Chapter 56

Natigil ang pag-uusap ng batang si Li Xiaolong at ng nagsasalitang Quoll na si Fai kung saan ay biglang....

TRROOOOOOOOO!!!!!!!

Tumunog ng malakas ang Bell ng Li Clan kung saan ay naalarma ang batang si Li Xiaolong.

"Hmmm... Tumunog ang Li Clan Bell, masama ito!" Sambit ng batang si Li Xiaolong kung saan ay balot na balot ng pangamba ang kaniyang mukha.

"Umalis na muna tayo bata at pumunta tayo doon. Malamang ay mayroong nangyari na hindi natin alam." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tila maging siya ay nangangamba rin. Hindi niya aakalaing napakaraming nangyari sa mga nagdaang mga araw na ito. Halata niyang ang mas nahihirapan ngayon ay ang batang si Li Xiaolong.

Tumango na lamang ang batang si Li Xiaolong at mabilis na naglakad pabalik sa mismong lugar nila papunta sa Li Clan Hall.

...

Nang makapunta na ang batang si Li Xiaolong sa Li Clan Hall kung saan ay sa malayo palang ay kitang-kita niya na halos lahat ng mga miyembro ng Li Clan ay naririto. Mapamatanda man o bata ay lubhang makikitang nasa malalim silang pag-iisip.

"Ikinalulungkot kong ibalita na ang lahat ng Clan Officials na mga karatig-angkan natin ay napaslang ng mga malalakas na halimaw na lumabas sa kailaliman ng Bloody Gem River. Napakalakas ng halimaw na ito kung saan ay napaslang din nito ang iba pang miyembro. Ngunit ang nakakapagtaka lamang ay bumalik ang mga malalakas na halimaw na ito sa katubigan ng Bloody Gem River matapos nitong mapaslang ang Bloody Gem River." Malakas na sambit ng Clan Chief na si Li San. Tila ba maging ito ay mayroong problemadong ekspresyon na nakapaskil sa mukha nito.

"Kaya nga eh pero sa atin ay parang wala namang umatakeng malakas na nilalang. Weird diba? At kung sino ang gumawa o may kagagawan sa buong Green Valley na ito ay siguradong may balak itong masama sa lahat! ------!" Seryosong sambit ng Li Gong na siyang isang Li Clan Official.

Agad na itinaas ni Li San ng kamay upang patigilin ang sinasabi ni Li Gong.

"Wag niyong pansinin ang sinabi ni Li Gong. Ako na ang bahalang imbestigahan ang mga bagay na ito. Basta ang maaari ko lang ibabala sa inyo ay wag kayong pumunta o lumapit sa Bloody Gem River dahil baka mapahamak kayo. Hindi ko na kasalanan kung ano'ng mangyayari sa inyo at hindi na sagutin ng buong Li Clan maging namin ang lalabag." Seryosong sambit ng medyo may katandaan ng si Li San. Alam nitong kahit siya ay hindi rin alam ang gagawin.

Hindi niya sinabi sa lahat ng mamamayan ang katotohanang ang umatake sa mga Clan Chief ng mga karatig-angkan nila sa Green Valley na ito ay mga Early Xiantian Realm Expert. Siguradong walang kalaban-laban ang mga ito sa mga Clan Chief. Masasabi niyang ang mga umatake ay tila ba ay layunin talagang i-eradicate ang nasabing mga Clan Chief.

Marami pang napagpulungan ang mga ito patungkol sa mga bagay-bagay na concern ng buong mga mamamayan ng Li Clan at natapos rin kaagad ang nasabing pagpupulong ng mga ito.

...

Sa loob ng isang silid ay nag-uusap ang lahat ng mga Li Clan Officials at kasama na rito ang Clan Chief ng mga Li na si Li San.

"Pinatawag ko kayong lahat upang sabihin sa inyo na ginigipit na tayo ng Sky Flame Kingdom. Ang pagkamatay ng mga Clan Chief na karatig-angkan natin ay puro mga Peak Houtian Realm Expert at papatapak na sa Xiantian Realm Expert ngunit sa kasamaang palad ay walang awa silang pinatay ng mga halimaw." Sambit ni Clan Chief Li San.

"Ano ba talaga ang pinupunto mo Li San?! Alam kong mayroon ka pang mahalagang sasabihin sa amin hindi ba?!" Sambit ng isang Elder na si Li Bingwen. Mainitin ang ulo nito at hindi siya yung klase ng taong gusto ng pasikot-sikot na detalye. Matanda ito ng di hamak kaysa kay Li San.

"Elder Li Bingwen, umayos ka ng pagsasalita mo dahil hi------!" Sambit ni Li Gong nang hindi nito mapigilang mapatayo at harapin ang direksyon ni Elder Li Bingwen.

"Anong sinabi mo Little Gong?! Gusto mo bang magk----!" Pagalit na sambit ni Elder Li Bingwen ngunit mabilis silang napatigil nang...

"Huminahon kayong dalawa. Pinatawag ko kayong lahat dahil gusto kong maging pormal ang ating pagpupulungan ngayon. Alam niyo namang may malaking suliranin ang Green Valley diba?! Kung mag-aaway away tayo sa mga sarili natin ay alam nating walang mangyayaring maganda sa atin lalo na sa Li Clan mismong ating pinagmumunuan." Seryosong sambit ni Clan Chief Li San habang makikitang tiningnan nito sina Li Gong at Li Bingwen.

"Hahahaha... So ano ang concern mo Li San?! Ngunit para ipatawag kaming lahat dito ay tunay na ipapakita mo sa amin ang solusyon na naiisip mo hindi ba?! Kapag ikakabuti ng buong Li Clan ay siguradong sasang-ayon ako ngunit kung hindi ay masasabi kong hindi ako makakapayag na aprobahan ito ng lahat." Seryosong sambit ni Elder Li Bingwen habang mabilis na sumingkit ang dalawang pares na mata nito.

"You sure you know me well Elder Li Bingwen. Kailan lang ba ako nagkamali sa aking ginagawang halbang?! Kitang-kita mo naman na nagpapatuloy na nag-eexist ang Li Clan sa aking pamumuno. Hin-----!" Sambit ni Clan Chief Li San habang nakatingin sa lahzt ng naririto.

"Talagang ang kapal din ng apog mong sabihin sa amin iyan. Parang ipagpapasalamat pala namin sayo na patuloy na nag-eexist ang Li Clan dahil sa mahinang klaseng pamumuno mo?! Ang sitwasyon ng pamumuhay at hanapbuhay ng mamamayan ng Li Clan ay patuloy na humihina at naghihirap. Talaga bang gusto mong insultuhin ang sarili mo?! Nakakatawa ka!" Sambit ni Elder Li Bingwen habang makikita ang kamandag at talim sa bawat salitang sinasabi niya rito.

Bago pa magsalita at sumugod si Li Gong ay itinaas muli ni Clan Chief Li San ang kaniyang kaliwang kamay upnag patigilin si Li Gong.

Lihim na napakuyom ang kanang kamay si Clan Chief Li San dahil sa sinabi ni Elder Li Bingwen. Hindi niya maipagkakailang nasaktan siya sa sinabi ng nasabing Elder na ito ng Li Clan. Bilang isang Clan Chief ay hindi dapat masumpungan sa kaniya na papatulan ang nasabing Elder na ito. Matanda na si Elder Li Bingwen at hindi maaaring bastusin ito sa harap ng maraming Li Clan Officials.