Chapter 87

Mistulang nagulat lamang ang magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Tila ba hindi nito batid ang sinasabi ng batang lalaking si Li Xiaolong na kakakilala niya lamang.

"Aalis ka na ba batang Li Xiaolong? Hindi mo ba gustong manatili sa lugar na ito? Kaya kang baguhin ng espesyal na lugar na ito upang maging mas malakas na Cultivator o makapangyarihang Martial Artists na maaaring mamuno sa hinaharap. This is a Heaven-defying opportunity for you, sasayangin mo lang ba ang pagkakataong ito?!" Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang tila makikita ang lungkot at paghihinayang sa tono ng pananalita nito sa mga tingin nito?!

"Hmmm... Kung napakadelikado pala ng lugar na ito ayon sa sinasabi mo ay siguradong ikakapahamak ko lamang ito. Kung sobrang lakas ng mga Remnant Souls dito ay siguradong mamamatay lamang ako bago ko pa makamit ang oportunidad na sinasabi mo." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang tila iniikot-ikot pa nito Ng kaniyang sariling ulo tanda na hindi niya suusbukan ang mga bagay na alam niyang wala siyang kontrol rito.

Kasalungat sa inaasahang lungkot na nararamdaman ay tila napahagalpak naman sa tawa ang magandang babaeng walang pangalan sa kaniyang sariling kinatatayuan. Yung tipong wala ng bukas kung tumawa.

"Hahahahahahahahahaha... Yun lang ang rason mo?! Duwag ka bang bata ka. Hindi ko naman sinabing malalakas na Remnant Souls na ito ay sobrang lakas na hindi kakayanin ng iyong kakayahan. Kapag nakaya mong iabsorb ang mga kaalaman nila at mga karanasan nito ay siguradong ang iyong sariling Cultivation at lakas ay higit na aangat sa mabilis na panahon lamang. Tsaka nandito naman ako eh, isa akong Tagapangalaga ng lugar na ito at kabisado ko ang pasikot-sikot sa mundong ito. Do you think mahihirapan ka sa hinihingi  mong lakas tama ba ko?!" Sambit ng magandang babaeng tila hindi bakas sa tono nito  na nanghihikayat bagkus ay tila pinapaintindi nito ang layunin ng nasabing lugar na ito.

Tila napahawak naman sa kaniyang baba ang batang lalaking si Li Xiaolong. Iniisi p niya ang sinasabi ng magandang babaeng walang pangalan at nagpapakilalang bilang isang tagapangalaga ng kakaibang lugar na ito.

"Dapat ko bang pagkatiwalaan ang nilalang na ito na nasa aking harapan. Given na maayos naman ang anyo nito at kaaya-aya sa paningin ng lahat ng makikita rito ngunit hindi ako basta-basta magtitiwala. Sa mundong ito ay walang bagay na walang kapalit o walang bagay at pabor na binibigay lamang ng libre. Totoo ba ang sinasabi nito? Hayst, naguguluhan ako!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang iniisip nito ang maaaring kahihinatnan ng gagawin niyang desisyon. Napakadelikadong desisyon kung sakaling masamang nilalang ito at mahirap magbigay ng tiwala kaagad sa mga nilalang na bago mo lamang nakilala o nasagupa sa kakaibang lugar pa ito.

"Paano kung trap lang pala ito?!"

"Dapat bang magtiwala sa estrangherong nilalang na ito?"

"Paano kung ipakain niya ako sa mga Remnant Souls na sinasabi nito?!"

"Ano bang sitwasyon ang pinasok kong ito?"

"Papayag ba ko o hindi?!"

Ilan lamang ito sa mga tumatakbong mga katanungan sa isipan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Yung tipong hindi niya alam kung mayroon bang kasiguraduhan na hindi siya mapapahamak sa lugar na ito at sa desisyong gagawin niya ay lubhang napakalanganin talaga. Yung tipong gusto niyang lumakas ng mabilis ngunit paano naman kung meron palang malaking kapalit na hihingin ang magandang babaeng nasa kaniyang harapan lamang na ilang dipa lamang ang layo nito sa kaniya.

Sino bang ayaw lumakas sa mundong ito na ang mga mahihina ay nanatiling mahina lamang pero ang mga malalakas na indibiduwal ay patuloy lamang na lumalakas. Palagi na lamang kawawa at tinatapak-tapakan ang pagkatao ng mga mahihinang nilalang na namumuhay rito.

Kapag malakas ka ay maituturing kang panginoon ng mga lupaing sakop mo pero ang mahihina, isang alipin, insekto at walang halaga ang buhay nito sa mata ng mga sakim na mga malalakas na nilalang.

Gusto niya bang maranasan ito sa kamay ng mga malalakas na nilalang sa mundong ito na maaaring masagupa niya? Ang totoo niyan ay hindi. Hindi niya sukat ang lakas ng Apat na Kaharian at anong misteryo pa ang tinatago ng Apat na kaharian na ito sa mga naninirahan rito. Pansin niyang sa apat na kaharian ay tanging ang Dou City lamang ang maaaring mapuntahan ng apat na kaharian. Gusto niyang tuklasin ang lahat ng bagay na naririto.

Napakalawak ng bawat teritoryo ng apat na kaharian ng Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom maging ng Wind Fury Kingdom ngunit ang sakop ang hiwaga sa likod ng Dou City ay talagang kakaiba talaga.

Sa murang edad niya ay kahit na sabihing Xiantian Realm Expert siya ay limitado lamang ang kaniyang maaaring magawa.

Unlike sa mga magagandang pambatang libro o kaya sa mga kwento ng mga matatanda na puro mga magagandang kwento ay purong kathang-isip at mga pasalin-salin na kwento iyon ngunit ang reyalidad ay tunay na napakasaklap.

Unlike sa mga kwentong iyon na puro magagandang katapusan ang mga naikukwento sa kanila pero ang reyalidad ng mundong  ito ay talagang masalimuot. Kailangan mong maging malakas pero marami kang kailangang isaalang-alang. Madaming Cultivation Resources at mataas na Martial Talents? Kulang pa yan, kulang pa dahil hindi iyon sapat na basehan. Sa larangan ng labanan at karanasan ay maituturing pa lamang na wala pa sa kalingkingan ng mga malalakas na eksperto sa lugar ng apat na kaharian o maging sa Dou City ang maaaring maitapat sa mahinang estado ng pakikipaglaban sa batang si Li Xiaolong.

Napakatalentado? Isang Xiantian Realm Expert sa edad na anim? Imbes na oportunidad ito sa kaniya ay baka maging delubyo lamang ang kasasapitan ng batang si Li Xiaolong.

Kahit sabihing may taong tutulong sa kaniya upang lumakas ay mas maraming tao pa rin ang hahadlang sa kaniya na lumakas. Yung maaaring tumulong sa kaniya ay ipagpalagay na limampo pero ang maaaring ayaw siyang magtagumpay na lumakas ay nasa limampong libong nilalang o higit pa. Hindi naman siya mangmang oara humingi ng tulong sa mga tao o mga nilalang na hindi niya man kaano-ano at baka ito pa mismo ang maghatid sa kaniya sa kapahamakan

Kaya ganon na lamang ang naging reaksyon ng batang si Li Xiaolong kung sakaling tatanggapin niya ang alok nito. Mura lamang ang edad niya ngunit ang kaniyang sariling kaisipan ay namulat sa katotohanan ng mundong ito. Personal benefits is the number one thing involved in every decision and agreement of both parties. Kung walang benepisyo na makukuha ang isa ay tingin mo ba ay papayag ang isa, that's a no. Ano yun hahanap lang siya ng ipupukpok sa sarili niya at mga problema? Walang gains? That's ridiculous.

Maya-maya pa ay biglang nagwikang ang batang si Li Xiaolong.

"Kung papayag ako, ano ang maaaring pabor na hihingin mo? Porket magpipitong taong gulang lamang ako at sa murang edad ko ay mapagsasamantalahan mo ang kahinaan kong ito?!" Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong. Makikitang hindi ito magpapaloko o magpapauto sa magandang babaeng nasa harapan niya na isang estranghero para sa kaniya.

Mariin naman siyang tiningnan ng magandang babae na walang pangalan at misteryo pa rin ang katauhan nito habang makikitang may napakaskil sa mapupulang labi nito.