Chapter 81

...

Nang makalapit na mismo ang batang si Li Xiaolong sa nasabing kulay kayumangging scroll ay masasabi niyang nahirapan talaga siyang hanapin ito. Masyado kasi itong malayo sa kinaroonan ng ibang mga Cultivation Manuals (libro) dito idagdag pang walang enerhiyang inilalabas ito o awra man lang. Hindi katulad ng ibang mga bagay na naririto ay tila ordinaryong scroll lamang ito kung titingnan. Kinakailangan niyang gamitin lamang ang paningin at hindi ang paghanap gamit ang kaniyang sariling enerhiya upang madetect nag nasabing kulay kayumangging scroll.

Nang makalapit ang batang si Li Xiaolong sa nasabing scroll ay masasabi niyang tila wala namang kakaiba o espesyal rito.

"Sigurado ba si itay na totoong mayroong Cultivation technique rito na kayang itago ang aking sariling Cultivation Level o baka niloloko niya lang ako?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang.

"Ngunit hindi naman iyon magagawa sakin ni itay lalo na ni Inay. Pero bakit naman ganito, parang pakiramdam ko ay ordinaryong scroll lamang ito." Sambit muli ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang nang maisip niyang hindi naman palabiro ang kaniyang ina na si Li Wenren liban lamang sa tatay niya.

"Hayst tama na nga tong pag-iisip ko at nang matuklasan ko na kung ordinaryong scroll lamang ito o hindi dahil hindi naman siguro ito ordinaryo lamang kung kaya nitong magbigay ng kakaibang concealing technique para sa Cultivation Level ng aking mga magulang" sambit na lamang ng batang si Li Xiaolong habang makkkitang medyo naintriga siya sa nasabing scroll na abot-kamay niya lamang na siyang nagbigya ng kakayahan sa kaniyang mga magulang na sina Li Wenren at Li Qide na iconceal ang kanilang sariling Cultivation Level na nakakamangha. Isa siyang ganap na Xiantian Realm Expert ngunit di niya pa rin natukoy kaagad ang Cultivation Level ng kaniyang sariling ina. Kung iba sigurong malalakas na eksperto ang gumamit ng ganitong klaseng concealing type para iconceal ang kani-kanilang Cultivation Level ay siguradong maghahatid ito ng delubyo sa kung sinumang magbabalak na i-provoke sila.

Habang naiisip pa lamang ito ng batang si Li Xiaolong ay hindi niya mapigilang magsitayuan ang kaniyang mga balahibo sa katawan. Siguradong magiging kawawa ang sinumang susubukang mang-api o manghamak sa kanila.

Dahil sa mga naisip ng batang si Li Xiaolong ay mabilis niyang hinablot ng kaniyang kaliwang kamay ang nasabing scroll. Dito ay mabilis niyang binuksan ang nasabing nakatiklop na scroll pabilog sa pamamagitan ng paglatag nito sa ere.

Doon ay nanlaki ang pares na mata ng batang si Li Xiaolong nang mabasa niya ang nakasulat sa nasabing scroll.

"Totoo nga ang sinabi ng aking ama. Isa ngang concealing type na Technique ito ngunit hindi lamang iyon ang nakasaad rito!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang napasinghap pa ito hindi dahil sa labis na dismaya kundi sa labis na pagkamangha. Hindi lamang iyon dahil ang nakasulat o nakasaad pa rito na nabasa ng batang si Li Xiaolong ay kayang maitago ang iyong Cultivation Level sa ibang mga nilalang na mas mataas ng limang boundary ng Cultivation Level sa iyo.

Tila pakiramdam ng batang si Li Xiaolong ay dinadaya siya ng kaniyang sariling mata dahil sa kaniyang nasaba mula rito. Magsisinungaling ang batang si Li Xiaolong kung sasabihin niyang mataas ang ekspektasyon niya rito ngunit nagkakamali siya sa pag-underestimate nang nasabing tila ordinaryong scroll na ito.

"Akala ko talaga ay niloloko lang ako ng mata ngunit isang pambihirang scroll pala ito na nakapaloob rito ang isang pambihirang concealing type na Technique para itago ang iyong Cultivation Level mula sa ibang mga nilalang. Tunay na nakakamangha!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang labis na kagalakan.

Agad na pinag-aralan ng batang si Li Xiaolong ang nasabing mga instructions na nasakasaad sa nasabing tila ordinaryong scroll.

Sinunod niya ang mga nakasulat rito. Tila ba hindi naman nahirapan ang batang si Li Xiaolong sa pagsunod sa nasabing tamang pag-execute ng nasabing Cultivation Technique na ito sa pagconceal dahil agad niyang naramdaman ang malaking pagbabago sa kaniyang sarili lalo na sa kaniyang sariling dantian at Cultivation level.

Kung hindi siya nagkakamali ay Dantian Concealing Technique ang nakasulat sa nasabing scroll na ito. Hindi nito itinatago lamang ang iyong Cultivation Level sa ibang mga nilalang kundi ay magkakaroon ka ng kontrol kung ano lamang na mas mababang lebel ng Cultivation ang maaari mong ilabas sa iyong katawan.

Ang kaniyang sariling dantian pala ay maaaring i-lock o i-unlock ang lebel ng enerhiyang maaari niyang ilabas rito sa pamamagitan ng Cultivation Technique na ito. Napakagandang palaisipan Kung paano ito nangyari ay hindi niya alam. Kung sino man ang gumawa ng scroll na ito ay talaga namang nakakamangha ang bagay na ito.

Sinubukan ng batang si Li Xiaolong na ibalik ang kaniyang sariling Cultivation Level sa pinakamababang antas ng Cultivation Level at masasabi niyang mabilis niya lamang itong naisakatuparan. Tunay na esktraordinaryong bagay ito na siyang family heirloom nila. Kung sinuman ang gumawa nito at kung saan man ito nagawa ay walang nakakaalam dahil napakaekstraordinaryong bagay ito na hindi abot ng isipan ng sinuman lalo na sa lugar na kinaroroonan ng apat ns kaharian.

Ngunit mabilis na nagseryoso ang mukha ng batang si Li Xiaolong nang mapansin niya ang maliliit na letrang nakasulat sa ibabang bahagi ng nasabing scroll.

"Huh? Ano kaya ang mga letrang ito. Bakit parang kakaiba ito at hindi pangkaraniwang letra lamang o lenguwahe ang nakasulat." Sambit ng batang si Li Xiaolong nang mapansin nitong tila hindi pangkaraniwan ang bagay na ito lalo na sa letrang tila isinulat o  inukit ito ay hindi niya alam.

Ngunit nang tingnan niyang maigi ito at inalala ang nakasulat sa ibang pahina ng Asura Art of Divinity ay masasabi niyang tila mayroong pagkakatulad rito. Lalo na sa tila komplikadong bagay at mga simbolo na nakasulat sa libro ay tila ganon din sa kakaibang scroll na pagmamay-ari niya ay mayroon ring ganito. Tila ba ang mga bagay na ito ay masasabing hindi kapani-paniwala. Ang alam lamang niya sa kwento kani-kanina lamang ng kaniyang sariling ama ay nakuha lamang ito sa isang Ancient Ruins ng kaniyang ninuno pero ang Asura Art of Divinity ay tila bagong-bago at walang bakas ng pagkaluma how come na ang sinasabing kakaibang scroll na ito ay napakaluma at tila ordinaryo lamang.

Nag-isip-isip pa ang batang si Li Xiaolong ng maiging hanggang sa nagliwanag ang kaniyang sariling mukha sa tila kakaibang ideyang pumasok sa kaniyang isipan na naisip nito.

"Hindi kaya...." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nanlalaki ang kaniyang sariling pares na mata habang nakatingin sa nasabing kakaibang scroll at ng Asura Art of Divinity. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang tila ngayon niya lamang nagpatanto o natuklasang bagay na pagkakahawig sa magkaibang bagay na ito.