Chapter 51

Maya-maya pa natigil ang pag-uusap ng nagsasalitang Quoll na si Fai at ng batang si Li Xiaolong nangapansin nila ang biglang pagbulwak at animo'y pagkulo ng napakapulang tubig.

"Bata, lubhang napakadelikado ng sa atin kung dito tayo pupwesto. Dapat ay nasa malayo tayong lugar baka bigla na lamang tayong atakehin ng mga nilalang sa ilalim ng katubigang iyan." Suhestiyon ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tila ba hindi ito komportable sa kasalukuyan nilang pwesto at distansya sa nasabing Bloody Gem River.

"Ano ka ba naman Fai, wag kang mag-alala, hindi tayo mabibiktima ng mga nilalang na nasa ilalim ng Bloody Gem River. Isa lamang silang nilalang na tanging instinct lamang ang gumagana sa mga ito at natural behavior lamang ang kanilang ginagawa." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakangiti.

"Hmmm... Okay, basta kapag inatake tayo ng mga halimaw na yan didistansya agad tayo sa kanila." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Oo,pangako. Hindi naman tayo malalapitan ng mga malalakas na nilalang na iyan. Tiyak akong mamamatay sila kapag ginawa nila iyon." Makahulugang sambit ng batang si Li Xiaolong kung saan ay may nakapaskil na ngisi sa mapupulang labi nito.

"Sigurado ka ba diyan bata?! Hmmm... Tingnan ko nga kung ano namang espesyal na gagawin mo hehehe!" Nakangisi na ring sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Napaka-unpredictable kasi ng batang si Li Xiaolong. Hindi na niya ikakagulat pa kung may inihandang surpresa pa ito mamaya at sa hinaharap.

"Oo naman." Simpleng sagot ng batang si Li Xiaolong habang tinitingnan ang tila ba bumubulang kulay pulang tubig sa lawa.

Nagulat na lamang si Fai nang biglang lumitaw sa harapan ng batang si Li Xiaolong ang nasabing isang magical beast. Ito ay isang Green Poison Fish na ang kakayahan nitong lasunin ang mabibiktima nito sa pamamagitan lamang ng pagdikit ng balat nito sa prey nito kung saan ay kaya nitong palabasin ang lason sa pamamagitan ng kaliskis nitong maraming malalaking mga butas.

"Ilag!!!!" Sigaw na babala ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tila ba hindi ito makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

Ngunit bago pa atakehin nang nasabing magical beast na Green Poison Fish ang batang si Li Xiaolong ay hindi inaasahang pangyayari ang bigla na lamang naganap.

Biglang lumiwanag ang malahiblang mga tila linyang bigla na lamang lunitaw out of nowhere kung saan ay tila may mga maliit na mga bato ang bigla na lamang nagliwanag sa bandang dulo ng ilog at sa bandang kinaroroonan malapit sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong.

Biglang lumitaw sa kamay ng batang si Li Xiaolong ang isang maliit na kakaibang karayom kung saan ay kulay pula ito.

Masasabing kakaibang karayom talaga ito sapagkat ang karayom ito ay tila ba naglalaman ito ng kakaibang enerhiya maging ang dulong patulis na bahagi ng nasabing needles na ito ay napakakakaiba.

"Isang Xiantian Needle?! Ngunit bakit nararamdaman ko ang enerhiya mula sa Bloody Gem Crystal sa bagay na ito?! Hindi kaya...?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang labis na nagulat sa kaniyang nasaksihan. Tila ba hindi niya alam kung gaano kalalim at kalawak na ang na-embark ng batang si Li Xiaolong sa edad nitong anim. Tila ba isang balong hindi masukat ang lalim nito.

"Oo, isang Xantian Needle ito. Bakit ka nagulat eh isa naman akong Xiantian Realm Expert. Normal lamang na maka-condense ako at makalikha ng ganitong klaseng armas sa pamamagitan ng aking Essence Qi. Hindi naman iyon kataka-taka pa." Sambit ng batang si Li Xiaolong.

Mabilis nitong ibinato ang kaniyang Xiantian Needle papunta sa direksyon ng nasabing halimaw na Green Poison Fish. Ang kaniyang sariling pagbato ay tila ginamitan niya ng natutunan niyang basic training sa Cultivation Manual niya na Asura Art of Divinity.

Tila ba nagulat na lamang ang batang si Li Xiaolong at ang magsasalita pa sanang si Fai sa sumunod na nangyari.

BAAAANNNNNGGGGGGGG!!!!!

Nang pumasok ang nasabing Xiantian Needle sa katawan ng halimaw na tinatawag na Green Poison Fish ay bigla na lamang lumubo ang katawan nito at biglang sumabog ng napakalakas ang katawan nito kung saan ay nagkapira-piraso ito.

"Ehhh... Talagang lumakas ng tuluyan ang aking atake. Hindi ko aakalaing ang aking ordinaryong Xiantian Needle ay lumakas pa ng kaunti nang pag-aralan ko ang Asura Art of Divinity hehe..." Sambit ng batang si Li Xiaolong nang mabilis na bumalik sa kaniyang palad ang kaniyang Xiantian Needle.

Napangiwi naman ang nagsasalitang Quoll na si Fai nang marinig niya ang sinabing ito ng batang si Li Xiaolong.  Gusto niyang masuka sa sinasabi nito.

"Hmmmp! Hindi ko aakalain kung nagbibiro ka bang bata ka. Kung mayroon kang personal na tagapagturo sa iyo o kaya Master ay baka sasabihin kong nagyayabang ka pero ang pag-atake mong isinagawa ay tunay na nakakatakot at nakakamangha ngunit ang sabihin mong lumakas ng kaunti ang atake mo dulot ng Asura Art of Divinity ay gusto kong masuka sa sinasabi mo. Isa iyan sa Ancient Cultivation Manual na nasa pangangalaga mo tapos gaganyanin mo lang ha?! Isa sa mga Great Master ang gumawa ng Cultivation Manual na iyan. Kapag narinig ka nilang ginaganyan mo lamang ang kanilang ginawang Manual ay siguradong hindi sila magdadalawang isip na kitilan ka nila ng buhay!" Seryosong sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Hindi ko layuning bastusin ang ginawa nila munting daga o kung ano ka man. Ang aking atake kanina ay lumakas ng limang porsyento lamang. Siguro ay kailangan ko ng magproceed sa pag-aaral ng first part ng Asura Art of Divinity." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang determinasyon sa pares na mata nito.

"Hahaha... How bold! Hindi mo alam ang pinagsasabi mo bata. Isa ka lamang Early Xiantian Realm pero ang minimum Cultivation Level Requirements nito ay nasa Peak Xiantian Realm hmmp!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Oo sasabihin niyang ang lakas ng batang si Li Xiaolong ay maikukumpara ang atake nito sa Middle Stage Xiantian Realm Expert ngunit sa Late Stage Xiantian Realm o Peak Xiantian Realm Expert ay wala pa rin itong laban liban na lamang sa secret move nito dahil mayroon itong Xiantian Needle sa kasalukuyan.

Napatahimik na lamang ang batang si Li Xiaolong. Tila iniisip nito ang sinabi ng nagsasalitang Quoll na si Fai lalo na ang huling sinabi nito. Kahit siya ay alam niyang hindi iyon maaaring mangyari at hindi din siya confident na mapag-aralan ang first part ng Asura Art of Divinity. Ang kaniyang sariling kakayahan ayhindi pa gaano kasapat at baka ikapahamak niya lamang ito kung magpupumilit siya. Naisip niyang medyo mali ang sinabi niya rito.