Chapter 108

Naghihintay lamang sa labas ng lagusan ang magandang babaeng walang pangalan sa pagbabalik ng batang lalaking si Li Xiaolong. Masasabing kahit naiinis siya sa batang bubwit na anim na taong gulang pa lamang na batang lalaking si Li Xiaolong ay hindi naman niya maaatim na mapahamak ito.

Sa totoo lang ay ngayon lang siya nainis at napikon. Naiinis siya sa sobrang pagiging ignorante nito. Inaasahan niyang magtatagumpay ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang ginagawang pagpunta sa loob ng nasabing lagusan kung saan naroroon ang nasabing mga bolang liwanag.

"Hmmm... Nakalimutan ko palang sabihing limang bolang liwanag pala ang naroroon. Pero sinabihan ko naman siya na ang pinakamaliit na bolang liwanag ang kukunin niya. Tiyak naman akong iyon ang kukunin niya dahil hindi ko naman masasabing may abilidad ito ng malaki sa pag-absorb ng Soul Fragments." Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang pinagmamasdan pa rin ang nakabukas na lagusan sa himpapawid. Masasabi niya naman kasing hindi ganoon kalakas ang kaluluwa ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong lalo na ang will nito. Base sa pagiging ignorante nito sa mga bagay-bagay ay tila wala rin itong kaalam-alam sa nasabing Soul Fragments at Remnant Souls.

Hindi niya alam kung maiiyak, manghahamak o matatawa siya sa kasalukuyang estado ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong. Napakahina kasi nito. By relying sa Cultivation Resources nitong miniminang kristal na Blood Gem Crystals ay masasabing hindi naman ito nagpapatunay na talentado nga ang batang lalaking si Li Xiaolong dahil ang kakayahan ng Blood Gem Crystals ay talagang mabilis na magpataas ng Cultivation Level ng isang Martial Artists o mga nilalang na magco-consume ng pambihirang bagay na ito na maituturing na Heaven-defying na bagay. Isa ito sa pinakamahirap hanaping Cultivation Resources dahil minimina ito ngunit masasabing napakaepektibo nito. Kung marunong lamang tumuklas ng panggagamitan ang batang lalaking si Li Xiaolong ay siguradong hindi lamang gamit sa pagpapataas ng Cultivation ang mga ito.

Kung hinahanap at pinupuntirya nga ng kaharian ng Sky Flame Kingdom ang nasabing Blood Gem Crystals at mahanap ng mga ito ang nasabing kayamanan sa loob ng lupain ng Green Valley ay tiyak na malaking pagbabago ang mangyayari sa apat na kahariang ito. Base na rin sa kwentong isinalaysay ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong ay masama ang pamamalakad ng kahariang ito lalo na ang pagtrato sa kanila.

Pero iwinaksi niya muna ang mga naiisip na ito. Mas iniisip niya ang kapakanan at resulta ng isinasagawang pag-absorb ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa loob ng nasabing Separate area kung saan naroroon ang limang Soul Fragments.

Ngunit bigla na lamang nanlaki ang dalawang mga mata ng magandang babaeng nang may masamang ideyang pumasok sa kaniyang sarili isipan.

"Naku naman, napakaignorante pala ng batang lalaking si Li Xiaolong na iyon. Baka pati ang mga Soul Fragments na iyon ay hindi niya matukoy kung alin doon ang pinakamalaki o pinakamaliit doon o worse ay baka hawak-hawakan niya ang mga ito dahil sa pagiging ignorante nito. Aist, Malaking problema ito!" Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang tila hindi maipinta ang mukha nito sa mga oras na ito. May pagkatanga pa naman kasi ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong at wala siyang naiisip kundi negatibong resulta para sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

...

Tila ba makikitang naningkit ang pares ng mga mata ng batang lalaking si Li Xiaolong kung saan ay inoobserbahan niyang maigi muna ang mga nakalutang na hugis bolang liwanag sa ere.

Masasabing mahigit kumulang tatlong minuto na lamang ang natitira sa kaniyang panahon rito.

"Kailangan kong magmadali kung gusto kong mabuhay at hindi ma-trap sa lugar na ito." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang sarili lamang. Makikitang tila ba hindi ito maaaring magkamali sa mga bagay na alam nitong mahirap sa kasalukuyan niyang estado. Isa pa ay unti-unting magda-die out ang sariling katawan niya kung sakaling mawala o matrap siya sa lugar na ito.

Nanghihinayang man ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang naaksayang mga oras ay kampante pa rin siyang maaari pa rin siyang makaabsorb ng bolang liwanag na ito.

Gamit ang kaniyang sariling mata ay tila ba masasabi niyang wala na siyang aaksayahin na panahon dahil malapit ng sumara ang nasabing lagusan palabas ng lugar na ito.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at mabilis niyang pinuntahan ang pinakamaliit na kulay puting bolang liwanag at mabilis siyang napapikit.

POOOFFFFFFFF!!!!

Pagkahawak na pagkahawak pa lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong sa nasabing napakaliit na hugis bolang kulay puting liwanag ay naramdaman niyang biglang rumagasa ang napakaraming mga impormasyon sa kaniyang sariling kaisipan. Tila ba ang mga bagay-bagay na tila siya ang gumagawa ay masasabing parang totoo, na siya yung mismong naglakbay at sumuong sa napakapanganib na lugar.

Mas nangilabot siya sa mga impormasyong rumagasa sa kaisipan niya. Mabuti na lamang at natural na may phographic memory at kayang magclassify ng mga impormasyon ang isang martial artists kaya hindi na naging problema sa kaniya ang paghahanap ng impormasyon sa loob ng kaniyang kaisipan. Tila ba implanted na ito sa kanjyang isipan.

Sa paghalukay niya nga sa newly acquired memories ay tila marami siyang natutunan rito, mga panunang lunas, paghanap ng mga natural na pagkain sa masukal na mga lugar, paghandle sa isang delikadong sitwasyon lalo na sa mga mababangis na hayop na maaaring masagupa mo sa mundong ito.

Marami ring mga basura at wlaang kwentang mga impormasyon siyang nakalap kung kaya't mabilis niyang nilaktawan at isinantabi ang mga ito.

Marami siyang nilaktawang mga impormasyon at maya-maya pa ay nanlaki ang pares ng mga mata ng batang lalaking si Li Xiaolong nang isang mahalagang impormasyon ang nahalukay at nakita niya.

Isang pambihirang mapa? Ito nga ang sinasabi ng magandang babaeng walang pangalan na iyon. Naoakapambihira nga ng mapang ito, kahit ako ay hindi ko alam kung para saan ang mapa na ito at ang mga simbolong naririto sa nasabing mapa. Wala naman akong pakialam dito basta alam ko ay isang mahalagang mapa ito. Saan kaya nito nakuha ang mapang ito?! Hindi niya alam ngunit alam niyang naoakapambihira nito.

Ngunit napaisip bigla ang batang lalaking si Li Xiaolong sa sinabi kanina ng magandang babaeng walang pangalan sa kaniya mula sa laba ng lagusang ito. Masyado kasi siyang inuuto nito.