Chapter 60

Tila nabigla at namangha naman ang batang si Li Xiaolong sa sinabi ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Pinag-iisipan niyang mabuti ang sinabi nito. Masyadong consoderate naman talaga at open siya sa mga possibilities na tulungan din ang mga ito. Never siyang inalipusta ng mga ito dahil sa kaniyang sariling martial talent. Hindi naman perpekto ang Li Clan dahil mayroon din namang nagmamayabang na mga tao lalo na ang mga bata sa kani-kanilang talento pero it doesn't mean na masama sila o maiitik ang budhi. This is just a confidence and being self worth that lead to self appreciation.

Naisip niyang ang ideya ng nagsasalitang Quoll na si Fai ay reasonable naman. Unang-una pa lamang ay hindi naman siya nag-eexpect sa sasabihin nito. Balak niyang ibahagi ng lucky chances na ito sa kaniyang mga magulangat pangalawa lamang ang piling mga miyembro ng Li Clan hangggang sa ipakita niya ito sa buong Li Clan. Hindi niya naman pagmamay-ari ang mga bagay na ito ngunit ayaw niya lang malaman ito ng iba sa maagang panahon. Uunahin niya pa rin ang kaniyang sariling pamilya kaysa sa iba. Gusto niyang masiguro ang kaligtasan nila kaysa kaninuman maging sa kaniyang sarili.

"Hmmm... Maganda ang naisip mong plano mong iyan Fai. Alam kong darating ang panahon na hindi na rin magiging mabisa ang Blood Gem Crystal upang punan ang aking pangangailangan pagdating sa pagcucultivate at pagpapataas ng lebel ng aking Cultivation sa mas mataas na boundary." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakangiti. Bakas ang kasiyahan nitong ibahagi ang kaniyang lucky chances.

"Tama yan bata, pero sasabihin mo ba ito ng direkta sa lahat ng mamamayan o hindi?  Paano ang magulang mo?" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Hindi niya kasi alam kung ano ang maaaring sabihin nito sa batang si Li Xiaolong dahil hindi naman niya maaaring pangunahan ang batang ito pagdating sa sarilinv desisyon nito. Ang pinakaimportante sa kaniya ay mapabuti ang batang si Li Xiaolong at hindi mapasama.

"Siyempre sa mga magulang ko muna ito ipagsasabi. Masyado kasing hindi appropriate kung lahat agad ng Li Clan ang makakaalam. Magulang ko muna ang palalakasin ko hanggang sa maging mataas ang boundary nila at kaya nilang protektahan ang kanilang sarili. Ang aking kapatid ay maaari ko na ring turuan para lumakas din ito. Ayoko namang mamatay sila ng maaga o mapglipasan sila ng panahon. Gusto ko pang humaba ang buhay nila at makita ang mga nakamit at matagumpay kong pakikipagsapalaran." Masiglang sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang pagiging totoo nito sa kaniyang sarili.

"So bakit nakipagtulungan o nakipagnegosasyon ka pa sa mga clan sa Wind Fury Kingdom?! Alam mo bang masyadong delikado talaga ang ginagawa mong yun hindi ba?!" Pagtatanong ng nagsasalitang Quoll na si Fai sa batang si Li Xiaolong habang makikita ang labis na pagtataka nito.

"Gusto kong bigyan ng panibagong buhay ang magulang ko kung sakaling ang binabalak kong plano ay iba o taliwas sa aking inaasahang resulta. Gusto kong mabuhay sila ng mapayapa at mahabang panahon na malayo sa sakuna. Sa apat na kaharian ay ang Wind Fury Kingdom ang huling maaaring ma-dissolve. Saata ng lahat ay insignificant ang aking mga magulang at kapatid sa lugar na iyon. Napakababa ng porsyentong madamay sila. Kung madamay isla ay mayroong pumoprotekta sa kanila. Pinangako iyon ng dalawang Tribe Chiefs at hindi nila maaaring baliin ang oath nila sa kalangitan kung sakaling di sila tutupad ng usapan." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang labis na katapangan sa kaniyang sariling pananalita.

"Ganon pala. Hindi ko aakalaing sa ganitong edad mo batang Xiaolong ay hindi magkakalayong ang iyong kinabukasan ay masyadong maliwanag at hindi mapapantayan. Ngunit mayroon pa tayong problema batang Li Xiaolong, paano pala ang Li Clan Officials lalo na ang Li Clan Chief? Siguradong hindi sila makakapayag sa gusto mo." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang makikita ang pag-aalinlangan sa boses nito.

"Hahaha... Hindi sila magiging problema sa totoo lang. Lakas ang kailangan sa mundong ito at isa akong Xiantian Realm Expert sa kasalukuyan. Ilang taon lamang ay nasa mas mataas na akong mga boundaries. Kung yun ang inaalala mo." Mahinahong sambit ng batang si Li Xiaolong. Hindi siya nagmamayabang na isa siyang Xiantian Realm Expert. Sinunan ang gustong i-offend ang katulad niyang eksperto ay siguradong naghahanap ng sakit sa katawan.

"Hindi iyon ang gusto kong sabihin batang Li Xiaolong.  Paano mo sila mapapasunod sa kagustuhan mo kung sakaling mangyari ang kinakatakutan natin?! Alalahanin mong hindi normal ang Cultivation Level mo at in no time ay maaaring tumuntong ka na sa Blood Warrior Realm ngunit hindi mo naman maiiwasan na darating at darating sa'yo kung sakali ang mabibigat na suliranin dahil dito or worst ay magiging dahilan pa ito ng pagkawasak ng buong Li Clan." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai na bakas ang labis na pagkakaproblema sa sitwasyong maaaring kakaharapin ng batang si Li Xiaolong. Given na mataas ang Cultivation Level nito na nasa abnormal state dahil sobrang taas ng Martial Talent nito pero maraming magtatangkang lumikha ng gulo sa batang si Li Xiaolong.

"Exactly, siyempre kung magkakaproblema ako ay malamang poproblemahin ito ng buong Li Clan. Kung ayaw nilang maghatid ng kapahamakan sa buong angkang ito ay mananahimik sila. Kung kailangang i-blackmail ang mga tusong opisyales ng Li Clan ay gagawin ko dahil hindi naman ako ang magdurusa mag-isa. Kung sinayang nila ang tiwala at oportunidad na binibigay ko sa kanila ay problema na nila iyon. Gustong lumakas ang kabuuang pwersa nito na hindi mapapansin ng Sky Flame Kingdom ngunit kung walang kooperasyon na mangyayari ay sila pa rin ang babagsakan ng problemang ito. Ako na ang bahala sa mga opisyales na yan lalo na sa Clan Chief na si Li San. Patungkol naman sa Sky Flame Kingdom, edi malamang kung magkakaipitan na man lang ay ako mismo ang lilikha ng gulo sa kanila. Pinabayaan na nila ang Li Clan noon pa lamang at ang paglitaw ng isang Asura Grade Martial Talent ang siyang sasabog sa buong lugar na ito lalo na sa Dou City. Mas maganda kong madadamay lahat para nang magkaalamanan na ang mga bahong tinatago ng Sky Flame Kingdom. Mas nakakahiya ang Sky Flame Kingdom dahil hindi nito binigyan ng mabuting Treatment ang Li Clan dahil sa oras na maging matsgumpay ang plano natin Fai ay kayang-kaya na nating pabagsakin ang Sky Flame Kingdom sa tulong ng Wind Fury Kingdom." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong habang isinasalaysay nito ang buod ng kaniyang mga plano. Hindi nito maaaring baliwalain ang mga maaaring suliraning kakaharapin niya. Kumbaga ay nagtake risk na siya sa bagay na ito.

...