Chapter 122

Sa pangalawang palapag naman ng gusali ay tila hindi naman mapakali ang lalaking si Manager Chi sa nabalitaan niya mula sa mga kapwa niya manager. Apat silang manager na nagma-manage ng mga transactions ng mga martial arts expert na nagiging customern g Feathers Guild. Masasabing ang mga pangyayaring nangyayari ngayon ay tila ba nag-eexcalate na patungo sa mas komplikadong pangyayari.

"Hay naku Manager Chi, kung di ka ba naman tatanga-tanga edi sana ay hindi mangyayari ang nasa unang palapag." Sambit ng isang lalaking si Manager Bolin. Mas nakakatanda ito ng ilang taon kay Manager Chi at tila pinapangaralan niya pa ang lalaking si Manager Chi.

"Di kasi nag-iingat eh. Alam mo namang napakaimportante ng mga bagay na nangyayari sa loob ng Feathers Guild. Kung di ka naging pabaya ay hindi mangyayari ang pangyayaring ito." Sambit ni lalaking si Manager Huan bago magsalita sana si Manager Chi.

"Ayan kasi ang napapala sa pakialamero at nakikipagkaibgan sa sipsip na babaeng si Lu Lan!" Sambit ng isang babaeng manager na si Manager Changyin tila ba matindi ang inis nito sa magandang babaeng si Lu Lan.

"Ano ba kayo, kung magsalita kayo ay parang kasalanan ko tong lahat ah." Himutok naman ng lalaking si Manager Chi sa tatlong kasamahan nito. Alam naman niyang may kasalanan siya pero parang nagmumukha atang siya ang gumawa ng bagay na ito na hindi alinsunod sa nakagawian nila.

"Ay malamang kasalanan mo, sana ay di mo pa rin kinunsinti ang babaeng si Lu Lan." Sambit ng babaeng Manager ma si Manager Changyin.

"Oo nga kahit ako ay napapaisip na medyo kasalanan mo nga ito. Hindi naman lahat. Alam mong hindi maayos ang relasyon ni Lu Lan sa kaniyang sariling amang si Guild Master Chen Hui." Sambit ng lalaking si Manager Bolin hàbang makikita ang pangamba sa tono ng pananalita nito. Alam na rin nila ang di pagkakaunawaan ng mag-amang ito na siyang di pa naaayos. Kahit sila ay mamomroblema rito.

"Sinabi mo pa, baka mapang-abot ang mga ito. Alam mo naman kung gaano kaistrikto ang Guild Master na si Chen Hui " Sambit naman ng

Lalaking si Manager Huan. Makikitang tila hindi maaaring baliwalain ang ugali ng nasabing Guild Master. Saksi siya khng gaano ito kaistrikto at disiplinado sa mga bagay-bagay lalo na sa pamamahala ng buong branch ng Feathers Guild sa loob ng kaharian ng Sky Flame Kingdom.

Tila napaisip naman ng malalim ang lalaking si Manager Chi sa mfa sinabing ito ng tatlo niyang kapwa manager. Masasabing ang kanilang mga payo ay lubos na nagpaisip sa kaniya ng mga bagay-bagay.

"So ano ang gagawin ko upang malampasan ko ang problemang ito?!" Tanong ng lalaking si Manager Chi habang nakatingin sa tatlo niyang kapwa manager ng Feathers Guild na branch dito.  Alam niyang malaki ang magiging epekto nito sa kaniyang trabaho bilang manager.

Nagkatinginan naman ang tatlong manager nangtila makitang nangangamba ang kanilang kapwa manager.

...

Tila lumaganap na parang sunog ang pagdating ng Guild Master sa grounoor kung saan ay dumiretso ito patungo sa nasabing Investigation Area.

Kasalukuyang nandoon ang Guild Master na si Chen Hui kung saan ay kasama pa nitong pumasok ang isang lalaking si Manager Chi at ang babaeng taga-assist ng customer nito na si Lu Lan.

Mabilis na nagkaroon ng pag-uusap ang mga ito. Tila ba ang atmospera ay naging mabigat sa lugar na ito. Yung tipong napatahimik lamang sina Manager Chi at Lu Lan maging ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong habang ang atensyon nila ay nasa lalaking si Guild Master Chen Hui haabng hawak-hawak nito ngayon ang dala-dalang papel ng batang lalaking si Li Xiaolong kani-kanina lamang.

"Kung ganon ay sinasabi mo na ang bagay na ito ang pinunta mo rito upang iparating sa Guild Master ng mismong Feathers Guild?!" Seryosong pagkakasambit ng tanong ng nasabing Guild Master na si Chen Hui habang nakatingin ito ng kakaiba sa batang lalaking si Li Xiaolong.

Tila nagkaroon naman ng mabigat na atmospera ang maliit na silid na ito. Though hindi naman ito sobrang liit pero ang kakaibang tensyon ay mas nagpapahigpit at nagpapaliit ng lugar na ito.

"Kung inyo pong mamarapatin Ginoong Guild Master Chen Hui. Nais kong makipagnegosasyon sa mismong Guild Master ng Feathers Guild." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Iniiwasan nitong mautal o pumiyok man lang. Aaminin niyang nakakatakot ang humarap sa lalaking nasa harapan niya. Di niya alam kung anong klaseng nilalang ang nasa harapan niya. Maski ang lebel ng Cultivation nito ay hindi niya masukat o malaman man lang. Isa lamang ang alam niya, isa itong ekspertong mas higit na nakakalakas sa kaniya.

Naalala niya nga ang sabi ng magandang babaeng nasa loob ng pambihirang kwentas na suot niya na siyang isang Spirit Artifact. Mas nakakatakot talaga ang mga ekspertong hindi mo batid lalo na kung isa itong awtoridad o may poaisyon sa Feathers Guild.

Natatakot o nakakaramdam man siya ng pangamba ay hindi naman siya yung taong aatras lamang ng basta dahil lang sa lebel ng Cultivation nito. Isa pa ay naturingang magalang at may reputasyong iniingatan ang sinumang nagtatrabo sa Feathers Guild maging ang Guild Master. Talagang tinitibayan niya lamang ang kaniyang sarili.

"Hmmmp! Ang lakas ng loob mong sabihin yan sa akin bata. Sino ka at saang angkan ka nagmula?" Ma-awtoridad na sambit ng Guild Master na si Chen Hui habang makikita ang labis na paniningkit ng mata nito.

"Li-Li Xiaolong po, mula sa L-Li Clan." Magalang na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang pinipigilan nitong mautal ngunit magkaganon man ay bakas ang pagpiyok sa boses nito. Halatang kinakabahan ito.

"Hmmmp! Li Clan ba kamo? Hahaha... Ano  na naman ang gimik ng isang angkang kinaiinisan ng mismong kaharian ng Sky Flame Kingdom? Hindi ko aakalaing hanggang ngayon ay tila ba gusto pa ring tumaliwas ng angkan niyo sa Kahariang kinabibilangan nito!" Direstong sambit ng lalaking Guild Master na si Chen Hui habang makikita ang panghahamak sa tono ng pananalita nito.

Tila nakaramdam naman ng ibayong inis ang batang lalaking si Li Xiaolong sa tono ng pananalitang ito ng nasabing Guild Master sa branch na ito na si Chen Hui.  Makikitang tila ba mayroong kung ano'ng klaseng pinupunto ito.