag-uutos sa kanila ng tumatayong lider nila.

" Hehe... mabuti at nagdesisyon na kayo sa sarili niyo. Then, I won't be merciful to all of you!" Sambit ng lalaking Late Pulse Condensation Realm Expert na siyang tumatayong lider ng grupong ito. Mabilis nitong inilabas ang espadang nasa ilalim ng katubigan matapos nitong bunutin sa mismong hilt na nakakabit asa bewang niya.

"Then, we are not also hmmp!" Sambit ng babaeng Middle Pulse Condensation Realm Expert habang mabilis nitong inilabas ang latigong nakatago lamang sa bewang nito.

Nagkatinginan naman ang mga ito at mabilis na ring inilabas ng tatlong kasamahan nito ang mga sari-sarili nilang nga sandatang pagmamay-ari.

Bago pa man makaatake ang lider ng grupo ng mga Pulse Condensation Realm Experts ay nakaramdam oto ng labis na sakit sa kaniyang sariling paa nang maramdaman nito ang pagsagpang ng isang nilalang sa ilalim ng katubigan.

Gumuhit ang labis na sakit sa mukha nito kasabay nito ang pagbulwak ng dugo sa ilalim na parte ng katawan nito na humalo sa tubig.

Nahintatakutan naman ang apat na kasamahan nito ngunit nagulat na lamang ang mga ito ng mabilis silang bumulusok sa dulo ng lawa sa pamamagitan ng marahas na paghampas ng buntot ng nilalang sa kanila.

BANG! BANG! BANG!

Bumulusok naman ang mga ito sa malalim na parte ng lawa. Hilong-hilo naman ang mga ito sa pangyayaring ito ngunit parang nagising naman ang diwa nila sa narinig nilang sigaw mula sa parteng kinaroroonan nila.

AHHHHHH!!!

Narinig nila ang matinding daing ng tumatayong lider nila. Makita nilang kagat-kagat ng isang dambuhalang ulo ng kulay berdeng ahas ang lider-lideran nila. Nang umalpas ang ulo ng nasabing magical beast na alam nilang ksang Water Snake ay nakita nilang naputol at nawala na ang mismong kaliwang kamay ng tumatayong lider nila.

Natuod sila sa kinalalagyan nila ngunit mabilis silang lumangoy papunta sa pampang para umalis na sa lugar na ito. Alam nilang nasa panganib rin ang buhay nila.

PSH! PSH! PSH!

Rinig na rinig sa buong lugar na ito ang mabilis na pagtunog ng tubig habang kumakampay ang apat na miyembro ng grupo ng mga martial artists na ito. They certainly fear to be also eaten by this vicious behavior of Water Snake.

Ramdam ng lahat ng mga miyembro ng mga Pulse Condensation Realm Expert ang pag-ikot ng tubig. Habang papatagal ay nagiging mas mabilis ang pag-ikot ng tubig na mukhnag hinihigop sila papunta sa gitna nito.

Labis na nabahala at nahintatakutan ang apat na martial artists. Alam nilang napaslang na ang tuamtayong lider nila. Alam nilang ang Water Snake ay mahihirapan silang labanan ang nasabing halimaw na ito. There's no way that it will give them time to get away from the water.

Nakatakas naman ang dalawang Middle Pulse Condensation Realm Expert mula sa umiikot na tubig habang ang dalawang Early Pulse Condensation Realm Expert ay na-stock sa umiikot na tubig.

"Tulungan mo ko please!" Naghihinang sambit ng babaeng Early Pulse Condensation Realm Expert habang nakakainom na ito ng tubig ngunit pinipilit pa ring labanan ang pagkakalunod nito sa umiikot na tubig.

"Pakiusap, tulungan niyo ko. Ibibigay ko ang lahat ng kayamanan ko!" Sambit ng isang lalaking Early Pulse Condensation Realm Expert habang makikitang gusto na nitong i-bribe ang sariling kayamanan na meron siya.

Ngunit kaibahan sa kanila ay walang lingon likod na lumangoy ng mabilis papalayo ang dalawang Middle Pulse Condensation Realm Expert. Makikitang tila wala silang pakialam sa mga ito kung anuman ang masamaang mangyayari sa mga ito.

Hanggang sa mabilis ang dalawang Early Pulse Condensation Realm Expert na pumailalim tandang nalunod ang mga ito sa umiikot na tubig (whirlpool). Talagang nakakalunos na pangyayari ang sinapit ng mga ito sa kamay ng batang si Li Xiaolong. Nawalan sila ng buhay sa kamay ng isang batang lalaking kalaban nila which is really surprising but given that Li Xiaolong is not an ordinary martial artist nor an average one, this doesn't even count.

Nakita at nasaksihan ang lahat ng pangyayaring ito ng batang lalaking si Li Xiaolong. Hindi siya nakaramdam ng awa sa mga ito lalo na at lahat ng mga ito ay mayroong kasamaang itinatago. They have an evil intentions and unpure hearts so they deserve a natural death that fall on their own lives.

Nakita naman ni Li Xiaolong ang pagpunta ng dalawang Water Snake sa malapit sa pampang kung saan doon papunta ang nasabing dalawang Middle Pulse Condensation Realm Expert. Napakabilis ng paglangoy ng mga ito na siyang ikinangiti ng malawak ng batang si Li Xiaolong.

"This is the right timing for me!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang nakita niya ang mahahabang baging na malapit sa batuhang pinagkukublian niya. Agad na hinawakan niya ito at masasabi niyang matibay naman ito at kayang buhatin ang bigat niya.

Walang inaksayang oras ang batang si Li Xiaolong at mabilis na humawak sa nasabing mahabang baging na nakalaylay lamang sa katubigan at batuhan. Mabilis na nag-swing paabante ang kinakapitan niyang matibay na baging at sa isang iglap ay mabilis niyang narating ang gitnang parte nang nasabing kinaroroonan mismo ng White Lily.

Agad na hinablot ng mabilisan niya ang nasabing bulaklak ng White Lily. Matamgumpay niya naman itong nagawa at gamit ang nasabing mga matitibay na mga baging ay mabilis na ginamit niya ang mga ito upang makapagswing forth papunta sa kabilang dulo ng lawa.