Chapter 102

...

"Hmmm... Sa tingin ko magandang Binibini ay ang kapwa nito kaharian na Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom lamang ang makakapantay sa lakas ng mga ito.  Liban sa mga ito ay baka mayroong nakatagong pwersa sa likod ng Dou City na maaaaring makatulong sa amin lalo na at isa itong malayang lungsod na masyadong harsh ang environment dito, halos lahat ay estranghero dito lalo na't maramkng mga iba't ibang angkan, pamilya o mga organisasyong namamalagi rito." Magalang na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakatingin ito sa direksyon ng magandang babaeng ilang dipa lamang ang layo mula sa kaniya. Hindi man lang ito umalis sa pwesto niya nor he is.

Pagdating sa lakas ay siguradong bawat isa sa mga kaharian ng Sky Ice Kingdom Hollow Earth Kingdom at ng Wind Fury Kingdom ay masasabing mayroong lakas upang tapatan ang kaharian ng Sky Flame Kingdom. Malaki ang posibilidad na kung makukuha niya ang loob ng mga ito ay maaari silang makaligtas sa banta ng mga ito. Kung karaniwang mga maharlikang angkan lamang sa kaharian naririto sa loob ng Sky Flame Kingdom ay siguradong hindi matatakot ang mga awtoridad na nasa loob nito o makukumbinsing itigil ang nasabing labanan bagkus ay madadamay lamang ang mga ito. Kung malalakas na angkan o pamilya naman na nasa ibang kaharian ay tiyak na malaki ang problemang kakaharapin nila sa awtoridad ng mismong kaharian nila. Kung mapapatunayan ang pangingialam nito ay ibayong parusa ang ipapataw sa mga ito kaya hindi rin magandang solusyon ito.

Sa Dou City naman ay wala talaga siyang masaganang ideya para dito. Wala talaga siyang kaide-ideya kung gaano ba talaga kalakas ang mga ito o mayroon bang maaaring maitutulong ang nasa pwersang naririto. Isang malayang lungsod ito kaya kung makikialam man o masasangkot man ang mga indibiduwal na narirrito ay wala ring maaaring ipapataw sa kanila. This will be rather a better idea na maaaring hingan ng tulong.

Tila napaisip naman ang magandang babaeng nasa isang lugar na kinatatayuan nito at mabilis na nagwika.

"Kung gayon ay mayroon ka bang ideya sa Dou City na ito na sinasabi mong malayang lungsod. To be exact with, walang batas na namumuno rito. Mayroon ka bang maisip na organisasyon o malakas na pamilya rito?!" Sambit ng magandang babaeng nasa harapan lamang ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong habang makikita ang labis na kuryusidad rito. It is really an interesting part para sa magandang babae lalo na at kahit na mayroong mga batas na namumuo sa bawat kaharian ay nag-eexist pa rin ang Dou City na sinasbai ng batang lalaking si Li Xiaolong. Sa puso't isipan niya ay masasabing tila may namumuong pag-asa rito para makaligtas ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong at ang mga inosenteng nilalang na naninirahan o namumuhay ng payapa sa lugar na tinatawag na Green Valley.

Tila nabigla naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa sinabing ito ng magandang babaeng nasa harapan niya. Sabihin na nating alam na ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong na wala na sa listahan ang tatlo pang natitirang kaharian ng Sky lce Kingdom Hollow Earth Kingdom at ang Wind Fury Kingdom lalo na at tila hindi na ito maaaaring makialam sa problemang ito at magreresulta lamang ito ng mas malaking gulo. Masaaabing isang Plan C o last shot na lamang ito if things gone wrong o uncontrollable situations.

"Kinalulungkot ko po magandang Binibini pero wala akong kilalang malakas o maimpluwensyang angkan, pamilya o organisasyon rito. Kahit ang pagpunta po rito ay hindi ko po nagawa." Malungkot na saad ng batang lalaking si Li Xiaolong habang napayuko itong muli. It sound really a dispappointing answer, ayaw niynag umasa o paasahin ito sa maaaring isagot niya.

"Nakakalungkot naman. Sayang at wala kang impormasyong nakuha rito. Mayroon pa namang mga araw upang panahon upang mangalap ka ng impormasyon ngunit mahihirapan ka nga lamang." Sambit ng magandang babaeng nasa hindi kalayuan mula sa pwesto ng batang lalaking si Li Xiaolong. Mahihimigan pa rin ang disappointment sa tono ng pananalita nito at kalungkutan sa narinig nitong sagot aa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.  Sino ba namang hindi diba tsaka normal lang naman yun dahil bata pa ang batang lalaking si Li Xiaolong kaya expected na rin iyon. Disappointed ito dahil sa parang di umaayon ang pangyayaring ito sa batang lalaking si Li Xiaolong na mayroong malaking potensyal na mas lumakas pa habang tumatagal ang panahon.

"Hehehe... Impormasyon lang po ba magandang Binibini, madali lamang iyon lalo na at mayroong branch na nakatayo sa teritoryo ng Sky Flame Kingdom ang Feathers Guild. Sigurado akong hindi ako mahihirapan sa pagkalap ng kakailanganin kong impormasyon patungkol sa Dou City." Masayang wika ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikita nag labis na kasiyahan sa mukha nito.

Tila nanlaki naman ang nagagandahang pares ng mga mata ng magandang babaeng nakatingin sa direksyon ng batang lalaking si Li Xiaolong. Tila ba may kung anong klaseng emosyon ang nakapaloob rito.

Maya-maya pa ay bumakas ang kagalakan sa mukha nito.

"Feather Guild? Tama ba ako ng rinig? Feather Guild ba kamo?!" Tanong ng magandang babaeng habang nakatingin sa direksyon ng batang lalaking si Li Xiaolong habang bakas ang tuwa sa mukha nito lalo na sa tono ng pananalita nito.

Tila naningkit naman ang mata ng batang lalaking si Li Xiaolong sa tila pagbabago ng mood ng magandang babaeng nasa hindi kalayuan mula sa kaniyang kinaroroonan. Halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan dahil pakiramdam niya ay ibang iba ang reaksyon nito ang kaniyang sariling sinabi.

"Opo magandang binibini. Talagang mapagkakatiwalaan ang Feathers Guild sa pangangalap ng impormasyon lalo na sa pagbibigay ng serbisyo nito without leaking your identity." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila pinagmamalaki talaga ang nasabing guild na ito lalo na sa pagbibigay ng mga totoong impormasyon.

"Feathers Guild, totoo nga, hindi ako makapaniwala na nag-eexist ang Feathers Guild sa maliit na lugar na ito. Maaari akong matulungan ng mga ito patungkol sa impormasyon hinggil sa Tang Empire. Hindi ako maaaaring magkamali na nag-eexist pa rin sila sa kasalukuyan." Sambit ng magandang babae sa isipan niya lamang. Masyado siyang na-immerse sa pag-iisip kung kaya't hindi niya napansin na napatagal ito.

"Yoohoo, narinig niyo ba magandang Binibini ang aking sinabi." Pag-uulit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang nangunot pa ang noo nito.