Chapter 46

"Oo na, nagbabasakali lang ako kung mayroon akong paraan para makapasok sa lugar nila at makakuha ng Kingdom badge." Pag-amin ng batang si Li Xiaolong hàbang nakatingin sa hayop na nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Hmmp! Alam mo namang napakadelikado ng ginawa mo. Akala mo ay ganon lamang kadali ang makakuha ng Kingdom Badge?! Hindi sapat ang sarili mong kakayahan lalo na ng kasalukuyang lebel ng Cultivation ang nasabing badge ng mga ito." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Paano mo nalaman iyon. Paano naman ako makakakuha ng Kingdom badge kung gayon?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong.

"Para makakuha ng Kingdom badge ay nakadepende sa amount ng merits na makukuha mo. Masasabi kong ang tanging pag-asa mo lamang ay pumunta sa Dou City para kumuha ng mga misyon. Napakahirap ng paglabas at pagpapasok ng mga nilalang at mga produkto sa loob ng Dou City kaya masasabi kong napakahirap sa katulad mo ang mga bagay na ito. Kailangan mong makakuha ng Dou Badge.

Dou Badge?! Ang legendary Badge ng Dou City? No way!" Tila puno ng pag-aalinlangang sambit ng batang si Li Xiaolong ang sinabi sa kaniya ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Alam niya kung gaano kahigpit at kahirap ang makakuha ng Kingdom badge pero ang Dou Badge ay mas napakahirap that close to impossible. Kung baga ay maghahalo ang dugo at balat mo sa tinalupan bago mo makuha ang Dou Badge. Alam ng lahat na ang Dou Badge ay isang legendary badge na ang tanging may hawak o mayroon nito ay isang legendary figure at mga malalakas na eksperto.

"Hahaha... Isa kang mangmang batang Xiaolong. Ang Kingdom badge ay isang public badge ng alinmang mga kaharian katulad na lamang ng Wind Fury Kingdom at ibang kaharian. Diba ayaw mong masangkot ang alinman sa mga kaharian?! Kapag nagkaroon ka ng Kingdom badge ay maililista na ang pangalan mo sa nasabing kaharian at hindi na iyon mabubura sa kasaysayan ng alinmang kaharian. Tiyak na gugulo pa ang sitwasyon. Ang Kingdom badge ay isa lamang entry patungo sa mismo sa pangalawang bahagi ng Dou City." Mahabang pagkakasabi ng Quoll na si Fai habang ini-explain niya ito sa batang si Li Xiaolong.

"Kung ganon ay sinasabi mong useless din ang Kingdom badge?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang gulong-gulo pa rin ang isip niya. Medyo magulo pa rin kasi sa kaniya ang sinasabi ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Exactly pero hindi naman sa ganoon dahil makakapasok ka sa pangalawang bahagi o areas ng Dou City at maaari kang bumalik sa unang bahagi ng Dou City pero ang kingdom badge ay isang risky badge. Take note, hindi totoong lahat ng nakakakuha ng Dou Badge ay legendary figure tanging malalakas at matatalino lamang ang mga ito para makapag-set ng records o malaki ang naging contribution na ginawa nila sa Dou City." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang nakatingin ito sa batang si Li Xiaolong.

"Ganon pala. Mabuti na lamang at hindi ako natuloy sa Shangyang Academy kung gayon. Pero paano ako makakakuha ng Dou Badge?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong.

"Don't worry bata, makakakuha ka ng Dou Badge ngunit hindi ito guaranteed na makakapasok ka agad sa Pangalawang bahagi ng Dou City." Simpleng sagot na lamang ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Talaga ba. Pero bakit ako makakakuha kaagad ng Dou Badge?! At kanina pa ko nagtataka sa pangalawang bahagi ng Dou City. Isa ba itong lugar na siyang Dou City rin o hindi?!" Pagtatanong ng batang si Li Xiaolong sa nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Oo, makakakuha ka agad dahil ang Cultivation Requirement ng indibiduwal na makakakuha nito ay isang Houtian Realm Expert pataas. Isa kang Xiantian Realm Expert kaya guaranteed na makakakuha ka nito. Patungkol naman sa pangalawang bahagi ng Dou City na sinasabi ko ay totoo ito. Bawat lugar sa Dou City ay mayroong boarderlines at ang unang boarderlines ay isang para sa pampublikong mga lugar lalo na ng pamilihan. Sa pangalawang Boarderlines ay eksklusibo lamang sa mga nilalang na martial artists na may Dou Badge maging ng mga mayroong Cultivation Level na Houtian Realm Expert pataas. Napakalawak ng Dou City at napakadelikado ng buong lugar kasama na rito ang Unang Area na siyang pampublikong lugar. Hindi mo alam na nAkakasalamuha mo na pala ang mga malalakas na eksperto ng hindi mo namamalayan." Mahabang salaysay ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang nakatingin ito sa batang si Li Xiaolong. Seryoso ito sa kaniyang pagsasalita.

"Ganon pala iyon. Sa susunod na buwan ay babalakin kong makapunta na roon." Sambit ng batang si Li Xiaolong.

"Huh?! Bakit sa susunod na buwan pa kung pwedeng ngayon na o pwedeng bukas nalang diba?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang tila nagtataka ito sa tinuran ng batnag si Li Xiaolong.

"Hindi pwede. Kapag umalis ako ngayon o bukas ay siguradong mahihirapan ako or worst ay hindi ako makakapunta doon. Andun si Ate Jianxin ko at baka makita niya ako. Konti pa naman ang dala nito at hindi ako makakatakas sa kay Ate. Siguradong ibabalik niya ko rito sa kahit na anong paraan." Malungkot na saad ng batang si Li Xiaolong.

"May punto ka rin naman pero One Month?! Sigurado ka ba diyan?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Oo naman. Hindi ko naman alam ang papunta roon ngunit mayroong nangangalakal ng mga agrikulturang mga produkto mula sa Li Clan papunta sa Dou City. Isa pa ay di alam ang papunta doon eh." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nagkakamot ng batok.

"O siya sige. Payag na ko pero ano naman ang gagawin mo sa isang buwan simula ngayong araw?!" Tanong naman ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang nakatingin ito sa batang si Li Xiaolong na may labis na pagtataka.

"Pag-aaralan ko lang naman ang isa sa mga Cultivation Manuals na gusto kong matutunan sa tinatapakan mo. Magkakaroon ng mga physical training at pag-eensayo ng aking kakayahan at abilidad. Tutulong din ako sa aking mga magulang." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang kaseryosohan sa tono ng pananalita nito.

Pero batang Xiaolong, matanong nga kita kung paano mo sasabihin ito sa mga magulang mo?! Siguradong mag-aalala sila sa'yo sa oras na mawala ka dito at hindi ka mahagilap ng mga magulang mo?!" Tanong ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang makikita ang labis na pangamba.

"Akong bahala. Sisiguraduhin kong sa oras na malaman nila iyon ay magiging mabuti ang kalagayan ng Li Clan kahit papaano." Makahulugang sambit ng batang si Li Xiaolong habang mababakas na seryoso ito sa kaniyang sinasabi.

"Ano ang binabalak mo batang Xiaolong?!" Tila hindi mapakali naman ang Quoll na si Fai.