Chapter 37

Hindi nagtagal ay tanging ang batang si Li Xiaolong na lamang ang natirang batang nakapila sa Open Ground Stadium kung saan ay pinagtitinginan siya ng mga tao rito. Hindi maipagkakailang ang damit nito ay kahit malinis ay masasabing kupasin na ito at napakaluma na. Parang madugis din tingnan ng buhok nito pero kung titingnang maigi ay malinis naman ang batang si Li Xiaolong.

Ngunit ang nakikita ng mga manonood at impresyon ng mga ito ay kitang-kita kung paano tumalim ang mga pares ng mga mata noto kung makatingin sa batang si Li Xiaolong. Yung tipong parang matatalim na kutsilyong pilit na bumabaon sa kaluluwa ng batang si Li Xiaolong.

Nagsimula namang magbulung-bulungan ang mga manonood na estudyante at hindi ang mga ito nahihiyang mas malakas pa sa bulong ang ginawa nilang pagsasalita.

"How pathetic, hindi ko aakalaing may pulubing bata palang nakapasok rito!"

"You're right! Sino ba naman ang nagpapasok sa mabantot na batang iyan!"

"Kaya nga eh. Baka sinalisihan niya lamang ang mga pumapasok noong mga estudyante at nagpahuli para ano? Magpa-grand entrance!"

"Kanino bang anak yan ha?! Base sa cheap nitong pananamit ay nangangamoy bulok ang batang yan!"

"Tawagin nga ang gwardiya ng paaralang ito nang mapaalis na ang batang yan ewww!"

Ilan lamang ito sa naririnig ng batang si Li Xiaolong. Hindi siya bingi para hindi maintindihan ang mga sinasabi ng mga taong ito. Yung tipong ang salitang casual na lumalabas sa mga bunganga ng mga ito ay akala mo kung sinong mga nilalang.

Mukha na ba siyang gusgusin para magmukhang pulubi? Aaminin niyang siya yata ang may pinakakupasing robang damit dito pero hindi naman ibig sabihin noon ay pulubi na siya. Ang importante naman sa kaniya ay malinis naman siya sa katawan at parehas lang naman ang hangin na nilalanghap nila, liba na lamang kung mas mahal yung hanging hinihinga at binubuga nila.

Agad namang lumakad paitaas ng hagdan ang batang si Li Xiaolong kasaby na ipinakita ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang Registration Number at may pangalan niya sa likod niyon.

Tumango naman ang Host sa batang nagngangalang Li Xiaolong. Yung tipong maging siya ay hindi maipagkakailang jinudge ang katauhan ng Batang ito. Hindi niya aakalaing ang batang ito ay kayang magbayad ng 1000 gold coins na siyang hindi siya makapaniwala. Base sa damit kasi nito ay napakaluma at napakakupasin na.

Kahit kasing sabihing public Martial Arts School lamang ang Shangyang Academy ay nakaya nitong makipagkompetensiya sa mga Exclusive Martial Arts School. Suportado din sila ng Wind Fury Kingdom kaya nakakasiguradong ang kanilang paaralan ay hindi maaaring tapakan lamang ninuman. Isa rin silang prestirhiyosong paaralan sa simula pa lamang.

"Sino kaya ang tumulong sa batang to, talagang malaki ang 1000 gold coins para sa registration fee lamang. Sinong mag-aakalang mag-aaksaya ng ganon ang taong nasa likod ng batang ito." Makahulugang sambit ng nasabing host sa kaniyang isipan lamang. Ayaw niya namang maging unfair rito at wala naman itong nilabag na rules ng event na ito. Ngunit maging siya ay umaasang mag-iiba ang ihip ng hangin at maipapakitang malakas din ito.

Bigla namang nanahimik ang lahat ng manonood sa kanilang nasaksihan. Namali lamang pala sila ng inaakala. Ngunit hindi pa rin maiwasang magkaroon ng bulung-bulungan sa parte ng mga manonood.

"Hindi ko aakalaing may pera pala ang bubwit na yun. Nakakamangha."

"Nakakamangha nga eh hmmmp! Saan niya kaya yun napulot."

"Ano'ng napulot, sigurado akong ninakaw niya ang pambayad ng registration number nito."

"Oo nga eh, malamang ninakawan nito ang kapwa-estudyante nito kanina. Palibhasa anak ng magnanakaw!"

Halos kumulo naman sa inis at galit ang lalaking si Night Spider habang nakakubli lamang ito sa gilid sa parte ng mga manonood. Hindi kasi nito alam na kahit ang batang si Li Xiaolong ay hindi pinalampas ng mga estudyanteng ito. Napaka-immature ng mga ito kung tutuusin. Nagpipigil lamang siya ng kaniyang sarili dahil sa school rules.

"Galingan mo sana batang Xiaolong. Hindi kita matutulungan ngayon."simpleng sambit ng lalaking si Night Spider habang mayroong halo-halong emosyon ang makikita sa mata nito.

Napatahimik ang lahat ng biglang lumakad ang batang si Li Xiaolong sa mismong Giant Boulder. Nakita nito ang kabuuan ng Giant Boulder sa malapitan. Kahit na may lumot-lumot ang mga ito ay nakikita ng batang si Li Xiaolong na parang bago pa rin ito tingnan liba na lamang sa mga mahahabang scratches nito.

Nagulat na lamang ang batang si Li Xiaolong nang tingnan niya itong mabuti, parang mistula itong kalmot ng isang dambuhalang nilalang. Kung cracks lamamg ito ay malamang sa malamang ay pare-pareho lamang sana ang magiging textures at shapes ng mga ito ngunit hindi ito madaling ma-identify.

Agad niya munang ikinubli ang mga bagay na ito at pinagmasdan pa ang ibang parte ng nasabing Giant Boulder.

Ngunit nang makita ito ng karamihan ay bigla na lamang bumulanghit ng katatawa ang mga halos lahat na manonood sa batang si Li Xiaolong.

"Ano ba ang ginagawa ng batang pulubing iyan?! Mukha bang study room ang lugar na to?!"

"Ngayon lang ba nakakita ng Giant Boulder ang batang iyan?! Napakaignorante naman!"

"Tama ka,  baka binayaran lang yan ng sa isa sa mga kapwa former student natin para pagtripan tayo hahahaha!"

"Oo nga, naalala ko pa noong nakaraang taon, ganon na ganon rin ang ginawa ng ibang mga estudyante eh!"

"Nagsasayang lamang sila ng pera para lamang sa live show na ito?! Napakahanep naman nito!"

"Astig naman nito. I bet, hindi alam ng batang ito kung paano paganahin ang Giant Boulder hahahaha!!!!"

Halos lahat ng mga sinasabi ng mga ito ay puro negatibo at nakakasakit sa damdaming mga salita.

Hindi na nakatiis pa ang lalaking si Night Spider at mabilis itong lumakad paalis ng lugar na ito. Plano niyang puntahan ang batang si Li Xiaolong upang pauwiin na. Tila na nagsisisi siyang dalhin dito ang batang si Li Xiaolong. Yung tipong napakamataponre at mapangmata ang mga estudyante rito. Oo, tinatak man sa kanila na malalakas at talentado lamang ang namamayani sa mga Martial Arts School pero hindi naman sila tinuruang maging mapang-api ng kapwa. Nilulubos din nila ito dahil nasa leave ang Founder at ang iba pang mga matataas na indibiduwal sa likod ng Shangyang Academy. Pero hindi tino-tolerate ito ng iba. Nasa Righteous Path pa rin sila at hindi kaparehas ng mga nasa Evil Path na mga Martial Arts School.

Napansin naman ng isang babaeng estudyante ang lumalakad paalis na si Night Spider.

"Kyaahhhh! Si Night Spider ba yun?! Si Night Spider nga!"

"Hala, totoo ba to? Pakisampal nga ako?! Kyahhh!"

PAKKKKKKKKKK!!!!!!!!

"Aray ko naman! Bakit napakalakas naman ng sampal mo ha?!"

"Para magising kang akin lang siya. Over my dead body!!!!"

"Night Baby, pansinin mo kami!"

Hindi lamang ang mga kababihan ang napalingon kundi maging ang mga kalalakihan din.

"Oii mga pre, si Night Spider yun oh! Di ko aakalaing nandito ang isa sa 5 Aces!"

"Oo nga pre! Idol ko pa naman yan!"

"Idol mo nga pero di ka papansinin niyan ulol!"

"Libre mangarap dude! Kahit ako di kita kakaibiganin eh!"

"Gusto mo ng away ha?! Pagbibigyan kita!"

Tila nagkarambulan naman ang parte ng lugar na ito sa mga manonood kung saan ay mabilis rin namang naawat ang mga ito ngunit wala na ang pigura ng lalaking si Night Spider.